Chereads / Moving On (Tagalog) / Chapter 6 - Chapter Six : Moving On

Chapter 6 - Chapter Six : Moving On

"Lilipat ka na ba ng unit?" Nagtatakang tanong sa akin ni Xia nang madatnan niya akong kinakarton ko ang iba sa mga gamit ko.

Nanlaki mata ni Xia. May naisip nanaman itong ibang dahilan. "Uuwi ka na ba ng Probinsya?"

Hindi pa rin ako sumagot. I'll let her wild imagination drive her crazy.

"Ano ba kasi nagging usapan niyo ni Kit? Akala ko nagkaroon kayo ng peace talk kaya ka niya pinuntahan?"

"Paano mo nalaman na pinuntahan ako ni Kit?" taka kong tanong at napahinto ako sa ginagawa ko.

"Kasi nakita ko. Bibisitahin sana kita para kamustahin pero nakita kong nauna na si Kit sa akin. Kaya umuwi na lang ako," paliwanag ni Xia.

Ah. Oo nga pala. Siya nga pala dapat ang kasama ko 'yung araw na iyon.

"Resume na ako sa work ko sa isang araw. Nagka-ayos na kami ni Kit," maiksi kong paliwanang at binaling ko ulit atensyon ko sa pag-aayos ng gamit.

"'Yun na 'yun? Wala na bang iba?" Xia said with her nakakalokong look.

"Tulungan mo na nga lang ako," pag-iiba ko tapos inabot ko kay Xia 'yung isang box.

"Itong mga ito, tapos hanggang sa may baba, ilagay mo sa box," I instructed. Lahat ng display sa cabinet sa tabi ng TV.

"Itatapon mo na ba lahat? Mukhang matino pa naman ito," Xia said habang ini-inspect ang mga gamit.

"Yes. Magmo-move on na talaga ako. Totoo na. Lahat kasi ng iyan, galing kay Mat," paliwanag ko.

"Totoong move on? So pekeng move on pala ginagawa mo this past two years. Ang weird." Pailing-iling si Xia sa narinig niya.

"'Yung bed ko pa pala, Xia. I need to dispatch it also."

"What?" Gulantang na saad ni Xia. Lumapit siya sa akin at bumulong, "May nangyari bas a inyo ni Mat sa bed na 'yan?"

Tinulak ko siya palayo. "No way!" I said.

"The time kasi na binili ko 'yan, si Mat ang iniisip ko. Na one day, we will be sleeping together in that bed. Total move on na kasi gagawin ko. Kaya lahat ng magpapa-alala sa akin kay Mat, kailangang mawala sa paningin ko. Out of sight, out of mind," naka-smile ko pang paliwanag.

Sana nga okay na talaga ako. Kaya ko na banggitin ang name ni Mat na hindi na ako nasasaktan.

"Kunin ko na lang lahat ng idi-dispatch mo. Sa unit ko nalang ikaw magtapon. Sayang kasi ito oh. Pati itong mga pinagkakarton mo. Lahat matitino pa. Mas fit ka sa box e. Kasi ikaw 'yung hindi na matino," asar pa sa akin ni Xia.

"Sure. Kaso sa liit ng unit mo, I don't think kakasya lahat ng gamit na 'yan." Tapos tinaasan ko pa siya ng kilay.

Xia helped me organize all my things. Halos wala na matitira sa gamit ko. And by the way, pinagbebenta niya ang mga gamit ko online. Business minded talaga itong kaibigan ko. Akalain mo, ang basura naging pera.

To reward ourselves, we decided na kumain sa medyo mamahaling restaurant. Gusto ko rin i-celebrate ang pag move on ko. Totoong move on na talaga. Nalaman ko na ang sagot sa tanong ko. No need for me to hold on. I wasted my precious two years sa pag-aantay sa wala.

Nag-aantay na kami ngayon ni Xia na i-serve sa amin ang order namin. Hindi ko naman ito first time kumain sa mamahaling restaurant pero naninibago ako sa ambiance rito.

Siguro nataon lang na puro seryoso ang customers nila. Wala kasi masyadong maingay.

"Parang nakakatakot magsalita rito," bulong ko kay Xia.

Pakiramdam ko kasi, kapag magsasalita ako sa normal kong boses, mag stand out ang boses ko.

Natawa lang si Xia sa sinabi ko at umiling-iling.

"Mas sanay ka na ba ngayon sa mga bar?" Natatawang saad pa nito.

She's teasing me. Mga isang taon niya siguro ako aasarin sa nangyari sa bar.

Maya-maya pa, dumating na rin ang order namin.

I think I'm drooling. Mukhang masarap ang pagkain. Sa amoy palang kasi nakakagutom na.

I started with the pizza. Nag melt talaga kasi ang cheese ng mozzarella pizza.

Napapikit talaga ako sa first bite. This is the price of my moving on!

Nagwo-worry pa ako kanina kung paano namin uubusin ni Xia lahat ng order naming dahil punong-puno ang table naming ng food. Pero ngayon, pakiramdam ko e kulang pa.

Nagayon ko na-realize kung bakit tahimik sa restaurant na ito. You don't have the time to talk kasi you want to finish all the foods first. Five star for this restaurant!

Sabay din kaming nagtinginan ni Xia after naming maubos ang pagkain at natawa sa isa't-isa.

Napasandal pa si Xia sa upuan niya dahil sa kabusugan.

"Kailangan natin mag gym bukas," saad pa ni Xia.

I just rolled my eyes on her. Enjoy muna namin ang Malaki naming tiyan.

Tatayo sana ako para pumuntang cr nang makita ko sa buka ng restaurant ang current girlfriend ni Mat.

Mabilis akong yumuko. Tinatago ko ang mukha ko. Baka kasi makilala niya ako. It's a chaos! Nakakahiya 'yung ginawa ko sakanya.

"Bakit?" Nag-aalalang tanong ni Xia.

"Yung girlfriend ni Mat. Andito," mahinang saad ko kay Xia habang pilit ko paring tinatago ang mukha ko.

Medyo sumilip ulit ako at napansin kong nakapuwesto na sila hindi kalayuan sa pwesto namin. Medyo nanlaki rin ang mata ko sa nakita ko. Kasama kasi niya si Kit.

"How do they know each other?" Sa isip ko pa.

Napansin kong tumayo si Kit kaya yumuko ulit ako.

"Cuz!" Tawag pa ng girlfriend ni Mat.

Pagkatawag sakanya, bumalik ulit siya sa table nila. Mukhang may conflict sa order nila.

"Magpinsan sila?"

"Ha? Sino?" Clueless pa rin si Xia sa nangyayari.

"Oh." Napalingon kasi si Xia sa pwesto nila Kit. "Nakabalik na rin pala si Melody from the States. Baka mag start na siya mag work bukas," dugtong pa nito.

"Kilala mo?" nagtataka kong tanong.

"Bakit naman hindi? Pinsan siya ni Kit at siya ang assistant manager sa department natin," Xia replied.

Pakiramdam ko gumuho na mundo ko. Sana lamunin na lang ako ng lupa na buong-buo.

-----End of Chapter Six-----