REO'S POV
Ding dong! Ding dong!
"Bakit anong oras na ba?" unti-unti kong minulat ang mata ko at kinapa ko ang alarm clock ko sa tabi ng higaan ko.
"Alas otso pa lang ha? Ang aga naman ni Xia." Bumangon na ako ako at agad na tinungo ang pintuan.
Pagbukas ko sa pintuan, agad din akong tumalikod. Papunta akong cr upang magmumog at maghilamos.
"Ang aga mo Xia." Sabay humikab ako habang tinutungo ko ang cr.
"Dalawang araw ka nang hindi pumapasok. Nag-aalala na ako."
Napahinto ako. Boses lalaki. Hindi si Xia ang pinapasok ko sa condo unit ko.
Agad akong napaharap sa kanya, "Kit?"
"Sa susunod, tignan mo muna ang pinapapasok mo," ngiti nitong saad at dumeteretso siya sa couch at naupo.
"Bakit ka andito?" Sinundan ko siya.
"Binibisita ko lang naman ang empleyado ko. Dalawang araw na kasi siyang hindi pumapasok matapos akong su-"
"Tama na!" I cut him off.
"About that, I'm sorry," I said in a low tone.
"Hindi kita mapapatawad." Nakaseryoso siya.
Sabi ko na nga ba, walang silbi ang sorry ko.
"Hindi ko hinihingi na mapatawad mo ako. As long as you know that I'm sorry about that. That's not intentional after all," paliwanang ko.
"Baka pwedeng mag tooth brush ka muna bago ka mag sorry?" Natatawa niyang saad tapos mapang-asar niyang pinagmamasdan ang kabuuan ko.
The bully guy is really back! Mabilis ko siyang tinalikuran at tinungo ko ang cr upang ayusin ang sarili ko.
"Akala ko kung sino." Nagulat ako nang makita ko ang repleksyon ko sa salamin.
Gulo-gulo ang buhok ko, halatang bagong gising. Halata rin ang lumalawak na dark cicle sa mata ko, kakaisip ko kung paano ako mag-sorry kay Kit. Ang oily din ng kabuuan ng mukha ko.
Inamoy ko ang hininga ko.
"Ang baho."
Habang naghihilamos ako, bigla akong napaisip. Bakit naman kaya ako sinadya ni Kit? Imposibleng para asarin lang ako? Napailing-iling na lang ako habang napapaisip ng kung ano-ano.
"Bakit anong ginagawa mo?" tanong ko kay Kit nang makita ko siya sa Kitchen at naka-suot sa kanya ang apron ko.
"Kumain ka na ba? I'll make some for breakfast," he said.
Masyado na ata siyang feel at home.
Linapitan ko siya at pinanood ang ginagawa niya. Parang kabisadong kabisado niya ang kitchen ko. Pati kung saan nakalagay ang mga utensils ko.
"Have been here before huh?"
Tinignan niya lang ako at napa iling-iling siya.
"About sa nangyari, I'm sincerely sorry," I said habang nakatingin sa hinihiwa niyang cucumber.
"What do you mean? For you being drunk? Or the past three years ago?" he put down the knife and looked at me waiting for my answer.
"For me being drunk."
"So you're not sorry about what happened in the past?" then he picked up the knife and continue chopping the cucumber.
"Pwede ba nating kalimutan na 'yun?" I sat in the vacant chair beside him. "We were immature at that time then," I added.
"Sure. In one condition." He paused for a while and gave me a wonderful smile. "Give me another chance. Magsimula ulit tayo. I'm willing to wait," dagdag niya, and I can feel the sincerity of his words.
"You know how mess I am. At isa pa, wala pa akong oras sa ganyang bagay. I need time for myself."
"You're just only making excuses." He forcedly smiles.
"Tama ka. I may not be your old friend anymore, pero makakaasa ka na magiging reliable employee ako sa Compay niyo. That's the least thing I can do for you," paliwanag ko.
"So postpone na ang plan mo mag resign?" he tease me. 'Yan nanaman siya.
"Yeah." Sabay kaming tumawa.
"I'm now at ease kahit papaano." He paused for a while. "Masyado na ba akong greedy kung hihilingin ko na huwag mo akong iwasan?"
I only smiled at what he said.
"You know me. I act childishly lalo na kung iniiwasan mo ako," natatawa niya pang dagdag.
"Okay. Okay. Hindi na kita iiwasan."
I admit. I'm happy. Matagal na rin na panahon bago ako nakangiti nang ganito. I only have Kit as my best friend during my college years. It's difficult that we end up this way. Pero now, we just make up for our mistakes back then. Nakakahinga na ako ng maluwag at nakakangiti na ako ng masaya. It's just a matter of time for the wound to heal; for the trust to fix.
"Wow. You're a great cook," I amazingly said nang ihain ni Kit ang niluto niya.
Tinanggal niya muna ang apron na nakasuot sa kanya at naupo siya sa tapat ko.
"Looks are deceiving. Tikman mo muna ang luto ko before judging," he uttered.
Maingat niyang nilagyan ang plato ko ng pagkain.
"Thank you," I said nang malagyan niya ito.
He gestured his hand na i-try ko na ang niluto niya.
I take one bite and I am surprisingly amazed by the taste of it. Tama lang ang combination ng alat at asim sa chicken na niluto niya.
"What do you think?" he's waiting for my answer.
Nag thumbs up na lang ako as a response at tinuloy ko ang pagkain. It's been a while na makakain ako ng totoong homemade food.
"Dahan-dahan lang, hindi kita aagawan. You can have it all." Kinargahan niya ng tubig ang baso ko.
Ininom ko muna ang tubig bago magsalita.
"Ang sarap mo magluto. Kailan ka natuto? I honestly don't know how to cook," I said.
Ngumiti lang siya as a response at sinimulan na niyang kumain.
I have a feeling na may mali akong nasabi. Napailing na lang ako habang pinagtatanto kung ano ang maling kong nasabi.
"I guess you forgot," he said with his disappointed expression. "I started to cook in college. Since I met you to be precise," he added.
I don't exactly get his point. Napakunot noo na lang ako sa sinabi niya.
"Naalala mo ba 'yung time na you and Mat almost broke up?"
"Yes," I said habang tumatango.
"Nakipag-ayos ka sa kanya thinking that kay Mat galing ang lunch box na iniwan ko sa table mo. That's the first time I cooked," paliwanag niya.
Napa-iling iling na lang ako sa nalaman ko. Naalala ko 'yung lunch box na 'yun. Everyday ako nagki-crave sa food na 'yun nang matikman ko. It's delicious indeed. Akala ko kay Mat talaga iyon galing. Kinilig pa ako sa effort niya. Only to find out na kay Kit pala galing iyon.
"Pero bakit hindi mo sinabi na sa 'yo galing iyon? After all this time, akala ko nag effort si Mat sa akin," I said while leaving bitter smile. I'm a bit disappointed.
"I actually plan to tell you. Pero, nakita ko kung gaano ka kasaya thinking na kay Mat galing. I don't want to ruin your good mood that's why," paliwanag niya.
-----END OF CHAPTER FIVE-----