KIT'S POV
"Son, I don't know what's running on your mind. That school is not competitive compared to the elite schools that I am offering to you," dad said in his calm voice.
"Dad, it's not about the school. No matter what school I enter, I'll make sure to study well," I replied.
Nagtatalo kami ni dad sa papasukan kong school para mag college. I know I belong to those elite schools that are competitive enough as my dad said. My dad owns Construction Company and a shareholder of one of the biggest Advertising Company in the Philippines. Ako ang tagapagmana ng business niya because I'm his only son. May mga kapatid ako kaso puro babae.
Being soon to be the CEO of the Company, gusto ni dad na maganda ang background ko. I understand him but I also have my own reason.
Pinatong ni dad ang kanang kamay niya sa balikat ko.
"I know na hindi mo ako bibiguin my son. If that's your decision, then I will respect it. I'm here to guide you," dad said.
"Thanks dad." Napangiti ako sa sinabi ni dad. I'm thankful to have him.
After that, lumabas na siya sa room ko. I know mabigat ang responsibility na nakapatong sa akin. Pinili ko ang simpleng eskwelahan dahil kay Miss Reo Fuentes. I heard na sa simpleng university siya mag-aaral kaya susundan ko siya doon ngayon. It's not because I like her. But because of what she done to me.
Nakalaban ko siya sa isang quiz bee competition. I represented the school I belong and same is through with her. Of all the competition na sinalihan ko, it's my first time na mag first runner up. Ako palagi ang champion. Hindi man aminin ni dad, I know na disappoint siya sa nangyari. It's Miss Reo Fuentes' fault after all. That's why I'm chasing her to prove that I am better than her. I know I may sound childish but it hits my pride. By this time, gusto kong pagbigyan ang aking sarili.
I talked to the teachers of that university para maging classmate kami ni Miss Reo sa lahat ng subject. Marami ang nag o-offer kay Miss Reo na malalaking schools like elite schools for free but tinanggihan niya lang ito at pinili ang simpleng university. I'm wondering why. She's quite above normal maybe.
'Reo, can you be my girl?' I saw that banner in front gate of the school. First day of school, ganyan ang naabutan ko.
"Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko."
On the right side of the banner, I saw Miss Reo. May lalaking nag-abot sa kanya ng bouquet. Maybe that guy is her suitor.
Marami ang nagtiliang mga kababaihan. What a waste of time.
"Be mine and I promise na hindi kita sasaktan," said the guy.
"Reo, sagutin mo na si Mat!"
"Yie! MatReo love team!"
Mga walang kwentang salita. Aalis na sana ako nang biglang nagresponse si Miss Reo.
"Yes, Mat. Starting today, I am now your girl," kinikilig na saad ni Miss Reo.
Buong akala ko matalino siya. Mukhang nasayang lang ang oras ko na sundan siya rito.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at tinungo ang class room.
Napabuntong hininga ako sa naabutan ko. Expected dahil simpleng unibersidad lang naman kasi ito. Hindi gaanong malamig ang buga ng air conditioner. May pagkaluma na ang white board na gamit. May black board pa sa tabi nito. Umupo na lamang ako sa medyo gitna. Muli kong nilibot ang mata ko sa paligid. Isang buntong hininga na lang ulit ang binigay ko.
"May nakapuwesto ba rito?" tanong sa akin ng isang babae na medyo may kaitiman.
Tinignan ko muna siya mula ulo hanggang paa.
"Meron," tipid kong sagot.
Mula sa likuran ng babaeng 'to, napansin ko si Reo na naghahanap ng maari niyang mapuwestuhan.
"Reo!" Tawag ko.
Tumingin muna siya sa paligid. Naninigurado na siya nga talaga ang tinawag ko.
"Ako?" tanong niya sabay turo sa kanyang sarili.
"'Di ba, nagparesba ka ng upuan? Eto oh." Sabay turo ko sa bakanteng upuan na katabi ko. I want to keep my enemy closer.
Nagtataka siyang palapit sa puwesto ko. Tinitigan niya muna ako ng medyo matagal.
Napansin ko naman ang pag-irap ng babaeng may kaitiman bago siya umalis at naghanap ng iba niyang pupuwestuhan.
"Magkakilala ba tayo?" nagtatakang tanong ni Reo. Nakatayo pa rin siya at nag-aalinlangan na umupo sa tabi ko.
"Nakalimutan mo na ba? Quiz bee?" pagpapaalala ko.
Napakunot ang noo niya habang inaalala ito.
"Ah! Tama! Friend!" Nagliwanag ang kanyang mukha at mabilis na umupo sa tabi ko.
After the competition kasi, nilapitan ko siya at nakipagkamayan. Tinanong ko siya kung puwede ba kaming magkaibigan.
"Tignan mo nga naman, maliit talaga ang mundo. Buti na lang at magkaklase tayo," masaya pa niyang dugtong at hinarap ako.
Medyo nailang ako sa inasta niya pero tiniis ko na lang ito.
"Pero bakit dito napili mong eskwelahan?" tanong niya habang isa-isang nilalapg ang gamit niya sa mesa.
Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya kaya natigil siya sa ginagawa at napatingin sa akin.
She gave me what's-wrong-look.
"Hindi ko alam," pagsisinungaling ko.
"Ikaw? Bakit dito napili mo?" dugtong ko.
"Dito kasi ako nababagay," maiksi niyang sagot at tinuloy ang paglabas ng mga gamit niya.
"Anong ibig mong sabihin?" kunot noo kong tanong.
"Kung titignan mo ang eskwelahan na ito, simple. Hindi kalakihan kumapara sa mga elite schools na nakapaligid. Hindi napapansin. Walang ibang espesyal sa eskwelahan na ito," paliwanag niya.
Hindi ko pa rin siya maintindihan. Nababagay siya rito dahil walang ibang espesyal sa kanya tulad ng eskwelahang ito?
"Hindi ko kayang makipagsabayan sa ibang eskwelahan na ang mga estudyante'y anak mayayaman. Kung minsan, nagiging batayan ang estado sa buhay sa pagkuha ng mataas na grades. Kumpara rito, nasa average people lang. Pero once na sumabak sa mga competition, asahan mo mas competitive mga students dito. Sa mga ganitong eskwelahan ako nahasa. Labanan sa utak hindi sa estado," mahaba pa niyang dugtong.
Napaisip ako sa sinabi niya. Parehas naming gustong patunayan ang aming sarili kaya kami pumasok sa eskwelahang ito. Ang pinagkaiba nga lang, sa magkaibang layunin. Pero mas makatarungan kay Reo. Sabihin na nating medyo naiintindinhan ko siya, pero palagay ko may iba pa siyang ibig sabihin sa sinabi niya.
Napatingin ako sa sahig at napansin ko ang sapatos ni Reo. May kalumaan na ito at may tastas pa sa gilid. Tumaas ako ng tingin at napansin ang pantalon niyang medyo kupas na. Tinaas ko pa muli ang aking tingin at napansin ko ang suot niyang blouse na simple lang. Hindi branded. Hindi kagaya ng mga dati kong kaklase, first priority nila ang kanilang outfit for the day.
Dito ako unang nakaramdam ng sympathy.
-------End of Chapter Four-------