REO'S POV:
"Waaah! Waaaaah! Waaaaah!"
"Reo! Ano bang nangyari?" Nag-aalalang kinakalampag ni Xia ang door sa isang cubicle sa comfort room.
"Waaaaah! Waaah!"
"Bakit anong problema ni Reo?"
"Hindi ko ba alam. Pumasok siya para lang umi----"
"Waaaah!"
"Reo! Reo! Ano ba? Lumabas ka na nga diyan!"
"Akala ko kasi nakalimutan ko na siya! Pero hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit. Waaaah!" Halos blurred na paningin ko sa sobrang pag-iyak. Hinayaan kong lumabas lahat ng sama ng loob ko na kanina ko pa pinipigilan.
"Reo, pwede bang pag-umiyak ka, naka silent?"
"Kaya nga, Reo. Hanggang sa office ni Chairman naririnig 'yang ngawa mo."
"Reo, please lumabas ka na diyan. Mag-usap tayo. Sabihin mo sa akin kung anong problema," Xia said in her convincing voice. Tanging si Xia lang talaga ang nakakaintindi sa akin.
"Reo! Reo! Pinapatawag ka ni Chairman," hinihingal sa saad ng ka work mate ko. Halatang nanggaling sa takbuhan.
"Bakit daw? Anong nagawa ni Reo?"
"Hindi ko nga rin alam. Basta within five minutes daw dapat nasa office na sya ni Chairman," paliwanag niya.
Dahil sa narinig ko, mabilis kong binuksan ang pintuan, dahilan para sabay na napatingin ang dalawa sa direksyon ko.
By looking at their reaction/s, halatang nagulat sila sa hitsura ko. Napahawak pa sa dibdib 'yung isa.
Buhos lahat kasi ng energy kapag umiiyak. Kumalat tuloy 'yung eyeliner ko. Tapos 'yung buhok ko, ginulo gulo ko. Feel na feel ko kasi ang umiyak.
"Reo within five minutes. Tara na." Mabilis akong hinila ng aking best of my best friends na si Xia para ayusan.
Buti na lang I have a friend to lean on lalo na sa ganitong pagkakataon. A friend who truly understands my situation. Who understand my feelings. Buti na lang talaga.
"Excuse me Sir?" Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa 'kin kung ano ang nagawa kong kasalanan ba't ako pinatawag.
I'm now in his office room.
Slow motion na nag turn 'yung swivel chair.
"Oh Miss Reo. I'm glad to see you." Isang nakakalokong ngiti ang binigay sa 'kin ng Chairman's son---si Kit.
Yes it's Kit. Si Kit na singkit. Si Kit na nakakasakit. Si Kit na mapang akit. Si Kit na malagkit--- kung tumingin.
I just rolled my eyes as I saw him. I crossed my arms bago magsalita.
"I'm sorry SIR. Palagay ko mali ako ng room na napasukan," I sarcastically said then turn my back on him. May diin kong saad sa salitang 'SIR'.
"Wait, Reo. You're not mistaken. Ako nagpatawag sa 'yo."
Huminga muna ako ng malalim bago ako humarap sa kanya.
"Wala akong oras makipaglaro sa isip batang tulad mo." I paused for a while.
Exhale.
"Hindi mo kasi alam ang nararamdaman ko! Halos mabaliw na ako kaka-isip kung ano nagawa kong kasalanan ba't ako pinatawag dito sa Chairman's room! In five minutes ni-recall ko 'yung mga nagawa ko for the past two years. Kung 'san ako nagkamali. Kung 'san ako nagkulang. Kung bakit hindi ako sapat," dugtong ko pa tapos unti-unting tumulo 'yung mga luha ko. I cried a lot. I cried out loud. Hindi pa kasi ako tapos sa pag-emote kanina.
"T-Teka. You're mistaken Miss Reo." Tumayo si Kit at nanguha ng tissue na nakapatong sa table nya.
Nilapitan niya ako.
Bawat hakbang niya palapit, humahakbang naman ako paatras.
Until I reached the corner. Na freeze ako. I can't move even just an inch.
He stretched his left arm on the wall beside my face. Unti-unti niyang nilapit 'yung muka niya sa akin. I can smell his fresh breath.
"Pinatawag kita para i-remind sa'yo 'yung report mo for the previous month," in his calm voice.
He then gently wiped my tears using the tissue on his right arm.
Pati dila ko ata na freeze na. I can't utter even a single word.
"Hindi mo bagay ang umiyak," he mumbled while looking at me straight in the eyes.
I don't know what he's into pero napangiti ako sa sinabi niya.
He then smiled back.
"Pero mas lalong hindi mo bagay ang naka ngiti," mapang-asar niyang dugtong tapos bumalik siya sa swivel chair nya.
Nakakainis! Am I that gullible enough? My day is getting worst.
I noticed na binulsa niya 'yung tissue na pinunas niya sa luha ko.
Nilapitan ko sya then I extended my right arms on him na parang namamalimos.
"Akin na," I said.
He just give me a what-is-it-look.
"Yung tissue na binulsa mo," dugtong ko pa.
Tumawa lang siya sa sinabi ko.
I'm not even joking.
I just held back my hand. I don't know what he's into. Baka may masamang balak siya kaya niya binulsa 'yun. Baka mamaya, ipakulam niya ako. Though I know na hindi naman siya gano'n.
Pero...
Bigla akong may naalala..
Monday nga pala ngayon. I looked around. Wala pa 'yung trash can.
"Bakit, Ms. Reo?" natatawa pa rin siya. Ay sorry, tumatawa pa rin sya. This guy is getting on my nerves!
"You care a lot about this trash?" then he put the tissue on his table coming from his pocket.
Mabilis ko na lang dinampot 'yung tissue then I reached the door as fast as I can.
Dumeretso ako sa fire exit. Hiyang hiya talaga ako.
Malamang halos mamatay na 'yung loko na 'yun katatawa. I can only blame myself! I hate myself! I put myself in that situation.
Hanggang ngayon tuwang-tuwa pa rin siyang asarin ako! Were not even a teenager right now.
Kung hindi lang dahil kay Sir Ben--- the Company's chairman, hindi ako pupunta sa Company na 'to. He's too good to me. Siya mismo nag-offer sa akin ng job opportunity.
--------------End of chapter 2---------------