"Just let me use my magic and it will all be done!", masungit kong turan sa lalaking ayaw talaga paawat sa pamimingwit ng isda dito sa ilog. "No! Walang thrill!", matigas nitong sabi sa akin at patuloy siya sa paglalagay ng pamain sa kaniyang pamingwit na ginawa ko gamit ang matitigas na magkakapulot na baging. Kanina pa kami dito sa ilog at nanghuhuli ng isda dahil gusto niya raw mamingwit dahil nababagot na siya sa loob ng palasyo.
"Mino! Isang oras na tayong nandirito!", iritable kong sabi sa kaniya ngunit pinagtaasan niya lamang ako ng kilay. "Stop overreacting! Kakadating palang natin!", malamig na sabi nito sa akin tsaka na siya nagsimulang mamingwit. Kung ako lamang ang masusunod ay nakahuli na kami kaagad pero gusto niya na manghuli ng siya lang at hindi gumagamit ng mahika.
Lumayo ako ng kakaunti sa kaniyang pwesto habang prente na siyang umupo sa isang malaking bato at handa ng maghintay ng mahuhuling isda. Habang ginagawa niya iyon ay nabaling naman ang aking pansin sa isang malaking bato kung saan mayroon itong bulaklak sa gilid. Agad akong umupo sa harapan nito at tsaka ko siya mas malinaw na nakita. Dahil siguro sa batuhan siya tumubo ay nalanta na ito dahil sa wala siyang nutrisyon na nakukuha at hindi makagapang nang maayos ang kaniyang ugat dahil sa mabato ang paligid.
Hindi na ako nag-atubili pa at binunot ko na ito at mabuti na lamang ay walang masyadong sira ang ugat nito. Tumayo ako sa aking pagkakaupo at nilagak sa aking palad ang lantang bulaklak. Humarap ako sa direksyon ni Mino na prente lamang na nakaupo sa malaking bato habang naghihintay.
"You and this flower have similarities", sabi ko sa kaniya at naramdaman ko naman ang pagtapon niya ng tingin sa akin. "Similarities like what? We are both going to die?", sarkastiko nitong sabi sa akin na siya naman ikinakunot ng aking noo. "Come on Mino! Sinisira mo yung moment eh!", pagtataray ko sa kaniya. "Oh! Sorry your highness!", sarkastiko nitong sabi sa akin na siyang pinagtaasan ko ng kilay. Siya lang talaga ang nakakapagpainit ng ulo ko ng ganito dahil napipikon man ako kay Tiyo pero 'pag dating sa kaniya ay talaga naman na doble-doble ang inis ko.
Kahapon dahil sa hindi siya sanay sa lakas ng tama sa kaniya ng aming alak ay halos maghapon at magdamag siyang tulog sa kaniyang higaan at sa totoo lang sa mga panahon na nahihimbing siya ay nakabantay lamang ako sa kaniyang silid. Iniisip ko kasi na baka kapag nagising siya ay kung ano pa ang pumasok sa kaniyang isip dahil sa mga problema niya. Kakagising niya lang kaninang umaga at ang bungad niya sa akin ay mamingwit kaagad at kasabay na daw nito ang kaniyang pagligo.
Sa kabuuan ay hindi pa din kami nag-uusap ng masinsinan patungkol sa pinagdadaanan niya sa mundong ito at ayaw ko naman ungkatin dahil alam ko na ang mga lalaki ay hindi gusto na maging emosyonal kaya hinahayaan ko na lang muna siya sa mga bagay na gusto niya pero isa lang talaga ang gusto ko at iyon ay ang huwag niya uubusin ang pasensya ko.
Akma na sana akong sasagot sa kaniya pero agad na tila may gumalaw sa tubig at humihila sa kaniyang paghawak sa pamingwit. Agad na humila siya nang buong lakas at agad na umangat sa tubig ang isang may kalakihan na isda. Agad akong nakaramdam ng pagkamangha nang mahawakan na niya ito. Woah! That was good. Napansin ata niya na tila tuwang-tuwa ako kaya naman humarap siya sakin habang hawak-hawak niya ang gumagalaw pa na isda.
"See? Mas nakakatuwang makuha ang bagay kapag pinagsisikapan at hinihintay kaysa ginamitan ng mahika.", hindi ko alam kung bakit pero tuwang-tuwa akong tumango sa kaniya bilang pagsang-ayon dahil tila yata mas nakatutuwang makahuli ng isda sa ganong paraan. "Can I try?", agad ko na sabi at hindi ko na siya hinayaan pa na magsalita dahil binagtas ko na ang kaniyang pwesto at inagaw sa kaniya ang pamingwit habang iniaabot ko sa kaniya ang bulaklak na hawak ko at mabilis naman niya itong kinuha at inilagay sa sisidlan ang isda na kaniyang nahuli.
Nagmamadali at tuwang-tuwa akong naglagay ng pamain sa pamingwit at agad ko na itong itinapon sa tubig. Umupo na ako nang mabilisan sa kanina lamang na inuupuan ni Mino. "Wala pa ba?", agad na tanong ko. "Kakaupo mo pa lang prinsesa.", palala nito sa akin habang iniaayos niya ang sisidlan habang hawak niya ang bulaklak sa kaniyang kabilang kamay.
"Wala pa din ba?", tanong kong muli sa kaniya. "Kakaupo mo pa lang mahal na prinsesa matuto ka maghintay!", muli niyang sagot sa aking tanong. Naiinip na ako wala bang mas ibibilis pa ito? "Wala pa din ba? Bakit ang tagal?", naiinis kong sabi sa kaniya. "Hindi para sa walang pasensya ang pamimingwit!", tila nahahaluan na din ng pagkainis ang kaniyang pagsagot sa akin. Fine! I will wait again.
"Wala pa din ba?", hindi pa nagtagal ay nagtanong na ako sa kaniyang muli ngunit huminga lamang siya ng malalim na tila pinapakalma ang kaniyang sarili bago siya muling humarap sa akin. "Wala pa din bang isda?", muli kong tanong dahil naiirita na ako dahil wala pa din talaga. Bakit sa kaniya ay may kumagat agad sa pamain at sa akin ay wala pa din hanggang ngayon.
"Wala pa di-".
"Akin na nga 'yan at ako na lang ang mamimingwit!", agad na naputol ang aking dapat sana na pagtatanong nang maramdaman ko ang paghawak at tangkang pag-agaw niya sa hawak kong pamingwit. Mabilis ako na napatayo sa aking pagkakaupo at hinila ko papalapit sa akin ang pareho na namin na hawak na pamingwit. "Give it to me human!", madiin ko na sabi sa kaniya ngunit hinila niya din ito palapit sa kaniya. "You don't have any patience for this!", matapang niya din na sagot sa akin as if he didn't care na isang maharlika ang kaniyang kausap.
"I said let go and give it to me!", halata na ang inis at pagkairita sa aking boses ngunit ayaw niya talagang bitiwan ang pagkakahawak sa pamingwit. "I can't stand you asking and asking all over again! Just let go!", mas lalo niyang hinigpitan ang hawak at ganoon din ang ginawa ko.
Hindi ko na magawa pa na magtimpi at alam ko naman na mas malakas ako kaysa sa kaniya kaya naman bigla na lamang nag-init ang aking mga mata at akma na sanang hihilahin ito at alam ko na hindi niya kakayanin ang aking pwersa pero kapwa nanlaki ang aming mga mata nang biglang—
"Shit!/Entrante!", kapwa kami napasigaw sa pagkabigla kasabay nito ay ang magkasabay na pagbulusok ng aming mga katawan sa tubig nang bigla na lamang may humila na kung ano sa tali ng aming panungkit at kapwa kami nakaladkad nito patungo sa ilog. Agad kong nabitawan ang pamingwit at tuluyan itong nawala sa aking pagkakahawak. Pareho kaming lumubog ngunit kapwa kami lumangoy paitaas ngunit sandali lang! Pareho kaming lumangoy paitaas?
Nang pareho ng nakalabas ang aming mga ulo sa ibabaw ng tubig ay agad akong lumapit sa kaniya at binigyan siya nang isang malakas na sampal. Agad na nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa ginawa kong pananampal sa kaniya. Napaawang ang kaniyang mapupulang labi habang nakatitig sa akin.
"All this time you know how to swim?", mabilis kong singhal sa kanya habang kapwa kami nakababad sa malamig na tubig. Bakit hindi siya lumangoy kaagad nang akala ko ay nalulunod na siya sa ilalim noong nakaraang gabi. Buong akala ko ay hindi siya marunong lumangoy dahil sa lumubog na siya sa malalim at matagal na hindi umahon. Hanggang ngayon ay sinisisi ko ang aking sarili dahil ang alam ko ay muntik na siyang malunod pagkatapos ngayon ay may kaalaman pala siya sa paglangoy? Bakit kailangan niyang magpanggap!
After some time I saw how he smirked na tila ba hindi niya pinapansin ang pagkakasampal at paninigaw ko sa kaniya. "You shouldn't have tried to save me dahil gusto mo naman talaga ako malunod hindi ba?", sarkastiko nitong sabi sa akin na siya namang ikinainis ko. Hindi ba siya magpapasalamat man lang sa aking pagtatangka na iligtas siya? Hindi din biro ang paghahanap at pag-aalala ko sa kaniya tapos hindi man lang siya magpapasalamat.
"Didn't you get it? Hindi na ako lumangoy pa pataas dahil gusto ko na ding mamatay that time!", malamig nitong sabi sa akin at agad na napaawang ang aking bibig sa kaniyang tinuran. Akma na sana siyang lalangoy papunta sa pangpang ngunit gamit ang aking bilis kahit nasa tubig ay humarang ako sa tangka niyang paglangoy paalis. "What?", iritable nitong sabi sa akin dahil sa ginawa kong pagharang sa kaniya. "Then why did you came near me and kissed me for air?", agad ko na tanong sa kaniya. Kung nais na pala niyang mamatay nang gabi na iyon ay bakit niya pa ako hinila at siniil ng halik upang kumuha ng hangin?
Agad siyang nag-iwas ng tingin sa akin na tila ba nahihiya siya sa kaniyang magiging sagot. "Tell me why!", naiinip ko na pagpilit sa kaniya ngunit iniwas niya ang kaniyang katawan sa pagkakaharang ko sa kaniya upang makaalis na siya sa malalim na tubig. Hindi ko na siya pinigil pa at hinayaan ko na makapunta na siya ng pangpang. Sumunod na din ako sa kaniya at nakita ko ang kaniyang basang kasuotan habang akma na niyang bibibibitin ang sisidlan ng nahuli niyang isda.
Sa totoo lang ay hindi ko maiwasan na mapatingin sa kaniyang matipunong katawan. Dahil sa pagkabasa ng kaniyang kasuotan ay bumabakat ang kaniyang kakasigan na nagpapako sa aking paningin sa kaniya. Bakit ba tila magkakampi na lamang sila ng tubig sa tuwing tinitignan ko siya na para bang mas gumaganda siya sa aking paningin. The water dripping from his wet hair that is trailing down to his pointed nose ay hindi ko mapagkakailang agaw tingin. Bakit nga ba nagsusumigaw ng pagiging makisig ang iyong itsura at katawan?
Naramdaman ata niya ang aking paninitig kaya naman ay humarap na siya sa akin na nagsanhi upang mas higit ko siyang mapagmasdan. Hindi nakaligtas sa akin kung paano umawang ang kaniyang bibig at napako din sa akin ang kaniyang paninitig. Kapwa kami ngayon nagbabatuhan ng titig sa isa't isa na tila ba may gusto kaming sabihin. Hindi ko na matagalan ang kaniyang paninitig kaya naman ako na ang unang nag-iwas ng aking tingin sa kaniya habang patuloy kong nararamdaman ang paninitig niya sa aking basang katawan.
"Will you quit that?", mataray ko na suway sa kaniya tsaka siya tila natauhan at nag-iwas din siya ng tingin sa akin. Hanggang maari ay gusto ko ng umiwas sa paninitig sa kaniya dahil hindi ko nagugustuhan ang aking nararamdaman. Hindi maaari na magkaroon ako ng paghanga sa kaniyang perpeksyon!
Agad akong nag-isip ng paraan upang maiba ang aming usapan upang mawala ang nararamdaman ko na pagkailang. "May mga kasuotan si Tiyo sa palasyo, iaabot ko sa iyo mamaya upang mayroon kang magamit na pamalit.", seryoso kong sabi sa kaniya habang nagsisimula na akong humakbang sa batuhan upang makauwi na kami pareho. Naramdaman ko na lamang ang kaniyang pagtango na tila ba ayaw niya na din makipag-usap.
Akma na sana akong aapak sa bato ngunit sa paglapat ng aking paa ay agad akong nawalan ng panimbang. Entrante! Mapapasalampak ata ako sa batuhan! Agad akong pumikit upang ihanda ang aking sarili sa pagtumba ngunit naramdaman ko na tila may mga bisig na sumalo sa akin.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nasaksihan ko ang kaniyang mukha na nasa malapit na distansya lamang mula sa akin habang nakakulong ako sa kaniyang mga bisig. Hindi ko alam kung bakit kumakalabog ngayon ang aking puso hindi ko mawari kung dahil ba ito sa kaba ko kanina na tumama ang aking katawan sa batuhan o ito ay dahil sa napakalapit na distansya niya sa akin at ang kaniyang tila pagkakayakap sa akin.
Ilang beses na nga ba akong nadikit sa kaniya at tila habang nagtatagal ay palakas nang palakas na kumakabog ang aking dibdib?
Mas malapit kong nasilayan ang kaniyang mga mata at mas lalo kong nadama ang kaniyang mga bisig na tila ba nasa ligtas akong lugar sa pamamagitan lamang ng mga ito. Sa kaniya ko lang talaga napagtanto na hindi mo kailangan na maging bampira upang maging isang kaakit-akit na nilalang.
Pero sandali lamang! Ayoko ng ganito! Hindi ko na natiis pa ang aming pwesto at agad kong idinikit ang kaliwang palad ko sa kaniyang mukha at inilayo sa akin. "Aray!", agad kong alma ng pinalo niya ang kamay ko na nakaharang sa kaniyang mukha. "Get your hands off my face! Masisira mo kagwapuhan ko!", agad niyang alma dahil kunti na lang ay gugusutin ko ang mukha niya gamit ang aking palad. Kapwa kami umayos ng pagkakatayo at kapwa namin inihiwalay ang aming mga sarili.
Hindi ako madadaan sa mga ganyang pangyayari! Hindi naman ako kasing babaw ng ibang babae para umibig kaagad!
"Are we gonna walk or are we gonna run?", tanong ko sa kaniya dahil malayo-layo din ang lalakadin namin papunta sa palasyo at gusto ko na makapagpalit ng kasuotan. "I am going to walk, nahihilo ako kapag kinakaladlad mo ako nang mabilis!", malamig niyang sabi dahil kanina ay hinila ko lamang siya at gamit ang aking bilis ay nakapunta kami kaagad sa ilog at muntik pa siya masuka dahil sa pagkabigla ng kaniyang katawan.
But a devilish smile formed from my lips. Not today human! Kailangan ko makaganti dahil sa kasungitan mo! Walang ano-ano ay agad kong hinawakan ang magkabila niyang kamay habang tangan niya ang sisidlan at gamit ang aking lakas ay agad ko siyang binuhat na parang sako. Agad kong naramdaman ang kaniyang pagkabigla. Lagot ka sa akin ngayon.
"What the-", agad niyang sabi pero agad ko ng ginamit ang aking bilis. "-fuck!", tsaka niya lamang nabuo ang kaniyang sasabihin ay nakarating na kami sa harap ng palasyo. Agad kong naramdaman ang kaniyang pagtakip sa kaniyang bibig at tila pagduwal. Agad ko na siyang inilapag sa damuhan na para lang siyang isang magaan na sako.
"Damn you!", sabi niya habang sapo-sapo ang kaniyang bibig na tila pinipigilan niyang masuka. Agad akong tumawa nang malakas tsaka ko naramdaman ang kaniyang paninitig nang masama. Sinubukan niyang tumayo habang iniwan na niya sa lapag ang sisidlan. Mas lalo akong natawa dahil hindi niya mabalanse ang kaniyang pagkakatayo. "You! Ginagalit mo talaga ako!", akma na niya akong lalapitan pero nakita ko kung paano siya nanduling at nagpagewang-gewang.
"Lasing ka pa din ba mortal?", pamimikon ko sa kanya. "Just stay where you are!", galit nitong sabi habang dinuduro ako ngunit hindi niya ako maturo ng deretso dahil sa pagkahilo. Hindi na ako umalis pa sa aking kinatatayuan dahil alam ko na mahihirapan siyang makaabot sa akin.
Asa kalagitnaan ako ng kampanteng pag-iisip nang bigla na lamang akong nagulat sa bilis ng kaniyang paggalaw at agad na siyang nakaangkla sa aking leeg. Nanlaki ang aking mga mata dahil nakita ko ang kaniyang bilis. Paano nagkaroon ng bilis si Mino na katulad ng sa amin. Talagang pinapamangha ako ng mortal na ito.
Ramdam ko ang kaniyang paghinga sa aking leeg dahil tila nakayakap na siya sa aking basang katawan. "Got Yah!", he said in a husky voice na talaga namang malinaw na narinig ng aking tenga. Dahil sa gulat sa kaniyang bilis ay hindi ako nakagalaw kaagad.
I was about to push him away from me yet all of the sudden ay bigla na lamang akong nakaramdam ng pagragasa ng isang malapot na bagay sa aking balikat at likudan. Ilang segundo akong nag-isip kung ano iyon. Entrante! Agad na nag-init ang ulo ko nang mapagtanto ko na ito.
"Entrante! BAKIT KA SUMUKA SA AKIN!", agad na umalingawngaw ang malakas kong sigaw sa kabundukan habang nararamdaman ko ang mabagal na pagdaloy ng nakakadiring bagay na galing sa kaniya. Agad na nagsitayuan ang aking mga balahibo dahil sa pandidiri. NGAYON LANG AKO NASUKAHAN SA BUONG BUHAY KO!
MAGBABAYAD KA NANG MALALA! GINAGALIT MO TALAGA AKO!