Chereads / One Bite To Another / Chapter 14 - GODDESS

Chapter 14 - GODDESS

FAST FORWARD

Hindi ko alam kung papaano ko papipigilin ang panginginig ng kaniyang mga kamay. I knew this would happen. Alam ko na sasapitin niya ang ganito sa aming pagbabalik. Kanina pa siya nakaupo at nakasandal sa silid ng aming palasyo habang pinipigilan niya ang kaniyang panginginig. Alam kong nakakaramdam siya ng takot but being a man that he is ay alam ko na pinipigilan niya na ipakita na nakakaramdam siya ng kahit anong uri ng pagkasindak.

"Mi...Mino", mabagal na tawag ko sa kaniya habang lumalapit ako sa kaniyang pwesto nang marahan. "Please! I am done!", malamig nitong turan sa akin habang itinatago na niya sa kaniyang likuran ang nanginginig niyang mga kamay. I know na hindi niya kinaya ang naganap kanina kaya siya nagkakaganyan.

"I am tired...Ano pa ba ang gusto ninyo sa akin!", punong-puno ng pagiging sarkastiko ang kaniyang pagtatanong sa akin. I don't know what to say dahil habang nananatili siya sa aming mundo ay paulit-ulit na mangyayari ang nangyari kanina.

"Just kill me already!", malamig nitong sabi kasabay ng pag-angat niya ng tingin sa akin. All I can see is pain, regret, anger and sadness. I just stared at him dahil wala akong maitutulong upang pagaanin ang kaniyang loob pagkatapos ng naganap kanina.

--------------------------------------------------------------------

*Flashback*

"Are you freaking serious?", agad na singhal ko sa kaniya habang nasa labas na si Tiyo at pinapakain muna si Silvestre na siyang sasakyan namin pabalik sa palasyo. "Of course! Ang saya kaya na mapalibutan ng mga kauri mo!", sarkastiko nitong turan sa akin na hindi ko na lamang pinansin. I knew that he doesn't want to come ngunit sinusunod lamang niya ang kagustuhan ng Dyosa dahil siya ang magsisilbing mga mata nito.

"Will you quit with your attitude for a while?", hindi ko na din napigilan na sumagot sa kaniya ng may halong pagkainis. "Do I have any choice? Huh?", madiin nitong turan sa akin. "The moment you abducted me and brought me here tila wala na akong kalayaan sa lahat! Even your Goddess is using me against my will! Ginagamit niyo na lang ako para sa mga pansarili ninyong dahilan!". Damn! Agad akong nakaramdam ng pagsisisi dahil sa kaniyang panunumbat. Ramdam ko ang galit sa kaniyang tinuran kahit nananatiling malamig ang kaniyang pagkakabigkas sa mga katagang iyon. What should I do? Hindi naman ako ang nagtala na dapat ay nakasalalay sa kaniya ang aking buhay. Ako din naman ay walang kalayaan hindi ba? Hindi ako malaya na pumili ng aking mamahalin at pag-aalayan ng aking supling. Pareho lamang kaming naipit sa nakakasurang karamdaman na ito na hindi ko pa din alam ang dahilan kung bakit.

"If only I can do something about this ay matagal ko na sanang pinutol ang nag-uugnay sa ating dalawa! Tingin mo ba ay ginusto ko din lahat ng ito?", madiin kong sagot sa kaniya but he gave me a cold glare and an evil smirk na tila ba kalokohan lamang ang kaniyang narinig. "Then just kill me then baka sakaling matapos ang lahat ng ito!". Agad akong huminga ng marahan dahil sa kaniyang tinuran. "Do you think death is your only exit?", sarkastiko kong pahayag sa kaniya. "Then what can you offer? What? To love you? To be bind with you forever? Ni hindi nga kita kilala at hindi ko alam ang pakay mo sa akin!". Agad akong natigilan sa kaniyang mga sinabi at ang kanina kong matapang na pagkakatitig sa kaniya ay pinagsikapan ko na mapanatili upang hindi niya maramdaman na natigilan ako sa kaniyang pahayag.

"For God sake! I don't want to be anybody's toy pero do I have a choice?", ramdam ko ang pagod sa kaniyang pananalita na para bang sukong-suko na siya sa kaniyang buhay. "Then why are you following the Goddess's order? Huh Mino? Pwede ka naman tumanggi sa kaniya!", mabilis kong saad sa kaniya ngunit alam ko sa sarili ko na mas gugustuhin ko na sumunod siya sa kagustuhan ng Dyosa dahil kung tatanggi siya na sumama ay ako naman ang mahihirapan dahil malayo siya sa akin at baka kung ano pa ang kaniyang gawin kapag mag-isa siya dito.

"She promised me something! Iyon lang ang pinapanghawakan ko kaya ako nagiging sunod-sunuran!", mabilis nitong singhal sa akin habang ramdam ko ang pagpipigil niya sa kaniyang sarili na mas maglabas ng emosyon. What promise is he talking about?

"What promise?", nagtataka kong tanong sa kaniya dahil wala akong maisip na maaaring ipangako sa kaniya ng Dyosa at kung bakit hanggang ngayon ay tila kinakausap siya nito.

"If I cooperate then she will let me go and bring me back to my world!". Agad akong napanganga sa kaniyang tinuran. Sandali! Bring him back? Ibabalik siya sa kaniyang mundo? Pero paano naman ako? Ano ang mangyayari sa akin? Bakit nangako sa kaniya ang Dyosa ng ganoong bagay kung saan malalayo siya sa akin? Ano ang nangyayari?

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagtatampo sa mahal na Dyosa dahil paano naman ako? Paano ang aking karamdaman at paano ko masusunod ang propesiya kung mawawala si Mino sa mundong ito. What are you up to my Goddess of the moon? Bakit nangako ka ng ganoong bagay.

"See how evil this world is? Even my freedom ay kailangan ng kondisyon at pagpapahirap!", mapait niyang turan na tila ba sinusumpa niya ang mundo ito. "I will do everything to go back Vreihya! Kahit ang pagtiisan ka at ang mundo na ito ay gagawin ko upang makauwi!". Tila punyal ang kaniyang mga kataga na binanggit sa akin. Pagtiisan? Ako na isang maharlika at halos kabaliwan ng mga lalaki sa mundong ito ay pagtitiisan lamang ng isang mortal? Talagang minamaliit niya ako nang husto.

I was adored by many! They tend to beg just to have me by my side tapos siya ay ituturing lamang na isang pagtitiis ang mapalapit sa akin? Sadya bang isinumpa ako ng Dyosa na mapalapit sa isang tao na ituturing lamang ako na parang hindi ako isang maharlika. Anong klaseng sumpa ito na tila ako pa ang dapat na magpakababa sa kaniya. My jaw clenched with his words at naramdaman ko na lamang na tila gusto kong sumabog. This is a disgrace!

"Then fine! Bite me! Nang makabalik na tayo sa palasyo ng matapos 'yang pagtitiis mo!", agad ko na bulyaw sa kaniya. Bahala na ang Dyosa ng buwan! Hindi ko na kayang magtiis sa isang nilalang na tila kung sino lamang ang tingin sa akin! I deserve better than this! Gagawa ako ng paraan upang hindi ko na siya kailanganin! I will not settle with this mockery! Kahit kailan ay walang sinuman ang pwedeng magmaliit sa akin. Having me should be a blessing for someone dahil napakaswerte ng nilalang na siyang aking magiging kapareha kaya hindi ako papayag na ituring lamang na isang pagtitiis!

Dahil sa aking nararamdaman na galit ay ako na mismo ang lumapit sa kaniya at inihain ang aking leeg. I want to end this as well! Tingin niya ba ay siya lamang ang nakakaramdam ng pagkatali dahil sa nangyayaring ito sa amin? I struggled for years just to avoid the time na kailangan ko pa siya sa mundong ito.

Tila pareho kaming nakakaramdam ng galit at hindi na siya nag-atubili pa na ilabas ang kaniyang mga pangil. Naramdaman ko ang kaniyang paglapit at ang paglapat ng kaniyang labi sa aking leeg. Ilang segundo pa ay naramdaman ko na ang kaniyang pagkagat. Ubusin mo na lahat ng aking dugo para matapos na lahat ng ito! Gawin mo na lahat ng gusto mong gawin upang kapwa tayo makawala na sa ating kaniya-kaniyang pagtitiis!

Ilang oras pa ay kapwa na kaming nasa likuran ni Silvestre kasama si Tiyo habang nasa himpapawid na kami. Unti-unti ng nawawala sa aking paningin ang kagubata na minsan ay naging ligtas na lugar para sa amin. Alam ko na sa aking pag-alis ay unti-unting malalanta ang mga puno't halaman. Ang ilog ay dahan-dahang mapaparam at ang palasyo ay unti-unting magigiba. I always love the forest at kung ako ang tatanungin nangunguna ang pag-ibig ko kay Ina at kay Tiyo at kasunod nito ang pag-ibig ko sa kalikasan.

Hindi biro ang yumayakap sa aming katahimikan habang nasa himpapawid kami. Tila ba kaniya-kaniya kami ng mga pasanin at wala sa amin ang may ganang makipag-usap. Ilang oras pa ay natanaw ko na ang aming kaharian at hindi ko napigilan ang pananabik na makitang muli si Ina. Pagkababa pa lamang ni Silvestre ay hindi na ako nagpaawat pa at agad akong bumaba at tumapak sa aking malawak na hardin. Batid ko ang pagbati sa akin ng mga bulaklak, puno at ng mga damo sa aking pagdating.

Mas lalo akong nanabik nang maramdaman ko na ang papalit na presensya ni Ina. Hindi na ako nagtagal pa at nang masilayan ko na ang kaniyang pigura ay agad akong tumakbo upang mayakap siya. "Ina! Nangulila ako ng lubos!", agad kong turan at agad ko na siyang niyakap na siya namang sinuklian niya ng mas mahigpit na yakap. "Vreihya! Ang munti kong prinsesa! Araw-araw kitang iniisip", malambing na turan niya kasabay nang marahan niyang paghawak sa aking buhok.

Ilang sandali pa ay kumalas na kami sa kaniyang yakap bago siya tumingin sa lalaking kakababa lamang kay Silvestre. Agad kong nakita ang pagtataka sa kaniyang mukha nang makita niya si Mino na prente lamang na nakatayo. "Bakit hindi ko naaamoy ang kaniyang samyo? Anong mahika ang ginamit niyo?", nagtataka niyang tanong sabay tingin kay Tiyo na tumabi sa kaniya at nag-alay nang magaan na halik sa kaniyang noo. "Huwag mo akong tignan Zaliah, kahit ako ay nagulat din", agad na tanggi ni Tiyo kaya naman sa akin nalipat ang paninitig ni Ina na may pagtataka.

"It's a long story!", maikli kong pahayag sa kaniya. "Nasa palasyo tayo Vreihya at hindi nila pwedeng marinig ang ganiyang pananalita", mabilis na suway sa akin ni Ina na siya kong tinanguhan. "Mamaya ay kailangan mong magpaliwanag sa akin", seryoso nitong pahayag atsaka muling nagtapon ng tingin sa mortal.

"Napakakisig mong tignan sa iyong kasauotan! Tila nababagay sa iyo ang maging prinsipe". Agad na nanlaki ang aking mata dahil sa pagpuri ng aking Ina kay Mino agad akong tumingin sa kaniya dahil baka taasan niya ng kilay ang aking Ina ngunit ang nakita ko sa kaniya ay isang matamis na ngiti ng pagpapasalamat. What's the meaning of that?

"Humayo na tayo sa loob upang kayo ay makapagpahinga". Agad akong tumango sa tinuran ni Ina dahil nakaramdam din ako ng pagod sa aming paglalakbay ngunit pare-pareho kaming napatingala nang bigla na lamang tumunog ang kampana ng palasyo na siyang hudyat sa pagdating ng ibang mga kaharian.

Agad na nanlaki ang aking mga mata dahil sa pagtunog nito. "Entrante! Ano ang ginawa nila dito!", galit na turan ni Ina habang nakita ko kung paano kumuyom ang palad ni Tiyo na tila ba pinipigilan nito na magalit. This is bad news! What the hell are they doing here uninvited!

"Tila yata nais nila ng kaguluhan!", matigas na turan ni Tiyo kasabay ng paghampas nang malakas na hangin sa aming paligid. "Kaiangan kong itago si Mino, they can't see him!", agad ko na sabi at gamit ang aking bilis ay lumapit ako kay Mino na halatang naguguluhan sa nangyayari at sa tila ba pagseryoso ng atmospera. "Come on! I will explain later!", agad kong hinawakan ang kaniyang kamay at akma na sanang hihilahin siya ngunit-

"Siya pala ang iyong kapareha!", isang malamig na tinig ang aming narinig na tila papalapit. Wala pang isang segundo ay nakatayo na sa aming harapan ang reyna ng Nordalez at Salizte. Ilang segundo pa ay dumating din gamit ang kanilang bilis ang hari ng Berbantes, Calixtas at Les Padas. Entrante!

Hindi ko na napigilan ang pagkuyom ng aking palad dahil sa tila wala silang galang sa paghakbag sa aking hardin. Walang sinuman ang umimbita sa kanila dito at paano sila nakapasok sa aming palasyo. "Anong ginagawa niyo sa aming palasyo?", malamig na turan ni Ina sa mga malalakas ang loob na hindi ko matatawag na mga panauhin. "Sinasalubong lamang namin ang pagbabalik ng nagtatagong prinsesa", sarkastikong sagot ni Reyna Marayca ng kaharian ng Nordalez na siyang ikinangiti ng kaniyang mga kasama. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng poot sa kaniyang tinuran.

"May karapatan naman siguro kami na makilala ang kaniyang kapareha!", agad na turan ni Haring Ozyrus ng Berbantes tyaka siya nagtapon nang malamig na tingin kay Mino na kahit hindi niya ipahalata ay naramdaman ko ang panlalamig ng kaniyang kamay na siyang aking tangan.

"Anong karapatan niyo na pumasok sa aming kaharian! Tila yata wala na kayong paggalang!", ma-awtoridad na turan ni Tiyo sa kanila. Ngunit hindi man lang sila nakitaan ng pagkatakot. "Kung hindi niyo kami papapasukin ay sisilaban ko ang mga nasasakupan niyong taga-baryo", agad na babala ng Hari ng Les Padas habang naglalabas na siya ng apoy sa kaniyang palad.

"ENTRANTE! Sabi ko na nga ba! Kayo ang may kagagawan ng kanilang pagkawala! Huwag ninyo silang idamay sa inyong kasamaan!", madiin na singhal ni Ina sa kanila. Tila numipis ang hangin sa aming paligid dahil sa mabigat na atmospera. Tiyo might have the power of the air but he can't use it to kill vampires dahil hindi naman kami nakadepende sa paghinga. We only breath air because it is here pero hindi namin ito kailangan upang mabuhay kaya hindi maaaring manipulahin ni Tiyo ang hangin upang wakasan ang kanilang buhay.

"Ibalik niyo sila ngayon din!", madiin na pagbabanta ni Tiyo sa kanila. "Ibabalik namin sila ng walang kagalos-galos ngunit may isa kaming kondisyon", agad na nangunot ang noo ko sa tinuran ni Reyna Elena na mula sa kaharian ng Salizte. Hindi ko nagustuhan ang sabay-sabay nilang paninitig sa lalaking aking tangan. Agad kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kaniya dahil tila batid ko na hindi maganda ang pakay nila kay Mino. Pakiusap! Huwag na niyo siyang idamay!

"Hindi kami makakapayag na basta na lamang kung sinong hindi nakikilalang prinsipe ang magiging kadugo ng aming magiging Dyosa ng buwan!", mabilis na pahayag ni Reyna Marayca na tila hindi ko na nagugutuhan ang kaniyang pinupunto. "Ipapangako namin na hindi na kami manggugulo ng kahit sino sa inyong nasasakupan kung-", agad na pinutol ng reyna ng Nordalez ang kaniyang sasabihin upang bigyang daan ang pagtitig at ang pagngisi nito sa lalaking aking hawak.

"-makikipagduwelo siya sa aming mga anak!", agad na nanlaki ang aking mga mata dahil sa kaniyang tinuran. Maging si Tiyo at ang aking Ina ay tila nawalan ng balanse sa kanilang kinatatayuan ngunit higit akong nag-alala sa naramdaman kong panginginig ng kamay ni Mino na pilit niyang pinipigil. Entrante! Hinigpitan ko ang hawak ko sa kaniya upang malaman niya na nandirito ako at hindi ko hahayaan na may mangyari sa kaniya na kung ano pa man.

Talagang hinahamon nila ang aming pamilya. "Ni hindi namin alam kung saan nanggaling ang lalaki na iyan! Tunay ba siyang isang maharlika dahil sa kaniyang kasuotan o sadyang inyo lamang dinamitan?", turan ni Haring Berbantes na agad kong tinapunan nang matalim na titig. "Hindi kami papayag na hayaan lamang kayo na kung sino lamang ang piliin dahil ang magiging Dyosa ang pinag-uusapan dito! Bakit hindi natin daanin sa dwelo at kapag napatunayan na siya ang karapat-dapat ay hindi na kayo makakarinig pa sa amin!", mapanloko ang mga ngiting nagmula kay Haring Arthur ng Calixtas.

Hindi maaaring lumaban si Mino! Wala siyang kapangyarihan! Hindi siya tatagal sa dwelo! Mamamatay lamang siya! Dyosa ng buwan ano ang maaari naming gawin? Pakiusap ilayo mo si Mino sa ganitong karahasan. "Tila yata hindi kayo makapagsalita? Natatakot ba kayo na malaman ng lahat na pipitsugin ang kapareha ng prinsesa na mula umano sa pamilyang pinakamalakas sa mundong ito", hindi na ako nakapagtimpi pa sa tinuran ni Reyna Marayca. Hindi na ako makapagtitiis pang pakinggan ang kanilang panghahamak sa amin. Sa aking nanlilisik na mga mata ay marahas na kumpas ay agad na gumalaw ang lupa na kanilang kinatitindigan at nakita ko kung paano nila ibalanse ang kanilang mga sarili.

Kilalanin ninyo ang inyong hinahamak! Sa aking marahas na kumpas gamit ang aking kamay na hindi tangan ang mortal ay agad na lumabas sa lupa ang malalaking mga bulaklak na may matatalas na tinik sa kanilang bibig. Agad itong pumaligid sa mga bampirang kanina pa pinag-iinit ang aking ulo! Agad kong nakita kung paano sila umalerto at inilabas ang kanilang mga pangil na tila handa silang makipaglaban sa aking mababangis na halaman. Nakita ko kung paano tumulo mula sa bunganga ng aking mga halamang bulaklak ang mga likodo na tila pumapaso sa mga damo na tinutuluan nito. Kilalanin niyo kami! Huwag niyong pinag-iinit ang aking ulo!

"Itigil mo ito Vreihya! Tandaan mo na hawak nila ang mga taga-baryo!", agad akong natigilan sa turan ni Mino na kanina pa tahimik. "Kailangan nilang maturuan ng leksyon! Talagang ginagalit nila ako!", matapang kong turan sa kaniya ngunit bumitaw siya sa aking pagkakahawak na tila ba nakahanap na siya ng lakas ng loob.

Akma na sana akong magsasalita ngunit agad akong nagulat ng makaramdam ako ng kakaibang presensya mula sa kaniya. Ngunit tila ako lamang ang nakakapansin nito. Kakaibang presensya ang aking naramdaman mula sa lalaking asa aking likuran. Agad akong nagtapon ng tingin sa kaniya at agad na nanlaki ang aking mga mata. Nababalot ng puti at asul na liwanag ang kaniyang katawan na tila hindi pa rin napapansin ng mga nandirito sa hardin. Ako lamang ba ang nakakakita ng nangyayari sa kaniya. Akma na sana akong magsasalita ngunit nakaramdam ako ng walang katumbas na pangingilabot. He is not Mino anymore. Mas lalong lumakas ang liwanag na mula sa kaniya at hindi ko na makita ang kaniyang pigura sa liwanag at mas lalong nanindig ang aking balahibo nang magsimula na siyang magsalita.

"Vreihya! Hayaan mo siyang makipaglaban. Hindi ko siya papabayaan", isang malumanay ngunit ma-awtoridad na tinig ng isang babae ang nagmula sa nagliliwanag niyang katawan. Hindi ako maaaring magkamali dahil sa nararamdaman kong kapangyarihan mula sa liwanag ay sigurado ako na siya ang nagsasalita.

Nanlalaki ang aking mga mata na napatitig sa liwanag habang hindi pa din ako makapaniwala. Nanginginig ang aking katawan dahil sa lakas ng kaniyang kapangyarihan. Hindi ko na alam ang tamang reaksyon sa nangyayari ngunit patuloy akong hindi makapag-isip nang tama dahil sa kaharap ko siya ngayon na siyang hindi ko napaghandaan.

"Ma...mahal na Dyosa?".