"Vreihya! Diyan ka lamang! Sinabi ng hindi ka pwedeng mangialam!", mabilis na singhal sa akin ni Tiyo dahil nagtangka na naman akong pigilan ang duwelo. "Ngunit nagdurugo na siya Tiyo!", buong tapang ko na saad at kasabay nito ay hinawakan ni Ina ang aking kamay. "Vreihya! Ganiyan talaga ang pakikipaglaban, masusugat ka sa ayaw mo man o sa hindi", agad na katwiran sa akin ni Ina.
Agad kong nakita kung paano tila nagulat at namutla si Mino dahil sa patuloy na nagdurugo niyang braso. Sa hudyat ni Calix ay biglang natunaw ang punyal na nakatarak sa braso ni Mino at nag-iwan ito nang malalim na sugat. His blood! Paano kong maamoy nila ito? Ngunit ang laki ng aking pasasalamat dahil hindi ko naaamoy ang samyo nito.
Agad na sinapo ni Mino ang kaniyang nagdurong braso. "Gasgas lang iyan! Huwag kang umakto na para kang mamamatay!", mayabang na turan ng prinsipe ng nyebe sabay tapon sa akin ng isang nangmamaliit na titig. Damn! Pinapainit niya ang aking ulo. Agad akong napatingin sa iba pang hari at reyna na nanonood at mas higit na nag-init ang aking ulo dahil sa kani-kaniya nilang mga ngiti.
"Saan mo ba napulot ang lalaking ito mahal na prinsesa? Halata sa kaniyang kilos na hindi siya sanay na makipaglaban!", agad na napangisi si Calix sa kaniyang tinuran. At sa kaniyang kumpas ay may nabuong isang rebulto na gawa sa yelo na nasa kaniyang tabi. Ang rebulto ay kamukhang-kamuka ni Mino. "Wala man lang kahirap-hirap! Ganito ang magiging kapalaran mo", agad na hinawakan ni Calix ang rebultong yelo na kaniyang ginawa at agad itong nabitak at nabasag hanggang sa magkalat ito sa sahig.
Nakita ko kung paano nanginig si Mino at tila ba naghahabol ng hininga. Entrante! Hindi niya makakaya! Baka hindi siya magtagal kapag may panibago pa siyang sugat na matatamo. "Gasgas lamang pala ito pero bakit ganiyan ka na kayabang? Ito lang ba ang iyong magagawa kaya lubos na kaagad ang kasiyahan mo?", agad akong napanganga sa tinuran ni Mino na tila mas pinipikon si Calix. Agad kong nakita ang pamumula ng mata ng prinsipe ng nyebe na tanda ng kaniyang pagkapikon. Agad na napailing si Tiyo dahil sa kaniyang narinig. "Magkasing talas nga kayo ng dila!", tila nanunukso nitong pahayag sa akin.
"Manahimik ka! Kung saan ka lamang nanggaling at sumulpot! Kilalanin mo ako!", malakas na sigaw ni Calix at ilang sandali pa ay muli siyang nagpalabas ng matatalas na yelo at itinapon ito sa direksyon ni Mino at gamit ang kaniyang bilis ay naiwasan niya ito ngunit hindi na siya kasing liksi gaya ng dati dahil sa kaniyang sugat. In our world, kapag ang sugat ay mula sa mga kapwa naming bampira ay nananatili itong sugat sa amin at hindi ito kaagad maghihilom at sa lagay na ito si Mino ay kahit papaano ay kaisa na din sa amin.
Walang mahika si Mino kaya paano siya aatake? Paniguradong puro ilag lamang ang kaniyang magagawa at hindi matatapos ang laban sa ganong paraan. Tila nagsawa na ata si Calix sa kakabato ng mga matatalas na yelo kaya sa muling pagkakataon ay muli siyang gumawa ng punyal na yelo at sa kaniyang bilis ay tinungo niya ang direksyon ni Mino at agad siyang inambahan na siyang mabilis na inilagan ni Mino.
Hindi ko maiwasang mapansin ang pagngiwi ni Mino dahil sa sakit na kaniyang nararamdaman. At sa muling pag-ilag niya ay mabilis na nahawakan ni Calix ang kaniyang sugat at walang ano-ano ay pinagyelo niya ito. "AHHH!", malakas na sigaw ni Mino dahil sa sakit at pagkabigla na kaniyang naramdaman at buong lakas niyang naitulak si Calix na sanhi kung bakit tumilapon ito at tumama sa isa sa mga helera ng upuan.
Tila yata mas lalong namutla si Mino dahil sa nagyeyelo niyang sugat sa braso. Entrante! Hindi na naawat ang aking dibdib sa sobrang kaba na nadarama dahil sa nasasaksihan ko. Batid ko na hindi siya mananalo sa duwelong ito dahil hindi hamak na mas sanay si Calix sa pakikipaglaban at alam nito gamitin ang kaniyang kapangyarihan. Agad na nakabangon si Calix mula sa kaniyang pagkakasalampak at muli na naman ngumisi habang nakikita niya kung paano iniinda ni Mino ang sakit mula sa kaniyang nagyeyelong sugat.
Wala na siyang sinayang na pagkakataon at muli niyang binalak na umatake. Gusto ko na lamang ipikit ang aking mga mata dahil nakakaramdam na ako ng takot na baka mapaslang niya si Mino. Tila gusto ng tumakbo ng aking mga paa upang ako na lang sana ang makipagduwelo dahil higit akong malakas. Kinalampag na ako ng kaba dahil papalapit na si Calix kay Mino na hindi na makagalaw at mabilis niyang inamba ang kaniyang punyal ngunit pare-pareho kaming nasilaw nang bigla na lamang may lumabas na liwanag sa dibdib ni Mino at mabilisan itong lumaki at kumalat sa buong paligid.
Agad akon napapakiti dahil sa liwanag tsaka ko lamang narinig ang isang malakas na kalabog na tila may kung sino man na tumilapon. Mabilis na nawala ang liwanag at agad akong nagmulat upang makita ang pangyayari at agad na nanlaki ang aking mata. I saw how lightning is covering both of Minos' hands at agad akong nakaramdam ng pangingilabot when I saw his eyes turned blue habang may lumalabas na tila kuryente sa kaniyang katawan.
"Anong klase nilalang ka!", agad na singhal ni reyna Marayca at maging ang iba pa naming kasama na nakakakita ng anyo ngayon ni Mino ay kapwa mga nakatayo at gulat na gulat. Maging si Calix na muling nakasalampak sa mga helera ng upuan ay makakaitaan din ng gulat. Lightning? That was odd! Wala pa sa kasaysayan namin ang nagkaroon ng mahika ng kidlat. Is this the power of the Moon Goddess? Hindi ko maiwasan na mamangha lalo na nang unti-unting nawala ang yelo sa kaniyang sugat at napalitan ito ng mga maliliit na kuryente na tila pinaghihilom ang mga ito.
God! You are full of surprises! Ilang beses ba akong mamamangha sa iyo? Tunay nga na hindi pa kita kilala. "Bakit ka may ganiyang mahika!", malakas a sigaw ni Calix habang nahihirapan siyang tumayo mula sa sahig. "Mga mandaraya! Saang lupalop nanggaling ang lalaking iyan!", malakas at nanggagalaiti na sigaw ni Haring Ozyrus ng Berbantes. "Mag-iingat ka anak!", agad na singhal ng Ina ni Calix na punong-puno ng takot ang tinig.
Ngunit tila bingi si Mino sa lahat ng mga sigawan na namumutawi sa kaniyang paligid at matalim lamang ang kaniyang paninitig kay Calix. Kung kanina ay ako ang natatakot para kay Mino ngayon naman ay ako ang nakakaramdam ng kaba para sa buhay ni Calix. I have a bad feeling about this. Nasa ganoon akong pag-iisip nang bigla na lamang sa isang kisap mata ay napunta sa harapan ni Calix si Mino at mabilis nitong hinawakan ang kaniyang kasuotan kasabay nang malakas na pagtapon niya kay Calix na tila isa lamang itong walang buhay na bagay. Agad na sumalampak si Calix at nagpagulong-gulong sa lupa.
Hindi pa natapos ang lahat at bigla na lamang nawala si Mino at may tumamang kidlat sa sahig na malapit kay Calix at bigla na lamang sumulpot si Mino ata agad siyang sinakal at iniangat sa sahig. Tila kinikilabutan ako sa kilos na nakikita ko mula kay Mino dahil tila hindi siya ang Mino na kilala ko. Mabilis na nagpupumiglas si Calix sa pagkakasakal sa kaniya ni Mino ngunit hindi siya natinag.
Akma na sanang kikilos muli si Mino ngunit bigla na lamang nawala ang mga kuryente sa kaniyang katawan at nakita ko kung paano bumalik sa dati ang kaniyang mga mata. Tila yata bigla na lamang siya bumalik sa wisyo at nawala ang kaniyang mahika. Agad itong sinamantala ni Calix at buong lakas na sinipa sa sikmura si Mino na agad niyang ininda. Nabitawan siya ni Mino at walang ano-ano ay biglang nagpakawala si Calix ng isang malakas na suntok sa mukha ni Mino at agad kong nasaksihan ang bigla niyang pagtumba at pagkawala ng malay.
Entrante! Hindi ito maaari! Nawalan siya ng malay at ibig sabihin nito si Calix ang nagwagi. Agad akong hinampas ng kaba dahil sa aking nasaksihan. Kitang-kita ko ang walang malay niyang katawan habang may lumalabas na dugo sa kaniyang ilong. Ngunit mas lalo akong dinagundong ng kaba at maging sila Ina at Tiyo ay nagsitayo sa kanilang pagkakaupo dahil sa kanilang napagtanto.
Naamoy namin ang mortal na samyo ni Mino. "Amoy tao!", malakas na sigaw ni reyna Marayca kasabay ng paglabas ng kaniyang pangil. "Isang mortal! Isang mortal ang lalaki na iyan!", mabilis na sigaw ni Reyna Elena at nasaksihan ko kung paano tila parang mga baliw silang naglabasan ng kanilang mga pangil at matatalas na mga kuko kasabay nito ang pamumula ng kanilang mga mata.
"Isang mortal ang kaniyang kapareha!", isang malakas na sigaw mula kay haring Zakarias. "Patayin ang mortal!", dumagundong ang sigaw ni haring Arthur at maging si Calix ay tila nababaliw na din sa kaniyang naaamoy at lumabas na din ang kaniyang pangil na tila ba handa ng sakmalin ang walang malay na katawan sa kaniyang harapan.
Hindi ito maaari!
Papatayin nila si Mino!