Chereads / One Bite To Another / Chapter 21 - MIND LINK

Chapter 21 - MIND LINK

"Ready? I won't be gentle!", malamig na turan ni Tiyo kay Mino habang prente nilang hinuhubad ang kanilang kasuotang pang itaas. Agad na yumakap sa kanila ang papasikat pa lamang na araw sa kagubatan habang prente lamang ako na nakaupo sa damuhan habang pinapanood sila.

Maagang umalis si Ina upang balikan ang mga tagabaryo na inaalagaan ni Macara dahil hindi rin mapanatag si Ina na hindi sila nakikita. Agad akong napainom sa mainit na inumin na aking tangan dahil ang aga-aga ay makikisig na katawan ang aking nakikita.

"No magic for now Tiyo! Hindi niya basta-basta nailalabas ang kaniyang mahika.", malumanay kong sabi. "That would be a problem.", seryosong saad ni Tiyo dahil totoo nga naman na problema ang pawala-walang mahika ni Mino. May limitasyon pa ang kakayahan ni Mino.

"Then we will have a physical combat first.", walang emosyon na turan ni Tiyo na tinanguan lamang ni Mino. Makalipas ang ilang minuto ng kanilang pisikal na sagupaan ay iilang beses ko din nakikita ang mga pag-inda ni Mino sa mga atake na natatanggap ng kaniyang katawan. Sa tagal nilang naglalaban ay nakikita ko ang kaniyang unti-unting pagkapagod habang hindi man lang niya natatamaan kahit isa si Tiyo.

I saw Tiyo Alonzo's calmness while blocking and sending blows na tila hindi lamang siya napapagod. Maraming beses ko ding nakita na natutumba sa damuhan si Mino ngunit bumabangon pa din siya upang bumawi ng atake. I sip one more time because I knew that it would take a lot of practice and training. Kung ganiyan siya makipaglaban ay isang pitik lamang at mamamatay na siya.

Agad akong napangisi dahil nagawa pa talaga ni Tiyo na ayusin ang nagulo niyang buhok habang nakasalampak si Mino sa damuhan at hinahabol ang kaniyang paghinga. He calmly wiped the blood from his mouth na dulot na din siguro ng paulit-ulit na atake sa kaniya ni Tiyo. Ilang sandali pa ay nawalan na siya ng malay at lupaypay na nakasalampak sa sahig. I can see visible bruises on his body dahil sa duwelo na nagaganap.

Another day had passed and I am here on the same place where I watched them fought yesterday. Sipping the same cup habang muli na naman nabubusog ang aking mata sa makikisig nilang mga katawan, really? Kailangan ba talaga palagi nilang gagawin ang magtanggal ng pang-itaas?

Its a new day yet Mino is still struggling na makatama ng isa kay Tiyo. Alam ko na ang mga atake ni Tiyo ay hindi pa ganoon kalakas ngunit nasasaktan nang husto si Mino Lalo na at wala pa din siyang mahika. Kung lalaban siya na may mahika ay panibagong pagsasanay na naman ang mangyayari. "You have a potential Mino but your attacks are as messy as your head!", makahulugang pahayag ni Tiyo habang nasalo niya ang kamao ni Mino na dapat ay tatama sa kaniyang panga.

Hindi ito pinansin ni Mino at tinangka niyang sipain ang tagiliran ni Tiyo ngunit nasalag ito ni Tiyo sabay patid kay Mino na siyang muli niyang ikinatumba. "What are your purpose? Bakit ka nakikipaglaban Mino?", tanong ni Tiyo habang madiin ang titig niya kay Mino na pagod na pagod at naghahabol ng hininga.

Inilahad ni Tiyo ang kaniyang kamay upang tulungan na makatayo si Mino na agad naman niyang tinanggap at muling umamba ng atake. Wala talaga siyang balak na sagutin si Tiyo na siya naman nginisian ko lamang nang mapait. It's clear Tiyo, he just want to go home and follow the orders of the Goddess. Bakit ba inaasahan ko na may iba pang rason? Dinidismaya ko lamang ang aking sarili dahil katulad niya ay para sa sarili ko lamang na buhay kung bakit ko siya itinatago at pinoprotektahan, so I can say that it's a tie.

The whole day ended na walang pagbabago dahil nabugbog pa din si Mino habang wala man lang gasgas si Tiyo. Panibagong araw na naman ng aking pagsubaybay sa kanila at nagsasawa na ako sa kanilang mga katawan ngunit hindi ko maiwasang mapatingin sa mga gasgas at pasa sa katawan ni Mino na lalong dumarami at nadadagdagan kada araw. Ilang minuto pa ay rinig na rinig ang malakas na pagtilapon at paglagapak ng likod ni Mino sa isang malaking puno.

Malakas siyang sinipa ni Tiyo dahil muntik na siyang matamaan sa mukha. Kitang-kita ko ang matinding pag-inda ni Mino dahil sa kaniyang sinapit. Hindi ko alam pero napangisi lamang ako dahil wala pa din talagang pagbabago. Habang tumatagal ay mas lalo lamang lumalala ang kaniyang sinasapit. "Mino? Huwag mong madaliin ang lahat.", malumanay kong pahayag sabay naramdaman ko ang sabay na pagtapon nila ng tingin sa akin.

"Nakikita ko kung paano mo sinusubukan na umatake nang malala sa iyo si Tiyo dahil siguro sa naiisip mo na kapag nasaktan ka nang todo ay lalabas ang iyong mahika.", agad kong sinalubong ang kaniyang titig na nakakakitaan ng pagkatalo dahil siguro natumbok ko ang kaniyang iniisip. "Let's say na napalabas mo nga ang iyong mahika and then what? Hindi ka nakakasiguro na mananalo ka kaagad. Hindi ka dapat dumepende sa mahika. Ang katawan ang pinapalakas!", madiin kong sabi sa kaniya at nakita ko ang marahan niyang pagtango bilang pagsang-ayon.

"Ano ba ang bumabagabag sa isip mo?", tanong ko sa kaniya habang prente muling umiinom ngunit hindi lamang niya ako sinagot. Now I know, tingin ko ang isip na muna niya ang kailangang palakasin bago ang kaniyang katawan. Maybe he thinks na kailangan niya lamang sarilinin ang kaniyang mga suliranin at kung mapapalabas lamang niya ang kaniyang mahika ay ito na ang solusyon sa lahat.

"That's enough for today Tiyo dahil walang magbabago!", madiin kong turan kay Tiyo na siya niyang tinanguhan sabay pinulot na niya ang kaniyang kasuotan at sa kaniyang bilis ay iniwan niya kami upang tunguhin ang daan patungo sa ilog. Marahan kong tinungo ang direksyin ni Mino habang nakaupo na lamang siya at nakasandal sa puno. Hinawakan ko ang kaniyang pisngi ngunit tinabig lamang niya ang aking kamay na tila ayaw niya magpahawak. I already expected that.

"Kung gusto mo matapos lahat ng ito ay hindi mo kailangan madaliin ang lahat.", paliwanag ko sa kaniya habang umupo na ako sa kaniyang harapan na may tama lamang na distansya. "Ano bang alam mo sa naiisip at nararamdaman ko?", malamig nitong sagot sa akin kasabay ng isang ngisi. "That's the problem can't you see? Hindi ka namin mabasa! Bigla-bigla ka na lamang nagdedesisyon na hindi ko naiintindihan!", medyo may diin kong pahayag pabalik.

"Who do you think you are? Sino ka ba para ipaliwanag ko lahat ng kilos ko sa iyo?", agad siyang nagtapon nang malamig na titig sa akin ngunit hindi ko mapapagkaila na nakaramdam ako ng tila kurot sa aking dibdib dahil sa kaniyang tinuran sa akin. That will always be a problem, hindi niya iniisip ang papel ko sa kaniyang buhay. Ako nga na hirap pa din isipin kung ano ang papel niya sa akin ay unti-unting kinakain ang ideya na siya ang aking kapareha kahit pa ang hirap.

"Do you think ikaw lang ang may katanungan Mino? Do you think ang lahat ng ito ay tungkol lamang sa iyo?", hindi ko na napigilan na maglabas na din ng inis dahil sa kaniyang tinuran. "Magalit ka sa akin kung ako mismo ang pumili na ikaw ang aking makapareha!", agad kong katwiran sa kaniya dahil nakakasura na ang lagi na lamang pag-ikot ng aming usapan sa ganito.

"Nagagalit at naiinis din ako dahil ayaw ko madikit sa katulad mo pero all I can do is accept that damn fact and work with you!", naiinis kong pahayag sa kaniya ngunit tila lalo lamang siyang nagalit pabalik. "Sinusumbatan mo ba ako? You have this bullshit thing about having a mate! Andaming nalalaman ng mundo niyo!", agad niyang singhal sa akin.

Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at pinilit na pakalmahin ang aking sarili dahil sa tila gusto ng sumabog ng aking dibdib. Kung ako ay nasa proseso na ng pagtanggap ay tila naiiwan pa din si Mino sa kaniyang galit sa aming lahi. Hindi niya pa rin siguro matanggap ang katotohanan na mahirap din para sa akin. Ngunit hindi ko siya masusumbatan dahil alam ko ang hirap ng lahat ng ito para sa kaniya.

Akma na sana akong didilat ngunit bigla akong nagtaka dahil sa aking naramdaman na tila may kung anong bumubukas sa aking isipan. Naramdaman ko ang tila puwersang nagbubukas ng kung ano sa aking diwa.

"I just want to go home!", agad akong napamulat dahil sa tila nakarinig ako ng boses sa aking isipan at mas lalong nangunot ang noo ko dahil tinig iyon ni Mino. "What did you say?", nagtataka kong tanong sabay binigyan niya ako ng nagtatakang tingin dahil hindi naman bumuka ang kaniyang bibig ngunit narinig ko siyang magsalita. What was that?

"Ano na naman nangyayari sa babaeng ito?', agad akong napasapo sa aking bibig dahil narinig ko muli ang kaniyang tinig ngunit nakita ko na hindi man lang bumuka ang kaniyang bibig. Agad na nanlaki ang aking mata at napatayo na siya naman niyang nagtatakang sinundan ng tingin.

"Mi... Mino? Can you please think of something else?", nanginginig kong pahayag sa kaniya na mas lalong nagpakunot sa kaniyang noo. "Ano ba pinagsasabi mo?", mataray nitong pahayag sa akin ngunit gusto kong kompirmahin ang aking iniisip. "Just do it!", madiin kong singhal sa kaniya.

"Fine!", inis nitong pahayag sa akin sabay dahan-dahan siyang tumayo habang umiinda dahil sa sakit ng kaniyang katawan at tumingin siya sa akin nang madiin na tila ba naguguluhan siya sa aking pinapagawa.

"HAKDOG", agad akong napasapo sa aking bibig hindi dahil sa wirdong sinabi ni Mino kahit hindi naman bumuka ang kaniya labi kundi dahil nakompirma ko ang aking hinala. Why the hell I can read his mind?