Marami ng bagay ang nangyayari simula ng mapunta sa mundong ito si Mino. May mga bagay na sadyang hindi na din kinakaya ng aking utak upang iproseso. "You can read his mind?", gulat na tanong sa akin ni Tiyo habang kapwa kami magkaharap sa mesa at kumakain. Si Mino ay nagtungo na sa ilog upang malinis ang kaniyang sarili.
Naguguluhan lamang niya akong iniwan kanina dahil hindi ko pa sinabi sa kaniya ang aking karanasan. "Yes Tiyo, ngunit bigla din itong nawala.", agad kong sagot sa kaniya na siyang ikinakunot lamang ng kaniyang noo. "That's strange!", agad niyang pahayag. "I don't know what to say and think either. Kung ano-ano na lamang ang nangyayari.", medyo iritable kong pahayag dahil dagdag na naman ito sa mga palaisipan na mayroon ako.
"Maybe it's a good thing also para malaman natin ang mga nasa isip niya.", malamig na pahayag ni Tiyo bago siya uminom mula sa tasa na nasa kaniyang harapan. "Vreihya, I can sense that he can't be in his full potential hanggang hindi niya mismo tinatanggap sa sarili niya kung ano na nga ba siya ngayon.", makahulugan niyang pahayag sa akin na siyang marahan kong tinanguhan.
"Pero ano ang ating magagawa Tiyo? Ang pagtanggap ay dapat sa kaniya magmumula at hindi kung kaninuman.", malumanay ko lamang na pahayag. "Sometimes the only way for a person to accept something is when they learn how to love it.", pahayag ni Tiyo at agad akong napatingin sa kaniya. I get his point! Andito na naman tayo sa ideya na kailangan ko siyang paibigin.
"Mahirap para sa akin ang pinapagawa mo Tiyo. Alam mo kung gaano kabigat sa akin ang kahulugan ng pag-ibig.", mabilisan kong pahayag sa kaniya. "You don't have to fall in love too Vreihya. It's your life that is at stake. I think that is reason enough for you to consider that idea.", pangangatwiran ni Tiyo sa akin. Agad akong napailing sa kaniyang tinuran dahil tila wala lamang talaga akong pinagkaiba kay Mino dahil siya ay sumusunod lamang at nag-eensayo upang masunod niya ang kagustuhan ng Dyosa upang makauwi samantalang ako ay paiibigin siya para sa aking sariling kapakanan.
"I know how it feels kapag umibig ang isang lalaki Vreihya.", mahina nitong bulong na tila hindi niya nais na marinig ko ito. Agad akong napatingin sa kaniya nang nagtataka. "How can you know that Tiyo? Kahit kailan ay hindi pa kita nasaksihan na umibig. Wala nga atang babae na nakalapit sa iyo pwera sa amin ni Ina.", agad kong saad sa kaniya na agad niyang ikinailing. "Silly! Hindi sa akin siyempre.", natatawang pahayag ni Tiyo sa akin dahil naisip siguro niya na imposible para sa akin na umibig siya.
"Then who?", agad kong tanong sa kaniya. "Your parents Vreihya.", agad akong napangiti nang matamis sa kaniyang tinuran dahil sumagi na naman sa akin ang pinakamagandang kwento ng pag-ibig na aking narinig sa buong buhay ko. "Maraming beses ko ng nakwento sa iyo kung paano ko pinahirapan ang iyong Ama upang mapatunayan niya ang kaniyang pag-ibig sa iyong Ina.", natatawa nitong pahayag na siyang masaya kong tinanguhan.
"Hindi din biro ang hirap ng iyong Ama upang mapaibig lamang si Zaliah.", masayang pahayag ni Tiyo habang sumasagi na naman sa aking isip ang mga kwento na aking narinig simula pa noong ako ay musmos pa lamang. "No wonder kung bakit kahit bata ka pa lamang ay talagang pihikan ka na sa mga lalaking lumalapit sa iyo.", makahulugang pahayag ni Tiyo. "Kapag nakarinig ka na ng ganoong klase ng pag-ibig Tiyo ay tataas talaga at lalalim ang pagtingin mo sa tunay na pag-ibig.", agad kong pahayag sa kaniya.
"Kaya masakit para sa akin Vreihya na hindi mo nakukuha ang ganoong klase ng pagmamahal dahil mapaglarong tadhana.", seryoso nitong pahayag at ang kaninang masaya naming usapan ay biglang napalitan ng nakakabinging katahimikan. Tiyo is right. Dahil sa ganitong pangyayari sa buhay ko ay hindi ko na mararanasan ang pag-ibig na tulad ng sa aking mga magulang. Sino ba naman kasi ang gusto na ipagpilitan ang kaniyang sarili sa isang kapareha? Sino ba ang may gusto na paibigin ang isang tao nang sapilitan at wala ka naman nararamdaman para sa kaniya?
"Pero ito na lamang ang isipin mo Vreihya. Kaya ka siguro binigyan ng ganitong suliranin sa buhay ay dahil alam ng tadhana na ikaw lang ang matatag upang harapin ang mga ito.", malumanay na tugon ni Tiyo kasabay ng isang magaan na ngiti. Mas lalo itong nakadagdag sa kagwapuhan na taglay ni Tiyo kaya nagtataka talaga ako kung bakit wala man lang babae na itinatangi ni Tiyo sa rami ng nagkakandarapa sa kaniya. Tila yata pihikan din siya tulad ni Ina.
Ilang minuto pa at kapwa na muna kami nagpaalam sa isa't isa. Magpapahinga muna raw si Tiyo habang narito ako ngayon at kasalukuyan ng binabagtas ang daan patungo sa ilog. Kanina pa ata nagtatagal doon si Mino at iniisip ko na baka kung ano ang maisipan niyang gawin. Ilang minuto pa ay natanaw ko na siya sa ibaba dahil nakatayo ako sa mataas na lugar kung saan siya nahulog dati.
Naupo lamang ako dito habang tinatanaw ko siya sa ibaba na prenteng lumalangoy. Hindi nakaligtas sa akin ang mga pasa niya sa kaniyang likuran ngunit natural lamang ito sa isang tunggalian. Agad akong napapitik dahil biglang may sumagi sa aking isip na isang halamang gamot na pwede kong magamit upang mabilisan na maghilom ang kaniyang mga pasa. Agad akong napatayo sa aking kinatatayuan at ng akma na sana akong lalakad ay biglang nanlaki ang aking mata dahil sa bigla na lamang may malakas na pwersa ng hangin ang agad na tumulak sa akin.
Sa lakas nito ay agad akong nawalan ng balanse at mabilisang nahulog mula sa aking kinatatayuan. "TIYOOOOOO!", pagalit kong sigaw dahil alam ko na siya ang may pakana nito at agad kong kinumpas ang aking kamay upang masalo ako ng isang malaking baging ngunit sadyang mabilis ang aking pagbulusok. Agad kong naramdaman ang pagyakap sa akin ng malamig na tubig mula sa ilog at ang aking mabilisang paglubog. Mananagot ka sa akin Tiyo!
Agad akong lumangoy patungo sa ibabaw dahil tila gusto ko ata manakal ng Tiyuhin dahil sa aking inis. Sa aking pag-angat ay agad akong nagulat dahil agad na bumungad sa akin si Mino habang nakakunot noo siyang nakatingin sa akin. "What?", mataray kong pahayag sa kaniya dahil sa kaniyang paninitig. "Ang pangit mo naman mag-dive!", pang-aasar nito sa akin na siyang rason kung bakit matalas ang paninitig ko sa kaniya.
"Dapat sinabihan mo ako kung gusto mo sumabay maligo prinsesa hindi 'yong bigla-bigla ka na lang tatalon.", prente nitong sabi at agad akong napanganga sa kaniyang tinuran. Tila ata niyayabangan ako ng mortal! Gusto niya ba ng panibagong away?
"Who do you think you are para makisabay ako sa'yo maligo?", mataray kong pahayag sa kaniya na agad naman niyang nginisian. "Then sinisilipan mo ako ano? Hindi ka na ba makatiis?", mayabang nitong pahayag at naramdaman ko na lamang na tila gusto na ata sumabog ng aking dibdib. Sa aking inis ay agad kong hinila ang kaniyang buhok at inilublob ang kaniyang mukha sa tubig at agad itong binitawan. Mabilisan akong tumalikod sa kaniya at nagtungo sa pangpang ng ilog.
Habang nakatayo ako at iniaayos ang aking kasuotan na siyang nakadikit na sa aking katawan ay naramdaman ko na ang presensya niya sa aking likuran. Pinulot niya ang kaniyang kasuotan upang isuot at agad naman akong napaharap sa kaniya. "Stop what you are doing right now.", agad kong utos sa kaniya habang nakatingin ako sa kaniyang mga pasa. Agad siyang humarap sa akin habang nakakunot ang kaniyang noo. Hindi ko man alam kung ano ang laman ng kaniyang isip dahil hindi ko na ito nababasa gaya kanina ngunit alam ko na hindi niya ako nauunawaan. "Ano na naman ba ang trip mo prinsesa? Kanina pa ako nawiwirduhan sa iyo!", malamig nitong pahayag sa akin.
"Gagamutin natin ang mga pasa mo!", naiinis kong pahayag sa kaniya ngunit hindi siya nakinig sa akin at mabilisan niyang sinuot ang kaniyang kasuotan at prente akong tinalikuran at nagsimula na siyang maglakad. Napapikit ako at napahinga nang marahas upang pakalmahin ang aking sarili. Ngayon lamang ako nakaranas na talikuran at hindi pakinggan!
Wala na akong sinayang na oras at gamit ang aking bilis ay agad kong hinawakan ang kaniyang kaliwang kamay at mabilisan ko siyang kinaladkad. Agad siyang kumalas sa aking hawak at muli na naman niyang sinapo ang kaniyang sikmura at bibig na tila masusuka. Isang ngiting tagumpay ang muling namutawi sa aking labi dahil nakaganti na naman ako sa pagpapasama niya sa aking kalooban. "Isa pa talaga! Kukuryentehin na kita!", nahihirapan niyang pagbabanta sa akin habang tila hindi na niya kayang mabalanse ang kaniyang pagtayo dahil sa pagkahilo.
Agad siyang umupo at sumandal sa isang puno at pumikit dahil sa pagkahilo. Agad naman akong nag-angat ng tingin upang makita ang bulaklak sa itaas ng puno na siyang aking pakay. Sa aking kumpas ay may baging na gumapang paitaas sa puno at kumuha ito ng isang kumpol ng mga bulaklak na siyang aking kailangan. Agad naman itong gumapang paibaba at iniabot ito sa akin. Agad akong napangiti at humaplos sa baging pagkatapos kumuha ako ng isang bulaklak at inipit ito sa aking tenga.
"She is really beautiful when she does that!", agad akong napatingin kay Mino na mabilisang pumikit upang hindi ko malaman na nakatitig siya sa akin at hindi ko alam kung bakit muli kong nabasa ang kaniyang isip. Agad na tila nanlambot at nagwala ang aking puso dahil sa narinig ko mula sa kaniyang isip. Hindi ko alam pero tila natuyuan ako ng lalamunan dahil sa aking narinig. Entrante! Pilit kong pinakalma ang aking dibdib at dahan-dahan na tinungo ang kaniyang direksyon habang pinipilit ko na patigilin ang panginginig ng aking mga kamay.
Ang simple lamang ng turan ng kaniyang isip ngunit bakit tila hinaplos at nagwala ang aking puso. "Please don't come near me. I might go crazy with your lovely fragrance!", muli kong narinig ang mga katagang iyon sa kaniyang isip at agad kong naramdaman ang panginginig ng aking tuhod at tila nawalan ako ng balanse kaya sa aking paghakbang ay tila yata matutumba ako. Agad ko na lamang nakita kung paano siya mabilisang nagmulat ng kaniyang mga mata at mabilis na tinungo ang aming distansya kasabay ng pagsalo niya sa akin.
Entrante! Agad akong tila sinemento dahil muli niya akong hawak sa kaniyang mga bisig habang paulit-ulit na umiikot sa aking isipan ang narinig ko mula sa kaniya. "Ano ba ang nangyayari sa'yo prinsesa?", naiinis nitong pahayag habang patuloy na nagwawala ang aking puso.
Salita lamang ang mga iyon Vreihya! Huwag kang magpapadala! Ayusin mo ang iyong sarili! Hindi ka dapat naaapektuhan ng ganito. "Tila yata ginamitan ako ng mahika.", nakatulala kong pahayag sa kaniya na siyang ikinakunot lamang ng kaniyang noo. "What magic?", narinig ko muli ang kaniyang isip.
Sa'yo galing ang mahika na ito Mino. This is your magic! Ang mahika na hindi ko pwedeng hayaan na maging epektibo sa akin palagi!