Agad na natunaw sa aking mga kamay ang yelong punyal na galing sa prinsipeng mayabang lamang na nakatingin sa akin habang iniisip ko ang kalagayan ngayon ni Mino. "Mukhang nasa alanganing kalagayan ang iyong mortal na kapareha.", agad nitong usal sa akin ngunit wala akong panahon na makipag-usap sa kaniya ngayon. "Hindi ngayon ang tamang panahon para ubusin ang aking pasensya.", agad kong malamig na usal sa kaniya.
I am about to turn my back away from him ngunit muli ko na naman nasalo ang yelong punyal na kaniyang itinapon sa aking direksyon. Hindi ko na maiwasang makaramdam ng inis dahil sa kaniyang ginagawa. "Entrante! Stop it Calix!", agad kong singhal sabay bato sa kaniya pabalik ng punyal na prente lamang niyang pinigil gamit ang kaniyang titig. "Anong klaseng lengguwahe iyan prinsesa?", agad niyang tanong ngunit napangisi lamang ako. "Quit it! I already knew na maraming beses ka ng nakapunta sa mundo ng mga tao!", agad na nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa aking tinuran.
Agad akong napangisi dahil sa hindi niya akalain na alam ko ang bagay na ito. I already saw him many times and I know na nagpanggap lamang siya na tila sabik sa isang mortal nang maamoy niya si Mino upang ikubli na matagal na siyang sanay sa tao. Agad lamang siyang napailing dahil sa'king tinuran. "You know Vreihya matagal ko ng alam kung nasaan kayo nagtatago ng mortal yet I never told anyone.", he said calmly na agad nagpatiim ng aking panga.
What kind of monkey business is he planning to? Tila yata may ibang pakay ang prinsipe kung bakit hindi niya pa kami isinusuplong. Ngunit agad akong napangisi dahil sa nababatid ko ang kaniyang pakay. "I already knew that we have the same situation right now Calix. Nararanasan mo din ang nararanasan ko ngayon.", agad kong saad na marahan lamang niyang tinanguhan.
"Do you think it's easy for me to shut my mouth dahil sa ikaw lang ang makakatulong sa akin?", marahan nitong saad at napangiti lamang ako nang mapait. I know that he can't harm me right now as well as Mino dahil nasa akin ang kaniyang kailangan. I can use that for my advantage. "If you swear to shut your mouth and help me right now ay ibibigay ko sa iyo ang bagay na nais mong malaman.", I told him at kahit pa nakikita ko ang pagtanggi sa kaniyang mga mata ay agad siyang tumango.
"By the way nice acting!", agad kong saad sa kaniya dahil sa ginawa niyang pagpapanggap sa duwelo nila ni Mino ngunit hindi na niya kailangan pang sugatan si Mino dahil nanggigigil lamang ako. "You know how it fells to have watchful eyes focusing on you.", agad nitong saad na tinutukoy ang mapagmasid na mga mata ng kaniyang Ina.
And I knew that if his mother will discover the truth ay kagaya ko ay hirap at pasakit ang mararanasan ni Calix that's why he doesn't have any choice but to not make me angry. "But if ever nandirito sila at nagmamasid ay hindi ako magdadalawang isip na paslangin kayong dalawa.", madiin niyang saad sa akin na siyang tinanguhan ko lamang. He is expected to be against us kaya naiintindihan ko kung kailangan niya umatake kung may ibang nakakakita.
"Great! Now help me to carry Mino. Kailangan siyang malunasan!", agad kong utos sa kaniya na agad naman niyang sinunod. Ilang minuto pa ay kapwa na kami naglalakad sa malawak na disyerto habang buhat niya sa kaniyang balikat si Mino na maya't-maya kong tinitignan dahil hindi ako komportable sa kaniyang pwesto. "Relax Vreihya! Huwag mo naman ipahalata na nag-aalala ka!", mapanloko niyang pahayag sa akin na siyang nagpataas ng aking kilay.
"Pasanin ko sa buhay ang mortal na iyan kaya kahit ayoko kong intindihin siya ay wala akong magagawa.", matabang kong pahayag sa kaniya na siya lamang niyang nginisian. "May I ask kung tanggap mo na ba ang nangyayaring ito sa iyo?", agad niyang tanong sa akin. "Nangyayari na ano?", naguguluhan kong tanong sa kaniya habang tila prente lamang niyang dala-dala si Mino.
"Being mated with a human. Hindi ba parang napakahirap lunukin ng ideya na ito.", prente niyang pahayag sa akin at agad akong natigilan sa kaniyang pahayag. Lubusan ko na nga bang tanggap ang lahat o sadyang wala lang akong pamimilian kaya pilit kong nilulunok ang mapait na ideya na ito. "Actually bakit ko nga ba kailangan sagutin ang tanong mo?", agad kong pahayag sa kaniya at nagpatuloy lamang sa paglalakad.
"Hindi ka pa din talaga nagbabago Vreihya! Ikaw pa din ang masungit kong kababata.", agad niyang pahayag sa akin. "Tsk! Sino ba sa atin ang bigla na lamang nang-iwan?", agad kong pambabara sa kaniya habang sumasariwa na naman sa aking isipan ang ginawa niyang pag-iwan sa akin sa ere ngunit tila wala na siyang balak na ungkatin pa ang aming nakaraan.
"I think his condition is getting worse. Kailangan na siyang magamot dito mismo.", seryoso niyang pahayag at agad akong nakaramdam ng tila kaba sa kaniyang pahayag. "Ngunit nasa kalagitnaan tayo ng disyerto at nasa kabayanan pa ang pagamutan.", agad kong saad dahil hindi ko nais na galawin si Mino dahil baka lumala pa ang kaniyang kalagayan. "Kailangan natin ng mas mabilis na paraan upang makapaglakbay. Naiinip na ako sa bigat niya baka ibagsak ko 'to!", iritable niyang pahayag na agad ko lamang hindi pinansin.
"Try and I will not tell you what I know!", agad kong pananakot sa kaniya at iritable lamang niya akong hindi pinansin. "Entrante! Lumapit ka sa akin nang bahagya prinsesa!", naiinis na nitong saad at kahit nagtataka ako ay lumapit na lamang ako sa kaniya. Agad na nanlaki ang aking mata dahil bigla niyang hinapit ang aking bewang at agad na nadikit ang aking katawan sa kaniya. Akma ko na sana siyang sasampalin dahil sa kaniyang kapangahasan ngunit agad akong nanginig dahil sa biglang paglamig ng paligid.
Agad akong napalayo sa kaniya at nagulat ako dahil isang nagyeyelong kagubatan ang bumungad sa akin. Agad akong nakaramdam ng panlalamig because he teleported us to this icy forest. "Hindi ka man lang nagbabala Calix! Mamamatay ako sa lamig!", naiinis kong bulyaw sa kaniya ngunit agad lamang siyang natawa. "Sa malalamig na lugar lamang ako pwede gumamit ng teleportasyon prinsesa besides mas malapit ito sa pagamutan napakaarte mo naman.", agad niyang pambabara sa akin at malakas kong nasuntok ang kaniyang balikat na agad niyang ininda.
"Ibabalibag ko 'tong lalaking ito isa pa!", agad niyang saad at agad na nanlaki ang aking mata dahil naalala ko si Mino. Entrante! Baka nilalamig na siya nang husto! Agad kong sinenyasan si Calix na ibaba nang sandali si Mino upang malagyan ko ito nang makapal na kasuotan. Sa aking kumpas ay nagkaroon ng higaan na gawa sa baging at doon ko ipinalapag si Mino upang hindi siya sa malamig na nyebe hihiga. Agad ko siyang sinuotan ng makapal na balabal at marahan na tinapik ang kaniyang pisngi.
"Siguro kung ako pa din ang Calix na patay na patay sa'yo prinsesa ay matagal ko ng pinagyelo ang mortal na iyan dahil sa selos. Kailan ka pa natuto na mag-alala ng ganiyan sa isang lalaki?", natatawang pahayag ng mayabang na prinsipe at agad ko siyang tinapunan ng matalas na tingin. Ginagawa ko lang ito dahil hindi siya pwedeng mamatay and that's all. Muli na lamang akong tumingin kay Mino at muli siyang tinapik sa pisngi ngunit hindi siya nagigising. "Why do you have to wake him up?", naguguluhan na pahayag ni Calix.
"He needs to drink my blood dahil baka may ibang nilalang na makaamoy sa kaniya.", malamig kong paliwanag sa kaniya. "Don't worry this is a cold and dead forest. Walang ibang napapapadpad dito.", agad niyang sagot. "I wonder if I need to do that also when I meet her.", agad niyang turan sa akin at agad akong napatingin sa kaniya.
"Kapag nakilala mo na siya Calix ay makakaranas ka din ng mga bagay na hindi mo mauunawaan.", agad kong saad sa kaniya. "Are you speaking from your experience princess?", muli niyang tanong pabalik ngunit sinenyasan ko na siya upang buhatin si Mino muli upang makausad na kami. Ilang segundo pa ay tangan na niyang muli ang walang malay na mortal.
"Ikaw na mismo ang makakaranas ng lahat ng iyan kapag nariyan na siya sa iyong harapan.", agad kong saad sa kaniya and then he smiled bitterly. "Ayaw ko na muling mabaliw sa pagmamahal.", mapait niyang saad sabay tingin sa akin at hindi ko magawang salubungin ang kaniyang titig dahil hindi ko na nais pang alalahanin ang mapait na parte ng aming kabataan.
"One day this will all make sense Calix.Magkakaroon din ng linaw kung bakit magkahati tayo sa propesiya.", I told himand he nodded at me. Meet my used to be childhood friend Calix Amadeus Salizte,a prince with the same fate as mine but not fated to be my mate. Kapwa kami nakatadhana sa isang mortal sa hindi namin malaman na dahilan