"Drink.", malamig kong utos sa kaniya habang nag-iiwas ako ng tingin. Iniabot ko ang sisidlang kahoy na may katas ng bulaklak at patak ng aking dugo upang inumin na lamang niya ito kaysa naman ako pa ang magpahid. Hindi na ako natutuwa sa paulit-ulit na pagwawala ng aking puso. Hindi maaari na magkaroon ako ng damdam para sa kaniya. Isang malaking pagkakamali ang umibig sa katulad niya.
I saw how people cheat and play with each other's heart. Ilang makamundong pag-ibig na nga ba ang nasaksihan ko sa kanilang mundo at ilang pagkabigo na din ang aking nakita. Mababaw kung magmahal ang mga tao dahil karamihan sa kanila ay madaling matangay ng tukso at pagnanasa. Dagdag pa dito ay ang ikli ng kanilang buhay, kung ako ay iibig ay nais ko na sa matagal na panahon kami magsasama ngunit ang mga mortal ay tumatanda at namamatay.For me, the length of their lives are not enough.
Gusto ko ng pag-ibig na aking mararanasan habang ako ay nabubuhay. Ilang sandali pa ay tinanggap na din niya ito at habang iniinom niya ito ay muli akong nag-usal ng dasal na siyang nagpaliwanag na muli sa katas. Sa sandaling naubos na niya ito ay sabay-sabay na nagliwanag ang mga pasa niya sa iba't-ibang parte ng kaniyang katawan at mabilisan na itong nawala.
Tila wala ng bahid pa ng bugbog at pasa sa kaniyang katawan. "Pwede na ulit mabugbog.", agad kong saad sa kaniya at agad niya akong tinaasan ng kilay. "Tuwang-tuwa ka talaga kapag natatamaan ako ng Tiyo mo.", malamig nitong turan sa akin at agad akong tumango. "Of course!", mayabang kong saad sa kaniya. Mabilis na siyang tumayo at tinalikuran ako ngunit tumigil siya nang bahagya at tumingin sa akin. "Then I will let you have your fun.", malamig nitong turan at agad na nangunot ang noo ko.
Akma na sana akong magsasalita ngunit ginamit na niya ang kaniyang bilis upang iwan na akong mag-isa. I shrug my shoulder dahil ano bang malay ko sa pinagsasabi niya? Dumalaw na ang gabi at laking pasalamat ko at payapa ang aking buong magdamag.
Agad akong napapitlag sa aking pagkakatulog dahil sa may narinig akong malakas na ingay na nagmumula sa labas ng palasyo. "What the hell is that noise?", naiirita kong pahayag dahil nakita ko na nagsisimula pa lamang magbukang liwayway ngunit parang may nagwawala sa labas ng palasyo. Kahit hindi ko pa maibukas nang todo ang aking mga mata pero tumayo ako at dumungaw sa veranda.
"I TOLD YOU NA INAANTOK PA AKO!", galit na sigaw ni Tiyo at agad na nanlaki ang aking mga mata at nagising ang natutulog kong diwa dahil natanaw ko si Mino at si Tiyo na tila nag-aaway sa labas ng palasyo. Entrante! Napakaaga pa para mag-duwelo! Anong pumasok sa isip ng mga ito. Halata ang pagkainis kay Tiyo habang siya ngayon ay umaatake kay Mino na nakikita kong nahihirapan sa pag-iwas.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at gamit ang isang baging na aking minanipula ay nakababa ako kung saan sila nagsasagupaan. "TIYO! MINO! ANG AGA-AGA ANG INGAY NINYO!", galit kong sabi ngunit tila bingi silang dalawa at patuloy na umaatake si Tiyo habang nagsisimulang mawalan ng balanse si Mino.
Agad na nanlaki ang aking mata dahil tatama sa mukha ni Mino ang malakas na suntok ni Tiyo ngunit agad niya itong nasalag. Entrante! Ayaw magsitigil ng mga bata. "STOP IT!", malakas kong sigaw ngunit si Mino naman ngayon ang nagtatapon ng atake habang si Tiyo ang umiiwas sa kaliwa't kanan na suntok. Mas lalong nag-init ang aking ulo dahil sa ayaw nila paawat.
Dahil sa aking pagkainis ay marahas kong iginalaw ang aking mga kamay at malalaking ugat ang lumabas mula sa lupa na siyang nagpayanig dito. Agad kong itinuro ang aking kumpas patungo sa kanila at mabilis na bumulusok ang mga ugat at kapwa sila nagulat dahil bumalot ito sa kanilang mga katawan at agad ko itong pinalapit sa akin. Pareho sila ngayong nasa aking harapan habang balot ng mga ugat ang kanilang katawan.
"HINDI KAYO NAKIKINIG!", agad kong bulyaw habang kapwa sila tila nagulat dahil sa aking ginawa. "ANO ANG PUMASOK SA MGA KOKOTE N'YO!", mabilis kong singhal sa kanilang dalawa habang kapwa pa sila hindi makapagsalita. "Siya ang tanungin mo. I am just sleeping peacefully Vreihya!", ma-awtoridad na turan ni Tiyo sabay tapon ng tingin kay Mino na tinignan ko din habang nakataas ang aking kilay.
"Inaya ko lang naman siya makipagduwelo.", prente lamang na saad nito at hindi ko alam kung bakit ko nahilot ang aking sintido dahil sa nararamdaman na inis. "Pwede naman kayo mag-away sa tanghali. Huwag naman 'yong ganitong oras!", iritable kong pahayag sa kanila. "Gusto ka daw niya pasayahin Vreihya!", agad na pahayag ni Tiyo na dahilan kung bakit ako napatingin sa kaniya na may pagtataka.
"Pasayahin?", nagtataka kong tanong sa kanila sabay sinenyasan ako ni Tiyo gamit ang kaniyang labi bilang panuro para tumingin sa mortal. "Akala ko ba masaya ka kapag nabubugbog ako?", prenteng pahayag ni Mino at agad akong nakaramdam ng inis dahil sa kaniyang tinuran. Fine! Sige! Gusto niya pala ng gantong away ah! Fine!
Agad kong kinumpas ang aking kamay at kapwa sila binitawan ng ugat at bumalik ito kung saan man ito nanggaling. Walang emosyon akong tumingin sa kanilang dalawa at prente kong kinumpas ang aking kamay at may nabuong isang upuan sa aking tabi na yari sa mga baging. Walang emosyon akong umupo dito tsaka ko sila nginisian na pareho. "Go on! Fight! Entertain me!", malamig kong turan sa kanila at mayabang akong sumandal sa sandalan ng upuan. Agad tumaas ang kilay ko dahil hindi pa sila kumikilos na dalawa.
Ilang sandali pa ay kapwa sila napatingin sa mga nakapaligid na puno dahil biglang umingay ang mga ito kasabay ng paglabas ng malalaki at matatalas na mga tinik sa katawan ng mga ito. Malamig lamang ang paninitig ko sa kanila ngunit nakita ko ang biglang pagseryoso ng kanilang mga mukha. Entertain the hell out of me!
Ilang minuto pa ay kapwa na sila lumayo sa akin at pomosisyon na tila handa na sa kanilang laban. Agad na sumugod si Mino na siyang prente lamang na iniwasan ni Tiyo ngunit sunod-sunod ang naging atake nito. Hindi na nakatiis pa si Tiyo at agad niyang nasalag ang kamao ni Mino kasabay ng pagsipa nito sa kaniyang tagiliran. Mabilis na tumilapon si Mino ngunit agad niyang napigil ang higit na paglayo at mabilis na umatake pabalik.
Agad na sinalubong ito ni Tiyo at mabilisang napadaing si Mino dahil sa malakas na suntok ni Tiyo na tumama sa kaniyang sikmura. Agad siyang napaluhod sa sahig at napainda. Kapwa sila napatingin sa akin dahil bigla na lamang akong humikab bilang tanda ng pagkabagot at antok. Seryoso? Ito na ba 'yon? Wala man lang kagana-gana ang labanan na ito.
Agad kong nakita ang mayabang na pagngisi ni Mino na siyang ikinakunot ng aking noo. Ano ang binabalak ng lalaking ito? Tila yata may iniisip siya na hindi ko magugustuhan. Agad kong sinubukan na basahin ang kaniyang isip kung magagawa ko ngunit naramdaman ko na sarado ito. Entrante! Huwag kang gagawa ng kung ano Mino!
Si Tiyo naman ngayon ang umamba ng suntok habang nakaluhod pa lamang si Mino ngunit mabilis siyang nakatayo at nakailag. Mabilis niyang nahawakan sa braso si Tiyo at buong lakas na binuhat na parang sako tsaka siya itinapon sa kung saan. Ngunit agad na napigil ni Tiyo ang kaniyang katawan sa ere bago pa ito tumama sa puno na may matatalim at malalaking tinik.
I crossed my legs at bahagyang hinarangan ko ng aking palad ang aking mukha dahil natatamaan na ako ng papalabas na sinag ng araw. Entrante! Kahit ata maghapon ko sila panoorin ay hindi ako masisiyahan. I am bored! Akma na sana akong tatayo at aalis ngunit agad na nanlaki ang aking mata dahil naglabas si Tiyo ng tila matatalim na hangin na hindi makikita ng mga normal na mata ngunit kitang-kita ko ang hugis at talas ng mga ito.
"TI-", agad akong napatayo ng tuluyan at napasapo sa aking bibig habang mabilis na bumulusok sa direksyon ni Mino ang matatalas na hangin at agad kong nakita ang pagkapunit ng iilang bahagi ng kaniyang kasuotan kasabay ng pag-agos ng dugo mula rito. Hindi ko alam pero agad na nag-init ang aking ulo. "TIYO! BAWAL GUMAMIT NG MAHIKA!", malakas kong singhal sa kaniya ngunit ni hindi siya lumingon sa akin.
Agad na pinahid ni Mino ang dugo na mula sa daplis ng matalas na hangin sa kaniyang pisngi. Anong ginagawa ng dalawang ito? Agad na tumayo nang matuwid si Mino at inilahad ang kaniyang kamay sabay tila hinahamon niya si Tiyo na sumugod. Walang anu-ano pa man ay agad na sumipa si ere si Tiyo at biglang may lumabas na malakas na hangin mula sa kaniyang pwersa at mabilis na tinamaan si Mino at agad na nanlaki ang aking mata dahil tumilapon siya.
Agad kong iginalaw ang aking kamay at mabilis na nawala ang malaking mga tinik sa puno atsaka siya tumama dito. Kung hindi ko ito naalis kaagad ay malamang na babaon ito sa kaniya. "Entrante! Tiyo! Balak mo ba siyang paslangin!", galit na sigaw ko kay Tiyo ngunit hindi siya nakinig.
Agad na nagtinginan nang masama ang dalawa at ilang minuto pa ay sabay silang sumugod sa isa't-isa. Nawawalan na ako ng pasensya! Gamit ang aking bilis ay agad akong pumagitan sa kanilang dalawa at sa aking kumpas ay may lumabas na dalawang malaking puno sa aking magkabilang gilid at rinig na rinig ko ang pagtama nilang dalawa dito.
Kanya-kanya silang inda at muli kong ibinalik sa lupa ang malaking puno. Kapwa nila sapo-sapo ang kanilang mga ilong dahil sa kanilang pagtama sa puno. "Entrante! Ayaw ko na nga! Dinadamay niyo pa ako eh!", agad na saad ni Tiyo habang iniinda niya ang kaniyang ilong samantalang si Mino ay nanatiling nakasalampak sa damuhan habang hawak din niya ang kaniyang ilong.
"Siya lang ang saktan mo Vreihya! Ideya niya lahat ng ito!", agad na pinunasan ni Tiyo ang lumabas na dugo sa kaniyang ilong. "Anong ibig mong sabihin?", malamig kong turan sa kaniya. "Sabi niya saktan ko daw siya para sumaya ka!", tila bata na turan ni Tiyo habang pinapagpagan na niya ang kaniyang kasuotan.
Marahas akong napasampal sa aking noo dahil sa nararamdaman na inis. "At bakit ka naman sumunod Tiyo? Ang tanda-tanda mo na para sa laro!", iritable kong pahayag sa kaniya. "Wala akong magawa sa buhay kaya sasakyan ko na trip nito!", prente nitong pahayag sa akin habang tila uusok na ang ilong ko sa inis. "Akala ko ba inaantok ka pa?", agad kong singhal sa kaniya. "That's part of the script Vreihya!", prente nitong saad na tila ba hindi lamang ako nagagalit.
Hindi ko na kinaya ang aking inis at sa aking kumpas ay agad silang kapwa napasigaw dahil bigla silang kinaladkad ng mga baging na aking minanipula at ilang segundo pa ay kapwa sila nakagapos na dalawa sa isang malaking puno. Kanya-kanya sila ng reklamo at pagpupumiglas para makawala.
"MANIGAS KAYONG DALAWA DIYAN!", galit kong saad sabay hawi ng aking buhok at tumalikod ako sa kanila. Iiwanan ko sila diyan maghapon ang aga-aga ay pinapakulo nila ang dugo ko!