Chereads / One Bite To Another / Chapter 17 - ENCHANTED

Chapter 17 - ENCHANTED

BACK TO REALITY

Hindi ko alam kung papaano ko papipigilin ang panginginig ng kaniyang mga kamay. I knew this would happen. Alam ko na sasapitin niya ang ganito sa aming pagbabalik. Kanina pa siya nakaupo at nakasandal sa silid ng aming palasyo habang pinipigilan niya ang kaniyang panginginig. Alam kong nakakaramdam siya ng takot but being a man that he is ay alam ko na pinipigilan niya na ipakita na nakakaramdam siya ng kahit anong uri ng pagkasindak.

"Mi...Mino", mabagal na tawag ko sa kaniya habang lumalapit ako sa kaniyang pwesto nang marahan. "Please! I am done!", malamig nitong turan sa akin habang itinatago na niya sa kaniyang likuran ang nanginginig niyang mga kamay. I know na hindi niya kinaya ang naganap kanina kaya siya nagkakaganyan.

"I am tired...Ano pa ba ang gusto ninyo sa akin!", punong-puno ng pagiging sarkastiko ang kaniyang pagtatanong sa akin. I don't know what to say dahil habang nananatili siya sa aming mundo ay paulit-ulit na mangyayari ang nangyari kanina.

"Just kill me already!", malamig nitong sabi kasabay ng pag-angat niya ng tingin sa akin. All I can see is pain, regret, anger and sadness. I just stared at him and I saw his almost healed wound na nakikita pa din sa kaniyang balikat. He remained topless simula ng mangyari ang duwelo kanina.

We are back in the castle where I had created my own forest. We need to hide ourselves dahil hindi na lihim sa ibang kaharian ang pagkatao ni Mino. I know he is scared dahil kahit ako ay natatakot din para sa aking kaligtasan at para sa aking kaharian.

The moment that the other kingdoms are about to attack the unconscious Mino ay hindi na nag-atubili pa si Tiyo na gamitin ang kaniyang lakas upang bumuo ng isang malaki at malakas na ipo-ipo na siyang nagwasak sa ginaganapan ng duwelo. Dahil din dito ay nagsitilapon sa malalayong lugar ang mga hari at reyna kasama na si Calix. Buti na lamang ay napalibutan ko ng simboryong gawa sa malalaking baging ang akin Ina at si Mino kaya hindi sila natangay.

After that destructive tornado ay agad na ginamit ni Ina ang kaniyang kapangyarihan upang gumawa ng portal na tubig upang mabilis kaming makapunta sa palasyong ito for shelter. Ngunit hindi pa tapos ang lahat dahil batid ko ang nagbabadyang kaguluhan ngunit higit sa lahat ay mas matindi ang aking pag-aalala para sa mortal na alam kung litong-lito at takot na takot.

He started to tremble in fear and all I can feel is guilt ngunit hindi dapat na dito na lamang iikot ang buong buhay namin. Sa ayaw ko man o sa hindi ay kailangan kong tanggapin na kapwa na namin kailangan ang isa't-isa. I need him to stay alive and he needs me to protect him against our enemies. Gamit ang aking bilis ay lumayo muna ako sa kaniya at kumuha ng kasuotang pang itaas at muling bumalik sa kaniyang kinapupwestuhan. Sinandal niya ang kaniyang ulo sa pader at pumikit na tila pagod na pagod.

"Here", mahina kong alok sa kaniya ng kasuotan at agad siyang nagmulat at nanghihinang kinuha ito at isinuot. Hindi ko maiwasan na tumitig sa kaniya habang isinusuot niya ito. He might look tired yet he is still gorgeous. Hindi ko alam kung anong meron sa akin ngayon but I want to tell him something. "I am really sorry!", I sounded like a defeated warrior at agad siyang tumingin sa akin na tila hindi niya inaasahan ang paghingi ko ng paumanhin. "Believe me when I tell you na wala akong kagustuhan na dalhin ka dito in the first place", paliwanag ko sa kaniya habang dahan-dahan akong umuupo sa kaniyang harapan. I don't know but I can't read his expression.

"All I want is a normal life just like you Mino. Walang kahit sino sa ating dalawa ang ginusto na mapasok tayo sa buhay ng isa't- isa.", malumanay kong pahayag sa kaniya at hindi ko alam kung anong pwersa ang nagtulak sa akin upang dahan-dahan na hawakan ang kaniyang mga kamay. Naramdaman ko ang tila pagkabigla ng kaniyang katawan ngunit hinayaan niya ako na hawakan siya dahil na din siguro sa pagod na siyang manlaban. "Kung may isang bagay akong babaguhin sa mga nangyayaring ito, 'yon ay ang dumating ang pagkakataon na sa kung anumang dahilan ay ipinapares ka sa akin", with that being said he looked at me intently na para bang iniisip niya kung bakit ko iyon sinasabi.

"I don't like you or your kind pero that is not an excuse for me to let you be hurt!", agad akong tila nabulunan sa aking sinasabi dahil alam ko na kaya ko lamang siya iniingatan at balak protektahan ay dahil sa katotohanan na kapag namatay siya ay mamamatay din ako but it is not important for him to know. Kailangan ko makuha ang tiwala niya ngayon at isipin niya na hindi ko siya iiwan. "I promise that I will protect you and keep you safe", isang mabigat na pangako ang sinambit ko sa kaniya because all I need is his cooperation dahil ayaw ko siyang mapaslang o paslangin niya ang kaniyang sarili. I need him so I can live.

"Then just take me home!", malamig nitong saad sa akin sabay marahas niyang inalis ang pagkakahawak ko sa kaniyang kamay. "I can't Mino because they will hunt you down as well as your family", agad na sabat ko sa kaniya tsaka niya ako binigyan ng isang mapait na ngisi. "Do you think tatanawin ko na utang na loob ang pangako mo na proprotektahan ako? It is your fault that I am here then it is your duty!", pangangatwiran niya sa akin. He is really something! It feels like I am the one who needs to lower my head and please him. Pero wala na akong magagawa dahil iyon ang totoo. Ako ang kailangan magpakababa.

Hindi ko alam pero marahas akong napatayo sa aking pagkakaupo dahil nagsisimula na naman akong mainis. "Come!", iritable kong saad sabay lahad ng aking mga kamay upang ayain siyang tumayo ngunit agad niya lamang akong tinaasan ng kilay. I rolled my eyes at hindi na ako nag-atubiling gamitin ang aking lakas at hinila siya patayo at gamit ang aking bilis ay agad ko siyang kinaladkas palabas ng palasyo.

"Fuck! You did it again!", agad niyang sinapo ang kaniyang sikmura at ang isang kamay ay isinapo niya sa kaniyang bibig na tila nasusuka. Sa ganitong bagay na lamang talaga ako nakakaganti sa kaniya. "Don't act like a baby Mino!", pagtataray ko sa kaniya ngunit nakikita ko ang pagkahilo mula sa kaniya. Iritable niya akong tinitigan habang nasa ganoong posisyon pa din. Nasa malawak kaming damuhan sa labas ng palasyo.

"If you are mad then let's fight!", mayabang na turan ko sa kaniya. Agad siyang dahan-dahan na tumayo nang deretso at muli na naman akong pinagtaasan ng kilay. Hindi dahil sa gwapo pa din siya kapag nagtatas ng kilay ay kailangan niyang araw-arawin dahil nakakairita din. Inaasahan ko na tatanggi siya ngunit tila yata inihahanda niya din ang kaniyang sarili.

"Bring it on! Matagal ko ng gusto makipagsuntukan sa iyo!", matapang nitong pahayag habang dinidistansya niya ang kaniyang sarili upang paghahanda sa away na mangyayari. I smirked the moment he faced me again. Ako din gusto ko na din makipagsagupaan sa tao na ito. Without hesitations I waved my hand and huge roots raised from the ground on my both sides. "Na ah princess! Walang gagamit ng mahika!", agad nitong suway sa akin.

Fine! No worries. Tahimik kung ikinumpas muli ang aking mga kamay at bumalik ang malalaking ugat kung saan man sila nagmula. If he wants hand to hand combat then fine. Agad niyang ipinuwesto ang dalawa niyang kamao na parang handang-handa na. And with his speed he traveled our distance then I clearly saw how he aimed for my face ngunit humakbang lamang ako pakanan at naiwasan ko ang kaniyang suntok. Entrante! May galit ba siya sa maganda kong mukha?

"That's sloppy!", pagyayabang ko sa kaniya ngunit agad niyang iniamba ang isa niyang kamao na mas malapit sa akin tsaka ako muling umiwas sa kaniya. I grabbed his collar and aggressively threw him at agad kong nakita ang kaniyang pagtalsik at pagtama sa isang malaking puno. Ngunit maangas siyang tumayo atsaka niya iniangat ang kaniyang kamay at sinenyas ito na parang hinahamon niya ako na ako ang susugod.

I smirked at agad na akong napunta sa kaniyang harapan at nakita ko ang kaniyang pagkagulat. I didn't make any move at siya ngayon ang kaliwa't kanan na sumusuntok sa akin na siyang prente ko lamang na iniiwasan. Hindi ko alam kung bakit pero habang umiiwas ako sa kaniyang mga atake ay hindi ko maiwasan na mapatitig sa kaniyang mukha. Doon lamang ako nakatitig habang patuloy akong umaatras habang umiiwas sa kaniya samantalang patuloy siya na lumalapit upang mas matatamaan niya ako.

Why are you still this gorgeous? I looked at his lips and his sharped eyes na sa akin lamang nakatingin habang matindi ang kagustuhan niya na tamaan ako. Those eyes! They are enticing! Bakit sa ganitong pagkakataon ko tila yata mas nagugustuhan ang kaniyang mga mata. Mas lalo akong napatitig when his eyes started to glow sa kulay na tila nagiging paborito ko na ata. Sa aking pagkatulala ay agad niyang inambahan ang aking mukha. Entrante! Tatamaan ako! Ngunit mabilis kong nasalo ang kaniyang kamao na nakatapat mismo sa aking mukha.

Agad kong ibinaba ang kamay ko na hawak pa din ang kaniyang kamao. Ramdam ko ang galit mula doon ngunit all I want is to see his alluring eyes. I can look at them all day! Nanatili siyang nakatitig nang mariin sa akin pero hindi ko alam kung bakit tila napaawang ang aking bibig sa pagtitig sa kaniya. Those pair of blue and glowing eyes Mino. If feels like I can see the moon in your eyes. They are enchanting! I envy you for having such an enticing pair of eyes.

I don't know what happened but I found my self reaching for him and crushed my lips on his while I felt how his body became stiff. So this is how it feels to be enchanted, bewitched and charmed!

"Kung hindi mo siya madadaan sa sapilitan at pakiusap then just make him fall for you", all of the sudden ay sumagi sa isip ko ang kataga ni Tiyo na pinili kong ilihis sa aking isip dahil wala akong balak para gawin ito but I guess it is time for me to use my charm. Nakasalalay dito ang buhay ko!