Mag-iisang oras na ata akong nakababad sa aking paliguan para lamang masiguro na wala na sa aking pakiramdam ang nakakadiring suka ni Mino. Sa pang-apat na pagkakataon ay muli akong kumuha ng katas ng bulaklak na mabango at mabula tsaka ko ito muling pinahid sa aking leeg at likuran. Hanggang ngayon ay nandidiri pa rin ako at tila ba nararamdaman ko pa din ito sa aking katawan.
Ang aking katawan na ni-ayaw kong madumihan ay prente lamang niyang sinukuhan! What a disgrace! I kicked the water on the bath tub and the flowers floating in the water got spilled on the floor. Umiikli na talaga ang aking pasensya.
Hindi na ako nagtagal pa sa aking paliguan at agad na akong kumuha ng tuwalya at roba. I dried myself and I wore my robe without tying it completely. Agad ako na humarap sa isang malaking salamin na kita ang aking kabuuan. The mirrors in our world has spells that can reflect us kaya nakikita namin ang aming mga sarili sa salamin kahit na mga bampira kami.
Agad akong napatitig sa aking hubad na katawan. I saw how pale my skin is na tila ba walang nananalaytay na dugo. Hindi ko maiwasan na mapangiti nang matamis while looking at my face that is being reflected by the mirror. Lubos talaga ang aking kasiyahan na makita ang pagkakahawig ko kay Ina and I am blessed to have her ethereal beauty. I am so lucky to have a gorgeous queen for a mother.
Ilang sandali pa ay tinali ko na ang roba upang tuluyan nitong matakpan ang aking buong katawan. I exited the door and walk up the stairs. Akma na sana akong papasok sa aking silid ngunit bigla kong naramdaman at narinig ang pagbubukas ng pintuan ng katapat ko na silid.
Agad na nag-init ang dugo ko dahil makikita ko na naman ang lalaking walang galang na sumuka sa aking napakagandang katawan. How dare he! Hindi niya ba talaga kinikilala ang aking pagiging maharlika? Naramdaman ko na ang buong presensya niya sa aking likuran. Humanda ka sa akin!
Marahas akong humarap sa kaniya upang agad na siyang masigawan dahil nag-iinit na ang aking ulo. "Is this okay?", mahina nitong tanong at agad akong natigilan nang makita ko ang kaniyang itsura nang harapin ko siya upang makipagtalo. Damn! Agad na napaawang ang aking bibig at nagsimulang dumiin ang aking paninitig sa kaniya. Damn! Is that really him? Hindi ko akalain na may ikakakisig at ikakaguwapo pa siya. Hindi ko alam kung bakit pero napakagat ako sa aking labi habang tinititigan ko siya habang bumaba ang aking paningin at muling umangat sa kaniyang mukha. Damn! He is gorgeous!
Agad ko ding napansin ang kaniyang paninitig sa akin ngunit nag-iwas din siya na tila naiilang. Mas lalo akong napatitig nang ilihis niya ang kaniyang paningin sa akin kasabay nang pamumula ng kaniyang pisngi. Damn Mino! You're too gorgeous for a man. Aaminin ko na si Tiyo ang pinakamakisig at pinamagandang lalaki na nakita ko sa mundong ito but Mino is here not to play games. He is dazzling with the royal clothing that he is wearing. Pinahiram siya ni Tiyo ng mga kasuotan pero hindi ko naman akalain that he can dress to kill.
He looked like a freaking handsome prince na tila ba ang kaniyang mahika ay ang mang-akit ng mga kababaihan. His posture, his hair and his damn eyes ay tila ba ginawa upang bumagay sa kaniya ang kasuotan ng mga maharlika. I can't stop looking at his ethereal gorgeousness. Ngayon lamang ako nakasilay ng ganiyan kaganda at kakisig na lalaki.
"Hindi ka ba magbibihis?", agad akong bumalik sa aking wisyo dahil sa kaniyang katanungan. Entrante! Agad akong napayakap sa aking sarili na tila ba may humihila sa aking roba at tsaka ko lamang napagtanto na hindi pa pala ako nakakabihis nang maayos at manipis na roba lamang ang humaharang sa aking katawan. Damn! Vreihya! "Why are you looking at me like that? Manyak!", mataray kong pag-usal sa kaniya na agad naman niyang nginisian. Damn! Mino please don't smirk! Especially now that you look so damn hot!
Totoo ba talaga itong nangyayari? Isang Vreihya Amely ay napatulala sa isang lalaki? Ang malala pa ay sa isa pang mortal! "Me? A maniac? Sino ba sa ating dalawa ang kung makatitig ay parang nanghuhubad?", masungit nitong saad habang nakatindig siya na tila isang prinsipe. Agad na tumaas ang aking kilay sa kaniya at agad akong tumindig nang maayos at kung kanina ay nakayakap ako sa aking sarili now I crossed my arms habang tinitignan ko siya nang mas madiin.
"Are you accusing me?", seryoso kong tanong sa kaniya at agad naman niyang sinalubong ang aking paninitig. "Yes I am! Mahal na prinsesa", he said confidently while a smirk formed on his lips again. Agad na nag-init ang aking mga mata dahil sa nararamdaman kong inis! I really don't like his attitude!
"What did you say?", mabagal na usal ko sa kaniya na may pagbabanta. Hindi na talaga ako makapagtimpi sa ugali niyang iyan at minsan ay gusto ko na lang siya sakmalin! "I said-", mabagal niyang sabi habang sinasalubong niya ang aking titig nang buong tapang. Isn't he afraid of me anymore?. "-yes! I am accusing you!", and with that words ay hindi na ako nakapagtimpi pa. Agad kong ginamit ang aking bilis at dahil naiwan niyang bukas ang kaniyang pintuan ay agad ko siyang naitulak ngunit mabilis niyang niyakap ang aking bewang. Dahil sa pwersa at bilis ay napatid siya patalikod sa kaniyang higaan at kasama akong tumumba sa kaniyang ibabaw.
Mabilis kong ginamit ang aking lakas upang kumalag sa kaniyang pagkakayakap at mabilisan akong tumayo habang nanatili siyang nakahiga sa kaniyang higaan. "You! Talagang wala ka ng galang sa akin!", agad ko siyang dinuro habang prente lamang ang kaniyang pagkakahiga sa kaniyang higaan habang nakatitig sa akin na tila hindi pansin ang aking galit. He is frustrating me!
Walang ano-ano ay pinagpagan lamang niya ang kaniyang kasuotan na tila wala lamang sa kaniya ang aking tila sasabog na emosyon. Nakakainis pala ang hindi pinapakinggan! Nakakainis pala ang tila hindi ka pinapansin! Siya lang talaga ang nakakapagpainit ng dugo ko nang ganito!
"If I were you, magbibihis na ako, delekado ang ganiyang mapang-akit na kasuotan", agad akong napatingin sa aking katawan dahil sa kaniyang sinabi at agad na nanlaki ang aking mata dahil lumuwag ang aking pagkakatali at tila kunting galaw na lamang ay tuluyan na itong makakalag. Muli na naman akong napahawak sa aking katawan dahil sa aking nararamdaman na hiya.
"Babalik ako!", mataray kong tugon sa kaniya habang tumalikod na ako at naglakad papalayo sa kaniya at dahil baka sa inis ko ay maisakal ko sa kaniya ang tali ng aking roba at mabali ko pa ang leeg niya. I was about to open the door of my room pero narinig ko pa ang kaniyang mahinang bulong.
"She is indeed the goddess of beauty", agad kong binuksan ang aking pinto at mabilis itong sinara. Mabilisan akong sumandal sa aking pinto tangan ang aking dibdib na bigla na lamang nagwala. Damn! His words are music to my ear. Sanay lamang ako na napupuri ngunit bakit ang sa kaniya ang lubusang nagpapawala ng aking puso. Agad akong umiling dahil sa ideya na iyon dahil hindi ko gugustuhin na mag-isip pa patungkol sa bagay na iyon!
Ilang minuto pa ay nakasuot na ako ng aking mahabang kasuotan at handa na muling makipag-away este ang makipag-iwasan sa mortal na iyon. Laking pasasalamat ko na lamang dahil hindi ko pa siya nakakasalubong hanggang sa makababa na ako ng hagdan. Nasa isip ko ngayon na mamasyal na lang muna sa kagubatan upang magliwaliw pero agad akong natigilan sa lalaking nakatayo sa bintana habang nakatalikod sa akin. Hindi maitatanggi na kahit sa tindig pa lamang niya ay nagsusumigaw na siya ng awtoridad. Nagtataka man ako kung bakit andito siya ay agad ko siyang masiglang tinawag.
"Tiyo!", agad ko na bati sa kaniya tsaka siya humarap sa akin at binuksan ang kaniyang mga bisig upang mag-alok ng isang yakap na siya naman na aking pinagbigyan. "Ano? May nangyari na ba?", natatawa nitong tanong na siya naman na agad kong ikinainis. "Eh kung kayo na lang kaya ang magsiping!", mataray kong tugon sabay hampas sa kaniyang likuran habang yakap ko siya. Agad kong naramdaman ang pagkabigla ng kaniyang katawan at agad siyang kumalas sa aming yakap tsaka niya kinapa ang kaniyang likod.
"Bumakat ata ang palad mo sa likod ko!", iritableng saad ni Tiyo. "Mabuti yan! Kung makatanong ka naman ay tila ba ganoon lang iyon kadali!", iritable kong sabi sa kaniya habang patuloy niyang iniinda ang kaniyang likudan. "Hindi naman kailangan mamalo na parang gusto mo lumabas ang baga ko sa aking bibig!", naiinis nitong lahad sa akin na inismiran ko na lamang.
"Dumalaw ka lang ba dito upang madagdagan ang sakit ng aking ulo?", nakataas na kilay kong sabi sa kaniya. Masakit na ang ulo ko kay Mino sana naman ay huwag ng dumagdag pa ang tiyuhin ko na hanggang ngayon ay iniinda ang pagkakapalo ko sa kaniyang likod. Sandali lamang! Asaan ba ang mortal na iyon? Hindi ko nararamdaman ang presensya niya sa loob ng palasyo. Agad na akong nagpalinga-linga upang hanapin siya.
"Miss mo kaagad?", nanlolokong pahayag ni Tiyo at agad akong tumingin sa kaniya nang mataray. "Miss sakalin pwede pa!", pambabara ko sa kaniya. Nawawala talaga ang pagiging maharlika ko kapag naiinis ako. "So why are you here Tiyo?", agad na tanong ko sa kaniya.
Agad akong naalerto dahil biglang nagbago ang kaniyang ekspresyon. Hindi ko nagugustuhan ang biglang pagseryoso ni Tiyo na para bang may masama siyang ibabalita sa akin. "You need to go back Vreihya", seryoso nitong sabi. Agad na nangunot ang noo ko. Go back? Why? Hindi pa tapos ang aking pakay sa lugar na ito atsaka delikado pa na bumalik doon na kasama ang mortal at lalong hindi siya pwedeng maiwan dito mag-isa.
Matagal ko ng nabatid na simula nang malapit na siya sa akin ay hindi na ako kailanman binalikan ng aking karamdaman. Totoo nga na kapag malapit siya ay hindi ako dinadalaw ng karamdaman na iyon. Kung maiiwan siya at paniguradong babalik ang karamdaman na iyon sa oras na malayo na siya sa akin. Paano na naman namin ikukubli ang kaniyang samyo?
"Why? Bakit kailangan kong makabalik kaagad?", naguguluhan na tanong ko kay Tiyo. Bigla na lamang umigting ang kaniyang panga at nakita ko ang tila inis sa kaniyang mga mata. Anong nangyayari sa palasyo habang wala ako?
"Vreihya, marami na sa ating mga nasasakupan na taga-baryo ang bigla na lamang nawawala. Iniisip namin ng iyong Ina na baka kagagawan ito ng ibang mga kaharian bilang uri ng kanilang pagnanais na makilala ang iyong kapareha!", kalmado ngunit ramdam ang intensidad sa kaniyang tinig. Agad na napakuyom ang aking kamao dahil sa ibinalita ni Tiyo. Talagang hindi sila papayag na hindi malaman ang aking kapareha, gumagamit na sila ng dahas!
"Entrante! Bakit kailangan nilang idamay ang mga taga-baryo?", inis kong turan kay Tiyo. Hindi na kailangan na idamay nila ang aming mga nasasakupan. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng takot para sa kanila. Gusto talaga ng ibang kaharian ng gulo!
"Kailangan makagawa tayo ng paraan upang makabalik kayo ng mortal!", agad na turan ni Tiyo. "Pero paano Tiyo? Nagkaroon nga siya ng pangil at nagbabago ang kulay ng kaniyang mga mata ngunit andoon pa din ang kaniyang samyong pang-mortal", mabilis ko na turan kay Tiyo. Agad siyang tumingin sa akin ng may pagtataka. "Wait what? he has fangs and color changing eyes?", gulat na tanong nito sa akin na siya ko namang tinanguan. "What happened?", mabilis nitong tanong sa akin. "My blood changed him Tiyo, he drinked my blood yet he was cleansed by the moon goddess", mas lalong nagtaka si Tiyo sa aking paliwanag. "Wait what? The Goddess herself? Anong nangyayari?", pag-uusisa nito sa akin na tila mababaliw na siya kakatanong. "I don't know Tiyo!", walang gana kong sagot sa kaniya. Does he have to know that Mino became the Goddess's vision kasi hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa ideyang siya ang napili sa kabila ng pagiging mortal niya.
"Talagang sinusurpresa ako ng tao na iyon!", hindi makapaniwalang usal ni Tiyo na akin ding tinanguhan dahil kahit ako ay nagugulat sa pagtatangi sa kaniya ng Dyosa. "Regardless of this shocking news, you still need to go back. Matindi na ang pag-aalala ng iyong Ina sa mga taga-baryo. If he has fangs and color-changing eyes then maybe that's enough to hide his mortality", agad akong napailing sa tinuran ni Tiyo na siya namang sanhi ng pagkunot ng kaniyang noo. "We still have a problem Tiyo, his smell, I can still smell that his mortal except the time when he-", agad na nanlaki ang aking mga mata dahil sa biglang may sumagi sa aking utak.
"Except when?", mabilis na tanong sa akin ni Tiyo na tila ba hindi siya makapag-antay sa akin upang magsalita. "Except when he drunk my blood, hindi ko na siya naamoy nang mga oras na iyon ngunit kinabukasan ay bumalik din ito", agad na napaawang ang bibig ni Tiyo dahil sa aking tinuran. That is honestly what happened, nang sinipsip niya ang aking dugo ay nawala na ang kaniyang mortal na samyo hanggang sa tumakas siya at mapunta kami sa ilog. When he woke up the next morning ay tsaka ko lamang ulit naamoy ang kaniyang samyo.
"Then your blood is the key! Kahit pansamantala ay mawawala ang kaniyang amoy. We can go home now!", mabilis na usal ni Tiyo. "He will not do it again Tiyo!", matigas kong pahayag at agad siyang natigilan. Ayaw ko na ulit makita si Mino na takot na takot dahil sa epekto ng aking dugo sa kaniyang katawan. I saw how he trembled and cry with fear at hindi ko na nanaisin pa na masaksihan iyon.
"He doesn't have any choice Vreihya! You can't stay here for long!", madiin na saad ni Tiyo. Nag-aalala na din ako sa aming mga taga-baryo at lalong higit na kay Ina but I can't let Mino experience that horror again! Baka naman may iba pang paraan upang ligtas namin siyang madala sa palasyo. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang bigla kong maamoy muli ang kaniyang samyo na tanda na nasa malapit na siya.
Ano ang sasabihin ko sa kaniya? Paano ko siya hihikayatin na bumalik muli sa aming palasyo. Manganganib ang kaniyang buhay at alam kong matatakot na naman muli siya. Hindi sa lahat ng pagkakataon sa aming pagbalik ay masasamahan ko siya at mailalayo sa kapahamakan. Naramdaman namin ni Tiyo ang kaniyang paglabas mula sa isang silid ng palasyo. Teka? Agad na nangunot ang aking noo dahil bakit hindi namin siya naramdaman o hindi naman kaya ay naamoy kung andiyan lamang pala siya?
Agad kaming nagtinginan ni Tiyo na parang nagtatanungan kung hindi ba namin siya naramdaman. How did he concealed himself from us? Mino bakit puro ka na lamang surpresa pinapahirapan mo ako na mag-isip at umintindi!
"I tried to conceal myself using the power of the Goddess pero saglitan lang ang epekto", tila yata nabasa ni Mino ang nasa isip namin ni Tiyo. "You use the what!", agad na singhal ni Tiyo dahil hindi niya naiintindihan ang sinasabi ni Mino. "Can somebody explain to me why the Goddess of the Moon is giving him powers?", iritable na niyang tanong sa aming dalawa ni Mino.
"I am the vision of the Goddess in this world", mahinang sagot ni Mino at nakita ko kung paano tumaas ang kilay ni Tiyo sa kaniyang sinagot. "You're the what now?", tila hindi ito makapaniwala sa sinasabi ni Mino. Panigurado ay katulad ko siya na may mga tanong sa isip patungkol sa kung sino nga ba ang lalaking mortal na ito.
"I will come with you!", agad na nanlaki ang aking mga mata sa prenteng pagkakasabi ni Mino na para bang mamamasyal lamang kami. Is he serious? Alam niya ba kung gaano kapanganib ang pagbalik sa palasyo.
"The Goddess wants me to be near with the vampires!", mabilis nitong sagot at hindi na kami hinayaan na magtanong pang muli. Tila pareho kaming sinimento ni Tiyo dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig ng mortal na hindi pa rin nawawala ang kakisigan sa kaniyang kasuotan.
"I don't mind biting you again", mahinahon nitong sabi sa akin kasabay ng kaniyang paninitig. Muli akong natigilan when his beautiful blue eyes showed itself again. Those eyes paired with that outfit of him is deadly. Agad akong ginigit ni Tiyo sa kaniyang likuran na tila ba inilalayo ako at itinatago sa mortal.
"Sino ka bang talaga?", madiin na usal ni Tiyo habang mahigpit niya akong hawak na tila ba pinoprotektahan niya ako mula kay Mino.
What is happening? Kung dati ay halos ipagtulakan ako ni Tiyo palapit sa kaniya ay siya namang tila pagnanais niya na mailayo sa akin si Mino ngayon. Ano ang nangyayari? Sino ka nga bang talaga Mino?