"Vreihya! Ano ang nangyari? Bakit may dugo ang iyong kasuotan!", malakas na sigaw ng aking ina nang bigla na lamang akong sumulpot pabalik sa aking silid sa palasyo. Mabilisan akong sinalo ni Tiyo dahil matutumba na ako mula sa aking pagkakatayo dahil sa pagkabigla at sa tama ng bagay na pinaputok sa akin ng ama ng batang lalaki.
"ENTRANTE! Sinaktan ka nila!", madiin na turan ni Tiyo na ramdam kong punong-puno ng galit. Naramdaman ko ang tila paglakas ng hangin sa aking silid na tanda ng masidhing galit ni Tiyo. Matindi na ang nararamdaman kong pagkawala ng aking dugo.
"Mga walang awa! Bakit ka nila ginanyan Vreihya!", matindi na din ang paninigaw ni Ina habang nanlalabo ang aking paningin dahil sa mga namumuong luha ngunit wala na akong lakas na sumigaw at gumalaw pa. Tila isang bato na walang kabuhay-buhay ang tangan ni Tiyo.
"Tawagin mo si Macara, tila yata gawa sa pilak ang ginamit nila kay Vreihya!", mabilis na singhal ni Tiyo habang nararamdaman ko na ang aking mumunting katawan na buhat niya palipat sa aking kama upang mas maayos ang aking mahihigaan.
Makirot! Nag-uumapaw na sakit! Iyan ang aking nararamdaman habang dumadaloy ang masaganang dugo mula sa aking tiyan. Kasalanan nilang lahat kung bakit umiiyak ang aking Ina at nag-aalala nang husto si Tiyo. Lagi na lamang silang ganiyan sa tuwing may nararamdaman ako. Nahihiya na din ako sa kanila dahil pakiramdam ko ay nagiging pabigat na lamang ako.
"Pagbabayaran nila itong lahat", galit na usal ni Ina bago siya mabilisang lumisan sa silid upang tawagin ang babaylan na tapat na naglilingkod sa aming pamilya. Hindi nagtagal ay naramdaman ko na ang tila pagnanais ko na magsuka. Pinilit ko itong pigilan pero nagbigo ako dahil sa aking pag-ubo ay lumabas sa aking bibig ang masaganang dugo.
Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Tiyo habang inaangat niya ang may dugo na niyang palad dahil natalsikan ito at nagsimula itong manginig habang natatakot niya itong tinititigan. Pakiusap Tiyo! Hindi ko na nais pa na mag-alala kayo nang ganito. Nakita ko kung paano magbago ng kulay ang kaniyang mga mata na tanda ng matinding galit na kaniyang nararamdaman.
"Ti...Tiyo", nanghihina kong sabi habang nalalasahan ko ang aking sariling dugo. Gusto kong sabihan siya na magiging maayos ang lahat at huwag na siyang mag-alala ngunit naikuyom niya ang kaniyang palad na para bang handa na siyang pumatay kahit anong oras.
"Magbabayad sila Vreihya! Magbabayad sila!", mabilis at galit na galit niyang usal habang ramdam ko ang matinding galit sa kaniyang katawan. Lalong lumakas ang hangin na nasa silid na tila nakikisabay ito sa poot na kaniyang nararamdaman. Gusto kong magsalita at awatin siya ngunit tila unti-unti na akong nanghihina nang lubusan at nanlalabo na ang aking paningin.
Tuluyan ko ng hindi nakita ang mukha ni Tiyo bago ako pumikit at nanghina ng tuluyan.
-----------------
"TIYO!", agad kong singhal habang naghahabol ng hininga. Hindi biro ang naging pagtambol ng aking dibdib dahil sa kaba na aking nararamdaman. Nagpaling-linga ako sa aking paligid atsaka ko lamang napagtanto ang lahat. Isang panaginip! Iniling ko ang aking ulo dahil hindi iyon isang panaginip lamang ngunit isang ala-ala. Sadyang malalim talaga ang naging marka sa akin ng araw na iyon. Hanggang ngayon kahit na naghilom na ang sugat sa aking tiyan dahil sa pilak ay hindi kailanman naghilom ang aking puso.
Tila yata nabuhay na muli ang poot sa aking puso para sa kanilang lahi. Unti-unti kong pinapakalma ang aking sarili habang unti-unti na akong tumatayo sa aking higaan. Sa katunayan ay nanginginig pa ang aking kamay nang hawiin ko ang aking buhok na humaharang sa aking mukha at iipit ito sa pagitan ng aking tenga.
Agad akong tumayo at nagtungo sa aking veranda at niyakap ako nang katamtamang init ng sikat ng araw na nagpapaliwanag sa buong kagubatan. Huminga ako nang malalim na tila ba pinapakiramdaman ko ang kapayapaan ng paligid upang maiwaksi sa akin ang ala-alang muli na namang nagbabalik sa akin. Sobrang napakahirap na makalimot. It marked me like an inerasable ink.
Naramdaman ko na lamang ang paggapang ng isang ugat na may bulaklak sa aking veranda at tsaka ako nagtapon dito ng tingin at yumuko ito nang bahagya na tila nagbibigay galang sa akin. Agad akong napangiti sa sinabi nito sa akin. Hinaplos ko ang bulaklak tsaka ito nagkaroon ng mas matingkad na kulay. Sinabi nito na mahimbing pang natutulog ang mortal at hindi ito nagtangkang tumakas habang kami ay sa magkahiwalay na silid nahihimbing. Tila pagod na pagod talaga ang kaniyang katawan dahil sa naganap kahapon.
Agad akong nakaramdam nang mumunting mga kaba at pamumula dahil sa muli na naman sumagi sa aking isip ang naganap sa amin kagabi. Tila pakiramdam ko ay gumagawa na mismo ang Dyosa ng buwan ng paraan upang mas mapalapit ako sa kaniya. Ngunit ang aking mga ngiti ay naglaho din kaagad dahil tila kinurot ang aking puso sa muli ko na namang naalala na karahasan na ginawa nila sa akin.
Kinapa ko ang aking tiyan kung saan ko naaalala na tumama ang bala ng baril, batid ko na ang tawag dito dahil naipaliwanag na ni Tiyo. Nakita ko na rin kung paano gamitin ng mga tao ang mga ito upang pumatay ng kanilang mga kauri at minsan ay mga inosenteng tao. Agad na naman ako dinalaw ng aking poot. Marahas akong umiling. Dapat ay hindi ko hayaan na mahulog ang aking damdamin sa kaniya. Hindi ako maaaring humanga sa isang mortal na lahi ng mga mararahas at mga mapanakit na nilalang.
Kailangan ko ngayon pagtuunan ng pansin kung bakit tila may pagkakataon na parang nagbabago ang kaniyang mga mata ngunit dama ko na tao pa din siya. Nakasaksi na ako ng mortal na naging dugong maharlika dahil sa kaniyang pag-inom ng maharlikang dugo ngunit bakit kakaiba kay Mino? Nakikita ko na may epekto sa kaniya ngunit may kung ano sa katawan niya na komokontra sa pagbabago ng kaniyang katawan. Simula ng dumating sa mundong ito ang mortal ay dumarami na ang aking suliranin. I missed how I just sit in my throne without worries. I miss how I walk around the barrios of our kingdom and play with the little vampires. I missed the days without problems and all I need to do is bring abundant supply of food and flowers for our people.
I am just a princess that enrich the nature and bring them closer to those in need. Agad akong napangiti nang maalala ko kung gaano kaganda ang aming palasyo at ang mga tahanan ng mga karaniwang bampirya sa aming kaharian. Their houses, fields and pathways are full of flowers and green grasses. I am not lying when I can proudly say that our kingdom is the most beautiful and nature loving kingdom out of all the others. Our kingdom is a living sanctuary for nature at walang makakapantay doon.
Nasa kalagitnaan ako nang masayang pag-iisip nang biglang narinig ko ang mabagal na pagbangon ng mortal sa kaniyang higaan na nasa kabilang silid lamang. Agad na hinampas ng kaba ang aking puso sa ideya pa lamang na gising na siya. Vreihya? Why are you freaking nervous? He is just a human! Marahas kong inalis ang ideya at kung ano pa man na dahilan kung bakit tila magwawala na naman ang aking puso.
Gamit ang aking bilis ay lumabas ako ng aking silid at tumigil sa tapat lamang ng kaniyang pinto. Hindi ko alam kung bakit kumakalampag na naman ang aking puso. Marahan akong kumatok nang tatlong beses sa pinto at agad kong narinig ang mabilis na tibok ng kaniyang puso na tila ba nakaramdam siya ng pagkagulat ngunit dahan-dahan din siyang kumalma.
Ilang segundo pa ay rinig ko na ang mararahan niyang yapak papalapit sa pinto kung nasaan man ako. Marahan niyang binuksan ang pinto na yari sa punong kahoy. Sa pagbukas pa lamang ng pinto ay agad na ako napatingala nang bahagya dahil sa medyo mas matangkad siya sa akin. Agad akong sinalubong nang inaantok pa niyang mga mata at sandali akong napatitig dito bago ako nakaramdam ng pagkailang.
Alam ko naman na hindi pa maayos ang lahat sa amin kaya hindi pa dapat ako umasta na parang maayos na ang aming mga problema at poot sa isa't-isa. Batid kong hindi lamang basta sa ganoon mawawala ang kaniyang galit sa amin. Walang klase ng halik ang kayang makaalis ng mga poot na iyon mula sa kaniya. Sa tingin ko ay kaya lamang siya payapa sa ngayon dahil napapagod na ang kaniyang mortal na katawan sa mga nangyayari dahil ilang beses na nga ba siya muntikang mamatay?
"Come with me, we need to eat", mahina at seryoso kong bulong sa kaniya na tila walang namagitan sa amin na kung ano pa man kagabi. Inaasahan ko na aangal siya ngunit tumango lamang siya nang marahan na tila wala siyang lakas na makipagtalo. Mabilis na akong tumalikod sa kaniya upang mabawasan ang pagkailang na aking nararamdaman. Ramdam ko naman ang marahan niyang pagsunod sa aking likuran. Unti-unti naming binagtas ang hagdanang yari sa kahoy at ramdam ko ang pagbaling niya ng tingin sa paligid na tila ba nagmamasid siya nang mas maigi and then nakaramdam ako ng kaba ng saglitan kong nadama ang kaniyang paninitig sa aking likuran.
Entrante! Kailan pa ako natutong kabahan kapag may lalaking nakatingin sa akin? I am use to it pero parang sa kaniya ay unang beses ko pa lamang matitigan. I really don't like this kind of feeling! Bakit nanlalambot ang aking mga tuhod sa kaniya?
Nabatid niya na rin siguro na baka maramdaman ko ang kaniyang paninitig kaya umiwas na siya at nagpatuloy sa pagtitig sa kaniyang paligid. Nakababa na kami sa mataas na hagdan. Ilang sandali pa ng katahimikan ay binuksan ko na ang malaking pinto at bumungad sa amin ang isang malawak na kagubatan na. Sinalubong kami ng preskong simoy ng hangin, berdeng mga puno at damo maging ng mga bulaklak. Pareho kaming huminga nang malalim na tila ba pareho naming ninamnam ang payapang kapaligiran.
Dumako na kami sa isang mahabang mesang kahoy na may mga nakapwestong iba't-ibang uri ng mga prutas at mga gulay na maaaring kainin nang hilaw. Kusa na siyang umupo sa dulong bahagi ng mesa kahit hindi ko pa siya inaanyayahan dahil dama ko na ang kaniyang gutom. Hindi pa siya kumakain simula nang mapadpad siya sa aming mundo.
Umupo na din ako sa kabilang dulo ng mesa. Kapwa kami tahimik lamang na kumakain at walang sinuman sa amin ang balak na magsalita. Agad akong napangiti nang makagat ko na ang paborito kong prutas. Agad kong natikman ang taglay na tamis nito habang lumalabas na ang kulay lilang katas nito. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na tumingin siya sa akin. Inabot niya ang kaparehong prutas na aking kinakain na tila ba nais niya din itong matikman.
Nang makagat na niya ito ay mabilis akong napatitig sa kaniya upang makita ang kaniyang reaksyon. Agad akong napangiti nang makita ang nanlalaki niyang mga mata nang nguyain na niya ito at mabilisan na kumagat muli na tila nagugustuhan niya na din ang lasa. Sadyang napakasarap talaga ng prutas na iyan.
Mas higit akong napangiti nang mabilisan ang kaniyang pagkagat at pagnguya na sanhi kong bakit mabilisan na niya itong naubos. Agad na siyang kumuha ulit ng panibago at kinagat ito nang mabilisan. Hindi ko maiwasan na mapangiti dahil sa kumakalat na sa kaniyang labi ang katas ng prutas ngunit patuloy siya sa mabilis na pagkagat at pagnguya. Habang punong-puno ang kaniyang bibig ay inilahad niya sa aking harapan ang kaniyang kamay na may hawak na prutas ngunit hindi niya mabanggit ang gusto niyang sabihin dahil sa punong-puno ang kaniyang bibig.
"Loreko ang tawag sa prutas na iyan", natatawa kong sabi dahil sa tila bata siyang natutuwa sa kaniyang kinakain. Agad na lamang siyang tumango habang patuloy sa pagkain. Ilang minuto pa ay wala nang lureko sa kaniyang harapan kaya naman agad siyang nagtapon ng tingin sa lorekong nasa aking harapan. Agad na nanlaki ang aking mata at agad na kinuha ang lalagyanan ng mga ito tsaka ito niyapos. Aba! Balak niya ata akong ubusan, hindi iyon maaari dahil paborito ko ang mga ito.
Agad akong tumayo na tila ba tatakbo ako kahit anong oras para lamang itakas sa kaniya ang pinakamamahal kong prutas. Gusto ko din kumain nito hindi ako papayag na maubusan. Agad siyang napangiti sa akin na siya ko namang sinuklian ng isang mataray na tingin. Hindi mo ako maagawan nito! At mas lalo kong pinahigpit ang pagyapos sa aking paboritong prutas.
"Come on! Give me just one", pagpupumilit nito habang umiiling ako sa kaniya.
"No! I love this fruit! You can't take it away from me", mataray kong saad sa kaniya pero agad lamang siyang napangisi na parang handa niya itong agawin sa aking pagkakayapos anumang oras. Ngunit ilang saglit lamang ay tila tinaggap na lamang niya na hindi ako papayag na makakuha siya sa aking lalagyan. Umupo na din ako pabalik sa aking upuan upang kumain nang mapayapa. Bumalik naman siya sa kaniyang pagkain ng panibagong prutas ngunit hindi na ito kasing gana pa ng kung paano niya kainin ang loreko.
Binalot kami ng katahimikan ngunit ilang sandali pa ay nag-angat siya ng tingin sa akin na siya ko na ding sinalubong. Kanina ko pa naiisip na kung maaari na samantalahin namin na pareho kaming payapa upang makapag-usap. Gusto ko din malinawan siya na hindi ako ang may kagagawan sa kung ano man ang nangyayari sa kaniyang katawan.
"Mi...Mino!", mahina kong tawag sa kaniyang pangalan habang magkasalubong pa din ang aming mga mata.
"I didn't do anything to your body I swear with the name of the Goddess of the Moon", agad na saad ko sa kaniya na nasa kalmadong tono. Inihanda ko na agad ang aking sarili sa maaari niyang pagsinghal ngunit isang pagtango nang marahan ang aking natanggap mula sa kaniya na tila ba sumasang-ayon siya. Agad naman akong nagtaka sa kaniyang reaksyon.
"I know...The Goddess of the moon showed me", malumanay nitong sagot at agad naman na nangunot ang aking noo sa kaniyang tinuran. Wait! What? Who showed him what?
"What do you mean?", I uttered fast dahil sa pagtataka ko sa sinasabi niya. Is it really the Goddess of the moon who showed him that? How?
"The moment I felt that my eyes were burning I slowly got some vision from her.", bakas sa kaniyang tinig na tila hirap pa siyang paniwalaan ang kaniyang mga sinasabi. Agad na napaawang ang aking bibig. Bakit makikipag-ugnayan sa kaniya ang Dyosa ng buwan? Agad akong napatingala sa taas kahit pa wala pa ang Dyosa sa itaas dahil tanging ang araw at mga kaulapan lamang ang nasa kalangitan.
"She is talking to me yet I can't hear and understand her clearly.", he uttered again causing me to turn back my gaze to him and all I can see was defeat invading his eyes na tila ba hindi niya alam kung paano iintindihin ang mga nangyayari sa kaniya.
"I felt myself changing yet the forces of the moon cleansed me as if she cannot let me be one of your kind.", tuluyan na akong kinain ng pagkalito at mga katanungan. Mahal na Dyosa ng buwan ano ba ang mga balak mo? Ano ang nangyayari? Para saan ang mga ito?
Pumasok na sa aking isip kong isa lamang bang mortal at mababang nilalang ang lalaking kasama ko ngayon o mayroon pang kung ano man sa kaniyang pagkatao dahil bakit tila iba ang pagtatangi sa kaniya ng Dyosa?
"What did she said to you?", pag-uusisa ko sa kaniya dahil gusto ko din malaman kung ano man ang pinakita sa kaniya. Gusto kong malinawan at mabawasan ang mga katanungan sa aking isip.
"What I can hear and remember clearly out of all the things she said is that humihina na ang kaniyang kapangyarihan at nawawalan na siya ng kakayahan na pagmasdan at malaman ang lahat ng bagay na nangyayari sa mundong ito. Her connections are getting weak.", madiin itong nakatitig sa akin habang sinasagot niya ang aking mga katanungan. Batid ko na manghihina na ang Dyosa kaya nangangailangan na siyang mapalitan pero bakit kay Mino niya ito dapat ipabatid? Bakit sa isang mortal niya ito dapat na ipaalam? Sino ka bang talaga Mino?
"Bakit sa iyo niya sinasabi ang bagay na iyan? Sino ka bang talaga?", puno ng pagdududa ang aking katanungan sa kaniya. Hindi maaaring kung sino lamang ang basta-bastang kinakausap ng Dyosa. Hindi din ito madalas na nakikipag-usap sa aming mga bampira. Ang huling pagkakataon na marinig namin ang kaniyang tinig ay nang hirangin na kampyon si Ina.
"I don't know how to comprehend what she said to me dahil kahit ako ay hindi makaintindi ng gusto niyang paratingin.", kalmado niyang sagot sa akin at hindi ko maiwasan na magpasalamat na kahit papaano ay wala muna kaming sigawan, murahan at alitan sa ngayon. Tila ba mas pinili naming kumalma upang masagot muna ang sari-sarili naming mga katanungan na hindi mareresolba ng pag-aaway.
"She told me that-", agad niyang binitin ang kaniyang sasabihin bago ito tumingala nang saglitan na tila tinitignan ang Dyosa kahit wala pa ito sa kalangitan at tsaka siya nagbalik ng tingin sa akin. Agad akong napanganga nang magtapat na ang aming mga mata at sa muling pagkakataon ay bigla akong nahipnotismo.
"She told me that I am blessed with the light of the moon and I am her vision to this world!", madiin nitong sabi while his eyes are glowing blue na siyang nagpakaba ng aking dibdib.
Vi...Vision?
Sino ka ba talaga Mino?