Sa patuloy kong nararamdaman na pagsipsip at panggigigil niya sa akin ay patuloy din akong nakakaramdam ng pagkabaliw. Oh Dyosa ng Buwan! Gusto ko pa ng higit pa! Gusto ko pang mas lalong magliyab!
"Hmmm...Mino", bulong ko sa kaniya na tila ba labis kong nagugustuhan ang kaniyang ginagawa. Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at marahas kong hinawakan ang kaniyang buhok na tila gusto ko na mas diinan pa niya ang kaniyang pagkakakagat sa akin. I am on fire! I bit my lips dahil hindi ko na mapigilan ang ingay na gusto kong mausal sa aking mga labi.
The fire fueled when he reached for my exposed breast. Damn! Ganito pala ang pakiramdam na mahawakan ito nang maiiinit na palad. Napaigtad na ako nang tuluyan dahil sa mababaliw na talaga ako sa kaniyang ginagawa sa akin. Walang kahit anong sakit na nanggagaling sa kaniyang kagat. All I can feel is pleasure! Hindi na biro ang aking nararamdaman na init. I feel that smoke will come out of my body any time now. Anong ginagawa mo sa akin? Binabaliw mo ako nang husto!
He continued caressing my breast na tila ba sabik na sabik din siya sa aking katawan. Damn! Hindi ko alam kung papahintuin ko siya dahil baka bumigay na ang aking katawan o ang magmakaawa na ipagpatuloy niya ang kaniyang ginawa. After some time he lifted up his fangs palayo sa aking leeg and I saw his handsome face again. He looked at me intently and those fricking blue eyes are burning with desire. Desire over my body! Desire to do more and fuel this already burning fire. Damn!
He was about to lower down his face and kiss me pero-
"AHHHH! MY HEAD!", agad siyang naalis sa pagkakadagan niya sakin at nahulog siya sa sahig. Agad akong nagulat sa biglang nangyari sa kanya. What the hell was that? Umupo ako kaagad sa higaan at nakita ko ang katawan niya na nakahiga sa sahig. Sapo-sapo ng magkabila niyang kamay ang kaniyang ulo habang nagsusumigaw siya na tila nasasaktan.
Gamit ang aking bilis ay bumaba ako at lumapit sa kaniyang kinahihigaan. Muli na naman nanginig ang kaniyang katawan gaya kanina. Pinuwersa ko na alisin niya ang pagkakahawak niya sa kaniyang ulo dahil tila nasasaktan na niya ang kaniyang sarili. Naialis ko naman ito gamit ang aking lakas ngunit nakita ko ang kaniyang mga mata. Bumalik ito sa orihinal nitong kulay.
"LUMAYO KA SAKIN! YOU WILL NEVER EVER CONTROL MY BODY!", malakas nitong sigaw sa akin. Hindi ko naman kinokontrol ang kaniyang katawan. Ano ang gusto niyang sabihin? Siya ang dumikit sa akin at siya ang kumagat sa akin, wala akong kakayahan na kontrolin siya. Mas lalo akong binalot ng pagtataka nang makita ko na wala na ang kaniyang mga pangil na tila ba bigla na lamang siyang bumalik sa kaniyang anyo.
Ano ang nangyayari sa katawan niya? Hindi ko na din maintindihan ang nangyayari sa kanya. Pero naaamoy ko ang kaniyang samyo na pang mortal. Hindi ba dapat ay naging kauri na namin siya? Bakit tila ganoon pa rin siya sa dati? Ano ang meron sa kaniyang katawan? Talagang pinapasakit ng mortal na ito ang aking ulo. Andami ko ng katanungan at nadaragdagan na naman ang aking suliranin.
"Mino stop it! I didn't do anything!", malakas kong bulyaw sa kaniya habang muli na naman niya akong pinatutulakan palayo sa kaniya. Agresibo niyang inupo ang kaniyang sarili sa sahig at pumiglas siya sa aking hawak na siya ko namang binitawan. Hindi ko na alam kung bakit pabago-bago siya ng ugali!
"STOP CONTROLLING MY BODY TO MATE WITH YOU! HINDI MO AKO MAGAGAMIT!", agad na umawang ang aking bibig? Ako? Kinokontrol siya upang makipagniig siya sa akin? He is the one who is driving me crazy. He is the one who bit me all of the sudden? Bakit ako ang may kasalanan ng lahat. I didn't do anything.
"You are not listening! Wala akong ginagawa sayo!", pilit kong isinisiksik sa kaniya na wala akong kasalanan. I don't know what happened to him. He just acted strangely.
"YOU THINK YOU CAN SEDUCE ME AND CONTROL ME? HUWAG MO AKONG GAMITAN NANG MADUMI MONG MAHIKA!", madiin nitong sabi na parang wala siyang narinig na pagtanggi mula sa akin. I was about to scold him once again pero nanlaki ang aking mga mata sa bigla niyang pagtayo at sa mabilis na kilos ay agad siyang tumalon sa bintana.
SHIT! Mataas ang kastilyong ito mamamatay siya sa ginagawa niya! Agad akong tumanaw sa bintana. Pinag-iinit niya talaga ang ulo ko! Mabilisan kong iginalaw ang aking mga kamay nang malapit na siya sa lupa ay agad siyang nasalo ng sanga ng isang puno na aking minanipula. Sa sobrang lakas ng kaniyang pagkakahulog ay gumulong pa siya palayo sa sanga.
SHIT! He is killing himself. Agad kong nakita kung papaano niya ininda ang kaniyang pagkakabagsak sa sanga at ang paggulong niya sa lupa. Walang ano-ano ay bigla na siyang nagtatatakbo palayo. Damn! mabuti na lamang ay wala na kami sa palasyo ng aming kaharian bago niya maisipang tumakas kung hindi ay isang malaking problema ito.
Agad kong naisara ang aking kamao dahil sa labis na pagkainis sa kaniyang kilos. Ngunit kailangan ko siyang habulin. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at sa aking bilis ay binagtas ko ang aking silid at nagpalit nang mas makapal at maayos na kasuotan upang mas maayos ko siyang mahahabol.
After that ay tumalon na din ako sa bintana at sinalo ako ng sanga na aking minanipula. Amoy na amoy ko lamang kung nasaan siya at hindi niya kayang makapagtago sa akin nang matagal. Fine! If you want to play then I will play with you. Hindi ako ang uri ng prinsesa na may mahabang pasensya.
Gamit ang aking bilis ay agad ko siyang naabutan ngunit nagtago ako sa isang malaking puno. Kitang-kita ko ang kaniyang paghinto at paghahabol ng hininga dahil sa pagtakbo na kaniyang ginawa. Tumingin-tingin siya sa kagubatan na nasisinagan ng buwan. Bakas sa kaniya ang pagkalito kung saan siya dadaan upang mas makalayo sa palasyong aking ginawa.
Agad akong nakaisip ng aking gagawin upang turuan siya ng leksyon sa ginagawa niyang pagpapasakit ng ulo ko. Sa aking kumpas kasabay ng pag-init ng aking mata ay naglabas ng liwanag ang mga bulaklak na nasa daanan na tila ba tinuturo nito ang daan na dapat niyang bagtasin. Hindi na siya nag-atubili pa at sinundan ang daanan na may mga umiilaw na bulaklak.
Agad akong lumipat sa puno na matatanaw ko siyang muli. Nagsimula na naman siyang tumakbo upang mas mabilis siyang makatakas. Nagpatuloy sa pagliwanag ang mga bulaklak na siyang gabay sa paglalakad niya na may kaunting pagtakbo. Muli na naman akong lumipat sa isa pang puno upang makita siya.
Kaunti na lang mortal, malapit na tayo. Agad na akong napangisi dahil malapit na siya sa lugar na gusto kong bagtasin niya. At sa huli kong kumpas ay muling nagliwanag ang mga bulaklak sa daan at mabilis siyang tumakbo at dahil doon ay bigla siyang napasigaw.
Agad akong napatawa nang malakas ng bigla siyang nahulog sa isang talampas kung saan siya dinala ng kaniyang pagsunod sa mga nagliliwanag na bulaklak. Narinig ko ang malakas na pagbulusok niya sa ilog sa ibaba nito. Ang ilog na ito ay isa sa mga ginawa namin kanina ni Tiyo mula sa hiram na kapangyarihan ni Ina.
Agad akong kumumpas at lumapit sa akin ang isang malaking baging tsaka ako umupo dito at nagtungo sa talampas na kaniyang pinaghulugan kanina. Kitang-kita ko mula sa aking pwesto ang pinaghulugan niya sa malalim na ilog. You deserve that dahil sa pang-iinis at panggugulo mo sa aking isip. Baka sakaling mahugasan nang malamig na tubig ang pagiging matigas ng iyong ulo.
Hindi ko na napigilan ang aking muling pagtawa. I felt sudden joy that I have done something like that. Masaya din pala sa pakiramdam ang gumawa ng kalokohan paminsan-minsan. I am in the middle of enjoying myself and my glory nang bigla na lamang akong nagtaka kung bakit hindi pa siya umaahon. Where is he? Kanina pa siya sa tubig bakit hindi pa siya lumulutang o kaya ay lumalangoy pataas?
Agad kong pinag-init ang aking mga mata upang makita ko siya sa tubig pero tila yata nasa kailaliman na siya nang husto. Hindi biro ang lalim ng ilog na ito dahil nakaligo na ako dito kanina. Naghintay pa ako ng ilang segundo baka sakaling lumutang na siya pero agad akong hinataw ng kaba.
Entrante! Hindi ata siya marunong lumangoy! Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad kong inalis ang makapal na kasuotan na siyang pinandodoble ko sa mas manipis na damit na aking pantulog. Hindi ko gusto sa pakiramdam kapag nababasa ang makapal ko na damit kaya agad ko itong tinanggal. Tumayo ako sa baging na aking inuupuan kanina at at agad akong tumalon sa ilog.
Agad akong niyakap nang napakalamig na tubig sa mabilis ko na pagbulusok. Napakadilim sa ilalim dahil may ulap muli na nakaharang sa buwan kaya hindi nito nasisinagan ang ilalim ng tubig. Agad akong naalarma nang hindi ko siya malinaw na nakikita sa ilalim. Entrante Vreihya! Anong kahangalan na naman ang ginawa mo?
Agad akong lumangoy pailalim upang hanapin siya ngunit nahihirapan ang aking mga mata sa paghahanap kahit pa ramdam ko na uminit ang mga ito upang mas luminaw. Nasaan ka na Mino? Hindi na talaga maalis ang kaba ko. Inilingon ko na kung saan-saan ang aking ulo upang mahanap siya ngunit wala akong makita na katawan sa kung saan man. Tila binalikan ako ng kamalasan at problema dahil sa aking ginawa.
Muli akong lumangoy pailalim at mas lalong dumilim ang paligid. Kung mas malalim pa ang napuntahan ni Mino kaysa dito ay tiyak na mahihirapan na siya makaangat upang huminga. Sobra na sa lalim ang parte na ito na tila dagat. Mabuti na lamang at hindi masyadong malakas ang agos ng ilog at tila kalmado ito ngayon dahil kung hindi ay mas mahihirapan akong hanapin siya.
Tuluyan na akong kinain ng kaba sa muli kong paglangoy sa ilalim dahil mamamatay na siya kung ganito na kalalim ang naabot niya. Napakalayo na nito sa ibabaw ng ilog. Mino nasaan ka na? Magpakita ka na sa akin pakiusap! Pangako, hindi ko na uulitin pakiusap lumabas ka na! Muli akong nagpalinga-linga sa aking paligid ngunit hindi ko siya talaga makita.
We, vampires, we don't need to breath under water kaya kayang-kaya ko lamang magtagal dito ngunit siya ang iniisip ko. Tao siya, isa siyang mortal at ikakamatay niya ang ganito kalalim at ganito katagal na walang hangin. Kung alam ko lamang na hindi siya marunong lumangoy ay hindi ko na sana siya ginawan pa ng biro.
Binibigyan ko lamang talaga ng problema ang aking sarili. Hindi na talaga mapantayan ang aking kaba. Mino pakiusap asaan ka na? Pangako ko sa iyo na kapag nakaalis tayo dito ay tratratuhin na kita nang maayos kaya pakiusap magpakita ka na sakin!
Muli kong binalak na lumangoy nang mas malalim kahit na mas lalong didilim pero agad akong napasigaw sa ilalim ng tubig nang bigla na lamang may humila sa aking mga paa. Mabilis akong pumalag dahil sa matinding gulat ngunit ramdam ko ang higpit ng kaniyang pagkakahawak sa aking mga paa. Mino? Ikaw na ba yan? Hindi na ako nagtangka pang pumalag. Agad akong lumangoy pa nang kaunti upang mas mabilis akong makatungo sa kaniya. Agad akong nagulat nang bigla niyang hilahin ang aking bewang gamit ang kaniyang kaliwang kamay pagkatapos ang kabila naman ay sa aking leeg.
Mas lalo akong nanigas nang agad na dumikit sa akin ang kaniyang katawan at walang ano-ano ay naramdaman ko ang biglang pagsiil niya ng halik sa akin. Agad na nanlaki ang aking mga mata sa biglang lapat ng kaniyang mga labi sa akin. Agad na kinalampag ang aking puso lalo na nang maibuka niya ang aking bibig na tila nanghihingi siya ng hangin. Tsaka ko napagtanto ang nais niyang gawin. He can't breath and he need to get some air while our lips are still in contact with each other. Ramdam ko ang pagdiin ng kaniyang halik na tila ba ay uhaw na uhaw siya.
Damn! Nagwawala ang aking puso habang nararamdaman ko ang unti-unting pagdadahan-dahan ng kaniyang halik na tila nanunuyo siya sa akin. Nawalan ako ng lakas at tila ba gusto ko na lamang manatili sa kung nasaan kami ngayon.
Mas lalong nanlaki ang aking mga mata nang biglaang nagliwanag aming paligid. Mas lalo kong nakita ang kaniyang mga matang nakapikit na tila ninanamnam niya ang aking labi. Ang Dyosa ng buwan ay hinandugan kami ng kaniyang liwanag upang mas malinaw ko siyang masilayawan. Mas lalong tumindi ang aking kaba dahil sa dahan-dahan na din siyang nagmulat ng kaniyang mga bata. And they slowly turned into the glowing blue na siya ko ng ikinabaliw nang husto. Dahan-dahan niyang inilayo ang kaniyang mukha sa akin habang nakahawak pa rin siya sa aking bewang at leeg.
Sa liwanag ng buwan ay kitang-kita ko kung paano niya ako pakatitigan. How can this be possible? Kahit nasa ilalim kami ng tubig at tanging liwanag ng buwan ang aming tanglaw ay napakaganda pa rin ng kaniyang anyo. Tila mas lalong naging perpekto ang kaniyang itsura sa aking paningin. Ganito pala ang pakiramdam ng mahipnotismo sa ilalim ng kalmadong tubig at sa sinag ng buwan.
Hindi na ako nakapagpigil pa dahil ako na mismo ang muling naglapat ng aming mga labi. Ramdam ko ang kaniyang gulat ngunit hindi nagtagal ay sinuklian na rin niya ito ng isang mabagal at mapanuyong halik. Mabagal ang aming naging palitan at naramdaman ko na ang unting paggalaw ng aking mga paa upang iangat kaming dalawa sa itaas.
Nararamdaman ko ang unti-unti naming pag-ahon paitaas ngunit nanatili na ang mga labi namin ay magkalapat at masuyong gumagalaw upang bigyan ng kasagutan ang bawat isa. Unti-unti kong naramdaman na tila may tinutungan na ang aking mga paa na mas nagpabilis sa aming pag-angat. Tuluyan na kaming nakaalis sa tubig ngunit pareho kaming nakatayo at nakatungtong at hindi pa din napuputol ang mapanuyo niyang halik sa akin.
Ilang segundo pa ay kapwa kami tila napagod, dahan-dahan na nagpaalam ang aming labi sa isa't-isa tsaka ako nagmulat ng aking mga mata. Agad dumagundong ang aking dibdib nang makita ang kaniyang asul na mga mata na nakatitig sa akin. Napakaliwanag ng buwan na siyang yumayakap sa amin at kapwa ang aming mga balat ay kumikinang. Sa kabila ng lamig ng tubig ay init ang aking nararamdaman para sa kaniya. Tsaka ko lamang naramdaman na isang malaking baging ang aming tinutungan. Kapwa namin naiilang na inilayo ang aming katawan sa aming pagkakadikit.
Pareho kaming naghahabol ng aming hininga habang pareho kaming nag-iiwas ng tingin sa isa't-isa. Naiilang ako nang husto. Parang gusto ko na lang tumalon ulit at huwag ng lumutang upang makita pa siyang muli dahil pakiramdam ko ay matutunaw ako sa kaniya. Ilang segundo pa ay naramdaman ko na din ang lamig ng aking katawan dahil sa pagkakabasa.
Ngunit hindi nakaligtas sa akin ang tila ba madiin na paninitig sa akin ng dalawang pares na mga mata. Agad akong napatapon ng tingin sa mortal na kanina lamang ay kasalo ko sa isang matamis na halik. Agad akong napatingin sa aking katawan nang makita ko ang uri ng kaniyang paninitig.
Agad na nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto na dikit na dikit sa aking katawan ang manipis na aking pantulog. Bumabakat ang lahat sa akin dahil sa pagkakabasa nito. Agad akong nailang sa kaniyang tingin.
"What are you looking at human?", mataray kong pagtatanong habang tinatakpan ko na ng aking magka-ekis na braso ang aking dibdib. Agad siyang napaubo nang mahina at agad na nag-iwas ng tingin na tila ba nahihiya din siya sa ginawa niyang pagtitig.
Ngunit napukaw din ang aking atensyon dahil sa pagbakat ng kaniyang makisig na katawan sa damit niyang pang-mortal. I never knew that water can make a man more attractive than he already is. Tila napako ang aking mga mata sa paninitig.
"Why are you looking at me too?", agad na saad nito at agad nitong pinag-ekis ang kaniyang mga braso sa kaniyang didbdib na tila ginagaya ang aking ginagawa. Agad akong nakaramdam ng pamumula at mahinang pagtawa sa dahil sa tila ay pagsasamantalahan ko siya sa kaniyang pagkakaharang. Ngayon lang ata kami nagkaroon ng pagkakaton na hindi masyadong mainit ang aming mga ulo at hindi sa away napupunta ang usapan. Sobrang gaan pala sa pakiramdam ang ganito. Tila ba nahugasan ng ilog ang mga suliranin at katanungan na nasa aking isip.
"Let's just sleep tonight please. I am tired", mahinahon nitong pahayag na siyang dahilan kung bakit bigla akong napalingon sa kaniya. Muli na naman bumalik sa dati ang kaniyang mga mata kung saan bakas na ang pagod at kagustuhang magpahinga.
Hindi ko alam kung bakit pero ngumiti ako sa kanya at tumango nang marahan.
"Let's just save the fighting and argument for tomorrow", pabiro kong sabi na siyang nagpangiti sa kaniya. Damn!
I think I like those smiles!