Chereads / One Bite To Another / Chapter 8 - MATE

Chapter 8 - MATE

Kapwa kami hindi makagalaw sa aming mga pwesto dahil sa pareho naming nasaksihan. Tila pareho kaming naghahanap ng kasagutan sa aming paninitig sa isa't-isa. Sa papaanong paraan siya nagkaroon ng pangil?

Agad kong nakita ang kagustuhan niya na hawakan ang kaniyang bibig dahil ipiniglas niya ang kaniyang kaliwang kamay. Agad kong inalis sa pagkakaharang sa aking dibdib ang aking kanang kamay ay kinumpas ito. Kapwa natanggal ang mga sanga na nagtatali sa kanyang kamay. Mabilisan niyang sinapo ang kaniyang bibig. Pinakiramdaman niya ang kaniyang mga pangil. Hindi nakatakas sakin ang kaniyang panginginig dala ng takot.

Agad niyang inilayo ang kaniyang daliri na nasugutan ng kaniyang pangil. Nanlalaki ang kaniyang mga mata na tinitigan ang kaniyang daliri at lalo itong nanginig. Agad siyang nagtapon nang masamang titig sa akin. Ramdam ko ang galit niya sa akin.

"WHAT HAVE YOU DONE TO ME!?", umalingawngaw ang kaniyang malakas na sigaw sa silid. Ramdam ko ang matinding galit at pagkasuklam niya sa akin. Ngunit hindi ko alam ang aking isasagot. Nakatulala lamang ako na nakatingin sa kanyang kabuuan na nakasandal sa uluhan ng higaan. Hindi biro ang kaniyang panginginig at namumuo niyang luha. Matindi ang kaniyang takot na aking nararamdaman.

Hindi kaya?

"Macara used my blood to make you live.", mabilisan kong sambit sa kanya nang maalala ko na ang posibleng dahilan kung bakit siya nagkakaganyan. Pero nagtataka ako kung bakit hindi nawawala ang kaniyang mortal na amoy. Isa pa din siyang tao at hindi pa siya lubusan na katulad namin.

"FUCK! LOOK AT ME!", ang kaninang luha niya ay nagsimula ng pumatak kasabay ng kaniyang panginginig. Rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng kaniyang puso maging ang panginginig ng kaniyang mga labi ay hindi na nakaligtas sa akin. Agad akong nakaramdam ng awa para sa kanya. Unang beses akong nakaranas ng ganito at hindi ko alam ang gagawin ko.

Agad siyang napasabunot sa kaniyang buhok dahil sa tindi ng galit at takot. Agad akong napanganga sa aking nasaksihan. Ang kaniyang balat ay nagsimulang kuminang ng bahagya dahil sa tama ng buwan sa kaniyang balat. Katulad iyan ng nangyayari sa aming mga balat sa tuwing tatamaan ng sikat ng buwan. Hindi maaari! Unti-unti na ba siyang nagiging katulad namin? Ngunit ang kaniyang mga mata ay hindi naman nag-iiba ng kulay. Sobra na din ang kaba at takot ko.

"Mi-Mino! Calm down!", agad na akong tumayo sa aking kinauupuan at gamit ang aking bilis ay binagtas ko ang kaniyang pwesto. Mas lalo siyang nanginig nang lumapit ang aking presensya sa kanya. Hindi ko alam kung saan ko siya hahawakan at kung ano ang gagawin ko para hindi na siya magkaganyan.

He crumpled his knees together and continued to pull his hair due to frustration. Palakas nang palakas ang kaniyang paghikbi. Kahit pa sabihin na natin na hindi na siya bata para umiyak ng ganito ay naiitindihan ko kung bakit ganito ang kilos niya. Paniguradong sagad sa kaibuturan ang takot niya.

"DON'T COME NEAR ME! MGA HAYOP KAYO!", agad itong nagtapon nang galit at malamig na titig sa akin sa kabila na mga lumuluha niyang mga mata. Hindi ko na din alam ang aming gagawin pero malabo na mangyari ito dahil mayroon kaming paniniwala na natutunan na itinuturo sa amin nung kami ay mga musmos pa lamang.

"I can't turn you into a vampire Mino. Sa mundo namin, hindi sa pamamagitan ng kagat namin nagiging kalahi namin ang mga tao.", that is true at yan ang turo sa amin dahil sa maharlika ang aming mga dugo at upang hindi maikalat ang dugo na ito sa sinuman ay hindi epektibo ang pagkagat sa mga tao upang maging kauri namin sila. Ang mga mabababang uri lamang na mga bampira ang may kakayahang gawin iyon dahil mas mabilis na maisalin sa tao ang lason ng kanilang kagat kaysa sa aming mga maharlika. Ito ay nagreresulta ng pagiging mababang uri din nila na mga bampira.

Bago kami nagkaroon ng sariling mundo ay nakikihalubilo ang aming mga ninuno sa mga tao kaya naman madami ang nabibiktima ng mga masasamang bampira at hindi naman lahat sa amin ay masasama. Hanggang sa hindi ko malaman na kwento ay nagkaroon kami ng sariling mundo na walang ni isa mang tao ang nakakapasok pwera na lamang sa kanya.

"FUCKING LIAR! GINAGAWA MO AKONG TANGA!", galit at madiin nitong sabi sa akin at hindi ko na alam kung ang kaniyang panginginig ngayon ay dala ba ng takot o nang matindi niyang galit sa akin. Tila napatingin siya sa akin dahil siguro napansin na naman niya ang pagkinang ng aking balat na nakita ko rin sa salamin kanina nang makita ko na ako ay nasinagan ng liwanag ng buwan.

"GO AWAY FROM ME! MAPAPATAY KITA!", agad nitong pagbabanta na tila ba may laban siya sa akin kung sakali. Ramdam ko ang bigat ng kaniyang pagwawala. Naramdaman ko ang bigla niyang pagtulak sa akin ngunit dahil sa mas malakas ako sa kanya ay hindi ako nito natinag. Patuloy niya akong itinutulak paalis nang buong lakas niya dahil ayaw niya na malapit ako sa kanya. Alam ko naman na hindi siguro siya nananakit ng babae ngunit iba ang nararamdaman niya ngayon.

Naiintindihan ko na kahit sino ay mawawalan na din ng paggalang sa isang babae kung ganito ang mangyayari sa kanya. Hinayaan ko na itulak niya ako ng itulak baka sakaling mabawasan ang kaniyang galit. Hindi ko maintindihan kung bakit ramdam ko na tao pa din siya pero bakit nagkakaroon siya ng pangil at pati ang kaniyang balat ay apektado ng liwanag ng buwan.

"YOU DON'T HAVE ANY MERCY! MAMATAY NA KAYONG LAHAT!", madidiin na ang mga turan nito. Patuloy siya sa pagtulak, bigla akong napainda nang makalmot niya ang aking pisngi dahil sa pagpalag at ramdam ko ang dugo na dumadaloy pababa mula doon. This is the first time na may nakasugat sa aking balat. Kahit mga gamo-gamo sa mundong ito ay hindi pa ako nadadapuan pero siya, siya na ata ang una ko sa lahat.

Nag-init man ang aking dugo pero kung magagalit ako ay mas lalo kaming magkakagulo. Hindi maganda na salubungin ko ang kaniyang galit. Naninibago pa siya sa nangyayari sa kanya na hindi ko din maintindihan. Hindi kaya gawa ito ng dasal ni Macara sa aking dugo kaya nakakuha siya ng ilan sa aming mga katangian? Pero kahit na ito pa ang kasagutan wala ng mababago pa sa nangyayari sa kaniya ngayon.

Hindi ko na kinaya pang tagalan ang kaniyang pananakit sa akin. Sinalo ko ng aking dalawang kamay ang kaniyang mga kamay na itutulak na naman sana ako. Nagpupumiglas siyang muli habang nasusugat na ang kaniyang labi dahil sa nasasagi ito ng kaniyag pangil, umagos ang masaganang dugo mula dito. Agad kong naramdaman ang pag-init ng aking mga mata nang maamoy ko ang samyo ng kaniyang dugo. Tila ba nanuyot ang aking lalamunan at nanabik akong malasap ang kaniyang dugo upang maibsan ang aking pagkauhaw.

Pinigil ko ang aking sarili dahil kapag ginawa ko iyon ay paniguradong mababaliw na naman ako sa kanya. Mas lalong sisidhi ang galit niya kapag inulit ko iyon. But damn! those blood they looked so sweet.

Vreihya! No! Stop! Please don't do anything stupid!

Agad akong natigilan dahil ang kanina niyang panlalaban ay napalitan ng panghihina. Nawala na ang pwersa niya na makawala sa hawak ko. Unti-unti kong nakikita ang kaniyang panglulupaypay. Shit! What is happening? Mukhang hindi ata kaya ng kaniyang katawan ang nangyayari sa kanya. Damn! Shit!

Bigla na lamang nanlambot ang kaniyang katawan at tila matutumba sa kaniyang pagkakaupo. Mabilisan akong yumakap sa kaniya upang hindi siya tuluyan na mapahiga. Agad na pumatong ang kaniyang ulo sa aking leeg na parang nagsilbi niyang sandalan at suporta. Agad akong nakaramdam ng kakaiba dahil sa lapit ng paghinga niya sa aking leeg. I felt shivers down my spine.

"Mino, don't go to sleep please!", inayos ko ang kaniyang katawan upang makahiga siya nang mas maayos sa kaniyang kama. Nakatingin lamang siya sa akin na walang emosyon habang may dugo pa din sa kaniyang labi. Hindi ko na alam ang aking gagawin sa kaniya baka malagay na naman siya sa alanganin. Ano ang gagawin ko? Kaming dalawa lamang ang naririto, wala akong mapaghihingan ng tulog. Hindi na maalis ang takot sa aking pagkatao. Hindi siya pwedeng mawala. Ano ang gagawin ko? Hinawakan ko na ang kaniyang mukha dahil tila tulala na lamang siya at hindi nagsasalita.

"Mino...Mino please!", sabi ko sa kanya na may mahinang pagtapik sa kaniyang pisngi. Unti-unti na tila bumabagsak ang kaniyang talukap. Lumapit ako sa kaniyang mukha upang pakinggan kung humihinga pa siya dahil hindi ko na ito marinig.

Dahil sa aking pwesto ay mas mabilis na pumatak ang dugo mula sa aking pisngi. Pumatak ito sa tapat ng kaniyang labi at ilang segundo pa ay naramdaman ko ang biglang paglakas ng kaniyang paghinga at tila ba nawala ang kaniyang panlalambot.

"Blo-BLOOD!", mabilis nitong sigaw. Agad na nanlaki ang aking mga mata nang bigla niyang hawakan ang aking leeg at bewang nang sobrang lakas. Lakas na wala naman siya kanina dahil hindi niya ako magawang itulak pero ngayon ay mabilisan niya lamang akong natangay. Sa mabilisan niyang kilos ay napahiga niya ako sa ibabaw niya tsaka siya umikot at pumaimbabaw sa akin. Agad akong natigilan dahil sa aming posisyon pero mas lalo akong nabigla nang inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin habang ramdam ko ang bigat niya sa aking katawan. Parang pinagtatambol nang husto ang aking puso.

Mas lalong nanginig ang aking katawan nang maramdaman ko ang marahan niyang pagdila sa aking nagdurugong pisngi. Marahan ang kaniyang pagdila dito na para niyang ninanamnam ng husto ang bawat dugo na nasa pisngi ko. Gusto ko man magpumiglas pero tila nanghihina ako at nag-iinit ang aking katawan. Ang bawat lapat nito sa akin ay tila ba kinukuha ang aking lakas na lumaban. Binabaliw ako nito nang todo na tila ba ayaw ko siyang tumigil. Nang nasaid na niya ang lahat ay lumayo siya sa aking mukha at agad akong natigilan sa aking nakita.

Ang kaniyang mga mata ay naging matingkad na asul. Ngayon lang ako nakakita ng mata na ganoon ang kulay. I felt like I am being hypnotized by those glowing blue eyes. Hindi ko alam pero umangat ang aking mga kamay at hinaplos ang kaniyang pisngi sa marahan na paraan. I feel like I wanted more. Parang sinisilaban ang aking katawan na nasa ilalim ng kaniyang mortal na katawan. Why do I want him to be closer to me? Gusto kong punan niya ang mga espasyo na pumapagitan sa amin.

Tila nagtataka ako sa aking sarili sapagkat wala pa akong karanasan ngunit tila nasasabik ako sa kanya. Agad kong naramdaman ang pagbaba ng kaniyang titig sa aking dibdid. Alam kong nakikita niya ang mga iyon nang malinaw dahil sa sinag ng buwan at dahil sa nipis ng tela ng aking kasuotan ngunit bakit tila ayaw ko nang harangan ang mga iyon. Anong nangyayari sa akin? Ano ang ginagawa mo sa akin mortal? Bakit nagkakaganito ang aking katawan? Anong mahika ang meron ka?

Bakas din sa kanya na tila naguguluhan siya sa kaniyang kilos at tila pinipigilan niya ang kaniyang sarili sa temptasyon. Muling bumalik ang kaniyang mga mata sa akin. Naramdaman ko na ang pag-init ng aking mga mata at paglabas ng aking mga pangil na hindi ko naman kinokontrol.

Saksi ang buwan sa mainit naming pagtititigan na para bang kanya-kanya kaming pigil sa aming mga sarili. Lalo akong nagwala nang maramdaman ko ang pag-alis ng kaniyang hawak sa aking leeg at lumapit ito sa aking hita. Dahil sa biglaan niyang pagkakahiga sa akin ay hindi naharangan nang maayos ng aking kasuotan ang aking kaliwang hita. Malayang-malaya niya itong mahahawakan hanggang gusto niya.

Ramdam ko ang init ng kaniyang palad sa mabagal nitong paghaplos sa aking hita. Tila sinasadya niyang dahan-dahanin upang mas mahirapan akong huminga at manabik. Hindi ko napagilan ang mapakagat sa aking labi dahil tila napapaso ako sa kaniyang hawak. This is the first time that I felt this kind of sensation. This is driving me crazy to the core. Pati siya ay tila nahihipnotismo sa aking mga mata dahil hindi mawala ang paninitig niya sa akin.

Napaigtad ako ng bahagya nang lumipat na ang kaniyang kamay na kanina lamang ay malumanay akong hinahaplos sa aking hita. Ngayon ang aking tagiliran ang tila marahan nitong sinusuyo. Hindi maitatanggi na nakakaramdam na ako ng sensasyon na hindi ko naiintidihan.

"Mi...no?", nahihirapan kong usal sa kaniyang pangalan. Pinilit ko man na hindi magpahalata sa kaniya na apektado ako sa kung ano man ang ginagawa niya pero nabigo ako. Gusto kong pag-alabin pa niya kung ano man ang mayroon sa amin ngayon. Damn Vreihya! Bakit ka tila tinakasan ng lakas?

"You! You are a goddess of beauty", tila wala siya sa wisyo nang banggitin niya ang mga iyon. Ilan na bang mga kalalakihan ang nagsabi sa akin niyan ngunit ang sa kanya ang nagpalundag sa aking puso nang bahagya. Pinipiliit ko na ibalik ang aking sarili sa katinuan. This is wrong Vreihya! He is a human! He is a Mortal! Buong buhay mo ay kinamumuhian mo sila. You are a royalty, hindi maaari na magpapatangay ka sa init na iyong nararamdaman.

Huwag kang magpadala sa tukso. Contain yourself kahit pa sabihin natin na ito talaga ang gusto mo na mangayari ay hindi pa din ito tama. Tila unti-unti ko ng naibabalik ang aking lakas upang bumalik sa tamang wisyo. Sa ibang pagkakataon ko na lamang ulit ito tatangkain sapagkat hindi pa handa ang aking katawan, ang aking diwa ata kabuuan para dito. Natatakot pa ako sa pwedeng mangyari. Mahina na kung mahina, takot na kung takot ngunit hindi pa talaga ako handa.

Akma na sana akong gagalaw nang buong lakas upang maitulak siya pero agad na nanlaki ang aking mga mata sa kaniyang sumunod na hakbang. Mabilis niyang ibinaon sa aking leeg ang kaniyang mga pangil. Ramdam na ramdam ko ang pagbaon at mabilisan niyang pagsipsip. Imbis na masaktan ako ay nakaramdam ako ng init at sensasyon na kahit kailan ay hindi ko pa naramdaman sa tagal kong nabubuhay sa mundong ito.

Shit! this is how you will be turned into a vampire. Ang mortal ang kailangan na siyang iinom ng aming dugo na kaniya mismong kagustuhan upang maging katulad namin na mga maharlika. Shit!

Tuluyan na akong nag-init habang nararamdaman ko ang madiin na pagkakagat niya sa akin. Hindi na nakaligtas pa sa aking labi ang mumunting mga ungol habang nararamdaman ko ang pagkakadikit ng aking dibdib sa kaniyang katawan.

Damn!

Bite me more!

Naramdaman ko na lamang ang pagtayo ng kung ano mang bagay sa kanya.

Shit!