Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

One Bite To Another

🇵🇭purple_ljg
--
chs / week
--
NOT RATINGS
80.5k
Views
Synopsis
"I don't do business with monsters!" Mino sarcastically exclaimed, glaring fiercely at the lady with a thin cloth covering her face. "So was I with a pathetic human," Vreihya grumbled angrily. They both despised one other's kind because, in their own views, they were both monsters. Vreihya is the strongest vampire, fated by prophecy to bear a child who will substitute the Goddess of the Moon, yet she cannot live freely without the human who is her only remedy for her illness, and when the human perish, she dies. Their foes will object to having a half-human blooded vampire as their new Goddess, thus they will go to any length to slay the mortal and dominate the most powerful vampire in the vampire world.
VIEW MORE

Chapter 1 - MONSTERS

"I don't get all of this Mom! Dad!", agad niyang sininghalan ang kaniyang ama't ina habang pinipigilan niyang maglabas nang mas matinding emosyon.

I rolled my eyes with such annoyance. HUMANS! Ang mga tao nga naman, they are always overreacting na tila binagsakan sila ng langit at lupa.

"Last time I check you want me to dump my girlfriend dahil sa ayaw ninyo akong ikasal and now you're telling me this!", halos maramdaman ko ang intensidad sa bawat salitang binibitawan niya. I remained calm and standing while he is being wild na tila walang ibang nandirito ang nakakarinig sa kanya.

And again, typical human, wala silang pakialam sa iba dahil ang tanging nais lamang nila ay mailabas ang matinding galit. They are self-centered as usual. Hindi na nakakagulat na matuklasan.

"Will you quit it? You whine like a pregnant woman!", agad niyang usal kasabay nito ay nagtapon nang matalim na titig sa akin ngunit hindi ako natinag.

"Shut it lady! You're just a woman hiding in that dark red cloak!", malamig nitong suway sa akin habang pinasadahan ng tingin ang kasuotang bumabalot sa akin. I am indeed wearing a red dark cloak with a hood and a piece of cloth hiding most of my face.

"Don't you dare to talk back human, kahit kailan ay hindi ako nautusan", suminghal na din ako pabalik sa kaniya dahil pinag-iinit niya ang aking dugo.

Halos humanga ako sa pinakita niyang katatagan dahil ni hindi sya natinag sa matinding paninitig ko sa kanya. I want to calm myself but I felt my anger wanting to escape beyond my control.

Mabibigat na titig ang namagitan sa amin ng mortal na lalaki. Hanggang sa tuluyan kong narinig ang malalakas na kaba sa kaniyang dibdib, ang kanina niyang matapang na titig ay napalitan ng sindak. Naramdaman ko ang mabilisan niyang panlalamig. Batid ko ang matindi niyang pagnanais na tumakbo palayo sa akin dahil sa takot.

I flashed a bitter smile under the piece of cloth.

How ironic! Humans are afraid of monsters like me but they are not aware about the fact that they are the most destructive kind of monster. Siya na mismo ang nag-iwas ng tingin sa akin as I turned back the normal color of my eyes after it turned red na siyang sanhi ng pagkakaroon ng takot sa kanyang katawan.

"You want me to marry a freaking monster?", muli nitong hinarap at tinanong ang kanyang ama at ina na kanina pa walang magawa.

"Gusto niyo ba ako mamatay Mom? Dad?", iritable nitong pahayag sa kaniyang mga magulang na kanina ko pa nararamdaman ang panginginig.

"Hindi ka nila sasaktan Mino", pagpapakalma sa kaniya ng kanyang ama.

"Son please! Just hear us out!", nagmamakaawang pahayag ng kaniyang ina na ngayon lamang nagkaroon ng lakas upang makapagsalita.

"Stop calling me your son, the moment you give me to this monsters kalimutan na ninyong may anak kayo!", he said that with such intenseness na tanda ng kaniyang malalim na galit sa kaniyang mga magulang. Agad inalalayan ng lalaki ang kaniyang asawa nang manghina ito sa mga salitang binitawan ng kaisa-isang nilang anak.

"Is this the way you show your gratitude to them?", walang gana kong sagot habang naramdaman ko ang paglapat ng kamay ng aking Ina sa aking kanang kamay na nasa mesa. She tried to tell me to stop arguing with the mortal.

"Buong akala ko ay may kaalaman na siya tungkol dito Rosanna, tila gulat na gulat pa din ang lalakeng ito?", agad na sabat ng aking tiyuhin na kanina pa kalmado ngunit nababakas sa kaniyang pananalita ang pagkamaharlika at ang awtoridad na mayroon siya.

"Sasabihin na sana namin pero nauna na kayong dumating", may panginginig ngunit may katapangan na sagot ng ina ng mortal na lalaki sa amin.

"So you're blaming us now? We had given you years to prepare him for this and this is what we get? Tila hindi kayo sumusunod sa kasulatan!", ma-awtoridad na pahayag ng aking ina na tuwid ang pagkakatindig at magkasalikop ang mga palad sa kaniyang harapan. Mababakas ang pagiging isang tunay na reyna sa kaniya pa lamang pustura.

"Kailan nga ba naging totoo ang mga tao sa kanilang salita?", makahulugan kong pahayag na siyang lalong nagdagdag ng kaba sa kanila. I smirked, hindi naman siguro kayo matatakot nang ganito kung may balak talaga kayong sumunod sa napag-usapan.

"Hindi kayo marunong sumunod kaya mawawala sya sa inyo nang mas maaga kaysa sa napagkasunduan!", madiin na turan ni Tiyo tsaka ko naramdaman ang pag-alerto ng mortal na aking makakapareha. Hindi ko maiwasan na mapangisi nang mapait. Ang hirap tanggapin sa kalooban ang ganoong ideya. Nakakapanliit!

"Maawa kayo! Hindi namin kakayanin ang sinasabi ninyo!", mabilisang siyang ginigit ng kaniyang ama at ipunuwesto sa kaniyang likuran upang mapalayo sa aking tiyuhin.

"Get your hands off me! You monster!", agad na singhal ng mortal nang mabilisang tinawid ni Tiyo ang kanilang pagitan at napunta siya sa likod ng matanda kung nasaan nakatago ang aming pakay kasabay ng paghawak ni Tiyo sa balikat ng mortal.

"It has been said and done!", malamig na pahayag ni Tiyo sa kanila. Agad kong nadama ang pagbaba ng temperatura habang dahan-dahang kinokontrol ni Tiyo ang hangin. Pilit na nilalabanan ng mga mortal ang pagpikit ng kanilang mga mata at inalerto ang sarili ngunit malakas ang kapangyarihan ni Tiyo.

Sa isang segundo lamang asa mga bisig ko na ang lalaking walang ginawa kundi ang magwala. Sinalo ko ito mula sa pagkakabagsak dahil sa pagkawala ng malay. Habang si Tiyo ay nasa magkabilang bisig ang mag-asawa.

"I look like a pathetic woman na ikamamatay kapag hindi naghabol ng lalake!", naiinis kong pahayag kay Tiyo dahil sa hindi ko nagustuhan ang nagiging imahe ko.

"Vreihya! Anak sa palasyo na tayo mag-usap", pahayag ng aking ina habang dinadala ni Tiyo sa kwarto ang mag-asawa.

"Good idea mother, this human world was indeed sickening", matablal kong pahayag sa kaniya. Sa paulit-ulit kong pagbalik sa mundong ito sa napakahabang panahon, nakita ko kung paano sila magpatayan, maglamangan at manlinlang ng kapwa. Ilang mga digmaan, kagutuman at mga pagpapahirap na ang aking nasaksihan. Napakagulo ng mundong ito. Hindi man perpekto ang aming mundo pero marunong kami sumunod sa batas ng aming Dyosang kataas-taasan at napakalayo sa kung paano ang mga mortal ay wala na atang kinikilalang batas.

I am a royalty and it is true that I had a thirst for blood. I am a frightening creature that no one will ever wish to encounter. I am indeed a monster for small minded human. I am one of those who glow when the light of the moon embrace our pale skin. I have fangs, sharp nails and flaming red eyes pero ito lamang ba ang basehan upang matawag na isang halimaw?

But on my world we are the most powerful, the most respected, the most beautiful species to ever rule them. Malayo kami sa mga imahe na binuo ng mga tao. Books and legends were written to make us look like a cursed creature, they make us look like we are from the dark side. But in reality we are more special and more precious than mortals.

Hindi ko pa rin lubusang maintindihan, I am adored by a bunch of vampire na halos magsiluhod sila mahawakan lamang ako, maangkin lamang ako but this silly mortal refused me that easily? Tila pinag-iinit niya talaga ang dugo ko!

-----------------------------------------------------

I sat on the cold floor of the palace habang nakabitin nang pabaligtad ang lalaking mortal. Nakapangalumbaba akong nakatitig sa mahimbing na nakasabit na lalake. Hindi ko maproseso kung bakit sa kanya ako makikipag-isang dibdib? He was just a human nothing special. Minamaliit ba nila ako? Isa akong maharlika at sa isang hamak na tao lamang nila ako ipapares. Isa itong kabaliwan! Isa itong pangmamaliit sa akin!

KAHANGALAN!!

Ilang minuto pa ay namasdan ko na ang kaniyang mga mata na dahan-dahang nagmumulat. Bakas ang pagkabigla sa kaniya nang makita ako sa kanyang harapan na hindi lamang nalalayo. Sinusubukan nitong gumalaw at magpumiglas upang makalag ang gapos sa kanyang mga paa ngunit naging sanhi lamang ito upang maikot sya sa ere.

"Quit moving human, you're making your situation worst", malamig kong sabi sa kanya upang malaman niya na nandirito ang aking presensya. Ngunit tila isa siyang bingi at hindi man lang ako tinapunan ng tingin o kaya ay sinagot pabalik.

Agad na nag-init ang ulo ko. Agad kong inangat ang aking kamay. I made a thin blade with the air at pinutol ang kaniyang gapos and he started to shout when his about to fall on the cold floor.

Ngunit nagawa kong iangat ang kanyang katawan sa pamamagitan lamang ng aking kumpas. Agad kong inayos ang kaniyang pagkakatayo sa mabilis na paraan ngunit nanatiling hindi nakalapat ang kanyang paa sa sahig. I controlled his body to face me. Tsaka ko muling nakita ang kabuuan niya. Hindi ko maiwasan na humanga sa kaniyang kakisigan at magandang kaanyuan. Aaminin ko na hindi naalis sa kaniya ang aking paninitig nang sumadya kami sa mundo ng mortal upang kunin siya. But now, he is still stiff while floating in the mid air with my power.

"I don't do business with a monster!", matigas nitong sabi sa kabila ng kaalaman nito sa katauhan ko at kahit anong oras ay kaya ko siyang saktan. Wala pa din siyang preno sa pagsagot sa akin ng pabalang. That's intriguing!

"So do I with a pathetic human!", iritable kong pahayag sa kaniya. I will not let you step on me dahil sino ka nga lang ba? Kung hindi lang dahil sa may kailangan ako sa iyo ay hindi naman ako magtitiis nang ganito.

"Woah! Look at you hindi ba kayo itong lumapit sa akin para pakasalan ka? It will never happen so dream on!", mayabang nitong sagot sa akin na tuluyan ng nagpaiksi ng aking pasensya.

Mabilisan akong napatindig sa aking kinauupuan at isinara ang aking kanang kamao na nagsanhi upang mabilisan siyang bumulusok papalapit sakin. Sa maliit na agwat namin ay nanlalaki ang mga mata nitong sumalubong sa aking paninitig. Naramdaman ko na ang pag-init ng aking mga mata na tanda ng muli nitong pagbabago ng kulay.

"Lend me your ears mortal! Ni minsan ay hindi ako tinanggihan! I can get all the men I want as many as I please but I am here stuck with a weak creature!", pangmamaliit ko sa kaniya. He will pay for this kind of mockery! I am Vreihya Amely Zecillion and I will never let a foul mouthed human to belittle me!

"Really? How can a man plead for a woman hiding herself behind those thick cloak may nakakadiri ka bang sakit o baka naman pangit ka!", matapang pa din nitong saad sa akin. You are really something! Wala ka na talagang takot sa iyong katawan. Masyado kang matapang para sa isang tao.

"Damn! Don't use your human language against me!", pikon kong sabi sa kanya. Yes! Napipikon na talaga ako at hindi na biro ang pag-iinit ng aking ulo. Hindi talaga mahaba ang aking pasensya because I am a royalty at lahat ay iginagalang ako.

"I don't take orders from monsters!", mayabang pa ding sabi nito na tila ba hindi siya tinatalaban ng aking matatapang na mga pahayag. I had enough! Agad kong nahawi ang aking kamay sa tindi ng galit kasabay nito ay ang pagtilapon ng kanyang katawan sa pader that caused him to shout due to intense pain.

Pilit kong kinalma ang sarili ko because I don't want to end up killing him. Mas madami pang importanteng gawain kaysa kitlin ang buhay niya at isa pa sabi ni Tiyo ay huwag siyang sasaktan hanggang maaari dahil wala pa kami masyadong nalalaman sa kung paano na siya ang magpapagaling sa aking karamdaman at kung bakit sa kaniya ako nakatakda makipag-isang dibdib. Hindi naman na siguro malalaman ni Tiyo na hindi ko na nagawang makapagtimpi kaya tumilapon siya sa pader.

The moment he landed on the cold floor, I turned my back away from him. Ngunit rinig ko ang kaniyang mabagal na paghinga.

"Ano bang mapapala ninyo sa akin wala akong maintindihan?", naghahabol siya ng hininga habang binibigkas niya ang kanyang katanungan. I stopped and breathed heavily to utter the words na kahit ako ay hirap na paniwalaan at patuloy ko pa ding inaayawan.

"You are going to be the father of my child!", malamig kong sabi dahil napakahirap lunukin ng katotohanan na ito. That is the last words I uttered before I snapped my finger and he lost his consciousness.