Chapter 56 - Chapter: 55

Tumikhim muna ang don bago ito nag salita.

"ahmmm... Sonya ako ito si ramon..."

"Ramon? Ramon—del Castillo?.." Tanong ni sonya sa don.

"oo ako nga sonya.. Kamusta ka na?" muling tanong ng don kay sonya.

Hindi sinagot ni sonya ang tanong ng don sa halip ay muli itong nag tanong.

" i—ikaw ba ang nagligtas s-sa akin?."

Ang don naman ang hindi sumagot dito.

"ramon.. Kung ikaw man ang nag ligtas sa akin.. Maraming salamat... Ang gusto ko lang ngayon ay tulongan mo akong makabalik sa anak ko.. Panigurado matagal niya na akong hinahanap..." muling saad ni sonya kay don ramon.

Tuluyan nang lumapit si don ramon kay sonya at hinila nito ang upuang nasa gilid ng kama. Umupo ito paharap kay sonya.

Muli nitong tinitigan si sonya at hinaplos nito ang mukha ni sonya gamit ang kanang kamay nito.

"sonya.. Bulag—ka? P-papaano kang nabulag?.." Tanong ng don habang haplos parin nito ang mukha ni sonya.

Dahan-dahang iniyuko ni sonya ang kanyang mukha bago ito nag salita.

"hindi ko alam.. Basta ang natatandaan ko lang nun ay nagtatanim akong mag isa sa bukid ng biglang may tumamang bagay sa aking mga mata.. Hindi ko na nahanap kung ano yun.. Dahil sa sobrang hapdi ay pinilit kong makauwi kaagad ng bahay nun.. At pagkalipas ng ilang linggo ay unti-unti nang nanlabo ang mga mata ko.. Hanggang sa tuluyan—na akong nabulag..." paliwanag ni sonya kay don ramon.

Ang don ramon naman ay ibinaling ang dalawang kamay nito sa mga kamay ni sonya na nakapatong sa magkabilaan nitong hita. Kinuha ang mga ito ng don at hinawakan.

" sumama ka sa akin.. Ipapagamot ko ang mga mata mo sonya.." saad ng don dito.

"hindi na Ramon.. Baka pag nalaman ni Vicky ay mas lalong magalit nanaman yun sa akin at baka pati anak ko ay madamay..." tanggi ni sonya sa alok ni don Ramon.

"huwag ka mag-alala sonya.. Simula ngayon ay hindi ko na siya hahayaang saktan ka pa.. O may gawin siyang masama sayo.." tugon ng don kay sonya.

Umiling iling naman si sonya sa sinabi ng don.

"paano kang nakasisiguro ramon na hindi na ako masasaktan ni Vicky? Kilala ko ang kapatid kung iyon.." saad ni sonya sa don.

Matapos sabihin iyon ay dahan-dahang tumulo ang luha nito mula sa kanyang mga mata. Ang don naman ay pinunasan nito ng kanyang mga daliri ang luhang tumulo mula sa mata ni sonya.

"pangako sonya.. Hinding hindi ko na hahayaan si Vicky na lapitan ka niya ulit.." muli pang saad ni don ramon habang pinupunasan parin nito ang mga luha ni sonya.

"hindi ko alam sa kapatid kong iyun bakit ganun parin katindi ang galit niya sa akin.. Ilang beses na akong humingi ng tawad sa kanya nun dahil sa pagpatol ko sa iyo.. Nang malaman kung buntis ako nun ay nagpakalayo layo ako para hindi mo masundan.. Pero hindi parin siya na kuntento at kinuha niya sa akin ang anak ko.." saad ni sonya habang muli na namang umiiyak ito.

"a-anak? Sinong anak ang tinutukoy mo sonya?" tanong ng don kay sonya na nakakunot pa ang noo nito.

"nagka anak tayo ng lalaki ramon.. Nang makipag hiwalay ako sayo nun ay hindi ko alam na buntis na pala ako.. Naglalaba ako noon sa labas at iniwan sa kuna ang anak natin.. Nang biglang may dalawang kalalakihan na pumasok ng bahay at biglang kinuha ang bata. Sinubukan ko pa silang habulin nun pero humarurot sila ng takbo at nakita kong sumakay sila sa kulay puting van.. May nakita pa nga akong babae nun na nakasilip sa bintana ng sasakyan hindi ko masyadong maaninag ang mukha pero alam kong si Vicky yun.. " kwento ni sonya kay ramon. 

" bakit hindi mo sinabi sa akin nung magkita tayo ulit?.. "

Kunot ang noong tanong ng don dito.

"ayaw ko na kasing mas lalong magkagulo ramon.. At tsaka matapos mawala ang bata makalipas lang ang ilang linggo nun ay nakatanggap ako ng tawag mula sa landline ng kapitbahay namin.. Nang—makausap ko kung sino ang tumatawag ay si Vicky pala.. At sinabi niyang siya ang nagpakuha sa bata.. Tinakot niya ako nun na papatayin ang bata kapag nagpakita pa ako ulit sayo.. Nangako ako sa kanya nun na hindi na ako magpapakita pa sayo basta huwag niya lang sasaktan ang bata.. At sinabi naman niya sa akin na huwag daw akong mag alala dahil hindi naman daw niya sasaktan ang bata basta tuparin ko lang daw ang sinabi kong hindi na magpapakita sayo.." paliwanag ni sonya kay ramon.

" kung kinuha ni Vicky ang anak natin saan niya yun dinala? Posible kaya na isa sa kanila jordan at david yun?.. Di bale malalaman ko mamaya pag uwi ko ng bahay.. Huwag ka mag alala sonya.. Ibabalik ko sa iyo ang lahat ng mga kinuha ni Vicky sayo..."

"salamat ramon.. Basta ang gusto ko lang ngayon ay ang makabalik sa anak ko.. Malamang matagal na niya akong hinahanap.." muli pang saad ni sonya sa lalaking kaharap niya.

"ano bang pangalan ng tinutukoy mong anak sonya?.." Tanong ni Ramon dito. Kahit na may ideya na siya kung sino iyon ay tinanong niya parin ang pangalan upang makasiguro.

"si eloisa mae.. Ang anak kong babae.. Nagtatrabaho siya sa Maynila.. Pero hindi ko alam kung saan..." agad na tugon ni sonya kay Ramon.

Tumango tango naman si ramon sa sinabi ni sonya.

"kilala ko kung sino ang anak mo.. Sa company na hawak ni david siya nagtatrabaho.. Hayaan mo sa lalong madaling panahon ay magkikita kayo.."

"talaga Ramon?!.. Salamat naman kung ganun.. Kamusta siya? Kamusta ang anak ko?.." muling tanong ni sonya sa don.

"sa nakikita ko sa kanya ay okay naman siya.. Mukhang masaya naman siya sa trabaho niya.. Huwag mo na siya isipin ako na ang bahala sa kanya dadalhin ko siya dito para magkita kayo.." muli pang tugon ng matandang lalaki.

Humugot naman ng malalim na hininga si sonya galing sa kanyang lalamunan na waring nabunutan ito ng tinik.

Nakangiti naman ang don dito habang nakatingin parin sa mga mata nito.

" ang gusto ko ay magpalakas ka sonya.. Para kapag nagkita kayo ng anak mo ay maganda na ang pangangatawan mo.. Baka magalit sa akin yun kapag nakita niyang sobrang payat mo parin.. Iisipin nun pinabayaan kita.."

Pagkasabi niyon ay tumawa ang don. Napangiti naman si sonya sa sinabi ng don.

Muling sumeryoso ang mukha ng don dahil bigla itong may naalala.

" sonya.. Maiba nga pala tayo.. Sino ang ama ni eloisa? "

Hindi kaagad nakapagsalita ang matandang babae. Naisip niya na kapag sinabi niya kay don ramon na ito ang ama ay baka kuhanin nito ang nag iisang anak na kasama niya, at natatakot siya na tatanda siyang mag isa at walang kasama sa buhay.

Nakapag pasya siya na tsaka nalang niya sasabihin kay don ramon ang totoo. Gusto niya munang makausap ang anak niyang babae dahil alam niya na maaring magalit ito sa kanya kapag nalaman nito ang totoo na nag sinungaling siya.

" sonya... May problema ba? Sino ang ama ni eloisa?.." pag uulit ng don sa kanyang tanong ng hindi parin umiimik si sonya.

Nagbuntong hininga muna si sonya bago ito nag salita.

" hindi mo siya anak Ramon.. Matapos nating magka hiwalay nun ay nakapag asawa ako.. Ngunit maaga siyang namatay.. "

" pe—pero sonya.. Diba aksidente na nagkita tayo ulit nun at may nangyari sa atin ilang taon na ang nakakalipas ng sinabi mong kinuha ni Vicky ang anak nating lalaki.. " saad ni don Ramon dito.

" ah— oo nga.. Pero isang beses lang yun ramon kaya hin—hindi naman ako nun nabuntis.. Isa lang ang naging anak natin. " tugon ni sonya ng nakayuko habang nagsasalita.

Muling tumango tango ang don sa sinabi ni sonya sa kanya.

" okay sige.. Hayaan mo at dadalhin ko siya sayo oras na makausap ko siya.. Magpahinga ka na muna dito at magpa lakas.. Kapag may mga kailangan ka magsabi ka lang sa mga katiwala ko dito at binilinan ko na silang asikasuhin kang mabuti.." saad pa ng don bago tumayo mula sa pagkakaupo.

Nang makatayo ito ay May ilan pang segundo nitong tinitigan si sonya.

" aalis na ako sonya.. Mag iingat ka dito.. Ang bilin ko sayo magpalakas ka ha.. " muli pang saad ng don dito.

" salamat ramon.. "

Tumango lang si don ramon kay sonya at tsaka humakbang ito palabas ng pintuan. May dalawang hakbang pa ito bago tuluyang makalabas ng pintuan ng marinig niya muli si sonya na nagsalita.

" ramon!.. "

Kaagad huminto sa pag hakbang ang don at pinihit nito ang kanyang katawan paharap sa gawi ni sonya.

Nang maramdaman naman ni sonya na huminto sa paglalakad si don ramon ay ipinagpatuloy nito ang kanyang sasabihin.

" ramon.. Pwede mo ba akong balitaan kapag nakita mo na ang anak nating lalaki? Gusto kong malaman kung tinupad ba ni Vicky ang pangako niya sa akin na hindi niya ito sasaktan.. Please Ramon..." pakiusap ng matandang babae kay don ramon.

"sige huwag ka mag alala babalitaan kita kaagad.." kaagad na tugon ni ramon.

"salamat! Salamat ramon. ramon .." huling saad ni sonya bago tuluyang lumabas ng pintuan si don ramon.

SAMANTALA Katatapos lang mag ikot nina jordan at eloisa noon sa mga kakilala nina eloisa upang mag tanong-tanong kung may nakakaalam ba ng naging buhay ng ina ni eloisa buhat ng ito'y dalaga pa lang.

Sa pagtanong tanong nina eloisa ay napag alaman niyang buntis na sa kanya ang kanyang ina ng umuwi ito sa Quezon at doon na namalagi ito ng matagal hanggang sa ipanganak na siya nito. Kung saan-saang lugar daw kasi ito nagpunta upang magtrabaho.

Habang pauwi sila sa bahay nina ella ay may nadaanan silang ilog at napag pasyahan nilang maligo na muna dahil lagkit na lagkit na ang kanilang katawan sa pawis. Sakto namang naksalubong din nila si ella na noo'y papunta na ng bukid upang dalhan ng makakain ang kanyang ama. Sinabihan nila itong bumalik kaagad pagkahatid ng pagkain ni mang cardo upang samahan sila sa pag ligo.

Dali-dali namang naglakad si ella para ihatid ang pagkain ng kanyang ama at nang makabalik ito sa ilog ay kaagad din itong nag lunoy sa tubig kasama nina eloisa.