Chapter 13 - Chapter: 13

Eloisa POV:

Kinabukasan habang kumakain ng agahan ay sinubokan ko ulit i-dial ang telephone number nila ella. Baka sakaling may sumagot na. Naka dalawang dial na ako ng may sumagot. Nabosesan ko ito si aling pasing ang naka sagot.

" hello.. Magandang umaga ho aling pasing! Kamusta na ho kayo diyan?  May balita na ho ba kayo kay nanay?.." kaagad kong tanong dito.

Agad siyang sumagot. " magandang umaga rin eloisa! Mabuti naman kami dito. Ayun si ella at mang cardo mo ay nasa bukid. Nag patulong si cardo kay ella na mag dilig ng mga pananim na gulay.. Tungkol naman kay sonya ay wala parin kaming balita eh.. Noong Linggo nga lang ay nag punta kami ni ella sa police station upang mag tanong kung may  balita na sila kay sonya.. Kaso iha wala parin daw.. " agad na sagot nito at narinig ko pa itong nag buntong hininga sa kabilang linya.

" ay ganun po ba.. Ikamusta niyo nalang ho ako kay ella at mang cardo.. " saad ko dito.

" eh ikaw ba iha kamusta ka na rin diyan sa Maynila? Kailan ka ulit magba bakasyon dito?.." muli niyang tanong sa akin.

" okay naman ho ako dito aling pasing.. Maganda naman ho ang napasukan kong trabaho.. Ang totoo nga ho niyan ay na promote ho ako bilang site manager.. At sa pasay na ho  ang office ko.. Hindi ko pa ho alam kung kailan ulit ang balik ko diyan para mag bakasyon.. Hayaan niyo ho at iti treat ko kayo pag balik ko diyan.. Kakain ho tayo sa labas at sagot ko lahat ng gastos.. Sayang nga ho at wala ang inay... " sabi ko dito na nangingilid ang luha.

Hindi kaagad nakapag salita si aling pasing. Marahil ay nag iisip ng sasabihin maya maya pa ay narinig ko ulit itong nag buntong hininga bago nag salita muli.

" kaya mo yan iha.. Huwag kang mawawalan ng pag asa.. Gaya ng palagi kong sinasabi sayo nandito lang kami ng pamilya ko.."

" aling pasing may ipapasuyo nga pala ako sa inyo... Mag papadala po ako sa inyo ng dalawang libo kada buwan basta linisan niyo lang ho araw - araw ang bahay namin.. Gusto ko ho kasi malinis ito kapag bumalik si inay... " sabi ko dito.

Kaagad siyang sumagot." ay naku eloisa walang problema.. Kahit walang bayad okay lang... Masaya ako na maka tulong manlang sayo.. Alam ko namang hindi rin biro ang pagsisikap mo diyan sa Maynila... Hayaan mo at sasabihan ko rin si ella para kapag marami akong ginagawa siya ang pag lilinisin ko doon sa bahay ninyo. Total wala pa naman siyang pasok sa school.. "

" naku siyempre ho hindi naman ako papayag na hindi manlang kayo maabutan... Naabala ko rin po kayo.. Labis na nga po ang naitulong ninyo sa akin lalo na noong nag aaral pa lamang ako sa inyo kami tumatakbo kapag may kailangan akong bilhin para sa school... Kaya hayaan niyo na po na maka bawi  naman ako sa kabutihan ninyo sa amin ni inay... " sabi ko pa dito.

" sige ikaw ang bahala iha.. Nakakahiya man pero malaking tulong din iyon sa tuition fee ni ella lalo na ngayon na malapit na ang tag ulan mahirap makapag ani ng gulay lalo na kapag may mga bagyo.. " sabi pa nito.

" o paano ho tatawag nalang ho ako ulit diyan aling pasing.. Naki balita lang ho ako sakaling may update na tungkol kay inay ko... Mag iingat nalang ho kayo lagi diyan.. Salamat ho ulit.. " Paalam ko dito.

" okay sige iha.. Mag iingat ka rin palagi diyan... tatawag nalang kami sa iyo kaagad kapag may nakuha na kaming impormasyon tungkol sa nanay mo... Ba bye.. " huling saad nito bago ibinaba ang telepono.

Pagka baba ko ng cellphone ay kaagad kong tinapos ang pag kain. Agad din akong naligo at nagbihis. Nag suot lang ako ng pantalon na maong at polo na kulay puti na hanggang siko ang haba ng manggas at muli kong isinuot ang eye glass ko. Mabuti na rin pala na may eye glass ako para proteksiyon na rin sa mata ko dahil gagamit na rin ako ng computer ngayon at hindi na Xerox machine. Backpack ang ginamit ko at hindi shoulder bag. Mas marami kasi akong dadalhin sa trabaho at hindi magka kasya sa shoulder bag lang. Kina kailangan ko kasing mag dala ng extrang damit para kung sakaling hinding man ako maka uwi dahil maraming dapat gawin ay naka ready ako.

Nang matapos na ako sa pag lalagay ng mga dapat kong dalhin papasok ay kaagad naman akong lumabas na ng bahay. Hindi ko rin kinalimutan ang mga labahan kong damit na Idadaan sa laundry shop bago pumasok ng trabaho. Habang nag lalakad ako palabas ay nadaanan ko pa si aling ursula na nag wawalis sa bakuran at naandun din ang kanyang anak na nag didilig ng halaman. May nakita pa nga akong batang lalake na naglalaro marahil ay ito ang apo niya. Binati ko ang mga ito at kaagad na ring lumabas ng gate nila. Pagka abot ko sa laundry shop ng mga damit ko ay agad na rin akong nag lakad papunta sa terminal ng jeep na papuntang pasay. Mabuti nalang at medyo malapit lang din ito sa apartment na tinutuloyan ko.

Nang makarating na ako sa construction site ay kaagad kong tinawagan si david at ipinaaalam na naka rating na ako sa site. Nang matapos ko siyang tawagan ay agad kong ipinasok muna ang mga dala kong gamit sa opisina pagka pasok ko ng aking magiging opisina ay may nakita akong helmet na naka patong sa ibabaw ng aking table. Sandali akong nag isip marahil ay para sa akin ito. May nakikita kasi akong ganito sa lugar namin na nakasuot sa mga trabahador na gumagawa ng bahay. Kinuha ko ito at tiningnan mukhang hindi pa nagagamit. Agad ko din namang sinuot ito pagka suot ko ay kaagad din naman akong lumabas ng opisina at nag libot sa buong gusali. Kinamusta ko isa isa ang mga engineer at architect na naka asign dito at maging ang mga leadman ay kinausap ko rin. Kilala na nila ako dahil ipina kilala ako ni david kahapon sa mga ito. Nag tanong rin ako sa kanila kong may mga concerns ba sila at ng masiguro kong wala ay nag lakad na ako pabalik ng aking opisina.

Pag balik ko sa aking opisina ay umupo ako sa swivel Chair na naka tapat sa aking table at dinampot ang folder na ibinigay sa akin ni david kahapon. Isa isa ko itong binasa at sa sobrang dami nito ay mukhang hindi ko pa ito kaagad lahat matatapos na basahin ngayon.

David POV:

Ngayon ang araw na nag simula na si eloisa sa bagong trabahong ibinigay ko sa kanya. Ewan ko ba at may kakaiba akong nararamdaman sa babaeng yun na hindi ko mapangalanan. At nang malaman kong nawawala pala ang nanay niya ay nakaramdam ako ng bahagyang kirot sa isang bahagi ng aking puso. At bukod pa doon ay Magaan ang loob ko sa kanya at gustong gusto ko siyang kinaka usap kaya naman nung naghahanap ako ng ilalagay na site manager sa bago kong project ay kaagad kong naisip si eloisa. Alam kong hindi naman ito college graduate at wala pa siyang experience sa ibinigay kong trabaho sa kanya ngunit nag desisyon parin akong ipag katiwala sa kanya ang trabahong iyon. Nang reviewhin ko kasi ulit ang resume niya ay nakita kong naging valedictorian pala siya ng elementarya at maging ng high school at nanghihinayang ako kung bakit hindi siya nakapag tapos ng kolehiyo. Kung nakapag tapos siya ng kolehiyo ay maaring nagkaroon din ito ng pinaka mataas na antas sa eskwela. Nasa ganoon akong pag iisip ng mag ring ang cellphone ko si klariz ang tumatawag. Agad ko namang sinagot ito.

"hey babe, napa tawag ka.. Mis mo na ba ako kaagad kaka date lang natin kahapon ah.." bungad ko dito at bahagyang tumawa.

" babe naman.. Eh sa namimis kaagad kita eh... Dito ka nalang ulit matulog sa condo ko mamaya.. Ipag luluto kita ng favorite mong ulam... " agad na sagot nito sa akin.

" hey marami akong favorite ulam ha.. Siguradohin mong masarap lahat.. Gusto kong kasing sarap mo babe.. " biro ko pa dito.

" alright, ngayon palang ay sisimulan ko ng mag luto babe.. Hihintayin nalang kita mamaya dito okay.. I love you! Take care! Bye.. " paalam nito sa akin.

" sige babe thanks! See you later.. I love you more.. " huli kong saad dito bago pinatay ang tawag.

Masarap kasi mag luto si klariz kaya gustong gusto ko ang luto nito. Hindi tulad ni mommy na bukod sa bihira lang kaming ipag luto ay madalas namang wala ito sa bahay. At madalas tanging katulong lang ang kasama namin sa bahay. Si dad noon ay madalas ding wala dahil palaging may business trip.

Masaya naman ako kay klariz kahit minsan ay selosa ito alam ko namang sadyang mahal lang ako nito. Parang gusto ko na tuloy pakasalan ito para palagi na kaming mag kasama. Kaso next year pa ang nakatakda kong pagpapa kasal dito marami pa kasi akong dapat asikasuhin lalo na ngayon na humihina ang kumpanya. Kahit na may nangyayari na sa amin ay hindi parin kasi kami pwedeng mag sama bilang respeto ko nalang din sa mga magulang niya.

Maya maya ay pumasok ang aking sekretarya at iniabot ang mga memo na dapat kong pirmahan.

" ahmm.. Sir malapit na po ang anniversary ng company ah.. Excited na ako sir saan po ba gaganapin ang party?.." tanong nito sa akin.

" oo nga eh next week na yun.. Sa isang resort nalang sa cavite doon napagka sunduan namin ng mga nakuha kong coordinator. " sagot nito.

At lumabas na ng office ko ito. Isa isa kong binabasa ang mga memos na kailangan ng approvals ko ng sumagi sa isip ko si dad. Naisipan kong tawagan ito upang kamustahin dahil may ilang araw na rin kaming hindi nagkikita nito at mamaya ay hindi pa ako makaka uwi ng bahay dahil naka oo ako kay klariz na sa condo niya ulit uuwi. Dinial ko ang telepono sa bahay at si mommy ang naka sagot.

" hello mom, kamusta kayo diyan?  Si daddy kamusta ang pakiramdam?.." tanong ko dito.

" o mabuti naman at naalala mo pang kamustahin kami ng Daddy mo. Pareho lang kayo ni jordan mula ng lumaki kayo ay bihira nalang kayo kung umuwi dito sa bahay. Nag tatanong na nga ang daddy ninyo bakit bibihira lang daw kayo umuwi dito. Si jordan nga umuwi dito kahapon pero kaninang umaga lang ay kaagad din naman itong umalis. kanina ay medyo sumama pa ang pakiramdam ng Daddy ninyo.. but now he's okay na.. Nandun siya sa kwarto niya nagpapahinga. Kailan kaba uuwi dito at gusto kayong maka usap ng daddy ninyo. "

Agad na bungad nito sa akin.

" sorry mom busy lang ho sa company.. Huwag po kayo mag alala bukas uuwi po ako diyan. Pakisabi po kay Daddy na magpa galing siya.. " tanging naisagot ko nalang dito.

" o sige na. Basta umuwi ka dito. " huling sabi nito bago ibinaba ang telepono.

Hindi parin nag babago si mom.. Parang wala manlang siyang concern sa akin.. Alam naman niya na maraming trabaho dito sa opisina. Akala niya hindi ko alam na sa tuwing tatawag ako sa bahay ay tinatanong ko sa mga kasambahay kong nasaan siya at madalas na sagot sa akin ng mga ito ay wala siya. Tapos kung makapag salita siya sa akin ay parang ako ang palaging wala. Napa buga ako ng hangin bago muling ipinag patuloy ang pag pirma ng mga memo.

Ala siyete na ng gabi ng matapos ako sa mga pinipirmahan ko. At dumiretso na ako sa condo ni klariz. Pagka pasok ko palang ng kanyang condo ay naamoy ko na ang kanyang niluluto. Nilapitan ko siya ng hindi nag sasalita at niyakap ko siya mula sa kanyang likuran. Medyo nagulat pa siya ng maramdaman niya ang aking braso na naka pulupot sa kanyang bewang. Hinalikan ko siya sa kaliwang pisngi. Bago ako nag salita.

" hi babe.. Sa labas palang amoy na amoy ko na yang niluluto mo ah.. Mukhang marami nanaman akong makakain nito.."

" oo babe sinarapan ko talaga yan.. Baka ipagpalit mo ako sa iba eh.." sabi nito at ngumiti.