Jordan's POV:
Natatandaan ko ang babaeng iyon at eloisa pala ang pangalan niya. Siya ang muntik na naming mabundol ng sasakyan ilang buwan na ang nakakaraan. Wala pa nga siyang suot na salamin noon sa mata. At kanina ay naka salamin na siya kaya hindi ko siya kaagad natandaan. Kaya pala pagkakita ko palang sa kanya kanina sa office ni david sa isip ko she looks familiar. Yun pala ay nagka encounter na nga kami dati pa. kinailangan ko pang titigan ang mukha niya bago ko siya nakilala. Marahil ay malabo ang mata nito. Mabuti nalang ay walang nangyaring masama sa kanya. Mukhang okay naman siya kanina. Hindi ko na nga siya noon masyado kinausap pa nag mamadali kasi kami noon dahil may biglaang meeting ako kasama ang mga matataas na tao na kasosyo ko sa negosyo sa paris. Hindi ko naman akalain na dito nila gusto sa Pilipinas ganapin ang magiging meeting namin. At nang nag inform sila through e-mails ay hindi ko naman kaagad nabasa dahil Mag hapon kong kasama si Roxanne ng araw na yun. Si Roxanne ay ang aking Girlfriend at isang modelo sa paris. half Filipino ito dahil ang kanyang ina ay isang Pilipino at ang kanyang ama naman ay isang italyano. Halos magka edad lang kami matanda lang ako sa kanya ng isang taon 31 na siya at ako ay 32. Ewan ko ba sa babaeng yun parang linta kong maka dikit sa akin halos ayaw ng humiwalay sa akin kapag magka sama kami. Hindi ko pa nga ito niligawan dahil ito ang kusang lumalapit sa akin.
Marami na rin naman na akong naging girlfriend pero dahil sa Sobrang busy ko noon sa negosyo ay kadalasan panandaliang aliw lang ang hinahanap ko. At ngayong nagkaka edad na ako ay unti unti na akong nagseseryoso. At nang minsang sinabi ko kay Roxanne na gusto ko ng magka anak ang sabi niya ay ayaw pa niya. ang katuwiran niya ay hindi pa siya handa at nag e-enjoy pa daw siya sa pagiging modelo at baka daw kasi masira ang katawan niya kapag nagka anak na kami. May apat na taon na rin kaming magka relasyon ni Roxanne at nakilala ko ito sa paris. Matagal kasi ako namalagi sa paris dahil dito ako nag simulang mag sarili ng negosyo at dito ko itinayo ang kauna unahan kong hotel na malapit lang din sa isang beach. Bukod sa hotel na ito may ari din kami ng isang construction firm at si Daddy ang presidente ng kumpanya. tatlo lang ang branches namin dito sa abroad. Isa sa Singapore isa sa malaysia at isa sa italy. Simula noong nagka sakit si dad 5 years ago ay ako na ang inatasan niyang humawak ng negosyo abroad. Habang Sa Pilipinas ay si john david ang inatasang magpa takbo ni Daddy. nasa Pilipinas ang marami naming branches. Dalawa lang kaming mag kapatid ngunit kahit dalawa lang kaming magka patid ay nakaka ramdam ako ng kumpetisyon sa pagitan namin. Bata palang kami ay ito ang malapit kay dad. Naalala ko pa nga noon Madalas sabihin sa akin noon ni mom na ako raw ang panganay kaya dapat na ako raw ang mas magaling Kaya sinikap kong palaging maka unos kay david. Iniisip ko nga noon bakit kailangan mag paligsahan kami sa lahat ng bagay gayong mag kapatid naman kami. Ewan ko ba kay mommy kung bakit niya iyon sinasabi sa akin gayong pareho niya lang naman kaming anak ni david. At napapansin ko rin noon na sa tuwing wala si dad ay madalas niyang pinagagalitan si david na kahit wala naman itong ginagawang masama. Magugulat nalang ako na sinisigawan niya na ito. hindi ko naman maipag tanggol noon si david kay mom dahil pati ako ay madadamay din sa galit niya. Kung kausapin pa nga ako ni mommy noon ay bihira lang din at tuwing may sasabihin ako noon sa kanya ay parang napipilitan lang siyang kausapin ako. madalas wala rin palagi si mommy noon sa tuwing may business trip si dad ay kaagad din siyang umaalis ng bahay at tanging katulong lang at si david ang nakakasama ko. Mula ng makapag tapos ako ng kolehiyo ay sinikap kong may mapatunayan sa kanila. Ibinuhos ko ang lahat ng nalalaman ko sa negosyo. At hanggang ngayon na malalaki na kami ay nakikita kong wala paring ipinag bago si mommy ganun parin ang pakikitungo niya sa amin. Ngunit si dad ay ramdam ko na mas lalo siyang naging mas malapit sa amin mula ng magkasakit siya. Halos two months ang inilagi niya noon sa hospital at nagkataong nagka problema pa ang bago kong ipinapa tayong hotel. Kung kaya't kay david ko nalang ibinilin ang pag aasikaso kanila daddy.
Heto ako ngayon at kakauwi ko lang ng Pilipinas gamit ang private plane namin binili ko ito mula ng mag click ang ipinatayo kong hotel sa paris. Nahihirapan kasi ako noon mag byahe ng madalas sa tatlong branch namin abroad kinakailangan ko kasi itong tutokan ng personal dahil tumitindi ang kumpetisyon sa larangan ng business. Padami na ng padami ang gustong sumabak sa larangan ng business. At nang maitayo ko nga 2 years ago ang aking hotel sa paris ay madalas doon na ako naglalagi. Bihira nalang ako kung umuwi ng Pilipinas at wala pa sana akong balak na umuwi kong hindi lang ako tinawagan ni John David na madalas ng sumpongin si Daddy ng sakit niya sa puso.
Bago ako umuwi ng bahay ay dumaan muna ako sa opisina ni david upang maka usap ito ng personal dahil madalas doon siya sa condo niya umuuwi. At dito kami ngayon sa pasay. Niyaya niya ako dahil gusto niya daw ipakita sa akin ang bagong project niya.
Eloisa POV:
Halos isang oras din ang biniyahe namin bago makarating sa bagong site na sinasabi ni sir david. Sa pasay pala ito banda at sinisimulan ng gawin ang gusali. Isa pala itong hotel na may tatlumpong palapag at malapit sa kina tatayuan ng casino. Namangha ako sa nakita ko grabe ang yaman pala talaga nila sir david. Ngayon lang ako naka kita ng ganito kataas na gusali ng personal kadalasan ay sa mga magazine lang at sa tv kapag nakikinood ako kanila ella. Grabe nakakalula ang taas niya. At siyempre proud ako na dito ako magtatrabaho. Pakiramdam ko tuloy to the highest level na ang beauty ko. Tatawagan ko mamaya si ella at babalitaan ko sa magandang nangyari ngayon sa buhay ko.
Maganda na sana. Okay na sana kaso wala naman si inay siya pa naman ang inspirasyon ko para mas lalo pang pag igihan ang pagtatrabaho. Ngayong tataas na ang sahod ko sa trabaho ay mas malaki na ang maiipon ko. Maipapagamot ko na sana ang sakit ni inay at maging ang mga mata niya ay mapapa tingnan ko na kahit sa malaking pagamutan pa. Kaso wala naman si inay sana dumating ang araw na mahanap ko na siya at walang nangyaring masama sa kanya.
Nasa ganoon akong pag iisip ng narinig kung nag salita si david.
" hey eloisa are you okay? Kanina ko pa napapansin na bigla ka nalang tumahimik mula ng makasakay tayo ng kotse.."
Agad naman akong sumagot dito.
" ahmm.. Wala naman po sir.. Naalala ko lang ang nanay ko.."
"ay ganun ba.. Bakit anong nangyari sa nanay mo?.." muli niyang tanong sa akin.
" nawawala po kasi siya sir ilang linggo na.. Noong nakaraan na umabsent ako ay umuwi po ako ng quezon at sinubukang magtanong tanong kong may nakakita sa kanya kaso bigo po ako. Dahil wala pong may nakakita sa kanya. " agad kong sagot dito.
" ay ganun.. Ni report niyo na ba sa mga police?.. " muli niyang tanong.
" yes po noong araw na nawawala po siya ay kaagad namang nai report ng kaibigan ko.. " tugon ko dito.
" hayaan mo mahahanap mo rin yun.. Huwag ka lang mawawalan ng pag asa.." muli niya pang sabi.
" yes sir hindi naman po ako susuko sa pag hahanap sa kanya.. Alam ko na darating ang araw na mag kikita kami ulit.. " sabi ko dito at tinapik niya ako sa braso. Ngumiti lang ako ng bahagya bilang tugon. Tsaka nalang ako mag tatanong dito kong may kakilala siyang ramon del Castillo.
Niyaya niya akong pumasok sa loob at ipinakita ang magiging office ko. Medyo malaki ang magiging office ko. Air-conditioned ito at may dalawang sofa sa mag kabilaang gilid ng aking table. Mayroon din t.v sa kanang bahagi at isang mahabang sofa. At sa kaliwa naman ay mayroong comfort room na maari kong magamit kong sakaling hindi ako makauwi ng apartment. At sinabi pa niya na bibigyan niya raw ako ng magiging assistant para hindi daw ako masyado mahirapan. May mga konting sinabi pa sa akin si sir tungkol sa mga Schedule at regulasyon tapos nun may ibinigay siya sa aking folder at dun daw naka lagay ang lahat ng dapat kong malaman tungkol sa Building.
Pagka labas namin ng magiging office ko ay ipina kilala naman niya ako sa ibang mga tauhan doon. Habang nag iikot kami ni sir david ay kusa namang nag iikot mag isa si sir Jordan.
Nang matapos na kami sa endorsement ni sir david sa akin ay kaagad din naman kaming lumabas ng gusali. Bukas pa naman daw talaga ang start ng trabaho ko. Pagka labas namin ng building ay nadatnan naming naka tayo na sa labas ng kotse niya si sir jordan at may kausap sa cellphone. Nang matapos siya sa kausap niya ay lumapit siya sa amin upang mag paalam na mauuna na daw siya dahil hindi pa siya nakaka uwi ng bahay mula ng makarating siya kanina galing sa italy. Nang maka alis si sir Jordan ay maaga din naman ako niyayang sumakay ni sir david sa kotse niya at idadaan niya nalang daw ako sa alabang dahil malapit lang naman daw doon ang condo niya. Hindi na daw muna siya uuwi ng bahay dahil nandoon naman daw si sir Jordan.
Alas kuwatro na ng hapon Nang makababa ako sa sasakyan ni sir david. Nagpa salamat lang ako dito bago umalis. sumakay nalang ako ng traysikel pauwi ng apartment. Nang makababa ako ay may nakita akong nag titinda ng hamburger bumili ako at ito nalang muna ang kakainin ko ngayong hapunan.
Nang makauwi ako ay naisipan kong tawagan si ella. Ngunit wala namang sumasagot ring lang ng ring ang cellphone nila. Nag pasya akong bukas nalang ito tatawagan ulit. Agad naman akong kumain pagka lapag ko ng cellphone. Habang kumakain ako ay iniisip ko kung paano ako magsisimulang tanungin si sir david tungkol doon sa ramon del Castillo na iyon. At paano nga kong kakilala niya pala ito ano na ang susunod kong magiging hakbang. Malalaman ko ito kapag naka usap ko na ulit siya ng personal. Nakakahiya kong sa cellphone ko siya tatanungin dapat ay sa personal. Di bale madami naman akong pagkakataon para makausap ito ng personal. Nasa ganoon akong pag iisip ng bigla namang sumagi sa isip ko ang mukha ni sir jordan. Iniisip ko kung saan ko siya nakita. May bigla akong naisip kinuha ko ang calling card na itinago ko sa bag ko halos isang taon na ang nakaka lipas. Hindi kaya siya ang muntik ng maka sagasa sa akin noon. Medyo natagalan ako sa pag hahanap ng calling card dahil tinanggal ko na kasi yung iba kung gamit sa bag ko. Nang hindi ko makita ay tinamad na akong magkalkal pa sa iba. Medyo inaantok na kasi ako tsaka ko nalang ito hahanapin. Nang matapos na akong kumain ay kaagad na akong nag linis ng katawan at nag palit ng damit. Nang naka higa na ako ay napansin kong sa di kalayuan ang basket na pinag lalagyan ng mga labahin kong damit. Umaapaw na pala ito dahil isang linggo na akong hindi nakakapag laba. Magpapa laundry nalang muna ako bukas at baka kung hindi pa ako magpapa laba ay baka wala na akong maisuot sa mga susunod na araw. May malapit namang laundry shop dito sa apartment idadaan ko nalang bukas ang mga damit bago ako pumasok sa trabaho maaga lang naman itong nag bubukas.