Pagka alis ni ms. Divine ay muling sumagi sa isip ko ang apelyido nila sir david at binigkas ko itong muli. Del Castillo.. Oo nga ano bakit ba hindi ko kaagad naisip noong nasa Quezon palang ako na Del Castillo nga pala ang family name ng boss ko. Siguro ay dahil kay nanay naka tuon ang isip ko. Sinipat ko ang oras sa malaking orasang naka sabit sa pader. Malapit ng mag uwian kaya dali dali ko ng tinatapos ang aking mga gawain ng dumating naman si rina. " uy friend! Thanks for your pasalubong! Ang sarap kaya. Totoo talaga ang sinabi mong masasarap ang mga kakanin doon sa inyo.."
Tumingin ako dito habang patuloy sa aking ginagawa at nginitian ito bago nag salita. " you're welcome rina! Mabuti naman at nagustuhan mo!.. Sabi ko na sayo masarap talaga ang mga kakanin sa amin. Hayaan mo kapag umuwi ako ulit sa amin, bibigyan ulit kita."
" ay talaga loisa, gusto ko yan friend! Salamat! Sige ha dumaan lang ako dito sayo galing kasi akong c.r kaya naisipan ko na daanan ka upang makapag pasalamat. " agad niyang paalam sa akin at naglakad na palayo.
Nang uwian na ay inaabangan ko si rina sasabay sana ako dito palabas ng building. Gusto ko kasi itong tsikahin tungkol sa pamilya ni sir david baka may makalap akong impormasyon dito. Baka may koneksyon sila doon sa Ramon Del Castillo na naka sulat sa papel. Ngunit 30 mins. Na akong nag aabang kay rina ay hindi parin siya lumalabas ng office nila. May nakita akong lumabas na babae at kaagad ko itong nilapitan at nag tanong.
" ahmm.. Miss Si rina ba nandiyan pa sa loob? " tanong ko dito.
Tiningnan niya ako ng naka salubong ang kilay bago nag salita at mukhang nagda dalawang isip pa kung sasagutin ako." oo nasa loob pa. Hindi pa yun makakapag out dahil marami siyang palpak na gawa."
" ah sige salamat" tanging naisagot ko. At bago siya umalis ay bahagya niya pa akong inirapan. Hindi na ako mag tataka sa mga ganung trato dahil alam ko naman na maraming ayaw sa akin dito sa trabaho. Sanay na ako sa kanila. Bakit ko ba sila papansinin hindi naman sila ang nagpapa sahod sa akin. Nag pasya nalang akong umalis bukas ko nalang tatanongin si rina.
Nang maka uwi na ako ng bahay ay kaagad akong kumain ng hapunan nagutom kasi ako sa dami ng tambak kong gawain kanina. Hindi naman na ako nagtaka pa dahil isang linggo akong nawala. Habang kumakain ay malalim akong nag iisip. " Ramon del Castillo.. May kinalaman kaya ito sa pagka wala ng nanay ko.. Kung meron man.. Anong koneksyon ni nanay dito. Kailangan makapag imbestiga ako ng palihim sa pamilya ni sir david, baka siya na ang susi para makita ko si inay. Maaring kamag anak nila itong ramon na ito. Kaunti lang naman ang mga may apelyidong del Castillo kaya hindi malabong kakilala ni sir david ang lalaking yun. Hindi ko na muna sasabihin kay ella ang tungkol dito. Tsaka na kapag may malinaw na impormasyon na akong nahanap. Sa ngayon aalamin ko muna ang back ground ni david. Mabuti nalang at promoted niya na ako, madali nalang akong makaka lapit sa kanya.
Kinabukasan ay hindi ko nakita si rina. Mukhang hindi pa ata ito pumasok. Wala pa naman akong cellphone number niya. Kaya wala akong magagawa kundi hintayin itong pumasok. Nakita kong dumaan yung babaeng pinag tanungan ko kahapon may kasama itong dalawang babae pa. Nag uusap sila habang nag tatawanan naka tingin sila sa gawi ko. Wala naman akong ibang kasama dito sa puwesto ko kaya malamang ako yung pinag uusapan nila. Hindi ko nalang sila pinansin wala naman mawawala sa akin.
Lumipas ang maghapon na hindi ko nakita kahit anino ni rina. "shit hindi nga pumasok si rina.. Sa kanya pa naman sana ako mag sisimulang mag imbestiga dahil madaldal ito at pala kwento. Kapag kay ms. Divine madaling makahalata yun. Dapat walang ibang maka alam na nag iimbestiga ako. Baka masira pa ang mga plano ko. At mas lalo lang akong mahirapan makalapit kay david.." sabi ko sa aking isip.
Oras na ng uwian. Nag lalakad na ako palabas ng gusali ng maka sabayan kong nag lalakad si sir david. Nang makita niya ako ay kaagad niya akong tinawag.
" hey! Loisa, dont forget ha. Starting tomorrow direct kana sa akin magre report okay. Dahil sa site kana papasok. Dumaan ka muna dito at Tanungin mo nalang sa secretary ko kung anong exact address ng construction site na hahawakan mo. Kung may mga tanong ka sa akin mo na mismo itanong. " sabi nito sa akin.
Kaagad naman akong sumagot dito.
" okay sir noted po.. Thank you! "
" sige sige! Aasahan ko yan. O paano mauna na ako sayo at may dadaanan pa ako. " muli nitong saad at ngumiti. Tumango lang ako dito at ngumiti.
Habang nag aabang ako ng masasakyang bus ay lumilipad ang isip ko. "naku patay! Hindi na nga pala ako dito sa building na ito papasok. Last day ko na pala ngayon dito. Mas lalong hindi ko na mauusisa pa si rina. Di bale sisikapin kong makalapit ng husto kay david. Kapag nagawa ko na yun ay baka hindi ko na rin kailanganin pa ang tulong ni rina. maaring si david ang susi para mahanap ko si inay. " saad ko sa aking isip. Maya maya ay may humintong bus sa tapat ko. Agad naman akong sumakay.
Kinabukasan ay dumaan muna ako sa Makati office gaya ng sinabi sa akin ni sir david ngunit bago ako umakyat sa office ni david ay dumaan muna ako sa audit department kong saan naka asign si rina. Nang nasa tapat na ako ng audit department ay saktong may papasok na babae. Mukhang mabait naman ito kaya Kinapalan ko na ang aking mukha at nagtanong dito. Ngumiti muna ako bago nag salita. "miss mag tatanong lang ako kung pumasok ba si rina? Sa ibang branch na kasi ako maa asign.. Mag papaalam lang ako sa kanya." sabi ko dito At para hindi na mag usisa pa ito.
Agad naman itong sumagot ng hindi ngumingiti. " ah si rina ba.. Na suspend yun ng 1 week, mali mali kasi yung naipasa niyang report kaya sinuspend siya. Sige papasok na ako. " kaagad na paalam nito sa akin.
Bago ito tuluyang maka pasok ay kaagad naman akong nagpa salamat. Pa akyat na ako sa taas ng office ni sir david ng makita ko naman si ms. Divine na palabas ng elevator. Agad ko itong tinawag.
" hey! Ms. Divine.." lumingon siya sa gawi ko at ngumiti. Patakbo naman akong lumapit dito.
" uy loisa, andito ka pa pala akala ko sa ibang branch kana papasok?.." tanong nito sa akin.
" oo nga ms. Divine eh.. Dumaan lang po ako dito para mag paalam kay rina at ganun na rin po sa inyo. Salamat po pala sa magandang pakikitungo ninyo sa akin." sagot ko dito at ngumiti.
Agad naman itong sumagot." maliit na bagay loisa.. At isa pa mabait ka kaya dapat lang na tratuhin ka din ng tama.. O paano mauna na ako sayo.. Mag iingat ka palagi dun ma'am loisa.. At galingan mo pa para mas malayo pa ang mararating mo." sabi nito at tinapik ako sa kamay.
" sige po maraming salamat po ulit. Kayo din po mag iingat palagi.. " huling saad ko dito bago sumakay ng elevator paitaas.
Nang maka akyat na ako sa itaas agad akong naglakad papuntang office ni sir david. Hindi na ako kumatok pa sa Glass door agad na akong pumasok at nakita ko ang secretary ni sir David.
" good morning! Ahmm.. Itatanong ko lang po kung saan ang exact address ng bagong site na pagdyu dyutihan ko. Doon na kasi ako papasok starting today." tanong ko dito.
" okay wait.." at nakita ko siyang may isinusulat sa maliit na papel. Habang hinihintay ko siyang matapos sa pag susulat ay bigla namang labas ni sir david at may kasama siya isang lalaki na mas matangkad sa kanya ng mga dalawang dangkal. Mas morino ang kulay nito. Gaya ni sir david ay gwapo rin ito. Nang makita ako ni sir david ay agad siyang huminto sa pag lalakad. Binati ko ang mga ito at nginitian.
"hi sir! Dumaan lang ako dito tulad ng sinabi mo kahapon.. I'm just asking the exact address from your secretary.." kaagad kong bungad dito at ngumiti.
" that's good loisa! Sumabay ka na pala sa akin doon din ang punta ko." sabi nito.
Tumingin ako sa katabi niyang lalaki at nag tama ang aming paningin. Para itong may magnet at hirap akong bawiin ang aking paningin. Habang tumatagal ang pagkaka titig ko dito ay parang namu mukhaan ko ito. Hindi ko lang maalaa kong saan. Narinig kong tumikhim si sir david at bahagyang natawa bago nag salita.
" hey bro, hindi ko pa nga pala naipapa kilala sa iyo si eloisa ang bagong branch manager ko. Eloisa si jordan my older brother." pakilala nito sa akin.
Ngumiti ako ng malapad at iniabot ko ang aking kamay upang makipag shakes hand sa kanya.
" nice to meet you sir jordan.. " ngunit tiningnan niya lang ako at hindi na inabala pang tingnan ang kamay ko. Kung kaya ibinaba ko na lamang ito at tumango. Maya maya pa ay tinawag na ako ng secretary ni sir david at iniabot ang papel na pinag sulatan niya.
Kaagad ko namang kinuha ito. At nag paalam na ako kay sir david at sinabing mag hihintay nalang ako sa kanya sa parking lot.
Dumiretso na ako sa parking lot. Umupo nalang muna ako sa waiting shed na nasa kanang bahagi. Dahil hindi ko rin naman alam kung saan ang sasakyan ni sir david naka park. Hahanapin naman niya siguro ako kapag dumating siya.
Halos isang oras din ang lumipas ng narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Agad kong nabosesan si sir david. At hinanap ko kung saan nagmumula ang boses niya. Kaagad ko naman siyang nakita na nakatayo sa gilid ng kotse. Marahil ito ang sasakyan niya. Nagulat akong hindi pala siya nag iisa kasama niya parin pala si sir jordan. Magka hiwalay silang sumakay na dalawa ako ay sumakay sa kotse ni sir david.
Pagka sakay ko ay sinusubokan kong ikabit ang seat belt sa katawan ko. Ngunit hirap akong ikabit ito. O sadyang hindi lang talaga ako marunong mag kabit. Napansin ni sir david na hindi ko parin naikakabit ang seat belt ko. Kaya agad niyang kinuha ito sa kamay ko at napa dikit ang pisngi namin sa isat isa. Nakaramdam ako ng bahagyang pag iinit ng aking buong mukha. Malamang namumula ako na parang kamatis. Dinig na dinig ko pa at nalalanghap ang mabangong hininga ni sir david. Pakiramdam ko tuloy nanginig ang buo kong katawan at pinipigilan kong huminga dahil feeling ko hindi kasing bango ng hininga niya ang aking hininga. Naalala kong kumain nga pala ako ng tinitindang mani sa bus kanina habang nasa biyahe. Nang matapos niya ng ikabit ang seat belt sa akin ay tsaka lang ako nakahinga ng maayos. Tumingin siya sa mukha ko at natawa ng bahagya at umiling iling. Hindi ko alam kung bakit siya natawa. Ngunit wala akong lakas ng loob na mag tanong. Bahagya ko nalang binaling ang ulo ko sa labas at Hindi na lamang ako umimik. Napansin kong tented ang salamin ng kotse ni sir at medyo madilim sa parking area. Wala nga pala akong makita na tanawin sa labas. Nakakahiya baka pinag tatawanan nanaman ako ni sir. Pakiramdam ko tuloy mas lalo akong namula. Narinig kong tumikhim siya bago nag salita.
" are you okay loisa?" he asked me in a soft voice.
I immediately answered him. " ahmm.. Yes sir, im okay po.." at ngumiti ng pilit dito.
He speaks to me again. " kung may gusto kang sabihin or itanong, sige lang huwag kang mahihiya sa akin. Your one of my managers now. Kaya madalas na tayong mag uusap at magka kasama." sabi pa nito bago tuloyang pinaandar ang sasakyan.
Tanging ngiti lang at tango ang naisagot ko dito. Pakiramdam ko kasi manginginig ang boses ko kapag pinilit kong mag salita. May kakaibang nararamdaman ako kay sir david na hindi ko mapangalanan.