Chapter 7 - Chapter: 7

Eloisa POV:

Bago ako umuwi ng apartment ay dumaan muna ako sa palengke nag hanap ako ng maaaring ipang salubong kanina ella. At nang maka bili na ako ay kaagad naman akong umuwi na dahil mag liligpit pa ako ng mga dadalhin ko bukas pauwi ng quezon. Pagkauwi ko ay agad akong nag luto ng makakain nag prito nalang ako ng manok at medyo dinamihan ko na para may agahan ako bukas at ang matitira ay babaunin ko nalang sa biyahe.

Kinabukasan ay maaga akong nagising alas kuwatro palang ng madaling araw ay nagising na ako. Kumain kaagad ako at naligo. Habang nag bibihis napag masdan ko ang aking sarili sa salamin. Mas lalo akong pumayat dala na rin ng hindi ko pag kakatulog ng maayos at madalas wala rin akong ganang kumain. Malaki ang ibinagsak ng katawan ko ang dating may buhay kong mga mata ay naging malamlam at medyo nangingitim pa ang ilalim ng mga mata ko. Medyo pumuti naman ako dahil nawasa ang tubig dito sa maynila. Totoo nga yung sinasabi nila noon na naririnig ko lamang sa mga classmates ko na nakaka puti daw ang tubig na may halong chlorine dito sa maynila. Mas kuminis din ang balat ko dahil nakaka bili ako palagi ng lotion di tulad doon sa amin wala kaming lotion lotion ni nanay dahil kapos kami sa pera. Mas humaba na rin ang buhok ko at halos umabot na ito sa aking bewang. Nang maka pili na ako ng susuotin ay agad akong nag bihis. Nag suot lamang ako ng lagpas tuhod na jumper na palda at tinernohan ko ito ng blouse na kulay dilaw at brown na flat doll shoes na kabibili ko lang noong nakaraang sahod ko. Inilugay ko lang ang basa ko pang buhok mamaya ko nalang ipupusod sa bus kapag natuyo na.

Nang matapos na akong mag bihis ay kaagad akong umalis na bit bit ang back pack at may malaki akong tote bag na nakalagay sa aking kanang balikat. Hindi na ako nag dala pa ng shoulder bag dahil mas dadami lang ang nakasabit sa aking katawan. Nang makalabas ako ng apartment ay dumaan muna ako sa bahay nina aling ursula upang makapag paalam na mawawala ako ng isang linggo.

At nang makapag paalam na ako kay aling ursula ay nag lakad na ako papuntang terminal ng bus. At nang makasakay na ako ng bus ay na isipan kong tawagan si Ella.. Ngunit hindi ko naman makontak ang telephone number nila. Marahil ay wala nanamang signal doon. Napag pasyahan kong tawagan nalang ito ulit mamaya. Umidlip muna ako sa bus habang nag hihintay na mapuno ang bus sobrang inaantok pa kasi ako.

Naalipungatan ako ng makarinig ako ng mga maiingay na nag uusap sa likuran ko at napansin kong halos puno na pala ang bus. Narinig kong nag sasalita ang konduktor "oh paalis na! Paalis na! Quezon, quezon sino pa diyan ang quezon?!" sinubokan ko ulit i - dial ang numero nina ella at nag riring na ito. Ngunit naka apat na dial pa ako bago may sumagot at si aling pasing ang naka sagot.

"Hello eloisa iha! Kamusta ka na? Wala dito si ella inutosan kong mamili sa palengke masakit kasi ang tuhod ko kaya hindi ako pwedeng mag lakad ng malayo.." kaagad na sagot nito sa akin.

"sige okay lang ho aling pasing.. Ipapa alam ko lang ho sana na nakasakay na ako ng bus pauwi diyan at kasalukuyan na hong umaandar.. Paki sabi nalang ho kay ella.." saad ko dito.

"ah sige iha.. Sasabihin ko nalang kay ella mamaya pag dating niya galing palengke.. O paano ingat ka sa biyahe eloisa... Ingatan mong mga dala dala mo at huwag kang masyadong matutulog para alerto ka sa maaring mangyari sa paligid mo.. Tumawag ka nalang ulit mamaya kapag malapit ka na upang masundo ka ni ella sa babaan ng jeep.. " muli niyang saad akin.

" ah sige ho aling pasing.. Marami hong salamat.. " And she's gone off the line.

Meanwhile the Del Castillo couple have returned home to their mansion After two weeks being confined in the hospital of mr. Del Castillo.

__________

David POV:

Every one is so busy preparing for the 25th year anniversary of the company. Ang kumpanyang pinag hirapang itayo ni daddy. Mabuti nalang Nakalabas na ng hospital si dad matapos ng halos dalawang linggo nitong pamamalagi sa hospital. Naisipan kong tawagan si kuya jordan. Jordan lang ang itinatawag ko dito at hindi kuya dahil magka sunod lang naman ang edad namin he's 32 and i'm 31.

"hello bro, daddy's company is celebrating 25th year this coming weeks.. Will you attend the  celebration? Hopefully you can attend  the celebration bro!.. Alam mo namang mahalagang pang yayari ito sa buhay natin lalo na kay daddy.." I immediately asked him.

" Yes I'll try to get there!  I hope that Mr. Chua and I can get the negotiations done as soon as possible, so that i can go back there in Philippines..  Kamusta na nga pala sina mommy and daddy?.. " He asked me back.

" Don't worry they are both fine.. They were in the bedroom and resting already.. " I Answered to him.

" I'm glad that they are both fine now. I'll call later again bro. I have a meeting today with the boards. Bye.. " He said good-bye to me and ended the call.

Alam ko kung gaano kahalaga kay dad ang company na ito. Dito siya nag simula mangarap at Dahil dito kaya niya kami napag tapos ng pag aaral ni kuya. Ito kasi ang kauna unahang kumpanyang naitayo niya. Sinimulan niyang itayo ang company na ito noong bago ako isilang ni mommy. Dahil sa husay ni daddy sa larangan ng negosyo napa lago niya ito. Hanggang sa dumami na ng dumami ang branches nito. At mukhang si kuya ang naka mana ng galing ni daddy sa negosyo kaya nakapagpa tayo siya ng ilang branches sa iba't ibang panig ng mundo. Kuya and I are both graduated with a high degree Pero mas matalino siya sa akin. When we were young we always compared by others bakit daw si kuya mas magaling. Bakit daw si kuya mas gwapo. Palagi nalang ganoon ang naririnig ko sa mga tao.

Kahit si mommy palagi nalang si kuya ang kinakampihan niya sa tuwing mag aaway kaming dalawa. Madalas din si kuya ang isinasama niya sa mga party na dinadaluhan niya. Tanging si dad lang ang madalas na nanunuyo sa akin sa tuwing nasasaktan ako o di kaya may problema ako.

Nasa ganun akong pag iisip ng biglang tumunog ang cellphone ko. Malamang si klariz ang tumatawag may usapan kasi kami na mag kikita ngayon. I answered it immediately. "hello david..Where are you? I've been waiting for you here at the bar.. You're always late every time we meet."  And I heard it blowing in the air.

" hey don't get mad at me!  I'm coming! Just a few minutes.." I answered her immediately.

Anak ng isang congressman na isa ring negosyante ang ama ni klariz at mag dadalawang taon na kaming magka relasyon. Nakilala ko ang ama nito sa isang business trip. Siya ang dahilan kung bakit ko nakilala si klariz. Magka sundo naman kami nito kahit na may pagka spoiled brat kung minsan. At nakatakda na kaming ikasal sa susunod na taon.

Nang makarating ako ng bar kaagad kong hinanap si klariz at nakita ko siyang naka upo sa bar counter habang may hawak itong baso sa kamay. Hinalikan ko ito sa labi bago ako nag salita. " hey babe! I'm sorry, It was so problematic at home that I didn't leave right away.. Daddy's feeling getting worse again. Sinigurado ko munang okay na si dad bago ko sila iniwan ng bahay. Wala parin kasi si jordan at bukod sa mga kasambahay ako lang ang nakakasama nila.. " Kaagad kong paliwanag dito.

She answered me immediately." kaya nga babe, magpa kasal na tayo kaagad para sa inyo na ako tumira. Nang sa ganoon palagi na tayong magka sama. Palagi ka nalang busy diyan sa negosyo.. Wala ka ng time sa akin.."

Tumabi ako dito at hinawakan ko siya sa dalawang kamay.. " listen to me babe.. Just give me enough time to fix everything that has to be fixed. 

Look, palaging wala si kuya at madalas atakihin si dad ng sakit niya.. Paano ko maaasikaso ang kasal natin.. Please understand me babe... Gusto ko nasa ma ayos ang lahat bago tayo ikasal.. And besides nandito lang naman ako sa pilipinas you can see me anytime you want.. "

Bumuntong hininga siya habang naka tingin parin sa akin." alright babe I'll just wait for you when you are ready.. Ano pa nga bang magagawa ko diba.. Mahal kita... " at niyakap ko siya ng may pag haplos sa kanyang likod. Nang nag sawa na kami sa bar ay inihatid ko siya sa kanyang condo unit. But when I brought her to her condo she didn't let me go home. So I decided to sleep with her.

Kinabukasan ay maaga lang akong umalis ng condo ni klariz at dumaan lang sa bahay para makapag palit ng damit. Nang maka uwi ako ay naabutan ko si daddy na nagka kape. " hey dad! Kamusta, kamusta ang iyong pakiramdam? Are you feeling well?.." kaagad kong tanong dito.

" i'm a little bit okay son.. Mamaya pupuntahan ulit ako ni marlon para i check.. Kamusta sa office? Is everything ready for the party?!"  he asked me back.

" yes dad, nothing to worry.. I can manage everything well.. Mag pahinga ka lang dad.. Para sa event natin ay maganda ang pakiramdam mo.. " ngumiti ako dito at tinapik siya sa balikat." anyway, where's mom dad? Bakit hindi ka niya sinamahan dito.. Akala ko ba kaya ayaw niyang kumuha tayo ng private nurse ay dahil sa gusto niyang siya ang titingin sayo..?  Kaagad kong balik tanong dito.

" nag paalam siya kanina na may bibilhin lang sandali at babalik daw siya kaagad.. Huwag mo akong alalahanin iho okay lang ako.. Marami naman tayong katulong diyan. Gusto ko lang talaga mapag isa kong minsan.. Hindi naman pwedeng palagi kaming mag kasama ng mommy mo.. " kaagad niyang paliwanag sa akin. At humigop ito ng kape. Nag paalam na rin ako dito na aakyat muna sa aking kuwarto at aalis din kaagad dahil nagpa tawag ako ng meeting sa empleyado.

Nang makapasok ako ng kuwarto naligo ako ulit kahit na naligo naman ako sa condo ni klariz nakaka ramdam kasi ako ng init dala na siguro ng pressure sa trabaho. Dahil lingid sa kaalaman ng pamilya ko ay humihina ang stock market ng company. Unti unting nababawasan ang nag iinvest sa amin. Our company is a construction firm pero dahil sa nang yayaring pandemic na nararanasan ng buong mundo ay pakonti ng pa konti ang nag iinvest.

Bukod sa aking mga employees ay wala akong pinag sabihan sa pamilya ko at maging si klariz ay wala ring alam tungkol dito. Naniniwala kasi ako na kaya kong pag tagumpayan na maiahon ang pagka lugi ng kumpanya. Nang matapos maligo ay agad na akong nag bihis at nag paalam na ako kay dad na aalis na.

Eloisa POV:

Malapit na ako sa quezon ng tinawagan ko ulit si aling pasing para ipaalam dito na malapit na akong bumaba ng bus. At isang sakay lang naman ng jeep ay sa baryo na mismo namin ang babaan. Dahil sa baryo namin ang terminal din ng mga jeep. Unang dial ko palang ay may sumagot na kaagad.

"hello eloisa wala pa dito si ella. Malapit ka naba? Ako Nalang ang susundo sa iyo. Ewan ko ba sa batang yun Malapit ng mag dilim ay wala parin.." saad nito na may pag aalala sa boses.

" ganun po ba aling pasing.. Hindi niya po ba dala ang cellphone niya? Teka ho at susubokan ko siyang kontakin sa cellphone niya.. " muli ko pang sabi dito.

" naku iha! Huwag na at sira ang cellphone niya.. Hindi niya ba nabanggit sa iyo na noong umalis ka papuntang maynila ay may ilang araw lang ay nasira ang cellphone niya at hanggang ngayon ay hindi pa napapagawa. Kaya hindi rin natin siya matatawagan.."