Chapter 9 - Chapter: 9

Naka tulog din ako kaagad pag lapat palang ng katawan ko sa higaan. Kala gitnaan ng gabi ay nagising akong hinihingal at pawis na pawis. Na panaginipan ko si inay. Tinatawag niya daw ako at May humahabol daw sa kanya na mga masasamang lalake at may hawak na mga baril. habang tumatakbo papunta sa akin sa di kalayuan ay may nakita akong isa pang lalake na tumatakbo rin papunta sa gawi niya at tinatawag ang kanyang pangalan. Nang malapit na daw siya sa akin ay bigla akong may narinig na nagpa putok ng baril at natumba si inay sa harapan ko. Iyak daw ako ng iyak habang tinatawag ang pangalan ni inay.

At pagka tapos ay bigla na akong nagising. Hindi ko nanaman napigilang umiyak. Napa tingin ako sa kina hihigaan ni ella at nakita ko itong mahimbing na natutulog. Patuloy akong lumuluha ng tahimik habang yakap ang dalawa kong binti.

Nang mapagod na ako sa kaiiyak ay naka ramdam ako na naiihi kaya tumayo ako at nag tungo sa banyo. Pagka balik ko sa kuwarto ay muli akong humiga ngunit kahit anong gawin kong pag pikit ng mga mata ko ay hindi na ako maka tulog pa ulit. Tumingin ako sa maliit na wall clock na naka sabit sa kuwarto ni ella at alas kuwatro na ng madaling araw.

Mga bandang ala sais ng umaga ay nagising na rin si ella. Binati ko ito at pilit akong ngumiti sa kanya.

" good morning ella.." tumingin siya sa gawi ko at nag salita.

" good morning din loisa my friend.. Naka tulog kaba? Bakit parang namamaga yang mga mata mo?.. Umiyak ka nanaman siguro noh.." tanong niya sa akin at tsaka umupo sa tabi ko.

Agad akong sumagot dito. "ahmmm... Oo naka tulog naman ako.. Kaya lang nagising ako ng alas kuwatro ng madaling araw at hindi na naka tulog pa ulit. napa naginipan ko kasi si inay na hinahabol daw siya ng mga lalake at nabaril sa harap ko ng malapit na siya sa akin. At may isa pang lalake sa panaginip ko na tumatakbo rin papunta sa gawi namin ni inay pero hindi ko siya kilala.. " napa buntong hininga ako ng malalim. At dahan dahang umupo na rin sa papag katabi ni ella.

" ay ganun.. Ano kaya ibig sabihin ng panaginip mo my friend... Masamang panaginip yun ah.. Kahit ako hindi na rin makaka tulog ulit kapag ganun ang napa naginipan ko.. Nakaka takot naman yang panaginip mo.. Halika na mag kape na tayo.. Doon nalang natin ituloy sa labas ang kuwentohan natin.." at hinawakan niya ako sa kamay palabas ng kuwarto niya.

Pag dating namin sa kusina ay nadatnan naming nagluluto si aling pasing. Agad kong binati ito.

" magandang umaga ho aling pasing.. " lumingon siya sa gawi namin ni ella at ngumiti.

" magandang umaga rin iha... Halina kayo dine maupo na kayo. Tamang tama luto na itong pinirito kong hot dog at scrambled egg.. Nag sangag din ako baka gusto mo.."

Pagka lapit namin ni ella ay agad naman kaming umupo at sabay dating din ni mang cardo na ama ni ella. Sabay sabay kaming kumain na apat. naunang natapos at tumayo si mang cardo dahil pupunta pa daw ito sa bukid at mag didilig ng mga pananim niyang gulay. Nang matapos na kami lahat sa pag kain ay nag presinta akong ako na ang mag huhugas ng mga pinag kainan namin. Habang si aling pasing ay nag tungo na sa tindahan niyang nasa may gilid lang ng bakod nila nakatayo. At si ella naman ay nag dilig ng kanilang mga halaman na naka sabit sa terrace nila. At nang matapos akong mag hugas ay nauna na akong maligo kay ella. Magpapa sama kasi ako sa kanya mamaya sa dati kung school upang mag tanong tanong baka may nakaka kilala kay inay at baka maaaring may nakakita sa kanya.

Nang matapos na akong maligo ay agad akong nag bihis nag suot lamang ako ng color brown short na lagpas tuhod at t-shirt na puti. Pagka labas ko sa kuwarto ay naupo muna ako sa upoan habang hinihintay si ella na matapos maligo. At nang matapos itong maligo at mag bihis ay dumiretso kami sa tindahan kong saan nandoon si aling pasing na nag babantay. Ipagpa paalam ko si ella na mag papasama ako dito sa dati kong school.

Pumayag naman si aling pasing at sinabihan lang kami na mag iingat. Nag baon kami ng tinapay at tubig para may makain kami kapag naka ramdam kami ng gutom.

Sumakay lang kami ng traysikel papunta sa dati kong school.. Mabuti nalang mag katabi lang ang naging school ko ng elementary at high school. Medyo malayo lang ng kaunti ang naging school ko nung college. Alas otso imedya na ng makarating kami sa school. Pagka baba namin ng traysikel ay kaagad kaming nag lakad palapit sa dati kong mga school. Kada estudyante o empleyado man na may pumapasok sa gate ay ipina pakita ko sa mga ito ang litrato ko noong graduation ko ng high school na kasama si nanay. Umaasa talaga ako na baka may nakakita sa mga ito. Nang mag aalas dose na ng tanghali ay umupo kami at nag pahinga muna kami ni ella sa waiting shed na katabi ng gate at inilabas ko mula sa plastic na puti ang baon naming tubig at tinapay.

" ella.. Pasensya kana ha.. Pati ikaw nadadamay sa problema ko.. At alam kong napapagod na rin kayo sa kakahanap sa nanay ko.." sabi ko dito sabay tungo ng ulo. Nahihiya na kasi talaga ako sa pamilya ni ella. Kahit hindi ko naman sila kadugo ay pati sila naaabala ko na. Nangingilid na ang aking luha ng mag salita siya at hinawakan ang mga kamay ko.

" ano ka ba loisa.. Okay lang yun.. Sino pa bang mag tutulongan dito kundi tayo lang.. Mahal kita my friend at hangga't kaya kong tulongan ka ay tutulong ako sayo.. Kapag sa akin naman nangyari ito siguro tutulongan mo rin naman ako diba.." kaagad niyang sabi at pinisil ang mga kamay ko.

Nag buga ako ng hangin mula sa aking bibig at muling nag salita. " oo naman ella.. Hindi rin naman kita pababayaan.. Sobrang nahihiya na kasi ako sa inyo.. Malaking abala na ang nagagawa ko sa inyo.. Kaya nag papasalamat ako ng malaki sa pamilya ninyo.." at tuloyan ng tumulo ang mga luha ko sa mata. Hindi ko na napigilan pa ang pag daloy ng aking mga luha. Para itong tubig sa gripo na tuloy tuloy ang pag daloy. Tumayo si ella at Niyakap niya ako habang naka upo ako at hinimas ang aking likuran.

" tahan na loisa.. Alam kong malalagpasan mo rin ito.. May awa ang diyos makikita natin si aling sonya ng ligtas at walang anumang masamang nangyari. Kapit ka lang nandito kami kasama mo.." sabi pa niya at muling umupo.

" oo ella.. Hindi ako susuko na hanapin si inay.. At lalong hindi ako mapapagod na mag hanap sa kanya.. Pagka tapos dito nakaka hiya man pero, samahan mo rin ako sa school ko noong college ha.. Baka doon sakaling may nakakita na sa kanya.."  muli kong saad dito.

" oo naman loisa kering keri ko lang yan bakasyon ko pa naman sa klase at may isang buwan pa ako para tumulong sa pag hahanap.. Tara kumain na tayo para may lakas tayo.. "  kaagad nitong sabi sa akin.

At kinain na namin ang baon naming tinapay. Habang kumakain kami ay may dumaan na nag titinda ng buko juice. Bumili ako at binigyan ko si ella. Maya maya ay may dumaan nanaman na nag titinda ng siomai muli akong bumili at dinamihan ko na para may makain ulit kami mamaya pag sakaling nagutom ulit kami.

Nang matapos na kaming kumain ay dali dali kaming nag punta naman sa dati kong school ng college napag kasundoan naming lakarin na lamang ang pag punta dito. Para kung may makaka salubong man kami na nag lalakad din gaya namin ay maari din kaming makapag tanong sa mga ito. Ngunit bigo kami at wala paring nakapag bigay sa amin ng impormasyon tungkol kay inay. Naka rating na kami sa school ko noong college na siyang school din ni ella ngayon. Wala masyadong tao na pumapasok at lumalabas dahil sem break nila ella. Tanging yung ibang guro lang at estudyante na may special class ang nag pupunta dito. Bukod pa doon ay wala na nag tanong na rin kami sa mga guard na naka bantay dito. Ngunit sa kasamaang palad wala talaga kaming nakuha impormasyon tungkol kay inay. Mag aala singko na ng hapon ng maisipan naming umuwi na.

Naka uwi kami ng alas siyete na ng gabi at agad kaming kumain dahil gutom na gutom na kami. Nauna ng kumain sina aling pasing at mang cardo at kaagad na rin silang nag paalam sa amin ni ella na matutulog na. hinintay lang daw nila kami maka uwi bago pumasok sa kuwarto. Naiwan kami ni ella sa kusina. Habang kumakain kami ay nag tanong si ella.. " anong plano mo niyan bukas friend?.. Saan mo balak mag punta ulit?"

" mag pahinga muna tayo.. Sa susunod na araw nalang ulit tayo mag tanong tanong.. Pupunta muna ako sa bahay namin at mag lilinis..." kaagad kong sagot dito.

Agad naman siyang nag salita." sige bahala ka. Sabagay tama ka naman kailangan din natin mag pahinga.. Ah basta sabihan mo nalang ako kapag aalis na ulit tayo.. "

Tumango lamang ako dito at ngumiti ng bahagya. Nang matapos na kami kumain ay ako na ang nag hugas ng mga hugasin. Nauna ng nag linis ng katawan si ella. Nang matapos na ako sa pag huhugas ay kaagad naman akong nag linis na rin ng katawan at nag palit ng damit. Alas nuwebe na nang maka tulog kami.

Kinabukasan ay maaga akong umalis kanila ella at nag tungo sa bahay namin. Pagka pasok ko palang ng bahay ay napaiyak nanaman ako. Sobrang namimis ko na si nanay. Naalala ko ang mga pag hihirap niya dati mairaos lamang ang araw araw na pagkain namin. Sa tuwing nakikita kong napapagod siya noon kaagad ko naman siyang nilalapitan at biglang yayakapin ng mahigpit sa kanyang bewang. Tapos hihimasin niya ako sa buhok ko at sasabihin niyang anak ikaw ang lakas ko.. Dahil sayo kaya ako nabubuhay... Grabe ang sakit ang sakit sakit. Bakit kailangan mangyari ito kay Nanay. Tuloyan na akong humagulhol ng iyak. Umaasang naririnig at nakikita ako ng diyos at ibalik niya na sa akin ang nanay ko.

Nang mapagod na ako kakaiyak ay kinuha ko ang basahan at kaagad na nag punas ng mga alikabok at nag walis na rin. Binuksan ko ang aming mga bintana at maging ang pintuan ay hinayaan ko lang itong naka bukas. Baka sakaling bumalik na si inay at makita niya kaagad ako. Pinag pagan ko din ang aming mga higaan at tinago ang nga kumot at unan sa aparador. Maging ang mga kaldero plato at gayon din ang mga baso't tasa ay itinago ko na rin sa cabinet upang hindi gapangan ng mga ipis at daga. Nang matapos akong mag linis ay nagpa hinga muna ako at hindi ko namalayang naka tulog na pala ako.

Nagising ako na may tumatapik sa balikat ko. Pag dilat ko ng mata ay si ella pala. Nalaman kong Alas kuwatro na pala ng hapon at hindi na ako nakapag tanghalian. Hindi man lamang ako nakaramdam ng gutom.

" uy loisa, ang sarap ng tulog mo yata.. Inutosan kasi ako ni nanay na bumili ng manok sa talipapa. Kakarating ko lang din ng bahay ng maalala kong Silipin ka dito. Nadatnan kitang natutulog diyan sa upoan, hindi mo manlang talaga sinara ang pinto. Paano nalang kong bumalik yung dalawang lalake na nakita kong umaaligid dito noong nakaraan.. Baka kung anong gawin nila sayong masama lalo na sa ganda mong yan.. Ako yung natatakot para sa iyo. Dapat ka ring mag ingat lalo na at hindi natin alam kung may kumuha nga kay aling sonya.. " sabi pa nito na umiling iling pa.

Bumangon ako at hinawakan ang kamay niya." my friend.. Huwag ka masyado mag alala sa akin.. Okay lang naman ako at tsaka wala naman nangyaring masama sa akin diba.. "

" ah ganun! Hihintayin mo pa talagang may mangyaring masama rin sayo! Utak mo loisa masyadong mataba!  Hay naku! Tara na nga bumalik na tayo sa bahay! Hinihintay na tayo ni nanay.. "  pagalit nitong sabi sa akin.