ay ganun po ba.. Hindi niya po na banggit sa akin aling pasing.. Hindi rin naman po kasi ako na tawag sa cellphone niya na iyon.. Palaging diyan po ako sa landline niyo tumatawag. Sige ho aling pasing tatawag nalang po ako mamaya ulit kapag naka baba na ako ng bus.. Pasensya na po sa abala.. " kaagad kong sagot dito.
" ay wala yun iha basta ikaw.. Parang anak ka na rin namin... Basta tawag ka nalang mamaya at baka nandito na rin si ella maya maya.. " paalam niya sa akin bago Ibaba ang linya ng telepono.
Mga ilang sandali lang ang lumipas ay nakarating na ako sa quezon sasakay nalang ako ng jeep papunta sa baryo namin. Sinubokan ko ulit kontakin sina aling pasing ngunit walang sumasagot ring lang ng ring ang kanilang telepono.
Medyo matagal pa akong nag hintay ng masasakyang jeep siguro dahil bihira nalang ang bumibyahe ng ganitong oras. Nag aagaw na ang dilim at liwanag. Ganap na ala sais ng gabi ng maka sakay na ako ng jeep. Hindi ko na tinawagan pang muli sina aling pasing. Mabuti nalang at mabilis ang naging biyahe ko sa jeep 30 minutes ko lang nakuha ang biyahe dahil na rin sa walang traffic. Nang makababa na ako ng jeep ay kaagad na akong nag lakad patungo sa bahay nila ella. Doon na muna ako makikitulog sa kanila at bukas ng umaga nalang ako pupunta sa bahay namin. lalo lang akong malulungkot doon dahil wala naman si inay. Dapat sina inay at ella ang pa pupuntahin ko ng maynila. Pero heto ako ngayon bina baybay ang daan pauwi sa amin. Kung kailan medyo malaki na ang naipon ko ay tsaka naman nangyaring nawawala si inay. Napa buntong hininga ako ng malalim bago binilisan pa ang mga hakbang ko. Medyo malayo palang ako ay tanaw ko na ang bahay nila ella. Mayroon silang maliit na terrace sa harap ng kanilang bahay at maliit na hagdan sa gilid nito. Napansin kong sarado na ang kanilang pinto ngunit bukas pa naman ang kanilang mga bintana. Maaga talaga natutulog ang nga taga rito sa amin. Mga ala siyete palang ng gabi ay halos tulog na ang lahat. Nang nasa tapat na ako ng pinto ng bahay nila ella ay agad na akong kumatok.
" Tok! tok! tok! tao po aling pasing.. Si eloisa po ito.." naka isang katok palang ako ng agad na itong bumukas at si ella kaagad ang bumungad sa akin.
" loisa my friend! Halika pasok ka.. Nay andito na si loisa!.. " tawag niya sa kanyang nanay at hinila niya na ang kamay ko papasok.
Nang makapasok na ako ng kanilang bahay ay kaagad kung ibinaba ang backpack ko at inilabas ang mga pasalubong ko para sa kanila. " ella ito pala para sa inyo, pag pasensyahan niyo na at iyan lang ang nakayanan kong bilhin.." at ngumiti ako dito sabay yakap sa kanya.
" naku loisa nag abala ka pa napadami tuloy lalo ang mga dalahin mo... Halika dito ka na umupo sa lamesa at ng maka kain ka na rin.. Hindi pa nga ako kumakain pina una ko na sila nanay sabi ko sasabayan nalang kita kumain para may kasabay ka.." agad niyang sabi sa akin.
Nang maka upo na ako ay tsaka namang labas sa kuwarto ng mag asawang mang cardo at aling pasing." uy eloisa iha nandiyan ka na pala.. Mabuti naman at naka rating kana.. Matutulog na sana kami ni cardo ng marinig ko ang pag tawag sa akin ni ella na dumating ka na nga daw.. Sige kumain kana muna alam kong gutom ka na.. " agad na bungad sa akin ni aling pasing. Tumayo ako at nag mano ako sa kanila.
" oho aling pasing mabuti nga ho at mabilis lang ang naging biyahe ko sa jeep.. Kamusta ho kayo?.. May balita na ho pala kayo sa nanay ko?... "
Kaagad kong tanong sa kanila. Habang umupo na ulit ako at naka upo na rin si ella sa tapat ko.
" tara, loisa kain kana muna.. Nag luto si inay ng ginisang kalabasa na may sitaw at pritong galunggong.. " singit ni ella sa aming usapan.
" oo nga iha kumain ka na muna bago tayo mag usap.. Hihintayin namin kayo sa sala.. Doon na muna kami habang kumakain pa kayo diyan.. " saba't naman ni mang cardo.
" ay sige ho.. Kakain na po muna kami ni ella.. " agad ko namang sagot dito at ngumiti sabay kamot sa ulo.
Tumango lang sa akin si mang cardo at hinila na si aling pasing sa sala. Habang kumakain ramdam ko na ang gutom siguro ay masarap din kasi mag luto si aling pasing kahit simple lang ang ulam ay sarap na sarap ako dito.
" ang sarap talaga mag luto ni aling pasing ella.. Kapag dito ako tumira sa inyo malamang tataba ako dito.. Na mis ko ang mga ganitong luto.. Lutong probinsiya.. At sariwa ang mga gulay.. Di gaya sa maynila na swerte lang kapag naka abot ka ng magandang klase ng mga isda at gulay.. " singit ko habang kumakain kami ni ella at bahagya lang ngumiti.
Kaagad naman sumagot si ella." oo nga loisa masarap talaga yan mag luto si nanay, sayang nga at hindi ko manlang namana ang galing niya sa pag luluto, kaya heto ako ngayon unti unti na namang lumalaki.. Sige kain ka lang ng kain huwag kang mahihiya marami pang kanin at ulam dito kumuha ka lang. Tingnan mo ang laki na ng ipinayat mo.. Hindi ka yata masyadong nagkaka kain doon eh. Sabi ko naman sayo huwag mo pabayaan ang sarili mo loisa.. Lalo na ngayon na mas kailangan mong maging malakas pa dahil nawawala ang nanay mo.. "
Tumango lang ako dito at Hindi na muna umimik. Sarap na sarap kasi akong kumain. Pakiramdam ko tuloy isang linggo akong hindi naka kain. Naunang matapos kumain sa akin si ella at nang matapos na rin ako ay tinulongan ko na siyang mag ligpit ng mga pinag kainan namin.
" sige na loisa, ako ng mag huhugas nito. Pumunta ka na muna doon sa sala dahil kanina pa nag hihintay sina inay at itay...kaya ko na to.." pagtataboy niya sa akin.
" o sige bahala ka maiwan na kita diyan.." at tsaka dumiretso na ako sa sala. Naabutan kong naka upo nga ang mag asawa at nag hihintay.
" halika ka loisa ma upo ka dito.. " Kaagad na yaya sa akin ni mang cardo. At umupo ako sa upoan na nasa tapat nila.
" wala pa kaming balita tungkol sa nanay mo eloisa.. Gina gawa naman namin ang lahat ng makakaya namin para lang mahanap ang nanay mo.. Pero wala talaga.. Lahat ng puwedeng puntahan ng nanay mo ay pinuntahan na namin.. Maging sina kapitan ay wala pa rin daw mahanap na lead kung nasaan si sonya." kaagad niyang paliwanag sa akin at umiling.
" oo nga iha.. Kagagaling lang namin kahapon ni manong cardo mo sa police station para maki balita.. Pero Pati sila ay wala parin daw nakukuhang lead.. Haiyssst... Sana mag pakita na ang nanay mo o di kaya sana bumalik na siya.. Alalang alala na rin kami sa kanya.. Nasaan na kaya yun.. Nakakapag tataka talaga kung bakit nalang siya biglang nawala. Bihira lang naman kong lumabas ng bahay niyo si nanay mo.. Lumalabas lang ito kapag mag sisimba o kung di naman kapag pupunta lang ito sa amin para maki balita.. Naiwan pa nga yung stick na gina gamit niya sa pag lalakad eh. " dugtong pa ni aling pasing.
" oo nga eloisa naiwan yung stick na ginagamit ng inay mo sa pag lalakad niya. Kaya ang sabi ng mga police maaaring may kumuha daw sa inay mo.. Pero sino naman kaya ang pwedeng kumuha sa nanay mo.. Nang i check naman ng mga police ang bahay ninyo ay wala naman silang nakitang kaka iba dahil nasa ayos naman lahat ng mga gamit ninyo sa bahay.. Naka sara pa nga ang pintuan ninyo ng madatnan ni ella hindi nga lang ito naka lock, kaya nag panic kaagad kami noong bumalik si ella dito sa bahay at sinabing wala nga daw ang nanay mo dahil hindi naman iyon umaalis ng hindi nagla lock ng bahay niyo diba.. " paliwanag pa ni mang cardo sa akin.
" kaya nga ho.. Hindi talaga na alis si inay ng bahay na hindi nagla lock. Lagi pa nga nito sinasabi sa akin na ipadlock nga daw ang pinto sa tuwing aalis ako dahil minsan nililipad ito ng hangin at pina pasok ng mga pusang kalye kapag walang tao.." nasa ganoon kaming pag uusap ng dumating si ella. Mukhang tapos na itong mag hugas ng pinag kainan namin. Umupo siya sa isa pang upuan na nasa kaliwa ko at nag salita.
" alam mo loisa may sasabihin pala ako sa iyo.. Hindi ko ito binanggit noong nasa maynila kapa dahil nag aalala ako na baka mas lalo kang mag isip.. Noong naka raaang araw lang habang nag lalakad ako papunta sa bahay ninyo dahil balak ko sanang dalawin si aling sonya ng may makita akong dalawang lalake na kahina hinala sa tapat ng bahay ninyo.. Kaagad pa nga akong nag tago noon sa likod ng puno dahil baka mapansin nila ako.. Nakaka takot ang mga itsura nila at mukhang hindi taga rito sa atin.. Nakita ko pa nga na may sinasabi sila sa isa't isa. Tapos ayun bigla nalang umalis pagka tapos na mag usap nung dalawang lalake na yun.. At eto pa loisa.. " at nakita kong bigla siyang tumayo at may kinuha sa loob ng drawer. Ng maka balik ay may iniabot siya sa akin na maliit na papel. Kaagad ko namang tiningnan ito at may naka sulat na Ramon del Castillo 09281234567 bumalik agad ang tingin ko kay ella dahil muli itong nag salita.
" Ayan loisa.. Baka kilala mo yan.. Nakita ko yang naka ipit sa ilalim ng radyo niyo. noong araw na makita ko yung dalawang lalake sa tapat ng bahay ninyo matapos nilang umalis ay dali dali akong pumasok sa bahay ninyo at sinubokan kung mag hanap pa at baka may makita pa akong kaka ibang bagay na hindi napansin ng mga police noong sila'y nag halughog sa bahay ninyo.. At iyan nga ang nakita ko kapirasong papel na naka ipit sa radyo ninyo. At sinubokan ko na rin ito tawagan ngunit out of coverage area or cannot be reached lang ang sinasabi ng operator. baka kilala mo yan or nabanggit sayo ni aling sonya..? " tanong pa niya sa akin.
May mga ilang segundo akong hindi nakapag salita at nag isip kong may nabanggit nga sa akin si inay tungkol sa Ramon del Castillo na ito. At kung may kamag anak ba kami or naging amo dati sa trabaho na ganito ang pangalan. Ngunit kahit anong gawin kong pag iisip wala talaga akong maalala.
Muli akong tumingin kay ella at umiling. " wala ella eh.. Inisip ko na lahat ng mga kakilala namin maging mga kamag anak at mga dati naming pinag trabahuan ni inay ay wala akong kilala na ganito ang pangalan.."
Agad naman na nag salita muli si ella. " yung tungkol nga pala sa dalawang mga lalake na nakita kong naka tayo sa harap ng bahay ninyo ay nabanggit ko na kay kapitan at ang sabi niya ay pati tingnan niya nalang daw palagi sa mga tanod niya ang bahay ninyo."
Muling nag salita si aling pasing. " o paano iha mag pahinga kana muna at bukas nalang tayo mag usap ulit.. Alam kong pagod ka pa dahil mahaba ang iyong biniyahe kanina.. Inaantok na rin kami ng manong cardo mo. Tabi nalang kayo muna ni ella sa pag tulog. Pasensya ka na dalawa lang ang kuwarto ng aming bahay.. Ella, anak ikaw na ang bahalang mag asikaso kay eloisa ha.. Bigyan mo nalang siya ng mga unan at kumot.."
At nakita kong humikab pa ito matapos mag salita.
Kaagad namang sumagot si ella."sige ho inay.. Ako na ho ang bahala kay loisa.."
Kaagad namang tumayo si aling pasing at hinila na sa kamay si mang cardo. Nang makaalis na ang mag asawa ay Nag pasya na rin kaming pumasok sa kuwarto ni ella. Binigyan niya ako ng unan at kumot at pina tabi sa papag niyang pang dalawahan.