Chapter 6 - Chapter: 6

Ella POV:

Nasaan na kaya si aling sonia sana mahanap na siya kaagad. Paano nalang si eloisa kapag may hindi magandang nangyari sa nanay niya. Kawawa naman ang kaibigan kong yun ni hindi nga niya nakilala maging ang kanyang ama. Mamayang hapon ay pupuntahan ko ulit si kapitan kung may balita na sila kay aling sonya.

Pupuntahan ko nga ulit ang bahay nila eloisa baka sakaling may makita akong ibedensya na makapag tutukoy kong umalis ba talaga ng kusa si aling sonya o may sapilitang nangyari kaya ito nawala.

Naglalakad ako papunta sa bahay nila eloisa ng medyo malapit na ako ay may natanaw akong dalawang lalake na palinga linga sa harapan ng bahay nila. Ang isang lalake ay medyo matangkad na sa tansiya ko ay mga 5'8" ang height naka jacket ito ng itim at naka bonnet ng kulay brown. Habang ang isa naman ay mas maliit at malaki ang tiyan. Naka suot naman ito ng sumbrero na puti. Patuloy ko silang tinititigan mula sa aking kina tatayuan. May sinabi sila sa isa't isa at maya maya pa napansin kong paalis na sila dahil umikot sila paharap sa gawi ko. kung kaya't dali dali akong nag tago sa likod ng puno ng langka bago pa ako nila mapansin.

Nang ma siguro kong wala na sila. Dali dali akong tumakbo palapit sa bahay ni eloisa. Binuksan ko ang gate nila na gawa sa kahoy at humakbang palalapit sa pinto ng kanilang bahay. Nang tuloyan na akong makapasok sa loob ng kanilang bahay ay kaagad kong inisa isang tingnan ang bawat sulok ng kanilang bahay baka sakaling may mapansin ako na kakaiba. Nang medyo nahilo na ako kaka ikot naisipan kong umupo na muna sa kahoy nilang upoan sa may sala. Habang nag iisip ako kong saang parte pa ako ng kanilang bahay pupunta napa gawi ang tingin ko sa divider na pinag papatungan ng maliit na radyo may napansin akong naka ipit na maliit na papel. Tumayo ako at tiningnan ko ito at may naka sulat na "Ramon Del Castillo - 09281234567" kaagad ko itong ipinasok sa bulsa ng short ko. Mamaya pag kauwi ko ng bahay ay susubokan kong tawagan ang cellphone number na naka saad dito. Baka sakaling may kinalaman ang Ramon del Castillo na ito sa pag kawala ng nanay ni eloisa.

Nang makontento na ako sa mga pinuntahan kong sulok ng kanilang bahay ay nag desisyon akong umuwi na dahil bukod pa sa papel na naka ipit wala na akong ibang nakita pa na maa aring maka tulong para mahanap si aling sonya.

Nang maka uwi na ako ay wala parin sina nanay. sumama na rin kasi pati si nanay kay tatay na mag hanap ng maaring puntahan ni aling sonya.

Dali dali kung kinuha ang telepono para matawagan ang number na naka sulat dito. Nakaka ilang dial na ako ngunit hindi naman ma kontak. "The number you have dialled cannot be reached" Yan ang paulit ulit na sinasabi ng operator.

Nag decide ako na sa ibang araw ko nalang ulit tatawagan ang number na naka sulat dito. Maya maya pa ay nakita kong paparating na sila nanay at tatay. Pagka pasok palang nila ng pinto ay kaagad ko na silang tinanong kong may lead na sila kung nasaan nag punta si aling sonya. Pero agad na umiling si tatay.

"wala pa rin anak, nahihirapan din maging ang mga police.. Wala din naman kasi masyado kakilala si sonya dito.. Halos lahat ng alam naming nakakakilala sa kanya ay napuntahan na namin ng inay mo.." saad ni tatay.

"oo nga anak.. Napagod lang kami ng tatay mo. Pati nga mga naging amo sa trabaho ni sonya dati pinuntahan na rin namin ng ama mo.. Pero wala pa rin.. Matagal na raw na hindi napapa gawi sa lugar nila si sonya." saba't pa ni nanay.

Nang marinig ko ang sinabi ni nanay na iyon dali dali kaagad akong nag punta ng kusina upang ikuha sila ng maiinom. Nang maka balik ako kaagad ko rin Ikinuwento kanila nanay ang nakita ko kanina na dalawang kahina hinalang mga lalake. Babanggitin nalang daw namin kapag nag punta sina kapitan mamaya.

Eloisa POV:

Natapos ang maghapon ko sa trabaho ng nag iisip ng maaring dahilan sa pag kawala ni nanay. Nang mag uuwian na dinaanan ako ni ella sa pwesto ko at Napansin ako ni ella na walang gana at matamlay ang katawan.

"uy eloisa!.. Bakit may kakaiba sa iyo ngayon.. Masyado ka yatang matamlay at nanga ngalumbaba pa yang mga mata mo. Samahan pa ng malaking eye bag mo sa mata.. Naku baka maka salubong natin si sir david niyan sige ka bawas ganda points yan at baka mapansin pa ni sir yang mukha mong naka busangot.. Bakit may problema ka ba loisa?.. " kaagad niyang puna sa akin.

" oo rina malaki... Mag iisang linggo ng Nawawala ang nanay ko at hindi ko alam kong nasaan siya ngayon.. Wala kaming idea kung saan siya nag punta... " at hindi ko na napi gilang umiyak. Mas lumapit pa sa akin si rina at niyakap ako sabay himas sa likod ko.

"ay ganun ba... Sorry loisa, hindi ko alam na may ganyan ka palang pinag dadaanan.. Wala ba kayo kamag anak dito sa maynila na maari niyang puntahan?" tanong niya sa akin.

"wala eh.. Nag aalala talaga ako kay nanay ko.. Bulag kasi yun at mayroon pang karamdaman.. Hindi ko alam rina kung paano ako mabubuhay kapag tuloyang nawala ang inay ko sa akin.. Tanging siya lang ang meron ako.." kaagad kong sagot dito.

"ay ganoon ba.. Nakaka awa nga ang nanay mo.. Sana nga walang nang yaring masama sa kanya. Gusto mo sa bahay ka nalang muna umuwi para may kasama ka.. Mag isa lang din naman ako sa apartment dahil bihira lang umuwi ang boyfriend kong seaman. Mga limang buwan Pa bago siya uuwi kaya pwedeng pwede ka sa bahay.."

Sabi pa niya sa akin.

"sige rina salamat.. Pag iisipan ko.." kaagad ko namang sagot dito. At hinila niya na ako palabas ng building. Sabay kaming nag lakad papuntang terminal ngunit nauna akong sumakay sa kanya ng bus dahil may bibilhin pa daw siya sa mall.

Pagka uwi ko kaagad kong dinayal ang numero ng selpon ni aling pasing. Maswerte akong may sumagot kaagad at si ella ang nakasagot nito.

"hello ella.. May balita na ba kayo kay inay?.." kaagad kong bungad na tanong dito.

"sorry loisa wala pa eh.. Lahat daw ng alam nila nanay na kakilala ni aling sonya ay inisa isa na nilang pinuntahan pero wala daw ni isa sa kanila ang naka kita sa kanya.. Maging ang mga police wala paring nakukuhang lead. At kagagaling lang din ni kapitan dito kanina ngunit sa kasamaang palad wala parin silang makuhang impormasyon kong nasaan ang nanay mo.. " at narinig kong bumuntong hininga ito sa kabilang linya.

" ganoon ba ella... Salamat sa patuloy na pag babalita sa akin.. Sorry kung wala ako ngayon diyan para samahan kayo sa pag hahanap sa inay.. Nag paalam nga pala ako kanina sa supervisor ko na kailangan akong umuwi diyan sa quezon dahil nawawala nga si inay. Pinayagan naman niya akong umabsent ng 1 week para maka uwi diyan.. Mag tatanong tanong ako sa dati kong school kung may naka kita ba sa kanila kay inay..."  sagot ko dito.

" sige loisa.. Tawag ka nalang ulit ha.. Sabihan mo ako kong anong araw kang uuwi para masundo kita sa babaan ng jeep. Magpaka tatag kay loisa my friend alam kong alalang alala ka sa nanay mo pero sana huwag mong pabayaan ang sarili mo.. Dito lang kami nila nanay at tatay para sayo.. Pamilya ka na rin namin.. "  sagot niya sa akin.

" Hindi ko alam kung paano makaka bawi sa kabutihan ninyo sa amin ni inay.. Sana hindi kayo sumuko na mag hanap kay inay ella.. Paki sabi kanila aling pasing at mang cardo na sobrang nag papasalamat ako.. Ba bye.. " huling saad ko dito. At nawala na sa kabilang linya si ella.

Kumain lang ako ng nabili kong tinapay sa labas dahil wala akong ganang kumain. Tahimik napaka tahimik ramdam ko lalo ang bigat ng dibdib ko.. Halos maya't maya akong nag darasal na sana makita na si nanay o kung hindi man umuwi na siya ng ligtas.

Alas diyes na ng gabi ngunit hindi parin ako maka tulog. Biling baliktad ako sa higaan. Hindi ko parin maiwasan na di maiyak sa pag aalala ko kay nanay. Malamang mugto nanaman ang mga mata ko nito kinabukasan.

Alas dos na nang madaling araw ako naka tulog. At na gising ako kinabukasan ng ala singko ng umaga. Kaagad akong bumangon at kumain muna bago naligo. Alas sais palang ay umalis na ako dahil baka ma traffic nanaman ako sa magallanes.

Pag pasok ko sa office ay kaagad akong nag fill up ng absent form para maging legal ang pag absent ko ng isang linggo kahit na nag paalam na ako kay ms. Devine. Next week na ang uwi ko sa quezon at umaasa akong may magandang mangyayari sa pag uwi ko. Mahanap na sana namin si inay.

Ella POV:

Hindi ko na muna binanggit kay loisa na may nakita akong kahina hinala na mga lalake sa tapat ng bahay nila. Tsaka ko nalang sasabihin sa kanya pag uwi niya dito. Dahil baka lalo lang siyang mag isip. Ini report ko naman na kaagad noong araw na iyon sa mga police at naka record na sa kanila At nag abiso din si kapitan na pamamatyagan niya sa kanyang mga tanod ang bahay nila eloisa.

Bukas na ang araw ng pag uwi dito ni eloisa sana naman ay makita na namin si aling sonya. Kung bakit naman kasi nangyari pa ito kay aling sonya. Sino naman kayang masamang tao ang mag tatangka sa kanya gayong mabait naman ito bukod pa sa bihira lang naman siya kung lumabas ng kanilang bahay.

Eloisa POV:

Dalawang linggo ng nawawala si nanay at wala parin daw lead ang mga police kung nasaan siya. Bukas na ang araw ng pag uwi ko sa quezon. Tatawagan ko nalang si ella bukas ng umaga bago ako umalis dito sa maynila. Mag dadala lang ako ng kaonting mga damit at bibili nalang ako ng pasalubong para kanila ella. Lumipas ang mag hapon ko sa trabaho na hindi ko namamalayan ang oras. Binubuno ko sa trabaho ang aking sarili para lang kahit papaano ay mawala sa isip ko si nanay. Pero saglit lang at naiisip ko nanaman siya.

Kumakain ako ng baon kung tanghalian sa locker ng dumating si rina. Tumabi siya sa akin at kumain din ng dala niyang pag kain.

" uy loisa.. Kamusta kana..? Wala parin bang balita sa nanay mo? Agad niyang tanong sa akin.

" hindi parin nakikita si nanay eh.. Bukas na nga ang alis ko pauwi ng quezon. Sana nga sa pag uwi ko ay mahanap na siya.. Wala naman kasi akong alam na pwede niyang puntahan at kung sakali mang may pinuntahan lang siya bakit hindi naman siya nag paalam diba.. Haiysst... Sobrang nag aalala na talaga ako sa inay ko rina.. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kanya.. " kaagad na sagot ko dito.

Muli siyang nag tanong." eh di hindi ka makaka dalo sa 25th anniversary party ng company niyan..? Naku kung wala ka doon malulungkot talaga ako.. Alam mo naman na ikaw ang pinaka malapit sa akin dito.. Ewan ko ba bakit andaming insikyura dito sa company na ito. Ang boboring nilang kasama alam mo ba yun.. "

" buti nga at kahit papaano sayo nakikipag usap sila eh sa akin wala talaga ikaw lang, bukod kay ms. Devine... At pa salamat ako dahil mabait ka sa akin.. Bukod sayo at kay ella kayo lang ang napag Sasabihan ko ng saloobin ko.. Yung kasama ko naman sa apartment na si ana ay umuwi na ng bicol.. Hayaan mo at pipilitin kong maka dalo parin ng party.. " sabi ko dito.

" eh ano pa nga bang magagawa ko friend kung hindi ang hintayin ka sa pag babalik mo para may kasabay na ulit akong kumain.." huli pa niyang sabi.

At nang matapos kaming kumain ay nauna na akong bumalik sa trabaho dahil gusto kong taposin muna lahat ng ipinapa gawa sa akin ni ms. Divine. At ilang araw din akong mawawala sa trabaho.