Eloisa POV:
Ilang araw nang naka alis si ana at ramdam ko ang kalungkutan netong bahay. Napaka tahimik at tanging yabag lang ng mga paa ko ang maririnig. Linggo ngayon kaya wala akong pasok sa trabaho. Tatawagan ko sila nanay kong na receive na nila yung hinulog kong pera kahapon sa palawan. Naka ilang dial ako bago may sumagot.
Nabosesan ko kaagad si ella.
" hello ella, kamusta? Kamusta ang nanay? Nakuha na kaya niya ang padala ko kahapon na pera?.." kaagad na bungad ko dito.
Agad naman siyang sumagot.
" hello loisa!.. Mis na kita friend! Buti at napa tawag ka.. Okay naman si aling sonya kagagaling ko lang kaninang tanghali sa kanya.. At nabanggit niya nga sa akin na nag padala ka nga daw ng pera. Pinapasabi niya nga pala Salamat daw.. Maipapagawa niya na daw yung bubong ninyo na may butas."
" talaga, mabuti naman.. Oo kailangan na talaga mapalitan ang mga yerong sira.. Lalo na ngayon malapit na ang tag ulan.. Hindi nanaman makaka tulog si inay ng maayos kapag inabutan ng tag ulan na hindi parin napapalitan ang bubong namin.. Paki sabi na sa susunod na sahod ko magpa padala ako ulit para may pang bili siya ng mga gamot niya.. Kamusta nga pala ang pakiramdam niya? Sana tuloyan na siyang gumaling.. Palagi ko siyang naiisip, alam ko nahihirapan siya lalo na ngayon na wala siyang kasama sa bahay.." sabi kong muli dito.
" oo huwag ka mag alala loisa my friend!.. Dadalasan ko pa ang pag punta sa bahay ninyo. Wala naman siyang nababanggit sa akin na may masama siyang nararamdaman.. Tingin ko nga mas bumuti pa ang kalusogan niyan.. Dahil na rin siguro sa nakakabili na siya ng masu sustansyang pag kain.. At dahil sa iyo yun loisa my friend!.. Hindi nasasayang ang pag tiya tiyaga mo diyan sa malayo. At least diba nasu suportahan mo ang mga panga ngailangan ng inay mo.. I'm happy for you my friend!.. Sana matupad mo ang mga pangarap mo!.. Basta nandito lang ako palagi para sa inyo ni aling sonya!.. Alam mo naman diba na parang kapatid na ang turing ko sa iyo.. " mahaba niyang wika sa akin.
" salamat my friend.. Mapalad ako at may isa akong kaibigan na tulad mo.. Naiiyak tuloy ako... Hayaan mo kapag naka ipon ako ng mas malaki pag babakasyunin ko kayo ni inay dito sa maynila kahit mga ilang linggo lang.." muling sabi ko dito.
" talaga loisa! Naku excited na ako!.. Ngayon palang mag papaalam na ako kanila nanay.. At babanggitin ko rin yan kay aling sonya kapag nag punta ulit ako sa bahay ninyo.. Gustong gusto ko kaya maka punta ng maynila.. Tiyak na papayagan ako nila nanay lalo na kapag nalaman nilang si aling sonya ang kasama ko at ikaw ang papasyalan namin diyan!.. Salamat loisa.. Ngayon palang pag hahandaan ko na ang pag punta namin diyan.. " muli niyang sabi sa akin.
" oo ella.. Excited na rin ako na makapag bakasyon kayo rito.. Ipapasyal ko kayo sa mga mall.. At ililibre ko kayo ng pagkain sa mga restaurant.. Para matikman niyo naman ang mga lutong pag kain dito sa maynila.. O paano ella, tatawag nalang ako ulit diyan para kamustahin kayo.. Ikamusta mo nalang din ako kay aling pasing at mang cardo.. Mag iingat kayo palagi diyan.. " huli kung saad dito.
" okay loisa.. Bye. Ingat ka rin palagi diyan!.. " at pinindot ko na ang end call button.
Lumipas ang maraming buwan at mag iisang taon na ako sa pinapasukan kung trabaho. Naging maayos naman ang lahat kahit na si rina lang ang halos na kumakausap sa akin bukod kay ms.Divine na aking supervisor.
I'm in the back office now at may ipinakuha sa akin si ms. Divine na files at dalhin ko daw sa office ni sir david. Pag dating ko sa office ni sir david ay kaagad akong pinapasok ng kanyang secretary at ako na daw ang personal na mag abot kay sir david ng files na hinihinge niya.
I knock on the door first when i hear he's voice inside. " come in!" and when I got inside he looked at me with a little smile in his face.
" oh i see! You're my new employee right? What's your name again? Sorry i forgot sa dami na rin kasi ng employees ko dito halos hindi ko na kayo matandaan lahat.. Tanging sa mga mukha niyo lang ko kayo natatandaan but not in the name.."
" ahmm.. Good afternoon sir david! Okay lang po yun sir naiintindihan ko po.. My name is Eloisa Macaraeg po.." I answered immediately with a wide smile on my face.
" huwag kang mawawala sa party ha. Na inform ka naba nila?.. " he asked me again.
" po?.. Hindi ko po alam sir.. Wala pa pong nag sasabi sa akin.. Talaga po sir?.. Birthday niyo po ba? " Lakas loob kong tanong dito.
" nope, it's our company's 25th year anniversary. Invited kayong lahat na mga employees ko.. Hope to see you there.. " kaagad na sagot nito sa akin.
" ah sige po sir asahan niyo po.. " I nodded to him. And When I was going to turn around to get out he call me again. And then I turned my body back.
" ahmm.. eloisa wait! " may pagtataka akong Nakatingin lang siya sa kamay ko. At nang tingnan ko ang kamay ko nabigla ako hawak ko pa pala ang files na hinihinge niya at ang dahilan ng pag punta ko dito sa office niya. Medyo nahihiya akong ngumiti at iniabot sa kanya ang folders.
" ay! Sorry po sir! Nakalimutan ko po ang gwapo niyo po kasi.." muli kong saad dito. At nag paalam na akong lalabas. Tumango lang siya sa akin at may tipid na ngiti sa labi.
Pagka labas ko sa office ni sir david ay napa buga ako ng hangin. Ngayon ko lang kase natitigan ang mukha niya at ang gwapo niya pala lalo na kapag naka ngiti. Hindi ko tuloy maiwasang hindi kiligin.
Habang naglalakad ako pabalik ng hrd ay naka salubong ko si rina na ngiting ngiti. " uy eloisa! Ano ready ka na ba? Excited na ako!.."
" huh! Para saan?! Yun ba yung sa sinasabi ni sir david na party?!.." balik na tanong ko sa kanya.
" aba'y ano pa ba! Oo yun nga yun! Balita ko sa isang resort daw gaganapin! At kailangan daw naka swim suit ang mga babae at naka trunks ang mga lalake! Naku, makikita ko ang ka machohan ni sir david doon..! Yung si sir Jordan kaya pupunta rin kaya doon.. Once ko pa lang kasi nakita si sir jordan.. At kahit na masungit yun in fairness mas gwapo siya kaysa kay sir david! Kaya lang Hump! Ano naman ang gagawin natin sa gwapo niyang mukha kong palagi naman naka busangot! " sabi pa niya.
" naku, parang kinakabahan naman ako sa party na yun rina.. Kelan ba yun? Kung hindi pa binanggit sa akin ni sir david kanina hindi ko pa malalaman.. Syempre gusto ko rin namang pumunta dahil gusto ko ring ma meet ang iba pa nating mga bosses.." sagot ko dito.
" hay naku eloisa, next month na yun! Kaya dapat na nating pag handaan.." muling saad pa nito. At tumalikod na ito sa akin dahil may pina papasa daw sa kanya na reports sa accounting department.
Naglakad na ako pabalik sa area ko. Habang busy ako sa pagpo photo copy ng mga files muli kung naisip ang mukha ni sir david. May nararamdaman ako na hindi ko mapangalanan kong ano.
Nang makauwi na ako kinagabihan kaagad akong nag luto ng makakain ko. Habang nag hihintay na maluto ang niluluto ko ay naalala kong i check ang cellphone ko baka sakaling nag text si ella. Ilang araw na rin kasi akong hindi nakakatawag sa kanila dahil pagod ako sa byahe pagka uwi. Madalas na kasi akong na tatraffic sa magallanes palabas ng makati at madalas din gabi na ako nakakauwi gaya ngayon. Nakaka ilang dial na ako at wala parin sumasagot. Marahil ay tulog na sila dahil mag aalas siyete na ng gabi dahil karamihan sa baryo namin ay maaga lang talaga kung matulog ang mga tao doon. Nagpasya ako na bukas nalang ng umaga ako tatawag ulit.
Nang maluto na ang pinirito kong manok at kanin ay kaagad na akong kumain dahil inaantok na ako dala na rin siguro ng pagod sa byahe.
Kinaumagahan na gising ako sa tunog ng alarm clock ko. Bago ako bumangon ay naalala kong tumawag muna kanila ella. Baka sakaling may sumagot na. Nakaka tatlong dial na ako tsaka lang may sumagot.
" hello loisa! Kuwan kasi---" at naririnig kong umiiyak si ella sa kabilang linya.
" oh ella, bakit ka umiiyak? May nang yari ba? Kamusta kayo diyan..." kaagad kong tanong dito.
" loisa... Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo to... Si aling sonya kasi.. May apat na araw ng nawawala..." at narinig ko ang pag hagulhol niya ng iyak.
" bakit ella, anong nang yari kay inay? Bakit siya nawawala? Hindi pwede may sakit ang inay baka mapaano siya.. At saan naman siya pupunta? Hindi naman niya alam ang address ko dito kung sakaling dito man siya pumunta sa maynila.. At kung ganun man bakit hindi siya nag paalam sa inyo?.." sunod sunod kong tanong kay ella. Hindi ko na rin mapigilang umiyak. Alalang alala ako kay inay. Nasaan na kaya siya. Baka kaya kinakabahan ako nitong mga nakaraang araw. Yun pala ay may nangyayari na hindi ko alam. Narinig kong bumuntong hininga si ella sa kabilang linya.
" loisa.. My friend hindi rin namin alam eh.. Ilang araw na kaming hanap ng hanap sa kanya.. Pati sila nanay at tatay tumutulong na rin sa pag hahanap.. Pero hindi parin namin siya nakikita hanggang ngayon.. Ni report na rin namin sa mga police ang nangyari pero maging sila ay wala pa ring balita.. Pati sila kapitan wala rin tigil sa pag hahanap. Hayaan mo loisa promise hindi kami titigil hanggat hindi namin nakikita ang nanay mo.. Ilang araw ka na rin kasi namin tinatawagan para ipaalam sayo pero hindi ka namin makontak.. Uy loisa nag aalala din ako sayo.. Huwag mo pabayaan ang sarili mo my friend... Huwag ka masyado mag isip makikita din natin si aling sonya.. Hello loisa?... Nandiyan ka pa ba? Hello? "
Hindi ko na magawang makapag salita dahil nanginginig na ako sa takot na baka kung anong nangyaring masama na sa nanay ko." diyos ko.. Maawa po kayo sa nanay ko.. Bulag po ang nanay ko at may iniinda pang sakit.. Huwag niyo po siya pabayaan... " sabi ko sa isip ko.
"hello! Hello loisa! Nandiyan ka pa ba? Bakit hindi ka na nag sasalita?..." narinig kong boses ni ella. Naalala kong nasa linya pa pala si ella.
" hello ella.. Oo nandito pa ako... Ella please hanapin niyo ang nanay ko... Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa nanay ko.. Alam mo naman na siya nalang ang meron ako... Mag papaalam ako sa boss ko kung papayagan ako.. Dahil hindi pa naman ako naka one year sa company kaya wala pa akong vacation leave na tinatawag.. Sana payagan ako na makauwi muna ng quezon, para maka tulong ako sa pag hahanap kay inay... Balitaan mo ako palagi ella ha.. Please give me an update ha.."
" oo loisa, promise gagawin namin ang lahat mahanap lang ang nanay mo.. May awa ang diyos mabuti kang anak kaya hindi niya hahayaan na pati si aling sonya kunin niya sayo ng maaga.. Ipag dasal nating lahat na mahanap na ang inay mo at ligtas sana siya. Sige na loisa nakita ko si kapitan makiki balita ako sa kanya baka mayroon na silang lead.. " paalam niya sa akin.
" salamat ella... " tanging na sabi ko lang. Dahil hindi ko na kaya humagulhol na ako ng iyak At nawala na si ella sa linya.
kinabukasan pumasok ako sa trabaho na magang maga ang mata at nangangalumbaba ang mga mata ko sa kaiiyak at walang tulog kagabi. Mag damag akong umiyak at hindi maka tulog sa kakaisip ko kay inay.