Chereads / BLACK ROOM / Chapter 5 - CHAPTER 3

Chapter 5 - CHAPTER 3

Chapter 3: Opening

Astre's Point Of View

Hindi 'to pwede,hindi ko akalain na sya ang may hawak ng susi.

Agad akong umiwas ng tingin ng mag-tama ang mata namin. Paano nya nakuha ang susi? Sa isang katulad nya imposibleng nakuha na 'yon.

Nandito kami ngayon sa tapat ng isang silid,gabi na at lahat ng estudyante ay nasa kani-kanilang dormitoryo na.

Lahat ng leader nandito,simula kay Ivan hanggang kay Mixie,pitong lider ang nandito,isama mo pa'ko pati ang babaeng may hawak ng susi.

"3 years ago,someome opened this room." Panimula nito habang nakatingin sa'kin. "Nagsimula ang napaka gandang laro simula ng buksan ito,isang laro na buhay ang nakasalalay,dugo ang mawawalay at kutsilyo ang pumapatay."

Lumalakas ang prisensya sa paligid. Para lang 'tong isang deja vu,ganitong ganito rin ang nangyari 3 years ago.

"After i opened this door the game will start again,leaders will lead their gangs and kill your enemies,find the truth and i will lead to the victory."

Tumalikod na ito sa'min at humarap sa pinto. Wala na'kong magagawa dahil huli na ang lahat. Pagkatapos buksan itong pinto muli na 'kong hahawak ng kutsilyo at tatalsik ang mga dugo sa'king mukha.

"The BLACK ROOM is now open."

Dahan-dahan nitong binuksan ang pinto. Parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko. After 3 years nabuksan na ulit Black Room,hindi ako makapaniwala.

Tumunog ang isang malakas na sirena,hudyat na mag-sasara ang lahat ng labasan,mga matataas na bakal ang haharang sa lahat ng labasan ng Campus at dahil sa sobrang taas nito hindi ka makakalabas. Nagsisimula na,magiging impyerno na naman ang buong Campus.

Namatay ang lahat ng ilaw kaya nakarinig na kami ng ingay mula sa mga estudyante. Napatingin ako sa paligid. Marami na namang inosente ang mamatay. Patawad dahil wala 'kong nagawa.

Hindi ko dapat nararamdaman ang pagkatakot ngayon dahil nangyari na'to noon pero dahil sa isang trauma nakaramdam ako ng pagkatakot.

"Each of you can kill anybody except for your members and co-leaders,you can kill anyone if their not telling the truth." Humarap ito sa'min. "Kunin nyo lahat ng telepono at mga laptops nila,sirain nyo lahat ng pwedeng kumunekta sa labas." Utos nito. Sumang-ayon ang lahat sa sinabi nito. Umalis na silang lahat maliban sa'ming dalawa. Sa tingin ko kailangan ko syang kausapin.

"Sandali.." Hinawakan ko ang braso nito. "Pwede ba ta'yong mag-usap?"

"Inaasahan kong gagawin mo 'to." Kumalawa ang isang ngisi sa labi nito. "Nagulat kaba?"

Oo,sobra.

"Hindi mo siguro akalain na ang firstkiss mo ay isang demonyo?" Natatawang sabi nito. "Pero 'wag kang mag-alala kasi kahit ako nagulat ng malaman ko ang kwento mo. Hindi ko akalain na ang isang jerk na katulad mo ay demonyo rin kagaya ko."

Para akong tanga dahil hindi ako makapagsalita,parang ang dami nyang alam tungkol sa'kin. Sino ba talaga ang babaeng 'to?

"Natameme ka? 'Kala ko ba gusto mo 'kong kausapin?"

"Pwede ko bang matanong kung anong pangalan mo?" Malakas ang kutob ko na sya 'yun.

"Ella,ang pangalan ko ay Ella Monteverde. Ang taong susunod sa yapak mo Mr. Astre Smith."