Chapter 5: First Game
Ella's Point Of View
Agad akong umupo ng dumating silang lahat. Mukhang nahirapan sila sa paghahanap ah.
"We're done." 'Ika ni Trevor. Ngumiti ako sa kanilang lahat maliban kay Mixie.
"Good to hear." 'Ika ko. "I will announce the first game." Tumayo na'ko at pumunta sa broadcast room. This will be exciting.
"Good evening ladies and gentlemen,the first game will start now. Your leaders will take you but before that may ibibigay akong regalo sa inyo,makikita nyo 'yon sa locker n'yo pero syempre hindi naman ako gano'n kabait kaya hindi lahat makakakuha no'n." Bahagya 'kong tumawa. Kagandahan lang ang sobra sa'kin hindi kabaitan. "Sa mga student na makakakuha ng regalo ko,may papel ro'n at may makikita ka'yong pangalan,hanapin nyo ang may ari ng pangalan na'yon at patayin n'yo. Kapag hindi nyo na patay ang taong nasa papel nyo,ako ang papatay sa inyo." Kumawala ang ngisi sa'king labi. "Sa mga hindi nakakuha ng regalo ko,antayin nyo nalang kung sino ang papatay sa inyo. Goodluck." Pinatay ko na mic at lumabas ng broadcast room.
Habang naglalakad ako sa hallway marami akong student na nasasalubong,lahat sila ay nagmamadali papunta sa kani-kanilang locker.
May iba 'kong nakakasalubong na walang hawak na regalo,so sad. 'Wag silang mag-alala libre naman ako 'e,libre akong patayin sila.
This will be a bloody night.
'Ng makarating ako sa isang hallway may isang lalaking bumunggo sa'kin.
"I'm sor--" Nanlaki ang mata nito ng makita ako.
"Nag-mamadali ka ata." 'Ika ko. Pinulot ko ang kutsilyong nahulog at muling inabot sa lalaki.
"Ikaw..." Ang sama ng tingin nito sa'kin.
"Nakakuha ka pala ng regalo ko. Congrats." Tinapik ko ito sa kanyang braso bago umalis.
Nagulat ako ng hinalin ako nito papunta sa isang silid at agad nyang sinara ang pinto. Sinandal ako nito sa pader at tinutukan ng kutsilyo sa leeg.
"Who the hell are you?" Tanong nito. Kita sa mga mata nito ang galit at takot.
"Secret." Pagbibiro ko.
"Sagutin mo ang tanong ko." Mas lalo nyang diniin ang kutsilyo sa'king leeg.
"Paano kung ayoko? Ibabaon mo ba sa leeg ko ang kutsilyong hawak mo?"
"Oo pero hindi sa ngayon,marami pa'kong aalamin tungkol sa'yo." Binitawan ako nito. Hindi ko maiwasang napangisi. Ang tapang nya para gawin ang bagay na'yon sa'kin.
Agad kong sinipa ang maselamg bahagi nito kasabay ng pag-kuha sa kanyang buhok.
"Pwede kang pumatay ng kahit sino sa loob ng impyernong ito pero hindi ko sanabing pwede mo'kong galawin. Kung gusto mo'kong patayin,bawi ka nalang sa next life." Kinurot ko ang pisngi nito bago umalis ng silid.
Masyado syang mapatang pero mali sya ng binabangga.
-----------
Kevin's Point Of View
Napakuyom ang kamao ko ng marinig ang boses ng demonyong babaeng 'yun.
"Sa mga hindi nakakuha ng regalo ko,antayin nyo lang kung sino ang papatay sa'inyo. Goodluck."
Lahat ng mga kaklase ko nagpapanik na,karamihan ay umiiyak na.Psh. Hindi dapat sila umiiyak,mas natutuwa ang mga demonyong 'yun kapag nakikita nila kaming natatakot.
'Ng tumunog ang bell dali-dali akong lumabas para pumunta sa locker ko. May nakita akong isang kahon kaya dali-dali ko itong binuksan. "Isang kutsilyo." Bulong ko.
May nalaglag na isang papel,kinuha ko ito at binasa. Nanlaki ang mata ko ng mabasa kung sino ito.
"Hindi 'to pwede." Agad kong sinara ang locker ko at tumakbo,kailangan ko syang kausapin.
Habang tumatakbo ako sa hallway may nakabunggo akong isang babae. Agad akong tumayo para alalayan ito.
"I'm sor--" Naputol ang pagsasalita ko ng makita ko ang mukha nito.
"Nag-mamadali ka ata." 'Ika nito. Pinulot nito ang kutsilyong nahulog ko.
"Ikaw..." Nakita ko rin sya. Napakaamo ng mukha nya pero napakademyo ng ugali nya.
"Nakakuha ka pala ng regalo ko. Congrats." Tinapik nito ang aking balikat at nilagpasan ako nito.
Agad kong hinila ang braso nito papasok sa isang silid na walang tao,agad kong sinara ang pinto at isinandal sa pader ang babae kasabay ng pagtutok ko ng kutsilyo sa leeg nito.
"Who the hell are you?" Tanong ko. Sino sya para gawin ang mga 'to?
"Secret." Pangaasar nito. Nakuha nya pang magbiro? Diniinan ko ang pagtusok ng kutsilyo sa leeg nito. Wala na'kong pakeelam kung babae pa sya.
"Sagutin mo ang tanong ko."
"Paano kung ayoko? Ibabaon mo ba sa leeg ko ang kutsilyong hawak mo?" Hindi maalis sa labi nito ang ngisi. Wala kang makikitang takot sa mga mata nito. Kakaiba sya.
"Oo pero hindi sa ngayon,marami pa'kong aalamin tungkol sa'yo." Marami pa'kong gustong malaman tungkol sa babaeng 'to,katulad ng sinabi sa'kin ni Astre.
Binitawan ko ito,hindi ngayon ang tamang oras para patayin ang babaeng 'to.
Napahawak ako sa aking maselang bahagi ng sipain nya 'to kasabay ng pagsabunot nito sa'king buhok. Shit!
Gusto kong gumanti pero hindi ko magawa dahil sobrang sakit ng maselang bahagi ko. Hindi ako makagalaw.
"Pwede kang pumatay ng kahit sino sa loob ng impyernong ito pero hindi ko sanabing pwede mo'kong galawin. Kung gusto mo'kong patayin,bawi ka nalang sa next life." Kinurot nito ang aking pisngi kasabay ng pagbitaw nito sa'kin. Mabilis itong umalis sa silid kaya hindi ko na ito nahabol.
"Fuck!" Sigaw ko. Pinilit kong tumayo kahit ang sakit ng junior ko. Bwiset talaga ang babaeng 'yun.
"Kevin?" Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa. "Anong nangyari sa'yo?" Natatawang tanong nito.
"Dahil lang naman du'n sa demonyong babae kaya ko nagka-ganito!" Mas lalo itong natawa.
"3 points si Junior."
"Gusto mo na bang namatay?" Tanong ko.
"Nagbibiro lang naman 'e." Lumapit ito sa'kin at inalalayan ako. "Tara na maglalaro pa ta'yo."
Nalaglag ang panga ko ng makalabas ako sa silid. "Nakakuha kaba ng regalo?" Tanong ni Astre. Hindi ako nakapagsalita dahil sa mga nakikita ko ngayon.
Ang daming bangkay sa hallway....nag-kalat ang mga dugo sa paligid na parang ito na ang pintura ng pader. Anong nangyari?
"Huy,natameme ka ata?" Napatingin ako kay Astre.
"A-anong nangyari?"
"Tss,parang ngayon kalang nakakita nyan? Tara na." Tumuloy na kami sa paglalakad.
Oo,sanay na'ko sa mga ganito dahil ganito rin ang mga nakikita ko sa hallway 3 years ago pero iba ngayon,mas marami at mas madugo ang mga nakikita ko ngayon.
"Unang gabi palang pero marami ng namatay kaya sa tingin ko mabilis lang matatapos ang larong 'to." 'Ika ni Astre.
Tama sya at sana nga matapos na 'to kahit nagsisimula palang kami.
Dinala ako ni Astre sa rooftop. Walang tao rito at kita lahat ng mga estudyante na naghahabulan at nagpapatayan.
"Kaninong pangalan ang nakuha mo?" Tanong nito.
"Si Angel." Nanlaki ang mata ni Astre.
"Yung girlfriend mo? Pero--paano--kaya mo ba?" Umiling ako.
"Hindi ko alam." Napahawak ako sa'king ulo ng batukan ako nito. "Aray!"
"Ang bugok mo talaga." Napakamot ito sa kanyang ulo.
Napayuko nalang ako,sa dinami-dami ng pwede kong makuhang pangalan bakit kay Angel pa? Sadya ba ang lahat?
"Ako nang bahala." Napatingin ako kay Astre.
"Anong gagawin mo?"
"Secret,basta ituloy mo lang ang plano natin." Tumayo ito. "Puntahan mo na si Angel bago pa mahuli ang lahat."
Natauhan ako kaya agad akong tumayo at bumaba para hanapin si Angel. Sana ligtas sya.
Dali-dali akong tumakbo,marami akong nakakasalubong na mga estudyanteng nagpapatayan. Nakakakilabot.
"Kevin!" Napatingin ako sa'king likod at nakita ko si Angel sa dulo ng hallway. Nanginginig ang buong katawan nito habang nakatingin sa kamay nyang puno ng dugo.
Tumakbo ako papunta kay Angel.
"Angel,ayos kalang?" Hinawakan ko ang mukha nito.
"B-babe---napatay ko yung l-lalaki." Tinuro nito yung lalaki sa likod ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ang isang lalaking wala ng buhay habang nakadilat ang mata nito. "Babe,natatakot ako.." Agad kong niyakap si Angel.
"Shhhh,don't worry andito na'ko." Pinatahan ko ito at dinala sa CR para linisin ang kamay at mukha nito na puno ng dugo.
"Babe,paano 'yong lalaki?" Tanong nito habang umiiyak.
"Don't worry basta ang mahalaga ay ligtas kana."
"Talaga?" Tumango ako kasabay ng paghalik nito sa kanyang noo. Hindi ko papatayin ang babaeng mahal ko. Kahit ako pa ang mapapahamak.
"Pangako,aalisin kita sa lugar na 'to." Hindi ako sinagot nito,bagkus ay niyakap ako nito.
Makalipas ang ilang minuto hindi mo namalayan na nakatulog na sa balikat ko si Angel.
Nagising ako ng makarinig ako ng malakas na alarm. Hindi ko namalayan na nakatulog rin pala 'ko. Agad kong tinignan si Angel at nagising rin ito.
"Babe,anong meron?" Tanong nito. Takot na takot ang mukha nito. Magsa-salita na sana ako ng may isang boses ang lumabas sa malaking speaker ng Campus.
"Congratulations everyone,the first game is now over." Bahagya itong tumawa. "Nakakadisappoint lang na hindi nyo sinunod ang rules ng unang laro pero masaya ako dahil hindi naging boring ang laro ngayong gabi,naging madugo ang gabing 'to at sapat na sa'kin 'yun. Tomorrow is your rest day and i will announce the top 10 base on your game tonight. Goodnight students,have a nice rest."
Kailangan ko sigurong tapusin ng mabilisan ang plano namin.