Chapter 7: Meeting
Astre's Point Of View
Lahat kami ay hindi makapaniwala sa naging resulta ng Top 10,lalo na si Ivan na kanina pa gustong sumabog sa galit.
"Walang utak ang babaeng 'yun." Iritang sabi nito. "Hindi man lang nya inisip kung sino ang mga mapagkakatiwalaan nya?"
"Baka ginawa nya 'yun in purpose." Singit ni Ryu para pakalmahin si Ivan.
"Nasasabi mo yan dahil pasok ka." Napasabunot nalang si Ivan sa kanyang buhok. "That bitch."
"Sorry pero hindi ko kalahi si Mixie." Sabay-sabay kaming napatingin sa pintuan ng Black Room.
"E-Ella.." Napatayo si Ivan sa kanyang kinauupuan.
"And also,what the hell are you doing here? Wala ka ng karapatan na tumungtong sa silid na 'to." Taas noong bigkas nito. "I mean,kayo." Turo nya pa kila Marion at Jeriel.
"Ella,sigurado kaba sa desis--"
"Get out of this fucking place." Pag-putol nito kay Ivan. Nakatayo parin si Ivan at parang walang narinig. "Pag-bilang kong tatlo,hindi ko na dapat makita ang mukha nyo rito."
"Anong gagawin mo kapag hindi kami umalis?" Pag-mamatigas ni Ivan.
"One." Panimula ni Ella. Bahagyang natawa si Ivan.
"Kahit anong gawin mo miyembro parin ako ng gang na'to."
"Two." Tumayo na sila Marion at Jeriel.
"Van,we need to go." Pag-aaya ni Marion.
"For what? Hindi ako aalis dito hangga't hindi nya naililista ang pangalan k---"
"Three." Nanlaki ang mata namin ng paputukan ng baril ni Ella si Ivan sa braso nito. "Masyado ka nang maingay."
"What the--" Napatayo kami ng mawalan ng malay si Ivan.
"Ella!" Sigaw ko. What the heck?! "Anong ginawa mo kay Ivan?!"
"Hindi ba obvious? Tsaka ayaw nyo 'yun? Tumahimik na sya. Dinaig nya pa ang babae kung pumutak." Agad kong nilapitan si Ivan at tinignan ang pulso nito. Nakahinga ako ng malalim ng maramdaman ko ang tibok nito. She's literally a bitch.
"Dalhin natin sya sa clinic." Utos ko. "Hindi pa ta'yo tapos Ella." Bigkas ko ng mapadaan ako sa harapan nito.
Sumang-ayos ang lahat kaya binuhat namin ni Marion si Ivan papuntang clinic. Bago pa man ako umalis nakita kong naiwan si Mixie at kinausap si Ella.
Hindi ko mabasa kung anong takbo ng isip ni Ella,ang hirap nyang basahin kaya hindi ko alam kung anong plano nya. Masyado syang padalos-dalos kaya napakadelikado nya.
"Wala talaga syang takot pumatay." Napatingin ako kay Ryu. "She's literally a demon."
"No,ginagawa nya lang ang tungkulin nya." Singit ni Trevor. Lahat kami at napatingin sa kanya.
"Kahit na,wala syang karapatan na barilin si Ivan tsaka kahit papano kaibigan na nya si Ivan." 'Ika ko.
"Alam kong hindi nya kayang patayin si Ivan."
Agad naming hiniga si Ivan ng makarating kami sa clinic.
"Parte lang 'to ng mga plano nya." Muli akong napatingin kay Trevor.
"What do you mean,Trevor?" 'Ika ni Jeriel habang nililinis ang braso ni Ivan. Wala na kasing nurse or doctor ang nandito dahil patay na sila maski ang mga teacher at principal wala narin dahil lahat sila ay pinatay ni Ella.
"Wala pa rin ba syang malay?" Lahat kami ay napalingon kay Mixie.
"Nakausap mo ba sya?" Tanong ko. Tumango ito at lumapit sa'min para tignan si Ivan.
"Pampatulog lang ang ibinaril ni Ella kay Ivan." 'Ika nito. "Kaya pala nawalan sya ng malay kahit sa balikat lang sya binaril."
"I told you,hindi magagawa ni Ella na patayin si Ivan." Proud na sabi ni Trevor.
"Pero,ano yung sinasabi mong plano nya?" Tanong ko. Napatingin ito kay Mixie at muling tumingin sa'kin.
"Don't think about it." Mag-sasalita pa sana ako ng may tumunog sa malaking speaker.
"Top 10 members,come to the Black Room." Agad ring namatay ang speaker.
"Sige na pumunta na ka'yo sa Black Room kami na ni Marion ang bahala kay Ivan." 'Ika ni Jeriel.
"Sure,babalik kami kaagad." Bigkas ni Trevor.
Agad kaming umalis at pumunta sa Black Room. Pag-karating palang namin ay nando'n na sila Kevin,Angel at ang tatlong di pamilyar na estudyante.
Agad kaming umupo nang dumating si Ella,para kaming maamong aso ng dumating ito.
"Welcome Top 10 members." Malamig na bigkas nito. "Ngayong kumpleto na ta'yo,sasabihin ko na ang bagong rules ng larong 'to." Nagkatinginan kami ni Kevin. Masama ang kutob ko rito.
"Before that,can you introuduce the new members?" Nakangiting sabi ni Raphael.
"Ayoko,wala kong oras para jan." Seryosong sabi nito.
"F-fine." Wala na kaming nagawa kundi ang tumahimik. Ang sama ng aura nya ngayon.
May kinuhang notebook si Ella bago umupo sa kanyang working table.
"The next game is individual game,no more leaders,no more gangs." Panimula nito. "Pero kung may gusto kayong iligtas,okay lang sa'kin,walang problema ro'n."
"Can i ask,anong rule sa susunod na laro?" Tanong ng isang estudyante.
"Good question. The rule for the second game is....none."
"None?" Nag-tatakang tanong ni Raphael.
"Yes none,walang rule sa second game,like i said this is an individual game,pag-katapos kong i-announce ang pangalawang laro,you can kill whatever you want to kill. Kahit sinong mapagtripan nyong patayin,patayin nyo lang but i have something you need to find."
"Ano naman 'yun?"
"Isang estudyante na may hawak ng libro tungkol sa mga katotohanan ng Black Room." Nanlaki ang mata ko. Tama ba ang narinig ko? Nasa isang estudyante ang libro ng Black Room? Pero paano? "Hanapin nyo ang taong 'yon at kapag nahanap nyo sya pasado na kayo sa pangalawa at pangatlong laro." Tumayo na ito. "Hindi matatapos ang second game hangga't walang nakakahanap sa estudyanteng may hawak ng libro."
"A-anong purpose ng pag-patay namin?" Tanong ni Angel. Nanginginig ang boses nito at halatang natatakot.
"Gusto kong dalhin nyo sa'kin ang bangkay ng estudyanteng may hawak ng libro dahil alam na nya ang lahat."
"Kung alam na nya ang lahat diba dapat panalo na sya?" Tanong ni Ryu.
"Kapag pinaliwanag ko sa inyo ang lahat malalaman nyo agad kung sino ang may hawak ng libro kaya kung ano man ang mga tanong nyo hindi ko yun sasagutin." Tumahimik ang paligid at parang napaisip ang lahat. "Tapos na ang meeting natin,pwede na kayong umalis."
Tumayo na sila at lumabas ng kwarto,napatingin ako kay Kevin at nananatili parin itong naka-upo.
"May problema ba?" Tanong ni Ella habang nakatingin sa'min ni Kevin. Umiling lang si Kevin bago lumabas ng silid kaya kaming dalawa nalang ni Ella ang natira sa Black Room.
Nakatingin lang ito sa'kin at walang bakas ng emosyon ang makikita sa mukha nito.
"Anong plano mo?" Hindi ko rin alam kung bakit lumabas yun sa bunganga ko pero hindi ko na talaga kasi mapigilan ang kuryosidad ko.
Hindi ito sumagot bagkus ay tumayo ito at pumunta sa labas. Nanatili lang akong umupo habang pinagmamasdan sya. Muli syang pumasok at isinara ang pinto at mga bintana bago umupo sa'king harapan.
"Bago ko sabihin ang plano ko,handa ka na bang malaman ang katotohanan?"
Napalunok ako,hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon para bang ang init ng pakiramdam ko.
"Oo." Sagot ko. Bahagya itong tumawa.
"Una palang alam ko na ang plano mo,thanks to Kevin kaya ko nalaman 'yun,masyado syang easy to get kaya marami akong nalaman sa mga balak mo pero nabigo ka Astre. Malakas ka pero tanga-tanga ka lang minsan."
Hindi ko maiwasang magalit. Napakagaling nya talaga pati si Kevin nagawa nyang bihagin.
"Trust me Astre and i will give you whatever you want."