Chereads / BLACK ROOM / Chapter 14 - CHAPTER 12

Chapter 14 - CHAPTER 12

Chapter 12: Truth

Ella's Point Of View

Nakatingin lang ako sa kanya habang pinaglalaruan ko ang aking ballpen. Ang kapal ng mukha nyang nakawin ang libro ng Black Room.

"Sya pala ang may hawak ng libro." Gulat na sabi ni Raphael. Lahat ng Top 10 members ay nandito,kahit yung bruhang babae at walang kwentang si Ryu ay nandito na rin. "Nakakatakot ang itsura nya."

Nakakatakot nga ang itsura nya dahil sa mga tattoo nya sa katawan na kulang nalang ay pati mata nya ay magkaroon ng tattoo.

"Hindi ko akalain na panandalian lang ang pangalawang laro." Napatingin ako kay Mixie. "Ang boring." Napairap nalang ako. I hate her so much.

"So,panalo na si Kevin sa Second and Third game?" Tanong ni Trevor.

Hindi ako nakasagot. Masyadong naging komplikado ang pangalawang laro kaya hindi ko pa alam kung anong magiging resulta.

"Excuse me." Pagpapaalam ko. Agad akong lumabas ng Black Room. Kailangan ko na sigurong simulan ang plano ko dahil nagigimg komplikado na ang lahat lalo na't trinaydor ako ni Ryu na isa sa mga kakampi ko.

"Hi Ella." Bungad ni Ivan ng makarating ako sa dormitoryo nito. Agad akong tumabi rito ng makapasok ako. "May problema ba?"

"Marami." Napaliwanag ko na kay Ivan ang lahat kaya napatawad nya na 'ko. Inakbayan ako nito at bahagya nya 'kong inilapit sa kanya.

"Tell me."

"Sasabihin ko na ang plano ko kay Astre." Nanlaki ang mata nito.

"As in ngayon na?" Tumango ako. "Pero bakit? Nasa pangalawang laro palang ta'yo ah?"

"Nagiging komplikado na ang lahat Ivan." Hinarap ako nito at tinignan sa mga mata ko. "Si Ryu,trinaydor nya ta'yo,alam kong sinabi na nya do'n sa girlfriend ni Kevin yung totoo."

"Si Ryu?!" Gulat na sabi ni Ivan. Tumango ako. "Hayop talaga yun! Sabi na 'e! Dapat hindi talaga natin sya pinagkatiwalaan."

"Kaoag nalaman ni Mixie ang plano natin,huli na ang lahat."

"So anong plano mo?"

"Kakausapin ko na sila." Hinawakan ni Ivan ang mukha ko.

"May tiwala ako sa'yo Ella. Kaya mo yan." Hindi ko naiwasang mapangiti.

"Salamat." Ginulo nito ang aking buhok. Malaki rin ang tiwala ko sa'yo Ivan kaya kapag ikaw na ang nag-traydor sa'kin hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Ako na ang tatawag kila Astre,dito kalang." Ngumiti nalang ako bago sya umalis ng kanyang dormitoryo.

Tama ba ang gagawin ko? Siguro.

Mas mabuting na sigurong sabihin ko na kila Astre ang lahat para matapos na,bago pa malaman nila Mixie ang lahat. Kaya mo yan Ella,matatapos rin 'to.

--------

"Bakit mo kami pinatawag?" Bungad ni Trevor. Andito ngayon sila Trevor,Raphael,Astre,Kevin,Jeriel at Marion pati si Ivan,sila kasi ang makakatulong sa'kin para sa plano ko.

Lahat sila ay nag-aantay sa sagot ko. Hindi ako makatingin sa mga mata nila dahil para nila 'kong kinakain sa mga tingin nila. Hayst! Bakit ba'ko kinakabahan?!

"Pinatawag ko ka'yo dahil may sasabihin akong importante." Panimula ko.

"Ano naman 'yun?" Tanong ni Marion. Huminga muna 'ko ng malalim.

"Tatapusin ko na ang laro." Walang nag-bago sa mga ekspresyon ng mukha nila kaya napairap nalang ako.

"Alam na namin ni Jeriel ang lahat." Napatingin ako kila Marion. "Sinabi na sa'min ni Ivan."

"Ang alin?" Nagtatakang tanong ni Astre.

"Sila Astre at Kevin nalang ang hindi nakakaalam Ella." Bigkas ni Ivan. Bahagya kong binatukan si Ivan. "Aray!"

"Alam na pala nila 'e! Ba't pinatawag mo pa sila?!"

"Sorry naman." Napakamot ito sa kanyang ulo. "Tara na nga!" Pag-aaya nito kita Trevor. "Mauna na kami."

Bago ko pa man sila pigilan nakaalis na ang mga ugok,kaya kaming tatlo nalang ang naiwan.

"Ano ba kasi 'yon?" Iritang tanong ni Kevin.

"About kila Mixie." Bigkas ko habang nakatingin sa mga mata ni Astre.

"Anong kinalaman nila Mixie rito?" Tanong ni Astre.

"3 Years ago simula ng mag-bukas ang Black Room at pinamunuan mo 'yon Astre,naging maganda ang pamumuno mo pero isang araw nahulog ka sa isang patibong." Nakakunot lang ang noo ni Astre.

"Anong pinagsasabi mo?"

"Nahulog ka sa patibong—ang ibigin si Mixie. Nag-plano sila ni Bryan na pa-ibigin ka at kapag nahulog na ang loob mo sa kanya malalaman na nya ang sikreto ng Black Room at kapag nangyari yun papatayin ka nya para sya na ang mamuno no'n pero nabigo sya." Nagulat si Astre sa mga sinabi ko.

"Paano mo nalaman ang tungkol riyan?" Umiling ako. Ayoko munang sabihin ang tungkol sa'kin.

"Salamat sa'yo dahil hindi mo pinabayaan na malaman ng bruhang yo'n ang katotohanan ng Black Room pero sasabihin ko ring napaka-tanga mo para mahalin pa rin ang isang katulad ni Mixie." Bahagya itong napayuko.

"Diretsohin mo na kami,ano ba talagang plano mo ha?" Napatingin ako kay Kevin.

"Hindi nag-tagumpay si Mixie kaya hinanap nya ang susi ng Black Room para muling buksan ito.pero naunahan ko sya kaya ako ang nakapag-bukas ng Black Room."

"Pero bakit? Bakit mo binuksan ang Black Room?"

"Dahil kapag si Mixie ang nakapag-bukas maraming mamamatay." Nagtaka ang mga mukha nila.

"Hindi pa ba marami amg mga namamatay ngayon?" Sarkastikong sabi ni Kevin. Umiling ako.

"Lahat ng estudyante ngayon na nasa Campus ay dating estudyante nung namumuno pa si Astre kaya alam na nilang lahat kung anong laro ang pinapatakbo ko. Lahat ay palabas lang,yung kutsilyong ibinigay ko ay hindi gaanong matulis kaya hindi 'yon nakakapatay,lahat ng nasusugatan ay dinadala namin sa likod ng Campus para do'n gamutin,kaya ko rin tinanggal sila Ivan,Marion at Jeriel sa pagiging leader ay dahil sila lang ang may alam sa pagme-medisina kaya sila ang ginawa kong tapag-gamot ng nga masusugatan."

"Pero yung estudyanteng may hawak ng libro,napatay ko sya." 'Ika ni Kevin.

"Pinapatay ko talaga sya dahil kakampi nya sila Mixie."

"Ella,ano ba talaga ang plano nila Mixie?" Halata sa mukha ni Astre ang inis. Hindi ko alam kung sa'kin ba sya naiinis or kay Mixie.

"Plano nilang mamuno sa Black Room at buksan ang pinto sa buong Campus para makaabot sa labas ang laro ng Black Room. Plano rin nynag gumawa ng formula na kayang pumatay ng maraming tao. Kaya ko inunahan si Mixie sa pagkuha ng susi dahil gusto ko ng isara ang Black Room."

"Binuksan mo kaya." Pabirong sabi ni Kevin. Inirapan ko nalang ito.

"Binuksan ko ang Black Room para sakyan ang plano ni Mixie,kapag nalaman nyang nakuha na nya ang intensyon ko do'n ko na sya haharapin kaya...Astre....kaya mo bang mawala si Mixie sa buhay mo?" Napatingin ito sa'kin.

"What do you mean?"

"Ikaw ang target ni Mixie at si Mixie ang kahinaan mo kaya baka mas kumampi ka sa kanya kesa sa'min." Bahagya itong tumawa.

"Paano kapag sa kanila ako?"

"Papatayin kita ngayon." Tipid kong sagot na ikinalaglag ng panga nito.

"Joke lang! Tsaka kahit gaano ko pa kagusto si Mixie mas pipiliin ko parin na matapos na ang kademonyohang ito. Alam kong demonyo ako dahil marami akong napatay na inosente noon kaya ayoko ng maulit 'yon...kahit si Mixie pa ang kapalit." Napangiti ako.

Hindi ko akalaing masasabi nya ang mga gano'ng bagay. Isang Astre na kulang nalang ay itaya ang buhay para kay Mixie,ngayon ay mas pipiliin nya ang kaligtasan ng marami kesa sa taong mahal nya.

"So anong plano natin?" Tanong ni Kevin. Napangisi nalang ako.

The real game is now starting.