Chereads / BLACK ROOM / Chapter 10 - CHAPTER 8

Chapter 10 - CHAPTER 8

Chapter 8: Astre's Plan

Kevin's Point Of View

"So anong plano mo?" Tanong ko kay Astre.

"Kilalanin ko muna kung sino yung Ella na 'yun,alam kong marami syang tinatago at napakamisteryo nyang babae kaya masama ang kutob ko sa mga plano nya."

Hindi ko sya masisi dahil kahit ako ay nagtataka sa babaeng yun. Malayo ang pamumuno nya sa pamumuno ni Astre dahil masyado syang padalos-dalos.

"Kailangan kong makuha ang loob ni Ella para malaman ko kung anong plano nya." Napatingin ako kay Astre. "Naalala mo pa ba yung mga sinabi mo about sa first kiss ko? Na kung ikaw ang nasa posisyon ko jojowain mo yun para hindi masayang ang unang halik mo. Kapag nakuha ko ang loob nya malalaman ko na ang plano nya at makakalaya na ulit ta'yo sa impyernong 'to."

Hindi ako nakapag salita. Kung alam ko lang na si Ella pala ang first kiss ng unggoy na'to hindi ko sasabihin ang mga yun.

"Nakuha mo ba yung sinasabi ko?" Seryoso ba sya?

"Sigurado ka ba talaga jan ha?" Sinamaan ako ng tingin nito.

"Mukha ba'kong nabibiro?"

"I mean,delikado yung gagawin natin Astre." Bahagya itong tumawa kasabay ng pag-iling.

"Paano natin malalaman kung hindi natin susubukan?" Nalaglag ang panga ko sa mga sinabi ni Astre. Aish! This crazy asshole!

"Hindi maganda ang kutob ko sa plano mo Astre."

"Mag-tiwala kalang." Tinapik nito ang balikat ko. "See you sa filled."

Iniwan nya 'kong tulala,paninindigan nya talaga yung plano nya ha? Tignan lang natin kung magtatagumpay sya.

"Babe?" Napatingin ako sa pintuan.

"Angel,kanina kapa jan? Kumain kana ba?" Tumango ito at lumapit sa'kin.

"Ikaw,kumain kana ba?" Hinalikan ako nito sa noo.

"Nope,hindi rin naman ako gutom." Nilapit ko sa'kin si Angel. "Just stay here." Tumango ito at niyakap ako.

Bigla kong naisip,ngayon na pala ia-announce ang mga miyembro ng Top 10. Hindi ko alam kung makakapasok ba'ko ro'n dahil isa yun sa mga plano namin ni Astre pero sana kahit sya man lang ay makapasok.

"Babe,curious ako kung sino ang mga miyembro ng Top 10." Humarap ito sa'kin. "What if mabago ang laro? Paano na yung mga mag-liligtas sa'tin?"

"Shhh,don't worry andito naman ako para iligtas ka 'e,basta ang mahalaga sa ngayon ay maligtas ta'yo sa susunod na laro. Alam kong mas delikado ang susunod na laro kaya mas mabuting 'wag kang lalayo sa tabi ko,maliwanag ba?"

"Yes boss Kevin." Ngumiti ako para hindi sya mag-alala. Muli kong niyakap si Angel. Sya nalang ang natitirang yaman sa'kin kaya hindi ko hahayaang pati sya ay mawawala sa'kin.

-----

Nakakabingi ang katahimikan sa filled kaya mas lalo akong kinakabahan. Humigpit ang yakap sa'kin ni Angel kaya nilapit ko ito sa'kin para pakalmahin.

"Maayos rin ang lahat." Bulong ko. Ngumiti ito at muling tumingin sa harapan.

Mas lalong lumakas ang prisensya ng dumating si Ella. Para kaming napako sa kinauupuan namin ng dumating sya.

"Good Moring Ladies and Gentlemen,nasa'kin na ang listahan ng Top 10." Walang kung anong ingay ang dumaloy sa paligid kaya napairap nalang si Ella. "Kapag nakapasok ka'yo sa Top 10 there's a big chance na manalo ka'yo dahil marami kayong malalaman bilang miyembro ng Top 10."

Biglang umingay ang paligid at parang nabuhayan ang lahat dahil sa sinabi ni Ella.

"Babe?" Napatingin ako kay Angel. "Paano kapag wala ta'yo sa Top 10?"

"Meron pa namang ibang paraan para makaalis ta'yo rito." Ngumiti ako rito. Ayokong mawalan sya ng pag-asa dahil marami pang paraan para makaalis sa impyernong 'to.

"Makikita nyo mamaya sa big screen kung sino ang mga miyembro ng Top 10 and guess what? Kung sino ang magiging miyembro ng Top 10 yun ang magiging bagong miyembro ko.Kaya lahat ng lider ay wala ng tungkulin ngayon dahil lahat ka'yo ay pantay-pantay na. Congrats in advance sa mga magiging bagong lider ng impyernong ito." Nilapag nya ang mikropono bago umalis ng filled.

Hindi ako nakapgsalita at agad akong napatingin kila Astre. Wala na silang tungkulion ngayon at anytime pwede na silang mamatay. Paano yung plano namin ni Astre?

"Babe,ayos kalang?"

"Oo,nag-aalala lang ako kay Astre."

"Hindi ka dapat mag-alala sa isang katulad ni Astre dahil alam nating dalawa kung sino talaga sya." Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Angel.

"Angel...ang totoo--" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng may mag-pop up sa big screen ng Campus.

Ang Top 10.

Agad kong kinilatis kung sino ang mga miyembro at nagulat nalang ako ng tumalon sa tuwa si Angel.

"Babe! Kasali ta'yo sa Top 10!" Kami?

Nalaglag ang panga ko ng makita ko ang pangalan ko sa unang ranggo. Tama ba ang nakikita ko? Nangunguna ako sa Top 10! Pero paano?

"Babe,ang taas ng rank mo!" Masayang sabi ni Angel. Hindi ko alam kung bakit nagpapakasaya kami dahil pasok kami sa Top 10 dahil sa tingin ko mali ang makapasok saTop 10.

Muli akong napatingin kay Astre at nakita ko itong nakatingin sa'kin at halata sa mukha nito ang pag-aalala. Ngumiti nalang ako at bahagyang tumango.

Tuloy ang plano.

Kapag nakuha namin ang loob ni Ella malalaman na namin ang katotohanan at kapag nangyari yun muli ng mag-sasara ang Black Room at sisiguraduhin naming hindi na 'to muling mag-bubukas.