Chapter 10: Curious
Astre's Point Of View
Nakayuko lang sya sa'kin habang pinaglalaruan ang kanyang kamay.
"Sorry talaga bro,hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko kapag katapat ko yung babaeng yun."
Sabagay hindi ko rin naman sya masisisi dahil kahit ako kumukulo ang dugo ko kapag nakikita ko sya.
"So,ano nang plano natin?" Tanong ko.
"Alam na nya yung plano natin pero may isa syang sinabi sa'kin." Agad akong napatingin kay Kevin.
"Ano yun?"
"Gusto nya 'kong maging kanang kamay nya." Napakunot ang noo ko. 'Kala ko ba ako--
"Pumayag ka?"
"Hindi....hindi ko alam."
"Huwag mo sabihing papayag ka?!" Napatingin sa'kin si Kevin. "S-sorry." Hindi ko tuloy napigilan na mapag-taasan ng boses si Kevin. Bakit kasi kailangan maging kanang kamay pa ni Ella si Kevin. Akala ko ba ako na ang kanang kamay nya?
"Pero bro,kapag pumayag ako pwede na nating ituloy yung plano natin." Bigla kong napaisip.
"'Wag muna sa ngayon Kev,hindi madaling maging kanang kamay ni Ella."
"Bakit naman? Naging kanang kamay ka na ba nya?" Nagtatakang tanong nito.
"Oo,kaya nga nagulat ako ng sabihin mong gusto ka nyang maging kanang kamay nya." Napahawak ito sa kanyang bibig.
"Edi...kapag kinuha ko yung tungkulin bilang kanang kamay nya,mawawalan ka ng pwesto?"
"Hindi naman,nasa pangalawang ranggo parin naman ako kahit papano." Ayoko lang talagang mawala sa pagiging kanang kamay nya.
"Nahihirapan tuloy ko kung kukunin ko ba yung inaalok nya."
"Antayin lang muna nating matapos ang pangalawang laro."
"Sige." Napatayo kami ni Kevin ng may biglang pumasok sa pinto.
"Nakakaistorbo ba'ko?" Tanong nito.
"Oo." Agad kong tinabig si Kevin.
"Sorry for disturbing you." Lumapit ito sa kanyang desk at may kinuhang papel. "By the way Mr. Chua,may sagot ka na ba sa inaalok ko?" Diretso itong nakatingin kay Kevin.
Hindi ito sumagot kaya bahagyang natawa si Ella.
"Don't worry,aantayin ko ang sagot mo." Muli itong lumabas ng silid. Nagkatinginan nalang kami ni Kevin.
"Kapag natapos ang pangalawamg laro itutuloy natin ang bagong plano." 'Ika ko. Tumayo na'ko at tinapik sa balikat si Kevin.
Habang naglalakad ako sa hallway bigla 'kong napaisip. Tama bang tanggapin ni Kevin ang inaalok ni Ella? Paano nalang kapag may masamang balak si Ella kay Kevin? Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng ganito,pero masama ang pakiramdam ko tungkol sa inaalok ni Ella o baka ayoko lang talagang mawala sa pagiging kanang kany ni Ella?
Napasampal nalang ako sa'king sarili. Bakit ko ba kasi iniisip ang posisyon bilang kanang kamay nya? Ano naman kung mapalitan ako? Mas okay nga yun 'e.
"Astre?" Napalingon ako sa'king harapan.
"Mixie..." Ngayon ko nalang ulit sya nakita.
"Ayos kalang? Namumula ang pisngi mo." Tanong nito habang papalapit sa'kin. Napahawak ako sa'king pisngi,masyado yatang napalakas ang pag-sampal ko.
"Ahhh...wala 'to." Tumango nalang ito.
"By the way,alam mo na ba yung susunod na laro?" Agad akong umiling.
"Walang nababanggit si Ella about sa susunod na laro." Napabuntong hininga ito.
"Masama ang kutob ko sa susunod na laro dahil hindi sinasabi ni Ella sa'tin kung anong klaseng laro ang mangyayari."
"Tama ka,kaya mas mabuting mag-handa ta'yo." Ngumiti ito. Yung ngiting matagal ko ng gustong makita.
"Mas mabuti nga 'yun." Biglang tumahimik ang paligid.
Simula ng sibihin kong mahal ko pa rin si Mixie masyado na kaming naging awkward sa isa't isa pero mas lumuwag ang pakiramdam ko dahil nasabi ko ma kay Mixie ang nararamdaman ko.
"Mauuna na'ko." Paalam nito. Pipigilan ko pa sana sya kaso bigla kong nakita si Angel mula sa dulo ng hallway.
'Ng makaalis si Mixie agad kong sinundan si Angel para tignan ito. Nabanggit kasi sa'kin ni Kevin na bihira na nyang makita si Angel kaya nag-aalala ito.
"Sigurado kaba sa gagawin mo?" Tanong ni Angel.
Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang kausap nito.
"Oo,at wala nang atrsan 'to."
"Paano kapag nahuli ka nya?"
"Hindi naman ako tanga para mangyari 'yun tsaka tutulungan mo naman ako hindi ba?" Hinawakan nito ang kamay ni Angel kasabay ng pag-halik nito sa kanyang labi.
What the--! Anong ginagawa ni Angel?! Niloloko nya ba si Kevin?! Kaya ba hindi na sya nakikipagkita kay Kevin dahil may ginagawa syang kalokohan?
Dapat 'tong malaman ni Kevin bago pa mahuli ang lahat.