Chereads / BLACK ROOM / Chapter 8 - CHAPTER 6

Chapter 8 - CHAPTER 6

Chapter 6: Top 10

Astre's Point Of View

Nakanganga lang si Kevin habang nakatingin sa'kin. Sapak 'to sa'kin kapag wala syang naintindihan sa mga sinabi ko.

"Nakuha mo ba yung sinasabi ko?" Tanong ko.

"Sigurado ka ba talaga jan ha?" Nakahinga ko ng maluwag dahil nakuha nya ang ibig kong sabihin.

"Mukha ba'kong nagbibiro?"

"I mean,delikado yung gagawin natin Astre." Bahagya kong tumawa kasabay ng pag-iling.

"Paano natin malalaman kung hindi natin susubukan?" Nakangiti kong sabi.

Hindi ko alam kung anong plano ni Ella dahil sya lang ang nakakaalam no'n kahit sila Ivan hindi rin alam kung anong takbo ng laro ni Ella kaya balak kong alamin kung anong gagawin nya.

Alam kong may plano sya na hindi tutugma sa larong 'to at masama ang kutob ko sa plano nyang 'yon.

"Find the truth and i will lead you to the victory." Naalala ko ang linyang hilig nyang sabihin. Lagi nya 'yong sinasabi habang nakatingin sa mga mata ko.

"Hindi maganda ang kutob ko sa plano mo Astre."

"Mag-tiwala kalang." Tinapik ko ang balikat nito. "See you sa filled."

Hindi ko man natapos ng maayos ang laro ko noon handa kong tapusin iyon ngayon para hindi muling mabuksan ang Black Room.

-------

Habang nag-lalakad ako sa hallway sobrang lamig ng paligid ko. Walang tao o ano mang ingay ang maririnig sa buong Campus,lahat kasi ng mga estudyanteng naligtas sa unang laro ay nagpapahinga sa kanilang dormitoryo at ngayong araw rin ia-announce ang top 10.

Kapag nakapasok ka sa top 10 malaki ang chansa mo na makaligtas sa impyernong 'to dahil may alas ka para makausap ang Head of the Game—si Ella. At yun ang plano ko,ang makapasok para malaman ang mga plano ni Ella. Mas mataas na ranggo,mas mataas na chansa.

"Astre!" Biglang nagsitaasan ang mga balahibo ko ng lumapit ito sa'kin habang umiiyak.

"M-Mixie...bakit ka umiiyak?" Inayos ko ang buhok nito na nakakalat sa kanyang mukha. "Anong nangyari? Ayos kalang ?" Hindi ko maiwasang mag-alala kay Mixie.

"S-si Ella...pinatay nya si Bryan." Hindi ko alam pero parang may kung anong pumipiga sa puso ko. Kaya ba sya umiiyak dahil ro'n? "Wala na si Bryan...wala na sya." Iyak parin sya ng iyak.

Kusa nalang gumalaw ang katawan ko para yakapin ito. I should be happy dahil wala na'kong karibal kay Mixie pero hindi ko maiwasang maawa dahil alam ko kung ga'no kamahal ni Mixie ang walang kwentang lalaking 'yon. "Bakit? Bakit nagawang patayin ni Ella si Bryan!?" Sigaw nito. Rinig sa buong hallway ang iyak ni Mixie.

"Shhhh....tahan na,kakausapin ko si Ella."

"Hindi na mabubuhay si Bryan kahit anong gawin mong pag-usap kay Ella. She already fucking killed my boyfriend!" May diin sa pagsasalita ni Mixie.

Alam ko,alam kong wala na'kong magagawa pero handa kong maging panakip butas para malunasan ang nararamdaman mo ngayon Mixie.

Kumalas ako para punasan ang luha nito na patuloy na umaagos.

"Don't cry,nasasaktan ako kapag nakikita kitang umiiyak." Bulong ko.

"What did you say?" Hindi ko namalayan na narinig pala nya ang sinabi ko dahil sa reaksyon nya.

Ayoko nang lokohin ang sarili ko,alam kong napakatanga ko pero hindi ko parin maalis sa isipan ko si Mixie,Yes,I still love her and that's why i fucked up.

"But--" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito dahil agad kong hinalikan sa labi si Mixie.

I know she loves me too dahil ramdam ko 'yun sa mga halik nya.

Napahawak nalang ako sa'king pisngi ng sampalin ako nito.

"Astre,baliw kaba?!" Iritang sabi nito. "What the hell are you doing?!" Bahagya 'kong tumawa. "Paano kapag ta'yo ni Ella yung ginawa mo?! Gusto mo bang mamatay ta'yomg dalawa?!" I forgot,ang pagkakaalam pala ni Mixie na girlfriend ko si Ella.

"Actually about that,hindi ko kilala si Ella nung hinalikan ko sya,kusa nalang gumalaw ang katawan ko para halikan sya dahil ayokong mapahiya sa harapan ng maraming tao,ayokong mag-mukhang tanga dahil sa ginawa mong panloloko sa'kin Mixie." Nanlaki ang mata nito at napahawak sa kanyang bibig.

"A-anong--"

"Please Mixie...let me love you again." Napatingin kami sa likod ni Mixie ng may marinig kaming tumawa.

"What a scene." Naging blanko ang mukha nito ng lumapit sya sa'min. "Tapos naba ka'yo?"

"Ella.." Nanginginig ang katawan ni Mixie.

"Kung tapos na ka'yo pwede bang pumunta na kayo sa filled? Masyado na 'kong nababagot kakaantay sa inyo." Tumalikod na ito sa'min. "Bago ko pala makalimutan,condolence Mixie." Muli itong lumingon kay Mixie habang nakangiti.

Hindi sumagot si Mixie. Biglang bumilis ang puso ko ng tumingin ito sa'kin,walang emosyon sa mga mata nya ng tignan nya 'ko.

"Mauuna na'ko."

Nakakabingi ang katahimikan ng umalis si Ella. Ang sama ng presensyang dala ng babaeng 'yun.

"Pumunta na ta'yo sa filled,baka kung anong gawin ni Ella kapag nag-tagal pa ta'yo dito." Tumango nalang ako sa sinabi ni Mixie.

Kanina pa kaya sya nandito? Nakita kaya lahat ni Ella?

"Good Morning Ladies and Gentlemen,nasa'kin na ang listahan ng Top 10." Walang kung anong ingay ang narinig sa paligid. Napairap nalang si Ella. "Kapag nakapasok ka'yo sa Top 10 there's a big chance na manalo ka'yo dahil marami kayong malalaman bilang miyembro ng Top 10."

Nag-simulang mag-ingay ang mga estudyante sa paligid. Kahit ang mga lider walang alam kung sino ang Top 10 kaya pati kami ay kinakabahan.

"Makikita nyo mamaya sa big screen kung sino ang mga miyembro ng Top 10 and guess what? Kung sino ang magiging miyembro ng Top 10 yun ang magiging bagong miyembro ko.Kaya lahat ng lider ay wala ng tungkulin ngayon dahil lahat ka'yo ay pantay-pantay na. Congrats in advance sa mga magiging bagong lider ng inpyernong ito." Pinatay na nya ang mic bago umalis.

Naiwan kaming nakatanga dahil sa sinabi ni Ella. Ibig sabihin may bagong miyembro ang tatayo.

"What the hell?" 'Ika ni Ivan.

"Alam kong may pinaplano na naman sya." Bulong ni Ryu.

"Alam mo ba kung ano 'yun?" Tanong ko. Agad namang umiling si Ryu.

"Walang nakakaalam ng plano nya." Singit ni Trevor. "Pero sa tingin ko kalahati satin ang masasali sa Top 10."

"Sa tingin ko rin,kilala na ta'yo ni Ella kaya alam nya kung anong babagay sa'tin." Muling bigkas ni Ryu.

"'Wag ka'yong pakampante." Napatingin kami kay Raphael. "Kilala nga ka'yo ni Ella pero walang nakakaalam sa'tin kung sino ba talaga sya kaya sa tingin ko may binabalak sya sa'tin."

"Kung ano man 'yun,mas mabuting maging handa nalang ta'yo dahil mapanganib ang babaeng 'yun." Singit ni Mixie.

"Tama si Mixie,mas mabuting maging handa ta'yo." 'Ika ko.

Sabay-sabay kaming napatingin sa isang malaking screen. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino ang nasa Top 10.

"Ang Top 10." Bulong ko.

Nasa pang-sampung listahan ang pangalan ni Trevor,pang-siyam naman ang pangalan ni Raphael at tatlong estudyante naman ang nakalista sa pang-walo hanggang pang-anim na ranggo. Nasa pang-limang ranggo ang pangalan ni Angel ang girlfriend ni Kevin,sumunod ay ang pangalan ni Ryu at pangatlo ang pangalan ni Mixie at nasa pangalawa ang pangalan ko.

Hindi na'ko nagulat na nasa pangalawang ranggo ako dahil kanang kamay ako ni Ella pero....si Kevin,sya ang nangunguna sa listahan ng Top 10 at si Angel,hindi ko akalain na makakapasok sya.

"Anong kalokohan 'to?" Bulong ni Ivan. Halata sa mukha nito ang galit at inis.

Naiintindihan ko sya dahil mahirap ang mawala sa pagiging lider dahil anytime pwede ka ng mamatay.

Pasok ako sa Top 10 pero parang may mali sa mga pakiramdam ko. Masaya ako para kay Kevin dahil nangunguna sya at napaka taas ng chansa na makaalis sya sa impyernong ito,gano'n rin kay Angel pero parang may mali.

Kailangan ko syang makausap.