Chereads / BLACK ROOM / Chapter 6 - CHAPTER 4

Chapter 6 - CHAPTER 4

Chapter 4: Rules

Ella's Point Of View

Isang gantimpala sa'kin ang makapasok sa Campus na ito. Maraming takot ang bumabalot sa paaralang ito dahil sa isang lalaking tumuklas ng isang misteryo mula sa isang silid—ang Black Room.

Isang silid na puno ng kasinungalingan kaya kailangan hanapin ang katotohanan para makatakas ka sa kamay kamatayan.

Isang tao ang may hawak ng susi at ako 'yon,ako ang magko-kontrol sa larong gusto ko pero hindi ako ang magtatapos ng larong sinimulan ko.

Meron akong pitong miyembro at yun ang mga lider na dating hawak ni Astre,ang lalaking tumuklas sa Black Room. Kada isang lider ay bubuo ng kanilang miyembro. Swerte ka kapag napili ka nila dahil pwede ka nilang iligtas pero kung wala kang grupo sarili mo lang ang kakampi mo dahil wala kang pagkakatiwalaan sa lugar na 'to.

Nasa akin ang katotohanan at kami-kami lang ang nakakaalam no'n kaya alam namin kung sino ang papatayin.

"Andito kalang pala." Agad akong napatingin sa likod at nakita ko si Raphael.

"Nakuha nyo na ba lahat?"

"Oo,may iba na ayaw ibigay ang phone nila kaya sinaktan sila ni Mixie." Natatawang sabi nito. Hindi na'ko magugulat,that girl is a bitch.

"Mamaya na mag-sisimula ang unang laro kaya mag-handa na ka'yo."

"Sure." Ngumiti ito at umunat. "Hindi ko akalain na muling mag-bubukas ang silid na ito,napakasarap sa pakiramdam na nag-balik ang lahat sa dati."

"Mukhang nabitin ka sa pamamahala ni Astre noon?"

"Actually nag-enjoy ako,nung una natatakot ako dahil biglaan ang pangyayari pero marami akong natutunan,thanks to Astre,binago nya 'ko,lahat kami,binago ni Astre."

"Yeah,thanks to him." Napatingin sa'kin si Raphael. "Bakit ka ganyan makatingin?" Bahagya itong napailing.

"Nothing,sige na,mauuna na'ko. Kita nalang ta'yo sa filled." Tumayo na ito."Bye." Tumango nalang ako bago ito umalis.

Bigla kong naisip yung araw na hinalikan ako ni Astre. Unang araw ko nun dito sa Campus at papunta na'ko nun sa klase ko ng makita ko ang mga nagkukumpulang estudyante sa hallway. Nakita ko no'n si Astre pati si Mixie at yung lalaki nya. Wala 'kong naririnig sa mga pinaguusapan nila dahil ang ingay ng paligid ko,hanggang sa namalayan ko nalang na mag-kadikit na ang labi namin ni Astre. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko no'n at parang may kung anong kuryente ang dumadaloy sa katawan ko. Hindi ko pa alam na sya ang tinutukoy nila Mixie na dating bumukas ng Black Room at hindi ko rin alam na hanggang ngayon pala ay mahal nya parin si Mixie. Napakatanga nya talaga.

Hindi na sya nadala kay Mixie. Sa dinami-dami ng magagandang babae at hindi bitchesang katulad ni Mixie,sa babaeng yun pa talaga sya nahulog? Kung ako sa pwesto nya matagal ko ng pinugutan ng ulo ang babaeng 'yon.

"Andoon na lahat ng estudyante sa filled." Napahawak ako sa'king dibdib. Bitch. "'Wag kang paimportante."

"Susunod na'ko." Inirapan lang ako nito at muling umalis. "Wala talaga syang pasensya." Don't expect na magiging anghel pa si Mixie. Baka mahiya pa si Satanas sa kademonyohan nya.

Tumayo na'ko para pumunta sa filled. Hindi ko maiwasang napangiti. Umaayon lahat sa plano ko.

Nakatayo sa harapan sila Astre. Mukhang handa na sila. Dumiretso ako sa mikropono.

"Ladies and gentlemen,welcome to hell." Nakangiti kong sabi. Napatingin ako sa paligid. Mukha silang daga na kakainin na ng pusa,syempre ako ang pusa. "Natutuwa ako sa katapangan nyong lahat dahil pagkatapos ng tatlong taon na nangyari sa paaralang ito nakuha nyo paring pumasok dahil kampante na kayo na tapos na ang lahat pero nagkakamali ka'yo. Ngayon na magsisimula ang larong papatay sa inyo,nasa tabi nyo na si kamatayan,nasa inyo kung sasama ka'yo o hindi. Tapang at talino ang kailangan nyo sa larong 'to,kuryosidad ang papatay sa'yo,maniwala ka sa sarili mo at 'wag mong pakikinggan ang sinasabi ng iba dahil wala kang mapagkakatiwalaan sa lugar na'to." Umingay ang paligid,takot na takot ang mga mukha nila. "Pero symepre ayoko namang maging sobrang sama sa mga paningin nyo kaya gusto kong ipakilala sa inyo ang nga lider na magiging kakampi nyo,pipili sila ng mga estudyante para maging miyembro ng grupo nila,swerte ka kung mapipili ka nila dahil may kakampi at may magliligtas sa'yo pero kung malas ka talaga,iligtas mo nalang ang sarili mo at kung wala ka nang pag-asa at gusto mong sumuko na kay kamatayan sabihin mo lang sa'kin,handa 'kong patayin ka para wala ka ng problema."

Hindi ko maiwasang matawa,nakakatuwa ang mga mukha nila,mukha magiging matagumpay ang plano ko.

"The game is now starting,find the truth and i will lead you to the victory."