Chapter 51 - 51

Ilang segundo muna kaming nagtitigan bago ko siya nakitaan ng reaksiyon. Ang dating mga mata na puno ng simpatiya ay napalitan ng pagkabigla at pagkamangha na kalaunan ay naging larawan ng isang taong animo ay pinagsakluban ng langit at lupa. His face turned pale, his palms formed into fists, and his eyes burned in tears.

"What did you say?" he whispered while piercing me with his red eyes.

"Nagkaanak tayo."

Kumurap ito ng ilang beses na parang pinoproseso pa rin ang narinig. Yumuko ito at sinapo ang ulo. Nang mag-angat ito ng mukha sa akin ay muntikan na akong mapaatras dahil sa kakaibang lamig na nagmumula rito. Yanig pa rin ang mukha na mabilis itong tumayo at naglakad papunta sa akin. He gently held my face in his cold hands and asked again in a trembling voice.

"We have a child, Karina?"

Dahan-dahan akong tumango. "Had is a better term. We had a son, Cholo."

"W-What?"

I blinked the tears away. "E-Errol. Our little boy's name is Errol. He's almost two years old. He's very bubbly, very very bubbly little boy." Ngumiti ako sa kawalan at inalala ang mukha ng namayapang anak. "And he loves dogs... very much." My voice broke so I cleared my throat. The tears are already stinging my vision. "He looks so much like you. At eto pang nakakatuwa, alam mo ba na noong lumabas na siya, akala ng lahat na foreigner ang ama niya. Ang guwapo niya eh. Nakuha niya lahat sa iyo. Walang tinira sa akin. Ang unfair nga 'no? Ako ang nagpakahirap umire tapos lalabas lang siyang replica mo. Anyway, h-he's beautiful so... so... so beautiful. Maliit nga lang siya kasi kulang talaga ako sa nutrisyon noong nagbubuntis ako. Ang liit niya. Ang liit ng anak natin kasi nga alam mo na... kulang sa pagkain, sa vitamins. Gusto ko nga sanang manganak sa ospital kaso wala eh. Kapos na kapos ako noong panahong iyon kaya pasensiya na. There was this time too th—"

Hindi na niya ako pinatapos sa pagsasalita. He pulled me into his arms and hugged me as tight as possible.

"Oh God... Oh God... What have I done. What I have done... I'm sorry, Karina. I'm so sorry, wife."

And I heard that word again. Someone is saying sorry to me again.

I hate it.

I abhor it.

I loathe it.

Nagpumiglas ako palayo rito at dinuro ang luhaang mukha ng asawa.

"Don't you dare say that word again! I hate it! I fucking hate is so much! I've heard enough of it from today. I heard it from your mom, from Elizabeth. Lahat sila ay sorry lang ng sorry sa akin. Ano iyon? Maibabalik ba nila ang buhay ni Errol? Maibabalik ba ng sorry ni Elizabeth ang buhay na kinuha niya?! Yes, my dear husband. That's one of the reasons why I came back. It's not because of you, sorry to disappoint you. It's because I wanted to see the murderer of our son and crush her. Kaya ganoon na lang ang gulat ko nang malaman kong karelasyon mo pala ang mismong pumatay sa anak natin. That afternoon... That one fine afternoon, out of nowhere, she... s-she... she ran us over with her expensive car." Hinawakan ko ang dibdib nang magsimulang magsikip ito. Tinakbo ko ang alak na naiwan ko sa sahig at uminom dito bago muling binalikan ang asawa na bumalik ang gulat sa mukha. "You have been the pawn, Cholo. I used you because you have your connection with the Asturias which I can exploit. Ymir is your friend. I can use you against him. Elizabeth loves you. I needed to have you back to hurt her. Nagawa ko lahat iyon pero tangina... Bakit pakiramdam ko kulang pa ang nagawa ko?! Bakit hindi pa sapat? Bakit hindi ako makontento?! Kulang pa. It's like I can still do more. I'm lusting over killing them!"

Inubos ko ang laman ng alak at inihagis ang bote sa sahig. Lumapit ako sa isang eskaparate at pinagkukuha ang anumang mahawakan ko at pinagtatapon sa kahit saan. I shouted at the top of my lungs and ran back in front of Cholo.

"Buhay lang nila ang nasira! Iyong anak ko.. My poor baby boy's life was gone because of them! Alam mo ba kung anong klase ng sakit ang araw-araw na dinaranas ko sa katotohanang patay na ang anak ko?! Noong umagang iyon, nasa mga bisig ko lang siya, Cholo! Dumedede habang karga ko, ngumingiti sa akin! But in just a split of a second, he's gone! Kasabay nun ang tuluyang pagkamatay ko. I am just a human being without a soul. I became a hollow Cholo all because of the woman you cared so much who happened to kill our child!"

Kinuwelyuhan ko ang asawa na hindi pa rin tumitinag sa pagkakatayo at tulala lang na nakatingin sa akin, ang mukha ay basa na rin sa luha.

"Ngayon sabihin mo uli sa akin kung dapat ko ba siyang kaawaan. Sabihin mo sa akin ngayon kung hindi ba siya nararapat sa kaparusahang iginawad ko sa kaniya?" anas ko. Hindi ko na siya maaninag dahil sa mga luha na bumubulag sa akin. "Pasalamat sila at iyon lang ang ginawa ko. Walang dumanak na dugo. I didn't kill anyone of them. Pasalamat sila at nakapagpigil pa ako dahil sa iyo. Kasi kahit ilang ulit kong kumbinsihin ang sarili na hindi makaramdam ng kahit na ano sa iyo, nahulog pa rin ako sa iyo. Pesteng puso. Tangang utak. How I wished I didn't ever meet you."

I pushed him away but he didn't let me. Kinabig niya ako palapit at ibinaon ang mukha sa leeg ko. Suminghot ito at hinagod ang likod ko. I felt warm tears on my neck, his arms around my waist. I tried stepping back but he just kept me so close to his body so I just punched him in his chest while crying. I did it twice, thrice, countless of times until I have no energy to raise my hand. Hindi ito kumilos. Yakap lang niya ako habang patuloy na nababasa ang leeg ko ng kaniyang luha.

"Come on. Saktan mo pa ako. Kulang pa iyan. I deserve all of it. Take it on me, Karina... Please."

Ibinaba ko ang kamay at hinayaan ang sarili na makulong sa init ng yakap nito.

"No, I won't 'cause it wouldn't change a thing," bulong ko. "Wala kang kasalanan. Patay na iyong anak ko at wala ka nang magagawa pa. Wala na, Cholo. Pinatay na siya nang pinakamamahal mo at hinayaan naman ng mama mo na makawala siya."

Naramdaman ko ang paninigas ng katawan ni Cholo. Tumigil ito sa paghagod ng likod ko at parang kahoy na hindi ito nakagalaw. I took advantage of it and pushed him forcefully. Hinang-hina na pinilit ko ang sarili na maupo sa sahig at isinandal ang ulo sa sofa. Pumikit ako at tumitig sa mataas na kisame kasabay ang paghahabulan na naman ng mga luha ko.

"After I b-bury our son, I visited Elizabeth in the police station only to be told that she will be freed at the command of your own mother." Napapalatak na lang ako habang binabalikan ang mapait na araw na iyon. "I know she didn't know that Errol is my son, her grandson, pero hindi iyon excuse para gamitin niya ang kapangyarihan niya para kalungin ang isang kriminal. If it's not me and Errol in that situation, it'll be another mother who will lose her sanity. Hindi ko nga alam kung bakit pa niya nagawa iyon. Matatanggap ko pa kung ang mga Asturia kasi sanay na ako sa kanila but for your mother to do that, nah... it's like fate is playing its dirty tricks again. Bakit sa lahat ng mga taong maaring tumulong kay Elizabeth, bakit siya pa? Bakit siya pa na mismong lola niya?"

Nagbuntunghininga ako at pagod na umahon sa pagkakaupo at lumipat sa sofa. Doon ko na tiningnan ang asawa na nakatulala lang na nakatingin sa akin, basa pa rin ang mukha sa luha at walang bahid ng Cholo na kilala ko na malakas at pinangingilagan bilang negosyante. He's just an image of another man who is in utter despair as if his spirit has been pounded into very tiny pieces. His light has died down, obviously having a hard time accepting everything I poured out.

Pinanood ko ang unti-unti nitong paglapit sa akin, laylay ang balikat at walang lakas ang mga tuhod. He stopped a meter before me and moved his hand towards me but took it back a second before it reached me like he was embarrassed. He slowly sat on the floor with his head down while his hand traveled to my feet. He only managed to touch my toes with his finger.

I shivered at the cold contact. Wala sa loob na iniatras ko ang mga paa, itinaas sa sofa at niyakap ang mga binti. Cholo just stared at the spot where my feet were resting and looked down again in shame.

Hindi na ito nagtangka pang hawakan ako at tahimik lang na tumitig sa kawalan.

"I'm lost for words," mayamaya pa ay basag nito sa nakakangilong katahimikan. "Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. I don't know how to process this information and my emotion right now. I don't know what to feel first. Walang paglagyan ang galit ko pero hindi ko alam kung papaano ito ilalabas. I'm barely holding on right now." Ikinuyom nito ang mga nanginginig na kamay at nagbuga ng hangin. He glanced at me shortly before bowing his head again. "I could kill them for this. I will kill them for this," he said in an unconcealed madness. "As a son, I've been so proud of my mother but this... this is the first time that I'll be able to say how unlucky I am to be her son. I didn't have the chance to protect you and.. and our son. What's h-his name again?"

"Errol."

"Errol," ulit nito na animo ninanamnam ang tunog ng pangalan ng anak. "I bet he's a very adorable child."

"Yeah and a very bubbly kid."

"He's handsome too?"

"Sobra. Malambing din s'ya."

"And he looks like me."

"Carbon copy."

Cholo broke in a sob. Nag-iwas ako ng tingin dahil sa biglang tadyak ng kurot sa dibdib ko.

"Karina, can you forgive me? Can h-he forgive me? Can our son, Errol, ever forgive his jerk father for failing to protect him?"

Tumayo ako at pinunasan ang mga luha.

"Nasabi ko na ang kailangan kong sabihin. I'm going."

Hinagip niya ang palapulsuhan ko at tumingala sa akin, bakas ang ibayong pagsisisi sa mga mata nito.

"No, don't leave..." Bumaba ang tingin niya sa nakabenda kong kamay at parang napapasong binitawan ako. "I'll drive you wherever you want."

His eyes were pleading, requesting, begging for me to nod and say yes. Hinila ko ang kamay palayo at umatras ng dalawang hakbang. Rejection filled his eyes.

"Iiwan ko sa iyo ang karapatan na bigyan ng hustisya ang anak natin. Continue what I've started. My lawyer will coordinate with you."

Tumalikod ako baon ang pakiramdam na hindi ko pa nararamdaman kahit kailan. Iyong pakiramdam na alam mo namang pagsisisihan mo sa huli pero gagawin mo pa rin kasi ito na lang ang natitirang rasyonal na bagay sa mundo.

"I love you, Karina. Thank you for bearing our child. I promise that I'll make it right this time. I will never ever abandon you. I'll be with you forever. I will never... ever give up on us, wife."

My hand tightened its grip on the hem of my dress. I shut my eyes and before I could even think, I turned back around and ran to Cholo. Kneeling, I hugged him from behind and kissed his head. Hinawakan naman nito ang kamay ko at dinala sa bibig nito.

Agad din naman akong bumitaw at tumakbo palabas ng mansiyon papunta sa naghihintay na kapatid ko na nakasandal sa nakasaradong pinto ng kotse. Umayos ito ng tayo nang makita ako.

"Tapos na?" tanong nito sa nag-aalalang boses.

Mahina akong tumango at malungkot na ngumiti rito.

Ibinuka nito ang mga bisig sa akin. "Then let's go home."

I closed our distance to embrace him and cried hard. I felt him kiss my head while he calmed me down.

"You did the right thing," he assured me.

I nodded and continued weeping.

I know, but I felt like another part of me had died over and over again.