Chereads / The Wicked Mrs. Gastrell (R-18) - Tagalog / Chapter 56 - 56 (last chapter)

Chapter 56 - 56 (last chapter)

Para kay Cholo Gastrell,

Walang kasiguraduhan kung mapapasakamay o mababasa mo pa ito Cholo pero nagbabakasakali lang ako tutal ito na ang huling bagay na makukuha mo mula sa akin.

Pasensiya ka na dahil hindi ako nakapagpaalam sa iyo. Please 'wag mong isipin na iniwan kita. Oo, aaminin ko na pinag-isipan ko noong una pero binawi ko agad kasi hindi ko pala kayang iwan ka. Naipit lang ako. Wala akong magawa. Isang hamak na babae lang ako. Kayang-kaya nila akong tirisin, hamakin, at pahirapan.

Siguro may ideya ka na na may damdamin na ako para sa iyo. Alam ko naman kasing hindi ako magaling magtago ng nararamdaman ko. Minahal kita, Cholo. Sana maniwala ka at tanggapin ang pag-ibig ko kahit isang segundo lang. Wala man akong ibang pwedeng pagkomparahan ng damdamin ko pero alam ko sa sarili ko na mahal kita. Mahal na mahal kahit tuluyan mo na akong inabandona, kahit hindi mo ako pinagkaabalahan pang bigyan ng isang sulyap na para bang ang isang tulad ko ay hindi karapat-dapat na makausap ka.

Nasaktan ako nang sobra noon. Pero nakabawas ba iyon sa pagmamahal ko sa iyo? Hindi kahit kaunti kasi binigyan mo naman ako ng isang napakagandang regalo na nagpabago ng buhay ko. 

Siguro nagtatanong ka na ngayon kung bakit ko pa isinulat ito. Siya ang dahilan. Ang anak natin ang dahilan kasi gusto ko siyang ipakilala sa iyo. Ang pangalan niya ay Errol. Sa totoo lang, hindi ko na siya kayang pag-usapan kasi napakasariwa pa ng mga sugat pero para sa iyo ay gagawin ko. Anak mo siya. 'Wag mo sanang itanggi, pakiusap. Kamukhang-kamukha mo ang anak natin. Gwapo, maputi, sobrang tangos ng ilong. Lahat ng sa kaniya ay nakuha niya mula sa iyo. May mga larawan akong itatabi kasama ang sulat na ito para malaman mong hindi ako nagsisinungaling.

Alam mo, plano ko talagang ipakilala siya sa iyo ng personal kaso kagaya nina tatay at ni Diego ay kinuha rin siya sa akin. Inilibing ko siya kanina. Cholo, wala ng natira sa akin. Wala na silang lahat. Iniwan na nila ako. Nang-iwan na naman sila. Wala nang naiwan para sa akin.

Siguro iisipin mo na duwag ako dahil sa gagawin ko. Tatalikuran ko ang lahat pati ang buhay ko pero kasi naman Cholo, sila ang buhay ko. Sa kanila na umikot ang lahat ng sa akin. Nang mawala sina tatay, para na akong mamamatay mabuti na lang ay dumating sa akin si Errol. Kinulayan niya ang buhay ko. Binigyan niya ako ng pag-asa kaya ngayong wala na siya, para na rin akong namatay. Wala nang silbi ang lahat. Hindi ko na kayang magpatuloy pa kaya pasensiya na kung hindi ko na maiaabot itong sulat sa iyo.

Pasensiya na Cholo kasi hindi ko na kaya. Sobra na ang sakit. Hindi ko na kaya ang bigat. Hindi ko na kayang mabuhay pa. Tama na ang sakit. Mas mabuti na ang ganito. Ayoko na. Susundan ko na ang anak natin.

Hiling ko lang sa iyo na sana ay bisitahin mo ang mga puntod namin. Kung hindi kalabisan ay baka pwedeng dalhan mo na rin kami ng bulaklak. Sana kausapin mo kami kahit ilang sandali lang. Iyan ay kung mababasa mo ito. Aasa ako na matatagpuan nila ang sulat na ito at ibibigay sa iyo para sa huling ugnayan nating dalawa kahit wala na ako.

Salamat at kahit sa kaunting panahon na nagkasama tayo ay pinaramdam mo sa akin na may halaga ako. Ipinakita mo sa akin ang isang mundo na napakalayo mula sa nakasanayan ko. Sa unang pagkakataon ay naging malaya ako kahit sandali na kapiling ka. Pangarap lang kita noon, eh. Hanggang tanaw lang kita noon kaya hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na nagkausap ito. Tinuring mo akong hindi iba sa iyo, pinangalagaan, at ibinigay ang mga pangangailangan.

Sana ay 'wag mo kaming kalimutan, ha. Gusto ko pang mabuhay sa alaala mo kahit man lang sa iilang mga tagpo nating dalawa. Sana maalala mo ako kapag umuuwi ka sa Cerro Roca. Ikumusta mo ako sa mga kababayan natin. Ikumusta mo ako sa lahat kahit sa tahimik na paraan lang.

Gusto ko sanang makita ka pa pero alam kong huli na ang lahat kaya dito ko na lang ipapaabot sa iyo ang huli kong pamamaalam.

Sana sa susunod na magkita tayo ay hindi na masyadong maging marahas ang tadhana sa atin. Sana kung may susunod pa na buhay ay ipanganak ako sa isang kumpleto at masayang pamilya. Sana kung mangyari man iyon ay magkapantay na ang katayuan natin sa buhay para maging malaya na ako na mahalin ka.

Mahal kita, Cholo.

Paalam

Pinunasan ko ang mga luha bago maingat na itiniklop ang papel na naninilaw na sa haba ng panahon na nagdaan. Bakas pa rin dito ang mga tuyong luha sa pahina nito. Ibinalik ko na ito sa lalagyan at nag-angat ng tingin sa kama kung saan mahimbing na natutulog ang asawa.

Ikalawang beses ko pa itong nababasa magmula nang ibigay ito sa akin ni Zen noong gabing nalaman ko ang lahat. He told me about how he found the letter stashed on a wallet of Karina with my stolen picture and Errol's pictures after she unsuccessfully committed suicide after our son's death. Mabuti na lang at nailigtas ito nina Zen at ng kaibigan ko na si Maverick na noon ko lang nalaman na may kaugnayan pala kay Karina. He knows from the very start about the Karina I am talking about during our drunken sessions.

That fact alone hardened my decision to not go after Karina. Iyon din ang dahilan kung bakit ibinigay ko ang annulment na gusto nito kahit alam ko sa sarili kong hindi ko na makakaya pang magmahal uli ng iba. I know I will be alone forever the moment I signed those papers. I have accepted that so I just started living my life like that.

I thought to myself what a lucky bastard I am for her to still go back to me. And for that, I will make sure to always make her happy until my last breath.

"As you know, Karina is an Alcantara. Matagal na rin namin siyang hinahanap mula ng malaman namin na may kapatid kami. Magkaiba ang mga ina namin pero minahal at itinuring ko si Karina bilang tunay na kapatid ko. I could have easily taken her away from you but I didn't. I let her be. I gave her the freedom. Impiyerno ang dinanas ng kapatid ko Cholo ng dahil sa iyo pero kakalimutan ko iyon dahil ikaw ang pinili at mahal niya. Kaya aasahan kong ipaparamdam mo sa kaniya ang lahat ng magagandang bagay sa mundong ito, Gastrell. Make her cry at least once again in this lifetime and you'll know what will become of you. Ihahanay kita at ang buong pamilya mo sa mga Asturia."

Hindi ako natinag mula sa pagkakasalampak sa dulo ng boxing ring at sinalubong ang malamig na mata ng bayaw.

"Makakaasa ka, Zen. If ever I've done something silly to make her cry again, I'm giving you the right to kill me."

I stood up from the floor to lie beside my wife who immediately hugged me. I kissed his head and stared at her peaceful sleeping state.

"I will make myself deserving of you, wife."

Niyakap ko siya nang napakahigpit sabay halik sa noo nito nang matagal.

"I love you," I whispered in her ear.

"Love you," she involuntary replied.

Napangiti ako at ipinikit na ang mga mata.

Marami pa kaming laban na kakaharapin. The case is still on going and the war between the clans of the Alcantaras and the Asturias are fast escalating.

Isa si Karina sa mga maiipit kaya gagawin ko ang lahat para protektahan ito at ang pagmamahalan naming dalawa.

WAKAS

***

Author's Note:

And we have come again to the end of another story my dear readers. I hope that you have enjoyed reading this story as much as I enjoyed writing it. Makakasama pa rin natin sina Cholo at Karina sa susunod ko pang mga nobela para sa pagpapatuloy ng labanan ng mga angkan ng Asturia at Alcantara.

See you again and thank you for your heartwarming comments and responses. Please share this story so others may be able to read it too. Thank you so much!