Chapter 41 - 41

"Don't continue what you're planning, Karina. Kapag ipinagpatuloy mo pa rin iyan, ano na lang ba ang magiging kaibahan mo sa angkan na kinamumuhian mo?"

I wiped off the tears on my face before glancing at the man beside me who barged into the mausoleum silently.

"Why do you care, Maverick? It's not like you'll be affected."

I reached for my son's frame in the wall and caressed it with my fingers.

"It's not like you experienced the kind of loss that I have experienced for you to say that."

Namulsa ang lalake at pinagmasdan ako nang matiim.

"Matalik na kaibigan ko si Cholo, Karina."

"At kamag-anak ko naman ang pinakamamahal na asawa mo." Ibinalik ko ang larawan sa dingding at hinarap ang lalake na isa sa mga nagligtas sa akin noon. "A metal can only be fought with a metal, Maverick. Kung ano man ang binabalak ko sa mga Asturia, labas ka na roon but I can't make a promise if the same would happen to your investment in Gastrell Global Conglomerate. I warned you already never to meddle with my plans but you still get yourself acquainted. I won't back out just because you told me so. My years of keeping myself sane would not be wasted because of your mere opinion. I wasn't built like that."

Naglaban ang mga mata namin. Nabasa ko na naman ang nakabalatay na awa sa mukha nito mula noong matagpuan niya ako sa loob ng munti kong bahay sa Sta. Barbara na nag-aagaw buhay.

"I was also like you. I was also revengeful against my father's murderers. Who wouldn't when they killed the very important figure of my life whom I dearly love. Like you, I am willing to do everything to give him justice. But I realized that it's not my duty to give him one. Let the nature take its course, Karina. Submit it to authorities."

"Nasasabi mo lang iyan dahil may ina at kapatid ka pa. You have Femella and your kids by your side. Ako? Wala nang natira sa akin kahit isa. This is it Maverick. This is the nature taking its own course through me."

Namulsa ito at iginala ang tingin sa buong lugar na pinuno ko ng mga larawan ng pamilya.

"Your family loves you, Karina. Zen would do everything for you. Femella loves you so much. Every night, she doesn't fail to mention to me how hard she's praying for each one of your clan to be free from all the bondages of your past. Nagawa niyang maging masaya sa kabila ng lahat at gusto niya ring maramdaman niyo rin iyon. She wants you to experience authentic happiness."

I bitter smile escaped my lips. Why is it so easy to hear these hopeful words from others other than my self?

"Seeing them suffer is my happiness, Mr. Fuentebella. You don't know how many nights I've imagined them kneeling and kissing my feet. Those months I spent in the facility will not go to waste. Even if you tell them about it, my plans will still proceed. Walang makakapigil sa akin. Kahit harangan man ng demonyo ang daanan ko, hindi ako magpapatinag." I stepped forward and looked up at the man who's still wearing that pity in his eyes while looking at me. "I won't step aside even if means going against you if you'll try to interfere with my plans."

"You know I can't, Karina. I am compromised, you know that. Kamag-anak ka ni Femella. Ibig-sabihin ay kapamilya na rin kita. Kaya kong isantabi ang lahat ng mga hindi magandang karanasan ng asawa ko sa kamay ng sarili niyang mga kadugo dahil iyon na rin mismo ang kahilingan niya sa akin. I'll do everything for her. I'll do everything my wife wishes. Pero kaibigan ko rin si Cholo. No matter where all of this will end up, I'm sure a number of people around us will still choose to do the right thing."

I didn't say anything. I just kept my mouth closed while mincing his words in my head trying to deduce about what he meant.

"Mab? Mab? Where are you?" tawag ng tinig ni Femella sa labas ng musoleyo.

Mayamaya pa ay sumungaw na ang magandang mukha nito at nakangiti kaming nilapitan. Sinalubong naman ito ng nagmamadaling si Maverick at inalalayan.

My cousin looks exceptionally beautiful with her flushed cheeks and red maternity dress while smiling at her husband. Natutok ang paningin ko sa malaki na nitong tiyan at hindi napigilan ang sariling mag-init ang gilid ng mga mata.

"What are you doing here without Abby? I told her to keep an eye on you. Mainit ang panahon. Wala ka ring payong. Baka mapano ka at ang mga bata," ang mahinang saway ni Maverick at ipinaikot ang mga braso sa asawa.

Tumawa naman si Femella at ipinaikot ang mga mata. "You are overreacting! Kasama ko naman si Trisha. Iniwan ko na lang muna siya kina mama at papa. Naiihi kasi ako. And Maverick, did you forget that this is our private cemetery and you brought your private guards with us? Nakakalat lang sila sa labas. Buntis lang ako, hindi imbalido."

Tumahimik na si Maverick at marahan na lang na hinagod ang braso ng asawa. Femella then looked at me and smiled.

"Kar, don't forget to come to our baby gender reveal party this weekend okay? You promised me, remember? Wala nang bawian! Hindi ka pwedeng mawala. You're one of the future ninangs of our little ones. Magtatampo ako kapag hindi ka nagpunta."

Tumango ako at tipid na ngumiti. "I will. Don't worry." Bumaba uli ang tingin ko sa tiyan nito at nagpakawala ng malungkot na ngiti.

Femella stepped towards me and hugged me to my surprise. Oo nga at civil naman ako sa lahat ng mga kamag-anakan pero wala pa sa kanila ang nagpakita ng ganito kainit na pagtanggap maliban sa kapatid ko na si Zen.

"You'll be alright, Kar. You'll be okay. Just keep pushing forward. It's the only way," bulong nito bago humiwalay. She went back beside Maverick and gave me a big smile.

"We'll be expecting you. And before I forget to remind you. Please no black clothes okay? Wear something light in color."

I smirked and shrugged my shoulders. "I'll try."

Sumimangot ito at hinaplos ang tiyan. "Your inaanaks will not like to see their ninang in black."

Doon na ako napangiti. "Ah, hindi pa nga lumalabas ay demanding na. It's a no no."

"Mana sa ina," nakangiting komento ni Maverick.

Proud naman na mas lumaki pa ang ngiti sa mukha ni Femella. "I will not try to appeal because that's the truth. Mab, naiihi na naman ako. Kar, una na kami. This weekend, ha. Maghihintay ako sa pinto para sa iyo," pahabol pa nito nang nasa pintuan na. Wala na akong nagawa kundi tumango sa kakulitan ng pinsan.

Nangingiti ko na lang na sinundan ng tingin ang papalayong mag-asawa na magkawak-kamay na nagpapalitan pa rin ng asaran.

What a lucky woman you are, Femella.

I admired her for being so forgiving towards her past. She didn't live through it. She lived past through it. Hindi niya hinayaan ang sarili na maging defining moment ng buong buhay niya ang nakaraan. Hindi kagaya ko na ginawang inspirasyon ang mga pinagdaanan para mabuhay sa kasalukuyan.

Isang oras pa akong naglagi sa musuleyo bago nagpasyang umuwi na. Pagbukas ko ng cellphone ay agad na pumasok ang sunud-sunod na missed calls at texts mula kay Cholo. Instead of answering, I turned off my phone again and put on my sunglasses. Sa harap ng kotse ay nag-aabang na sa akin si Celeste at Vishen.

Binuksan ni Vishen ang pinto para makasakay ako.

"Saan po tayo, Miss?" ang tanong ni Celeste nang makaupo na sa tabi ko.

I flicked my fingers in the air and stared at the two shining rings occupying almost half of my ring finger.

"To Cerro Roca. I need to visit an old friend."

"Copy that, Miss Karina."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

The place we've arrived into is a far cry from the progress of the city of Cerro Roca. Wala ang pamilyar na matataas na gusali at ang mga nakabihis nang magara na mamamayan. Ang pumalit ay ang mga sanga-sangang bahay sa taas ng isang polluted na parte ng dagat. A slum area in the face of one of the most progressive cities in the country. What a shame how the gap between the rich and poor demographics continues to widen each year.

"Ms. Karina, it'll be best if you stay in the car," pigil ni Vishen sa paglabas ko.

Itinaas ko ang kamay rito at umiling. "You must be forgetting that I came from this kind of living, Vishen. Hindi na bago sa akin ang ganitong lugar."

Tuluyan na akong lumabas sa sasakyan at nagsimulang maglakad. Celeste is on my side instructing me about the directions.

Nagkandahaba naman ang mga leeg ng mga tambay at mga nagkukumpulang mga ginang sa pagtanaw sa amin. Makipot ang daan at masangsang ang amoy ng paligid dahil sa mga nagkalat na basura at dumi ng hayop pero ipinagkibit-balikat ko lang iyon. I'm more than disgusted with the people responsible for the pitiful conditions in the area.

Narating namin ang dulong bahagi ng eskinita kung saan nakatayo ang isang pinagtagpi-tagping bahay mula sa yero at karton. Bukas ang trapal na pinto at kita ko ang isang halos buto't laman na matandang babae na nakahiga sa banig na nasa sahig.

Vishen took the initiative to call out if there's anyone in the house. Mayamaya pa ay lumabas ang isang bading mula sa likuran at tinanong kung ano ba ang kailangan namin. Halata ang pangingilag sa mukha nito nang sulyapan ang mga kasama naming mga bodyguards sa likod.

That's the time when I came forward and spoke to him. Rolling off my sunglasses, I smiled at my all time acquaintance who is unrecognizable anymore. Ang layo na nito si Missy na kilala ko. He's skinnier now, almost bald with the lines of hardship on his face.

"Magandang araw, Missy. Matagal din tayong hindi nagkita."

Nagkunot-noo lang ang lalaki at mataman akong pinagmasdan. "Sino sila?"

"Hindi na mahalaga pa kung sino ako. Narito ako para alukin ka ng isang trabaho. Mag-usap tayo sa loob."

Tumigas ang mukha ni Missy at itinaboy kami gamit ang mga kamay.

"Sinabi ko na sa inyo noong isang linggo na matagal na akong umalis sa trabahong iyan! Nagbago na ako. Ayoko nang maging parte ng sindikato. Matagal ko nang tinalikuran ang pagbebenta ng mga babae!"

Sinuyod ko ng tingin ang barong-barong kung saan natutulog pa rin ang isang matanda sa loob.

"Mabuti naman at hindi ka na pariwara ngayon. Masaya akong malaman na tuluyan ka nang nagbago. Missy, hindi ako naghahanap ng mga babae. Naparito ako para bigyan ka ng isang trabaho na hinding-hindi mo matatanggihan. Isang milyon. Bibigyan kita ng isang milyon kasama na ang bagong bahay at lupa. Ipapaospital ko rin ang ina mo. Iaahon kita sa lusak na kinalalagyan mo ngayon. Pagsilbihan mo lang ako at ibigay sa akin ang katapatang hinihingi ko."

Matagal akong tinitigan ng dating kaibigan na hindi makapaniwala sa naririnig.

"S-Sino ka ba? Bakit parang kilala mo ako?"

Ngumisi ako rito bago nagkibit-balikat. "Kailanman ay hindi ako naging makakalimutin lalo na sa mga kaibigan na pinakitaan naman ako ng kahit kaunting kabutihan noon. Inilagay mo man ako sa mga hindi magandang sitwasyon noon pero hindi niyon mababago ang mga nagawa mo para sa akin. Bukas na bukas din ay babalik dito ang isang tauhan ko para kunin ka kaya ngayon pa lang ay mag-empake ka na. Tanggapin mo na habang nagiging mabait pa ako." Sinulyapan ko ang matandang naririnig namin na umuubo. "Para sa tanging kapamilya na naiwan sa iyo."

Tinalikuran ko na ang dating kaibigan na puno pa rin ng kalituhan ang mukha. Tinraydor man niya ako noong huli kaming magkita dahil sa pagsisinungaling niya na hinahanap ako ni Cholo na naging dahilan para malagay ako sa mga sitwasyon na hindi ko akalaing masusuungan, hindi iyon sapat na dahilan para hindi ako tumanaw ng utang na loob dito.

His actions don't erase the fact that he's one of the few people who had given me some assistance in the past.

Nang nasa kalagitnaan na kami ng maliit na daan palabas ay may narinig kaming sumisigaw.

"Karina! Karina Versoza! Tinatanggap ko na! Tinatanggap ko na, tonta ka! Isang milyon din iyon!"

Ngumisi lang ako habang isinusuot pabalik ang salamin. Hindi ko maiwasang langhapin ang nakakasulasok na amoy ng mga dumi sa paligid. Mas mabaho pa rin rito ang mga nakatagong basura ng mga Asturia.