Chapter 45 - 45

Jam-packed ng mga tao ang loob ng stadium ng Cerro Roca para sa ginaganap na grand rally ng presidential candidate ng kapartido ng pinsan ni Cholo na si Demish Viera.

The 25-thousand seating capacity of the coliseum was filled with the supporters of both the running mayor and president. The stage is set in a simple way so as not to attract any negative comment from the citizens. Even the hosting of the venue is said to be sponsored by a loyal wealthy supporter of the party bearer. Ilang araw na lang at tapos na ang campaign period kaya naman dobleng ingat ang ginagawa ng kampo para wala nang maibato sa kanila ang mga kalaban.

Dito nila napiling gawin ang mass demonstration dahil nagbabalak ang political party nito na gawing stronghold ang Cerro Roca. Of course, with the two local political clans, the Asturias and the Gastrells, backing their candidacy, it sure means that the vote-rich city will lean on to their candidates.

Iyan ang hindi ko hahayaang mangyari. Nakapangako na ako sa pinsan na hindi mananalo ang kabilang partido rito. Kapalit nito ay may hiningi akong pabor sa kaniya.

"Mga kababayan! 'Wag ho nating kalimutan sa eleksiyon sa susunod na buwan, iboto po natin sa pagka-presidente si Enrique Antonino para labanan ang korapsiyon na siyang anay na sumisira sa bansa natin. Mga kababayan ko, ito na ang tunay na lingkod-bayan na matagal na nating hinihintay!" hikayat ng spokesperson ng party list na sa pagkakatanda ko ay dating miyembro ng partido na sinusuportahan ng pinsan ko.

Napailing na lang ako habang matamang nakatingin sa mga nagsasayawang mga kababaihan sa itaas ng entablado na siyang pumalit sa speaker kanina. Puno talaga ng balimbing ang paligid. Lumilipat kaagad at kinakalimutan ang sinumpaang katapatan sa sandaling nalalaman na nila na tagilid ang laban.

Oh well. What did I expect? There is no such thing as loyalty in politics. Only permanent personal interests. Sa ilang taon ko na ring pagiging isang Alcantara, nakita ko na ang iba'ibang klase ng pulitiko na nagkakandarapa na makuha ang suporta ng pamilya namin.

They do not care if we give them support financially. All they want is a word of endorsement from us. Kami ang nagiging takbuhan ng mga pulitiko na kumakalas sa kabila.

It only makes me gasp in irritation how they're coming back just because we are in circulation again. News sure travels fast. Sa sandaling nalaman nila na unti-unti nang nakaahon ang mga Alcantara, para na silang mga putyukan na nawalan ng tirahan na nagsibalik sa amin.

Of course, tuso ang kapatid ko. We also need them in return lalo pa at hindi pa talaga kami bumabalik sa dati. We are still in the middle of reconnecting to the high society.

"I thought you will not come?" tanong ng tinig sa may tenga ko sabay halik nito sa pisngi ko mula sa likod.

I just smiled and held his hand as he sat on the seat next to me in the front row of the bleachers. Sinadya kong sabihin sa kaniya kaninang umaga na hindi ako makakarating dahil may kailangan pa akong asikasuhin.

"My mind has changed. I wanted to show up to support you for supporting your cousin. After all, we're family. And families support each other."

He returned the smile and kissed my hand.

"Thank you for saying that. Come. I will introduce you to my cousin. Matagal niya na ring gusto kang makilala. I told him that my wife is too preoccupied with me to meet the future mayor of the city but he didn't believe me. He said maybe I was just threatened by him. Kailangan ko pang ipaalala sa kaniya na ako ang mas habulin sa aming dalawa. The man needs some putting in his place kind of thing." He chuckled when he saw me studying him closely. "But I also made it clear to him that he can have the title to himself. I have long decided to retire in a recluse state with you."

I grabbed his hand and together we started to walk to the backstage area.

"I am not quite convinced with the explanation. I find it to be too lacking with assurance."

Grinning, he broke his hand from mine and encircled his arm around my waist.

"My rings are in your finger, wife, and my last name are yours too. I cannot think of any more assurance to give to you other than that," he whispered in my ear.

Satisfied with his answer, I made no more attempt to push the conversation.

Hindi pa man kami nakakalapit sa pakay naming tao ay nakilala ko na agad sa malayo si Demish Viera na kausap ang iilang mga lalake na kabilang sa campaign committee ng partido nito.

The man is of considerable height but with towering impression written all over him. He's 27 years old but he looks younger than his age, has a very impressive educational background abroad, and with a good track record in politics. He's wearing a simple t-shirt and casual pants. Kapasin-pansin din na wala itong suot na kahit na anong form of campaign paraphernalia maliban sa kulay ng partido nito. No printed shirt with his name and position on it and no ballers in his wrists. Definitely not your typical traditional politician.

"Dem," tawag ni Cholo sa pinsan na agad na nagpaalam sa mga kausap nito nang makita kami at lumapit sa amin.

"Wife, this is Demish, the future mayor of Cerro Roca and my cousin. Dem, meet Karina, my wife."

He offered his hand to me and politely smiled.

"My pleasure to meet you, Karina."

I reached for his hand and return the serious smile. "The pleasure is mine, Mayor. I have heard about your platforms and I think they're quite feasible. Kudos to you."

Maluwang na ngumiti ito sa akin bago sinulyapan si Cholo. "Thank you for the kind words. Malaking bagay na sa akin kung may mamamayan sa Cerro Roca ang nagugustuhan ang mga plataporma ko. It means more to me when they personally come here to support me. I really appreciate it." Binitawan niya na ang kamay ko.

"No worries. Family supports each other," tipid na sagot ko.

"That I couldn't argue but I could argue how you don't deserve my cousin, Karina. You're too headstrong for this man right here. Can he handle a strong woman like you?" pigil ang ngiti na biro nito.

"I think he's quite good at handling women like me which makes me wonder if I'm really the only one he's handling right now," pagsabay ko rito.

"Naku! Marami tayong mapag-uusapan tungkol sa bagay na iyan." Kumislap ang mga mata nito ng kapilyuhan nang balingan nito si Cholo. "I like her."

Cholo pulled me closer to him and kissed my head. "Not as much as I love her."

Hindi ko napigilan ang pag-iinit ng mukha sa lantarang pagpapakita nito ng affection sa akin sa harap nang maraming tao.

"Oh please you guys. Stop with the PDA. Wag niyo namang masyadong ipamukha sa akin na single ako ngayon. You know I can't serve two masters at a time. Public service muna ngayon."

"Mainggit ka Dem dahil hanggang sa makamit mo ang pangarap mong maging senador, walang babae ang makakatagal sa iyo dahil sa trabaho mo."

Napalingon kaming lahat sa nagsalita. A cute girl in his early twenties and probably just a few years younger than I am is looking at us particularly at Demish. Nakasuot ito ng t-shirt na naka-print ang promotional campaign ng binata.

"Sang-ayon ako sa iyo, Yvonne. Dem got too many things going on right now in his life to even think of women especially now that he has more responsibility in the city," Cholo said and briefly introduced me to the girl who gave me a smile and shook my hand.

Inakbayan naman ni Demish ang babae at pabirong pinitik ang noo nito.

"Thank you for the loyalty cousin but I'll still tell your wife about everything she needed to know. At magpapaalam na kami ng alaga ko rito dahil marami-rami pa ang mga supporters na kakausapin namin. All for the love of Cerro Roca."

Sumaludo ito sa amin bago tumalikod habang hila-hila ang dalaga.

Sinundan na lang namin ng tingin ang dalawa na mukhang nagtatalo na base na rin sa kung paano sapilitang inalis ng babae ang kamay ni Demish sa balikat nito.

"He's good and sincere. He'll make a good mayor," komento ko.

"I know. Mga bata pa lang kami, alam na naming sasabak siya sa pulitika. He takes after my mom. He is born to be a leader," proud na sambit nito nang akayin niya ako pabalik sa upuan.

"Speaking of your mother, did she already approve of our relationship? Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin niya ako gusto? Maiintindihan ko pa noon kung bakit pero ngayon? Why would she wouldn't want me now when I am as successful as you? I am as educated and as wealthy as Elizabeth and someday, makikilala niyo rin ang tunay na pamilya ko. By then, I hope she will accept me. Tama na ang minsang ipinaramdam niya sa akin na mas kakampihan pa niya ang iba kaysa sa asawa ng anak niya."

Instead of leading me back to the seat, he pulled me to a corner and cupped my face, not minding how many can still see us. The music had already stopped to give way for the preparation of speech for every candidate.

"I know my mother's treatment of you hasn't been good. It was displeasing and it's a shame that I took a part in it but I'll make sure that she will still accept you in the end. You are my wife and I am choosing you, Karina. I'm choosing this relationship over anything. We will work this out, trust me. We can do this, okay? Just give me time to sort this out, can you trust me on that?"

Bumuntung-hininga ako at tumango.

"You're right. We can do this. I shouldn't be sulking right here and thinking about negative things when it's a big day for all of us especially you. Darating ngayon ang mga investors para sa project mo. Mahalaga na makita nila kung gaano kagaling ang asawa ko. Imagine being the primary force behind the newest and the largest oil exploration in the country. Hindi lang iyan, you were also on the lucky side of the history. Malaki ang bentahe ng sinusuportahan mong presidente." Inayos ko ang collar ng suot nitong polo. "I'm so proud of you, Cholo."

Biglang nawala ang kinang sa mga mata nito at pumalit ang malungkot na ekspresyon na pilit nitong itinago sa pamamagitan ng pagngiti sa akin.

"It never felt this so good coming from you. Thank you."

Nagbaba ako ng tingin para hamigin ang sarili dahil sa biglang pagsisikip ng dibdib ko.

"Let's go back to our seat. The program will start any minute from now."

Hinila ko pabalik ang kamay at masuyong hinawakan ang braso nito.

"Mauna ka na. I'll just go to the comfort room."

"Sasamahan kita. I can wait. I can always wait."

Umiling ako at nginitian ito.

"You go ahead. Mukhang nandiyan na rin ata ang mga investors. Puntahan mo na sila. Babalik din agad ako."

Tumango ito at panakaw na hinalikan ako sa labi.

"Alright."

Tumalikod ako at nagsimulang maglakad papunta sa direksiyon ng CR. Pumikit ako at bumuntung-hininga nang lumitaw sa isip ang mukha ni Cholo kanina. It's like he wanted to ask me something. Huminto ako sa paglalakad at lumingon. Hindi na ako nagulat na malamang na nakatayo pa rin doon ang asawa sa pwesto at nakapamulsang nakatingin sa akin. Nag-init ang gilid ng mga mata ko nang kumaway siya sa akin at iginalaw ang mga kamay para sabihing ituloy ko na ang paglalakad. Sumunod naman ako habang nasa dibdib ang kamay at pilit na pinapayapa ang sarili.

I'm sorry, Cholo, but I have to do this. Alam kong maiintindihan mo rin ako sa huli.

Pumasok ako sa banyo at inilabas ang make-up kit at nagsimulang mag-retouch. Nang matapos ay tiningnan ko ang sarili sa repleksiyon sa salamin. Mula rito ay kita ko ang pagpasok ni Missy na nakasumbrero.

"Nagawa mo na ba?" tanong ko nang hindi pinuputol ang tingin dito sa salamin.

"T-Tapos na. Nagawa ko na ang gusto mo p-pero sigurado ka bang itutuloy mo pa rin ito?"

Ngumisi ako bago umikot para harapin ang dating kaibigan.

"Hindi mo lang alam kung ano pa ang kaya at handa kong gawin, Missy. I've waited for this day to happen for years. Handa ako sa lahat ng mga maaring mangyayari." Humalukipkip ako at sumandal sa counter ng lavatory. "Kaya ikaw, sumunod ka sa mga sasabihin ko. Umalis ka na sa Cerro Roca ngayon din at magpakalayo-layo. Sige na. Alis na."

Nagyuko ito ng ulo at ikinuyom ang mga kamay.

"Karina, pasensiya ka na sa nagawa ko noon. H-Hindi ko iyon sinasadya. Nagkataon lang talaga na ikaw ang babaeng naisip ko kaya nagsinungaling ako na hinahanap ka ni Cholo. Pasensiya ka na talaga."

"Umalis ka na. I'm not having any of it at this time. Bilis. May mga kailangan pa akong gawin," taboy ko rito.

Tinalikuran ko na ito at bumalik sa pagtitig sa sarili sa salamin. Lumabas na ito ng pinto pagkatapos umusal ng mahinang 'salamat'.

Kinuha ko ang cellphone sa bag at may tinawagan.

"It's showtime," I said in my most resolute voice when the other line picked up.

"Copy, Ms. Karina."