Chapter 47 - 47

Hindi pa man nag-iinit ang katawan ko sa pagkakahiga sa kama ay narinig ko na mula sa nakabukas na bintana ang ugong ng mga paparating na sasakyan. Agad akong bumangon at sumilip sa siwang. Nakita kong lumabas si Ymir sa itim na BMW nito. Pulang-pula ang mukha nito sa galit at nakakuyom ang mga kamao. Sumunod din palabas sa ibang sasakyan ang mga tauhan nito.

I went out of the room and ran just a few inches from the staircase enough for me to see what's happening from below.

Cholo is already in the living room who stood in front of Ymir who is very livid in his red face and aggressive stance. Nasa labas ng bukas na pinto ang mga bodyguard nito.

I looked at my husband who is just as calm as earlier when he put me to sleep. Ni walang bahid na takot akong nakikita sa mukha nito habang pinakikinggan ang galit na boses ni Ymir.

"Nasaan ang asawa mo, Cholo?! Bring her to me so I could give her what she wanted!" bulyaw ni Ymir sa kaibigan.

Nakita ko ang pagdilim ng mga mata ni Cholo at ang paghugot nito nang malalim na hininga.

"Magdahan-dahan ka sa pananalita mo, pare. Asawa ko ang tinutukoy mo. Kaibigan kita kaya alam kong hindi ka ganitong klase ng tao kaya papalampasin ko ngayon ang mga narinig ko. Ano ba ang problema?"

"Your wife just killed our lifelong project! And if that is not enough, she even implicated my sister! Kaya ko pang palagpasin ang mga ginawa niya para isabotahe ang negosyo natin pero nagkamali siya nang pati ang kapatid ko ay idinamay niya. You know that I could do everything for my sister, Cholo. Ikaw na rin ang nagsabi na alam mo kung ano akong klaseng tao, pare. I wouldn't think twice about harming anyone that would hurt my family."

"Careful with the accusation, man. Karina is my wife. She can't do that."

Tumawa ng pagak si Ymir at umiling.

"Hindi mo kilala ang tunay na ugali ng asawa mo, Cholo. I doubt it if you really know her identity, man. Nagpapaniwala ka naman sa kaniyang mga kasinungalingan. She's just using you to ruin our family. She came back not because of you but for her vengeance. 'Wag kang masyadong nagpapauto kay Karina, pare. Hindi siya ang babaeng inaakala mo. Ni wala siya sa kalingkingan ng kapatid ko. Did you know why she look like that now? Like an expensive rag? Hadn't it cross your mind how many men she'd been through to look like that? Manggagamit ang asawa mo, Cholo. Gagamitin ka rin niya, huhuthutan ng per-"

Hindi na nito natapos ang sasabihin nang walang sabi-sabi ay bigwasan ito ni Cholo sa panga. Napapiksi ako nang bumalandra sa sahig si Ymir na agad namang tumayo at gumanti ng suntok.

Nagpalitan ang dalawa ng mga suntok habang nakatunghay lang ang mga tauhan ni Ymir na hindi nangiming makialam.

Cholo landed another punch on Ymir' face who is on the floor already and dragged him forward and pushed him to the sofa. Blood marred their faces but they seemed to be not minding it. There's a minor cut on Cholo's brow where the blood is oozing out.

I just looked at them while the light in my eyes are slowly fading away.

Humihingal na napasalampak ng upo si Cholo sa sahig at pinunasan ang dugo sa mukha gamit ang manggas ng suot na polo. His face is still dark, his temper is at its highest with the way his chest heaved in and out.

He threw his head back into the cushion of the sofa and laid his arm on his raised knee. Mabigat ang mga paghinga nito para kontrolin ang sarili.

"You're out of the line, Ymir. Kaibigan kita pero asawa ko na ang iniinsulto mo. Disrespecting her would mean you're rudely asking to sever our ties. 'Wag namang ganun. I don't want to cause another drift between us," mahinanong wika ni Cholo.

Ymir chuckled and stood up to sit on the floor, too. Naglabas ito ng sigarilyo at lighter sa bulsa saka tinanguan ang mga bodyguards sa labas na agad namang umalis. Nagsindi ito ng isang stick at naghitit-buga.

"Your Karina took everything from me. Wala na ang pinaghirapan natin ng ilang taon sa isang kisapmata. Tang-ina."

Cholo did not said anything. He just kept on staring at nowhere. Tumayo si Ymir at pinunasan din ang dugo sa sariling mukha.

"Drop that woman for your own good. Wala siyang maidudulot na magandang bagay sa iyo. Take it from someone who had helped you a lot in the past, Cholo."

Bahagyang gumalaw si Cholo at tiningnan nang malamig ang kaibigan.

"Our brotherhood wasn't only built on giving favors to each other's advances but if you have to count every single time you have helped me then be fair as well. Alalahanin mo rin kung anong klaseng tulong ang ibinigay ko sa kapatid mo, Ymir. May mga bagay din akong isinakripisyo para mapagbigyan ang hiling mo sa akin noon."

"Yung tulong na ibinigay mo sa akin noon para sa kapatid ko ay maaring mabalewala ngayon salamat sa asawa mo." Nilinga ni Ymir si Cholo at namulsa. Another drop of blood lined the side of his face. "Itago mo na ang asawa mo kapag nangyari iyon dahil wala akong kikilalaning kaibigan kapag nagkataon."

Tuluyan na itong tumalikod at tinungo ang pinto.

"What did you do to her, Ymir? Ano ba ang nagawa mong kasalanan sa asawa ko para kamuhian niya ang pamilya mo?" Cholo said in his icy cold tone.

Bahagyang tumigas ang mga balikat ni Ymir pero hindi ito sumagot.

"Masama akong kalaban, Ymir. Hindi rin ako kumikilala ng kaibigan lalo na kung malalaman kong inagrabyado niya ang asawa ko noon."

Nagbaba ako ng tingin at hinayaan ang mga luhang mamalisbis. Ramdam ko ang sinseridad at galit sa boses nito. It shot right through my heart which bled upon the remembrance of my slain family.

"It's true that I hated Karina for leaving me but I cannot even remember that part now. Wala akong pakialam sa nakaraan niya, kung ilang lalaki na ang nakasama niya. That's beyond me and our relationship. Ang mahalaga ay nasa akin na uli siya ngayon at hindi ko na siya papakawalan pa."

Hinarap ito ni Ymir at nginisihan.

"Your mother is right when she told me that Karina is your weakness. Nasa harap mo na nga ang lahat ng kailangan mong malaman pero mas pinipili mo pa ring paniwalaan ang iyong sariling kasinungalingan. That's tough, man."

Maingat na tumayo si Cholo at binigyan nang malamig na tingin ang kaharap.

"It is never a weakness to love this hard, Ymir. Maybe you should also try to love someone truly. Baka maintindihan mo rin ako kung saan ako nanggagaling."

Tumawa lang nang sarkastiko ang lalaki bago nilapitan si Cholo at tinapik sa balikat.

"Sa hinaba-haba ng pagkakaibigan natin, pare. Hindi ko lubos isipin na babae lang pala ang makakatapos nito. Your wife hurt my sister. It's personal to me and you should feel the same way, too. Elizabeth devoted her entire life to you."

"Which I'm thankful of but I didn't ask for it. I love your sister, you know that. Just not the way she wanted me to."

Mahabang katahimikan ang naghari sa pagitan ng dalawa bago pinutol iyon ng ring ng cellphone sa bulsa ni Ymir. Walang salitang tumalikod ito at lumabas sa pinto. Naiwan si Cholo na nakatayo sa sala.

I wiped off the tears in my face and went back to the room. Humiga uli ako sa kama at tumitig sa kisame. Masakit ang dibdib ko hindi lang dahil sa mga narinig at nakita kundi dahil sa emosyong unti-unting bumabangon na hindi ko namalayang naroroon lang pala sa tabi. Nagpaparamdam na naman ang kahungkagan na akala ko ay nakaya ko nang kontrolin.

Pagkalipas ng dalawang oras ay lumabas uli ako para hanapin ang asawa. Wala na ito sa sala. Malinis na rin ang buong lugar na kanina lang ay nagulo dahil sa rambulan nila. Hinanap ko siya sa bar area ng mansiyon pero wala rin ito kaya pinuntahan ko ang library kung saan alam kong makikita ko siya pero wala rin ito roon.

Maybe he's somewhere in the house. Hindi naman ito umalis dahil wala akong narinig na makina ng sasakyan kanina.

I went outside to the garden to get some air and think about things but I wasn't able to do that when I saw him on the ground beside the water fountain. He's not wearing anything on top while drinking from the bottle of Glenfiddich 1937 whiskey.

The faint light from the garden lamps casted a glow on his melancholic face.

May parte sa akin ang gustong lapitan ito para kausapin o samahan man lang pero pinipigil ako ng guilt. I caused this to him so I don't have any right to offer him my comfort especially when I know it's not the first time he'll be dealing the same blow from me.

Napapitlag ako nang tumunog ang cellphone nito na nasa trimmed Bermuda grasses. Dinampot ito ni Cholo at sinagot.

"Ma."

Natigilan ako sa pangalan na sinambit nito. Tumalikod ako pero narinig ko pa ang mababa nitong boses na kababakasan ng pagkatalo.

"Wag muna ngayon, ma. I'm as down as you."

That ripped me. His heartbroken voice snatched my heart apart. Tinakbo ko ang hagdan pabalik sa silid at isinubsob ang mukha sa unan.

Ayoko man ay hindi ko na namang mapigilang umiyak.

I can't take this anymore. I have to end it. Each day I'm feeling like a monster. I thought I'm a callous being with a ruthless heart. At least iyan ang isiniksik ko sa utak bago ako bumalik dito pero binago ako ni Cholo. He melted me from the inside and now I don't know how to act like the Karina I patiently built for years.

Dapat natutuwa ako dahil umaayon ang lahat sa plano. I should be opening a bottle of wine and celebrating but instead I'm crying because of the same man who abandoned me.

Love is both transformative and destructive. Malas ko lang at pareho ko silang naranasan sa isang lifeline. Sagad-sagaran na ang ibinigay sa akin ng buhay.

I flipped over and stared at the ceiling again, the place started wilting while I'm lost in my thoughts. Another hour was eaten away before I felt the bed moved and Cholo's arms surrounded me. He buried his face into my neck and kissed it.

"Love you," he whispered and tightened his arms around me.

I answered through my trickling tears.