Chereads / YOU'RE MY STRENGTH / Chapter 3 - Maid

Chapter 3 - Maid

Jace POV

Dinalaw ko ngayon yung isang kaibigan ko na naospital kamakailan lang , tigas kasi ng ulo kaya ayun pinalayas sa kanila kaya nag rent ng apartment para daw makamura siya ..

Habang binabagtas ng sasakyan ko ang daan pauwi , a walking girl caught my attention, not because shes pretty ,its because she look stupid ,para siyang

magnanakaw na palinga linga sa paligid.

'Bayaan na nga

Bibilisan ko na sana ang pag drive ko nung makita kong nahimatay siya

'fuck, badtrip'

tumingin ako sa paligid kong may mga tao , pero wala

'no choice'

Nag drive ako palapit sakanya , at bumaba ng sasakayan

'Hey miss ,gising,hoyy!

kinulbit ko siya pero wala, hayy

binuhat ko siya papuntang sasakyan ko

Saan ko to dadalhin? Di ko naman siya kilala..

Nag isip muna ako tas umalis na papuntang apartment ko

Binuhat ko yung babae papasok ng bahay ko tas inihiga ko siya sa kama sa guest room.Tinitigan ko siya sandali, ..

Nothing special

Kinumutan ko lang siya tas lumabas na , then pumasok ng kwarto ko..

Dumiretso ako sa cr para maglinis ng katawan pagkatapos ay mabilis akong sumampa sa kama ko..

Sa sobrang pagod ko , nakatulog agad ako..

Nhiezel POV

Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko pati na rin ang paligid..

Medyo masakit paa ko tas nagugutom ako..

Binuksan ko ang mata ko, puting kisame ang nakita ko , tas nasa kama ako .

Patay na ba ako?ayy parang hindi naman kasi nakakaramdam ako ng sakit at gutom.Saan kaya ako?

Dahan dahan akong bumangon sa kama at tumingin tingin sa paligid.

Sino kaya nagdala sakin dito?

Pumunta ako ng cr at naghilamos , gustuhin ko mang maligo , uunahin ko munang kumain , nagugutom na kasi ako ng sobra kaya napagdesisyunan kong lumabas ng kwarto .

Paglabas ko bumungad sakin ang isang matangkad na lalaki na may kausap sa cellphone, napansin naman nitong nakatayo ako sa may pintuan kaya tiningnan ako nito

'Gising kana pala, may pagkain dun sa kusina kung nagugutom kana ,

Pagkasabi niya nun , mabilis siyang lumabas , ni hindi man lang ako pinagsalita , haiisst

Pumunta nalang ako sa kusina ,

at mabilis na kumain , pagkatapos ay hinugasan ko ang pinagkainan ko..

Bumalik ako sa sala pero wala siya kaya bumalik ulit ako dun sa kwarto na tinulugan ko at mabilis na naligo baka pagbalik niya mamaya palayasin na ako nung mama..

Sinusuklay ko ngayon ang buhok ko habang iniisip ko ang sunod kong gagawin.Kailangan kung humanap ng trabaho pati ng tirahan , pero kaya lang wala akong pera , kung sinuswerte nga naman

Bakit nga ba nagkandamalas malas yung dati nang malas na buhay ko ?

Dati may tirahan at trabaho pa ako , pero sa isang iglap , nawala lahat..

Hindi ko namalayan ang lalim pala ng iniisip ko kung kaya't hindi ko napansing nandito pala sa loob yung mama

'kanina pa kita kinakausap miss, pero parang lumipad ata isip mo ' siya

'pasensya na , may iniisip lang po ako' paghinging paumanhin ko sakanya

' taga saan ka miss?'

tanung niya

'Pwede kitang ihatid sa inyo ngayon wala kasi akong gagawin ngayong araw'

dugtong pa niya..

Napakagat labi nalang ako .Hindi ko kasi alam kung papaano ko sasabihing wala naman akong mapupuntahan kasi napalayas ako sa inuupahan kong kwarto..

'Hey miss, nakikinig ka ba?'

Mabilis akong akong tumingin sakanya

'Ahh oo'

'So ano nga , san kita ihahatid?'

'Ahm' napabuntung hininga ako

'Ang totoo niyan wala akong matutuluyan , pinalayas kasi ako ng landlady' medyo awkward kong sabi sakanya..

'Sigurado ka ba dyan o pinagloloko mo lang ako? 'parang naiinis niyang sabi

'totoo po yun , '

'tss badtrip' yun lang sinabi niya bago nagdadabog na lumabas ng kwarto.

Hala nagalit ko ata siya , eh totoo namang napalayas ako, mukha ba akong mangloloko? Pero kailangan kong umalis dito ,ayokong maging pabigat sakanya,parang hindi naman kasi bukal sa loob niya ang pagtulong sakin.

Medyo bumigat ang pakiramdam ko , hayy ewan!

Inihanda ko ang mga gamit ko, papalabas na sana ako dala ang mga gamit ko nung makasalubong ko siya..

'Oh san ka ? kala ko ba wala kang matutuluyan ?'

'Ahh ano, maghahanap ako ng matutuluyan ko , salamat pala sa pagtulong sakin, pasensya na ,balang araw masusuklian din kita'. Sabi ko sakanya

Kunot-noo lang siya na nakatingin sakin

'Look miss,hindi kita pinapaalis okay? You can stay here as long as you want ,wala namang gumagamit sa kwarto na yan ' pairap niyang sabi sakin..

Bakla ba to? Ba't ba parang inis na inis sakin to eh hindi naman siya inaano..

'Nakakahiya naman po , ayokong maging pabigat dito' simpleng sabi ko sakanya..

''Don't worry hindi ka naman titira dito ng libre, ano ka sinuswerte? You'll be my maid.Ano deal or no deal ?

Napapantastikuhang napatingin ako sakanya , sabi ko na nga ba, plastik talaga.

'Ano ,tutunganga ka nalang jan? sagot na , busy ako!' naiinis nyang sabi sakin

Kala ko ba wala syang gagawin ngayong araw? Never mind

Napaisip ako, tutal walang wala ako ngayon ,patulan ko nalang to wala naman siguromg masama

'Ge deal' sabi ko

Ngumisi ito

'Ipagluto mo ako ,nagugutom na ako ' utos niya at naglakad na siya palayo sakin..

Bwisit !kapal ng mukha! kainis, instant yaya tuloy ako dito , taenang buhay naman oh ,bakit ba ang unfair?

Ang hudas na yun ang sama ng ugali pero di naman niya nararanasan ang buhay na meron ako ngayon , sabihin na nating tinulungan nga niya ako pero labag naman sa loob niya..

Pumunta ako ng kusina at ipinaghanda ng pagkain ang antipatiko na yun

Hayy buhay , bahala na nga...

@IamJheer