REINA JOY's POV
"Para," sabi ko at saka mahinhing pinagclang ang barya ko sa hawakan ng jeep.
Huminto ang jeep sa gilid ng daan kaya sinimulan ko nang ayosin ang pag-kakasabit ng bag ko sa aking balikat at inabot ang bayad ko kay ateng katabi ko.
"Ang bango niyo naman po. Ano pong cologne niyo?" tanong nung ateng katabi ko. Hindi na ako nagulat sa tanong ni Ate dahil isa lang namang Gardenia Chanel Paris Parfum ang perfume ko.
"Deodorant ko po. Gusto niyo po ba? Eh kung tanggapin nyo po muna ang bayad ko at ibigay kay manong?" I smiled, "kung gusto niyo po, bumaba din po kayo para maikwento ko sa'yo paano ko ginawang perfume ang Deodorant ko!" Excited ko pang sabi pero inirapan niya ako kaya napa-derp ako.
Ako na nga nag magandang loob. Char
"Ang sungit. Nagtatanong lang naman," bulong nito. Padabong niyang kinuha ang bayad ko at inirapan ulit ako. Takohin ko kaya eyeballs nitong babaeng to? Gosh! Na-stress ang mga pilik mata ko sa kanya.
Bumaba na ako sa jeep. Sinundan ako ng tingin ng mga pasahero at saka nag-bulungan. Gusto ko man silang pag-babatohin ng aking Yves Saint Laurent Heels, masasayangan lang ako lalo na't mahal to no! Inalay ko buong pera ko para dito tapos ibabato ko lang sa mukha niyang chaka? Nako! Sayang!
Hinawakan ko ang hawakan ng bagahe ko at binasa ang nakaukit na pangalan ng village sa itaas. JM.
I sigh. I can't believe na dito sa JM ang bagsak ko pagkatapos kong ibagsak ang final exam ko. Malay ko ba na may plano pala ang aking pinakamamahal na stepmom na ilipat ako ng ibang school kung hindi maayos ang grades ko this year. Psh.
Kung sana sinabi nila ng maaga baka inaayos ko na pag-aaral ko noon pa lang. Kasalanan ko bang hindi maintindihan ng aking pinakamamahal na brain cells ang mga leksyon na kahit kailan ay hindi ako na-iinganyong pag-aralan?Tsck.
When I stepped into the village, I heard murmurs around me that makes me smirk.
"Ang ganda niya maglakad no?"
"Oo nga eh, Kaingit!"
"Saan kaya siya galing? Mukhang sopistikado."
"Anong mukha? Sopistikado talaga!"
"Nahiya naman ang butas kong tsinelas sa heels niya. Hehehe." Pumintig ang tenga ko dahil sa huling narinig ko at dahan-dahang lumingon sa kanila. Nakatakip sila sa mga baba nila pagkatapos kong umikot ng kaunti. "Ang ganda niya!" they whispers.
Iginala ko ang tingin ko sa paligid until one small girl catches my attention. A smile plastered in my lips before I move closer to the young lass. Nagsigawan ang mga tao dahil lang sa paglapit ko doon sa bata kaya binigyan ko sila ng masamang tingin. I like the attention they are giving yes but that's too much naman.
I crouch in front of the lass. "Would you like my heels?" I asked softly.
My dad told me not to be so hard on kids. I question that at first then I didn't realize that I'm now doing what he wanted me to do.
"A-ate," nahihiyang sabi nito.
A chuckle escaped from my lips as I stood up to take off my heels revealing my clean and white feet. Kinuha ko ang sneakers na nasa loob ng aking bagahe at isinuot ito so as on the other side.
I gathered my heels after I finish putting on my shoes. Hinawakan ko ang binti niya at saka hinubad ang kanyang tsinelas. "Malaki pa 'to sa'yo so mas maganda kung suotin mo siya once lang then pwede mo na siyang hubarin tas itago mo kasi sa'yo na yan," I smiled at her. "Itong heels na 'to, magagamit mo 'to in the future when you become a grown woman," I said while I am wearing the heels on her small feet.
"Ano po 'yong grown woman?" she asked confusedly, scratching her head. May kuto ba tong batang 'to?
"Grown woman...maging ganap na babae." I said before I pinched her cheeks. Napangiti naman siya sa ginawa ko at umikot-ikot gamit ang aking heels. Kakabili ko lang ng heels na 'yan and here I am, giving them away.
Tumigil siya sa pag ikot-ikot at ngumiti. I place my chin under my palm while I am watching her. I can't stop myself not to smile. I watch her taking off the heels carefully and then wear her slippers again which makes me worried.
Kailangan ko na atang tawagan si Ma'am Korina para magpagawa ng slipper foundation dito. Geez.
"Reina Joy! My god! I've been waiting for you for half an hour!"
Napa-angat ang tingin ko dahil may biglang sumigaw. I saw Kuya approaching me kaya napa-irap ako. Hinarap ko yung bata at kinuha yung heels na nasa lupa at pinayakap yun sa kanya bago ngumiti. "Go na, baka kunin pa 'yan ng iba. Keep them okay?" I said. She nodded her head and ran away. Siguro natakot kay Kuya. Sino ba naman kasing hindi matatakot? Bigla-bigla niyang tinawag ang pangalan ko. Psh
"Seriously? Namigay ka na naman ng heels? Pang-ilang heels mo na 'yon this year?" he asked, while taking my baggage.
"Duh. As if you have ambag with them," I replied.
Ginulo ni kuya ang buhok ko at saka naunang maglakad. Sumunod ako sa kanya habang ang mga bulong-bulongan sa gilid ay patuloy pa rin. Not to mention that this man beside me is a well-known man in this village.
Everyone... meet my brother, Joseph Michael L. Fuentes. A College Student in JM University and yep! The main reason why I'm here. Siya lang naman ang nagsabi kay stepmom na pwede niya akong kupkupin at siya na DAW ang bahala sa akin. Like, I'm not basag-ulo kaya like him!
"Kailan ka pa dumating?" he asked while he's ahead of me.
"Kahapon pa." I flip my hair to let him smell the scent of it. Alam ko kasing nagrereklamo siya pag ginawa ko 'to. Hehehehehe
Hinila ni Kuya ang buhok ko. "Ikaw nga, sagutin mo ng maayos ang mga tanong ko."
Napahawak ako sa buhok ko at sinuntok ang braso niya. Tangina talaga. "Wag ka naman kasing tanga, Kuya. Malamang ngayon lang." I rolled my eyes with Maybelline mascara pero piningot lang niya ang eyelids ko.
"Aray! Pucha!" I groaned
"Hindi mo ba kayang e-filter yang bibig mo?!" he growled.
"Kuya, kung mafi-filter ko pa ang bibig ko, sana may lumabas nang bulaklak diyan!" sagot ko sa kanya.
Binitawan ni Kuya ang eyelids ko kaya napahawak ako doon. "Masakit yon! Sino ba naman kasi ang nagsabi sa'yo na hintayin mo 'ko!" nagmamaktol ko pang sabi.
"Ako," sabi niya at tinuro pa ang sarili niya. Tamo tong lalaking to.
We keep on walking heading straight the long road. Sinulayapan ako ni Kuya at yung paa ko. "Pinagmamayabang mo na naman sa mga tao 'yang heels at paglalakad mo, E kung e-sako kaya kita?" he mumbles. Napanguso na lang ako.
Pag kay Kuya talaga, ayaw niya na maarte at galante ako. E ano magagawa ko? Ganito ako eh. Tanggapin niya nalang yun! Siya nga abnormal, tinanggap ko eh.
Nang makarating kami sa bahay niya, Inisnab niya lang yung mga maid niya kaya inisnab ko na din sila at pumasok sa loob. Humiga kaagad ako sa loveseat niya at inilagay ang braso ko sa ilalim ng aking ulo.
Napamura ako pagkatapos niyang itapon ang hawak niyang papel sa mukha ko. "21 ka na ah wala ka pa ring good manners and right conduct?!" Naiinis kong sabi sa kanya at umupo sa love seat at saka pinagkross ang binti ko.
"Basahin mo 'yan at kumain ka. Ito-tour kita sa JM," saad niya at pumaitaas.
"YUNG BAGAHE KO!" sigaw ko. Bumalik kaagad si Kuya sa baba at binuhat ang bagahe ko para ilagay sa kwarto ko. I smiled. Kuya may be rude sometimes but he is really caring. He thinks he sucks at showing them but he didn't realize that he's showing everyone that trait unconsciously.
Pagkatapos kong kumain, dumiretso ako sa itaas para magbihis but I stop half way when I pass through Kuya's room. Hindi kasi siya nagbihis, instead inayos lang niya ang buhok niya sa harapan ng salamin at naglagay ng perfume. Pumunta ako sa kwarto ko na tabi lang ng kwarto niya para ayusin ang sarili ko.
Pagkatapos kong makapag-ayos. Bumaba na ako kasi halos mamaos na si Kuya kakasigaw at kakatawag sa pangalan ko. "Ano ba! Ba't ang tagal mo? Anong oras na oh!" ani Kuya at itinuro pa ang relo niyang rolex naini regalo ko sa kanya nung birthday niya last year.
"Sornaman!"
Lumapit si Kuya sa akin para ayusin ang blush on ko at ang buhok ko kaya ngumiti ako. "Halika na," sabi niya.
We stepped out the house and I hopped in on his passenger seat and buckled my seatbelt. As the ride went on, pumutak ng maraming beses ang labi ni Kuya at pinagsabihan na naman ako. I keep my eyes rolling hanggang sa pinakita niya sa akin kung ano ang itsura ng park nila at kung ano ang meron doon.
Wala naman akong nakitang kakaiba doon maliban sa maraming puno at mga swing. I've been visiting Kuya here in JM for long time na kaya halos alam ko na ang lahat ng nandito. Kuya parted from us when he was young. He said he wanted to be independent and that he don't want any help from dad and my stepmom. Which is not a problem for me and dad. Also, he has bad records back in school because he punched someone.
I visited him here every day. Kaya nga ako nagkakaroon ng cutting classes records sa school. Hehehe. Sinalo naman ni Kuya ang ginawa ko and he said that I just missed him which is true.
The main plan of me transferring to other school is not really here in JM, but Kuya insisted. He told stepmom that it'll be better kung magsasama kami and so he can monitor me as well. Wala namang nagawa si stepmom kundi ang pumayag. They are all under kay Kuya... maliban sa akin.
"I don't want you to cause any troubles," he said while he's driving towards the subdivision's campus. Base on the whole ride, malayo layo itong campus sa entrance ng subdivision. It'll take you an hour to arrive pag naglalakad ka tas half an hour using a car or any vehicle.
I scoffed, "Kelan ba ako nag cause ng trouble?" I asked. Napakamot ako sa ulo ko dahil pinapasok ng guard si kuya. Sumaludo pa ang mga ito pagkatapos niyang ibaba ang bintana ng kotse niya eh. "Ganon ka ba ka famous na pati guard sumasaludo sa yo? Sa pangit mong yan?" I grin.
Binatukan ako ni Kuya kaya napa-aray ako. "Naka-ilan ka na ah!" I mumbled, rubbing my nape.
"JM University has strict rule when it comes to grades. I tried to talk to madam but she decline my words and told me they prohibit special students. Kung bakit ka kasi nagloko. Tsk!" bulong ni Kuya. Ramdam ko ang pagkadismaya sa boses ni Kuya, kaya napabuntong-hininga nalang ako.
"I'm not saying that to make you feel bad, princess." He stopped the car in the parking lot and turned his gaze to me, "I tried everything for you. Pero wala eh. All I just want you to do is, do well this year and make sure to keep up with your low grades. Paano, walang special special dito eh," he added, patting my head.
"Have you read the booklet I throw at you earlier?" he asked while unbuckling his seat belt and so am I.
I nodded my head. "Good. Siguro naman, nabasa mo doon kung anong section ka?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako kaagad at ngumiti ng tipid.
"11- Class Zero?" I recalled.
He heaves a sigh again and massages his temples. "Bakit, kuya?" I asked confusedly pero umiling lang siya.
"I just don't want you to indulge in problems and threats with that class."
"I want you to be careful around your classmates as they are all boys who have fail grades as well," dugtong ni Kuya bago pinatay ang AC sa kotse niya at kinuha ang susi nito.
"All boys?"
Alam kong nagmumukha na akong magandang tanga na binabalik ang sinasabi niya pero anong magagawa ko? Curious ako eh. Tumingin si Kuya sa akin at tumango.
"So ako lang ang babae don? What the hell? Call dad"
"Here you go again. Stop involving dad, geez."
"Kuya, Mabubuhay ako kung isang lalaki lang pero lahat sila lalaki tas ako lang babae? Paano kung may gagawin sila sa'kin? Paano kung—"
"They have nothing to do with you and if they do, I'm just one call away," he cuts me off.
"Pero—"
"Enough. If you feel that there's something strange with them, you can initially throw a stone at me and I'll be there," sagot ni Kuya. Napa-tsk ako at napabuntong-hininga. "This will serve as your consequence as well," he added.
Hindi ko siya sinagot at kinuha ang aking Clinique Pressed Powder sa shoulder bag ko para ayusin ang mukha ko. Lumabas na si Kuya sa kotse at binigay yung susi sa guard. Binalik ko ang akong press powder sa aking Saint Laurent Cassandra Bag at lumabas na din.
Tumingin siya sa akin sabay sabi na, "Let's go." He started to walk around while I was tailing him.
He introduced me to the instructors formally and told me to familiarize them. As usual, nabibighani na naman sila sa angking ganda ko. I even hear them say, "This girl is so pretty, she and Joseph look good for our school tarp right?" I just smile. I hop on Kuya's side after introducing myself wrapping my arms around his arm. He doesn't care though.
Umakyat kami sa mga building at mabuti na lang naka-sneakers ako ngayon kasi kung hindi baka sakay-sakay na ako ni Kuya sa likod niya. Madali kasing mangalay ang mga paa ko lalo na kapag natatagalan sa paglalakad. My former classmates used to call me 'She who hates leg work' because my leg doesn't work. What? lol.
"This is the building and area for Grade 11," he announced. Napakamot na lang ako sa ulo ko at humikab. Wala namang pinalampas na oras si Kuya at nilagyan ng papel ang bunganga ko. Napaka bastos talaga.
Kinuha ko ang papel sa bunganga ko at tinapon sa basurahan. Diretso lang kami sa hallway habang siya ay binabasa ang mga sections ng bawat pinto. Hinahanap siguro niya ang magiging classroom ko.
"Kuya! Gutom na ako" I whined.
"Maghintay ka dyan. Kakakain mo lang kanina, kakain ka na naman. Ano ka, baboy?"
"Eh kung takohen kaya kita dyan—"
"Naka sneakers ka," he mumbled.
Napatingin ako sa paa ko at binatukan si kuya. Kahit kailan talaga napaka-ano niya!
Inakbayan niya ako at saka kami lumakad papunta sa pinakadulo ng hallway. Each class has four door. Kaya naman ganito na lang ako makadabog dahil sa lapad ng hallway at sa layo ng mga main door ng bawat classroom. Trip siguro ng school na'to pa exercisin ang mga estudyante kaya hinabaan nila ang hallway. Charot!
"Class 1(one)..." bulong ni kuya at straight na tumingin sa pinakadulong classroom. Ang sakit na ng paa ko at upong upo na ako. Ayoko naman umupo sa sahig dahil baka madumihan ang bago kong Trouser pants.
"Apaka layo naman!"
"Malapit na," sagot ni Kuya
Nang makarating kami sa pinakadulong classroom inayos ni Kuya ang sarili niya at saka kumatok sa pinto. Napa buntong-hininga ako sa sakit ng calves at ng paa ko. Upong-upo na talaga pwet ko. Inaantok pa nga ako ih!
"Come in," sabi ng nasa loob. Binuksan ni Kuya ang pinto at ngumiti pa ng plastic.
"Mr. Fuentes, Good afternoon," bati ng lalaking four eyes.
"Good afternoon, Sir. Here's my sister," sabi ni Kuya. Tiningnan ko ng masama si Kuya ng hilahin niya ang pulso ko para lang iharap ang maganda kong mukha sa lalaking four eyes na 'to. "You must be, Ms. Reina Joy Fuentes?" he asked.
"Obviously," mahinang bulong ko at tumingin sa malayo. Siniko ni Kuya ang tiyan ko kaya napaayos ako ng tayo. "Good Afternoon, Sir. I'm Reina Joy Fuentes," I introduced myself with a wide smile plastered on my lips covered with Maybelline Shimmer and Matte Lip Gloss.
The professor extend his arm. Wala pa nga sana akong balak tanggapin yun pero siniko na naman ako ni Kuya at nakakadalawa na siya kaya nakipag kamay nalang ako sa kanya. Pinuwersa eh.
"It has crossed in my mind na sinabihan ka na ng brother mo tungkol sa class na'to?" he asked. I smiled forcefully and nodded my fleek brows.
"Yes, sir. While we are on our way here," I answered.
Mabuti na lang at nasa mood ako ngayon. Kuya held my arm again to make me sit on the available seat. "So, what do you want to know? I am willing to entertain your questions and thoughts." Ayown!
I cross my legs and lean my back on the backrest. "Nagtataka lang po ako...." sabi ko habang nakanguso at nag-iisip. My eyes landed on Kuya who's rolling his eyes. Siguro feeling niya walang kwenta ang itatanong but this time, may kwenta na ito.
"Bakit napaka-layo ng classroom niyo? Alam niyo po ba na sumakit ang calves ko?"
"I knew it."
Tumawa si Sir, "Well, I'm so sorry about that, Ms. Fuentes. This is the new set-up and since Class Zero is obviously ang pinakamababang class in JM University, minabuti nila na ibahin ang arrangement ng mga classroom. This was implemented last year," He explained. He pointed to a door of the class. "That door is the last door of this class. The counting is from the edge to the front. So it's Class Zero, followed by Class One, Class Two, Class Three and Class Four. According to the Principal, They changed the arrangement for the school's uniqueness." I nodded my head.
"They also come up with a conclusion na i-huli ang Class Zero since not more than 20 ang students, unlike the other class," he added. I frowned my brows. "What do you mean, 'not more than 20' ? you mean, 10 lang kami? what the f—" Bago ko pa matapos ang pagmumura ko. Tinapakan na ni Kuya ang shoes ko.
"Masakit ha?" I rolled my eyes and wipe away the dust in my sneakers.
"No, 19 lang kayo," Sir answered, revealing the class records.
"19?" I scoffed after I read the class records.
"Sana sinali niyo na si Kuya sa list, sir. Para saradong bente—" Napamura ako nang pisilin ni Kuya ang braso ko. "Masakit!" I hissed. Pati si Professor ay natawa na rin dahil sa ginawa ni Kuya.
"College na ako!" he hissed, "ibalik kita sa sinapupunan ng nanay mo eh," dag-dag ni Kuya.
Natawa ako at sinampal ang braso niya at saka pinisil ang pisngi niya. "Ito namang si bayag! joke lang!"
"ANONG BAYAG!?!"
***
After that exhausting school tour with my tour guide, Kuya. Dumiretso kami sa mall.
Yep! Lumabas kami sa subdivision and again, pinagtitinginan na naman ang lola nyo. "Galing kuya no! Naglalakad lang naman ako pero grabe na ang tingin nila sakin," mahina kong bulong kay Kuya habang busy siya sa cellphone niya.
"That's because you're walking like a fashion model," he answered without glancing at me.
Napangiti naman ako ng malapad at hinawakan ng mahigpit ang aking purse. Kuya and I went to the department floor para bumili ng school supplies and book that I might need when the class starts. I told him not to bother na since he knows naman na I hate reading books and it's a waste of money. But Kuya is always kuya kaya nasunod ang gusto niya. Hindi naman na ako maka-angal kasi pera niya naman ang gagamitin. Hindi naman pera ko.
Oh well.
"We will separate muna, Kuya. My eyeliner is almost empty na so kailangan ko bumili ng bago," sabi ko kay Kuya and Kuya nodded while he's dragging that cart with him.
"Oh btw. Hehehehe. Can I borrow some of your money too?" I blink my beautiful eyes in front of him and he heaves a long sigh.
"Huwag kang gumastos ng marami or else, wala kang allowance," he said, giving me his credit card.
"Noted!"
I walked towards the Dior Boutique and hummed while I'm holding Kuya's card. A female greeted me and told me I look lovely daw which is not surprising anymore. She's just stating the obvious so I just smile at her.
Dumiretso ako gallery kung saan nakahelera ang mga paborito kong make up products. I try some of them while looking at myself in the mirror. Good thing I have my wet wipes with me kaya hindi problema sa akin ang pagtanggal nitong mga products na t-na-try ko. I am concentrating putting a perfect natural wing on my eyelid when someone bumped into me.
"WHAT THE HELL?!" I exclaimed and open my eyes. Napatingin ako sa salamin and I burst into anger. Ang plano kong natural eye wing ay naging malaking pakpak. Kulang nalang liparin ako ng mga pakpak na 'to!
"Who bumped me?" I asked calmly to maintain my cool. Wala ni isa sa mga tao ang sumagot kaya mas lalong nag-init ang ulo ko.
"WHO BUMPED ME!" I growl.
"Hey! Why are you..." I tilt my head when someone talked.
"W-what happen to you! Hahahahahahahahaha!" Tiningnan ko ng masama si kuya.
Do I look happy with how I look right now? Absolutely not! Am I smiling? Obviously, no!
"Happy?" I rolled my eyes at him and take my wet wipes to wipe the disaster. "I will sue that person to God! Whoever bumped me," I whispered turning my hand into a fist after wiping my face.
Wala pa ring tigil si Kuya kakatawa kaya iniwan ko siya doon at pumunta sa counter with my bare face. Mabuti na lang at natural na ang ganda ko. Marami pa ring nabighani kahit wala akong inaapply na make up.
Kung sino man yung bumangga sa akin. I will pull his/her pubic hair using a tweezers! I swears