[Shannon]
Gumaling ang mga sugat at ang sakit sa aking katawan matapos kong inumin ang potion na ginawa ni lola Shammalyn para sa akin.
Wala akong balak mag-aksaya ng oras. Tinanggal ko ang mga benda sa katawan ko pero kalaunan ay nagtali ako sa may baywang ko ng hindi masyadong mahigpit, iyon ang ginawa kong sword belt. Sinuksok ko rito ang aking espada.
Sinabi sa akin ni lola Shammalyn na dalawang kilometro raw ang layo namin ngayon mula sa pinaglabanan namin kanina nung Don na nakaharap ko. Kailangan kong balikan ang lugar na iyon at patigilin ang Green Oracle na malamang ay siyang ginamit para ikulong ang Palkia City at hindi makagamit ng magic ang mga Magus sa loob nito, kabilang ako roon.
Lumabas ako sa kwarto na kinaroroonan ko. Tumambad sa akin ang malawak na silid na mukhang pinaghalong isang laboratory, kusina at sala. Sa pinakagitna ng silid ay mayroong ladder na gawa sa bakal. Mukhang ito ang daanan patungo sa ibabaw ng lupa, sa bahay ni lola Shammalyn.
Nakita ko si lola Shammalyn na nagluluto ng kaniyang pagkain. "Lola Shammalyn." Tinawag ko siya. "Salamat po sa tulong na ginawa niyo para sa akin. Sana ay pumayag kayong bisitahin ko kayo pagkatapos ng gulong ito."
Lumingon sa akin si lola at ngumite. "Sure. A member of Mchavoc Clan is always welcome here..." Positibo na sabi naman sa akin ni lola. "Pero hija, try smiling when saying things like that next time." Payo niya sa akin.
"P-Pasensya na po." Medyo nahiya na sabi ko naman. "Mauna na po ako." Paalam ko. Nagmadali akong umakyat sa ladder.
"Sandali lang, hija!!" Sigaw bigla ni lola Shammalyn sa akin. Hindi naman ako nag-atubili na bumaba pabalik.
"Ano po 'yon?" Tanong ko ng ako'y tuluyang nakabalik. Hinagis niya sa akin ang dalawang mga kwintas.
Sinalo ko naman ang mga ito. Kakaiba ang disenyo mayroon ang mga kwintas. Ang isa ay mayroong pendant na parang isang shield na kulay violet at may magandang markang kulang itim na parang isang bulaklak habang ang isang kwintas naman ay may pendant na bilog na kulay pula, sa loob ng bilog ay mayroong nakapaloob na isang pakpak na patuloy sa pag-liyab.
"Ang mga kwintas na hawak mo ngayon ay parehong mga Scared Treasure. Ito ay ang 'Blood Wings at Necklace Of Durance'. Ang Blood Wings ay isang espesyal na magic weapon para sa mga Fire Magus. Pinapalakas nito ang lakas ng apoy depende sa dami ng dugo na ipapatak sa bolang pendant nito na hihigupin ng pakpak na nasa loob nito. Ang Necklace Of Durance naman ay binibigyan ng mataas na level ng pisikal na depensa ang may suot nito. Hindi ito basta-basta mahihiwa ng mga patalim sa katawan. Mawawalan lang ng epekto ang Necklace Of Durance kung maubusan ng magic ang may suot nito. Tumutulong din ang Necklace Of Durance na protektahan ang may suot nito mula sa mga mental attacks gaya ng mind manipulation, possession at maraming iba pa. Gayon paman, hindi parin dapat maging dependent sa kakayahan ng Necklace Of Durance ang may suot nito. Mayroon paring mga nilalang sa mundong ito na malakas keysa sa inaasahan ang mga atake na kayang gawin." Pinaliwanag ni lola Shammalyn sa akin ang mga kwintas na ibinigay niya.
Napa-yuko naman ako. "Maraming salamat talaga sa lahat, lola Shammalyn." Sinserong sabi ko.
*****
Tuluyan na akong naka-akyat patungo sa bahay ni lola Shammalyn. Sa aking pagtulak sa pinto ay tumambad sa akin ang wasak na bahay. Hindi lang ang bahay ni lola Shammalyn ang inatake, kundi pati na ang iba na aking natanaw. Sinarado ko agad ang pinto at tumakbo para bumalik sa pinaglabanan namin kanina nung Don. Grabe, ang daming usok na akong nakikita sa Palkia City. Talagang sinamantala ng mga robot ang pagpigil ng Green Oracle na mapalabas ng mga magus ang magic na mayroon sila, na nandito sa bayan na ito.
Hinugot ko agad ang espada ko na mula sa kaluban nito dahil nakakita ako ng dalawang robot na napansin na din ang aking presensya.
Kahit na hindi ako nakakagamit ng magic, kaya ko paring lumaban. Hindi masisira sa mga katulad ng mga robot na mga ito ang espada ko na isang Sacred Treasure.
Pinaulanan ako ng bala ng mga robot. Naalala ko ang kakayahan na mayroon ang Sacred Treasure, Necklace Of Durance kaya kinuha ko ito mula sa aking bulsa at sinuot sa aking leeg. Hindi ako tinablan ng mga bala na tumama sa akin.
Sinubukan ding magpasabog sa akin ng mga robot dahil hindi gumana ang malakas na baril nila. Hindi din umubra ang dalawang pasabog na tumama sa akin.
Tuluyan akong nakalapit sa mga robot. Inispada ko at pinugutan ng ulo ang isa habang sinipa ko naman sa dibdib ang isa. Tumagos ang aking paa sa sinipa kong robot. As I suspected, mga tao lamang ang mga ito na minodified para maging kalahating robot at kalahating tao. Malamang ang Don na tumalo sa akin ang kumokontrol sa kanila.
Sumirit ang dugo ng pinugutan kong robot habang ang aking paa naman ay nabalutan ng dugo nang tanggalin ko na ito sa dibdib ng sinipa kong isa pang robot.
Kailangan kong magmadali.
Nagpatuloy lamang ako sa aking pagtakbo.
Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, biglang sumakit ang ulo at para akong nabinge, na para bang tinutukan ang mga tenga ko ng malalakas na tunog. Hindi ito nagtagal kaya nakapag-patuloy parin ako sa paglakad.
⟨⟨ Fulfill your promise, Savior Grace. Come back to me, together with the Legendary Aces. He's return is near, you must hurry up... ⟩⟩ Isang panibagong boses ang nagsalita sa aking isipan. Sigurado akong hindi ito ang Demon na kumukulit sa akin.
Nabalot ako ng pagtataka dahil wala akong ideya sa sinabi nito sa akin. I found Giftia but such information about Savior Grace and Legendary Aces was not given to me.
Anong nangyayari?
Napaka-weird.
Tinapik-tapik ko ang magkabilang pisnge ko nang hindi ko masyadong isipin ang sinabi sa akin ng kung sino man sa isipan ko.
*****
[Third-person]
Samantala sa kabilang dako naman, nahanap nina Don Nervoz kasama ang kaniyang dalawang tauhan ang isang abandonadong balon.
"A labyrinth." Reaksyon ni Don Nervoz sa kaniyang pagtingin sa malalim na balon.
"Panginoon, isa po bang lagusan ang balon na ito?" Tanong ni Terminator 10 sa kaniyang amo na tumango sa kaniya.
"Sarimanok is hiding somewhere in the labyrinth." Sabi ni Don Nervoz sa kaniyang mga tauhan.
"We're going in..." Sabi naman ni Terminator 9. "To make things safe, to ensure there are no traps, I'll go first." Anunsyo niya.
"Go, Terminator 9." Pag-sangayon naman ni Don Nervoz sa kaniyang tauhan.
Tumalon papasok sa balon si Terminator 9. Nakababa ito sa dulo ng balon nang walang aberya. Napatunayan nitong walang kahit na anong patibong ang nakalagay sa balon.
"Mukhang ayos naman. Pero duda akong sa mismong labyrinth, sigurado akong maraming patibong ang nakahanda para sa atin doon." Sabi ni Don Nervoz.
Ilang sandali pa ang lumipas, biglang nagliwanag ang lupa na tinatapakan ni Terminator 9, kalaunan ay naglaho ito.
"Nakapasok na kaya siya sa labyrinth panginoon?" Tanong ni Terminator 10 kay Don Nervoz na ngumite.
"Alamin mo..." Utos ni Don Nervoz kay Terminator 10 kinakabahan na tumalon sa balon.
Ilang saglit lang din ang lumipas ay nagliwanag ang tinatapakan na lupa ni Terminator 10 at naglaho ito. Sa paglaho ni Terminator 10 ay tumalon na din si Don Nervoz.
(Hintayin mo ako, Sarimanok!!) Nasasabik na sabi ni Don Nervoz sa kaniyang sarile.
Sa paglaho ni Don Nervoz mula sa balon, napadpad siya sa isang napaka-lawak na lugar. Nakita niya dito ang kaniyang dalawang tauhan na nauna sa kaniyang makapunta sa lugar.
Isang kamangha-manghang lugar na mayroong mataas na pader. Gawa sa purong matigas na bato ang pader. Sa kisame naman na gawa din sa bato ay mayroong mga kumikinang na mga crystal na siyang nagsisilbing ilaw sa lugar. Marami ding mga cube na tipak ng bato ang lumulutang sa lugar. Marami ding lumilipad na mga alitaptap. Ang sahig ay mayroong mga parisukat na parang mga floor tiles na may disenyo bawat tile. Mayroon ding isang maliit na batis sa lugar kung saan sa gitna nito ay mayroong isang malaking halaman na sa itaas ay mayroong isang malaking bulaklak na kulay dilaw na mayroong walong petals.
Nakita ni Don Nervoz na mayroong tatlong lagusan papasok sa iba pang bahagi ng labyrinth na kanilang napasukan.
"Mukhang kailangan nating mag-hiwalay ng landas." Anunsyo ni Don Nervoz sa kaniyang mga tauhan. "Huwag kayong magpadalos-dalos. Kung ramdam niyong malapit sa paligid niyo ang adarna, lumayo kayo dahil isang Mutant Animal ang haharapin niyo na hindi niyo kakayanin na kalabanin. Kapag nagkataon na mangyari ang bagay na iyon, hintayin na magpunta ang kasama. Maliwanag ba?"
"Opo." Yumuko naman ang dalawa sa kanilang pag-tugon sa sinabi nj Don Nervoz.
Humakbang si Don Nervoz, sa kaniyang floor tile na naapakan, bigla itong sumabog. Hindi napinsala si Don Nervoz sa pagsabog subalit nainis siya sa nangyari.
"That's a magic land mine." Sabi ni Terminator 10 sa nangyari.
"Kailangan nating mag-ingat sa bawat tatapakan nating floor tile." Pahayag naman ni Terminator 9.
"Tama ka." Pag-sangayon ni Terminator 10 sa kaniya.
Humakbang silang dalawa ng maingat sa mga floor tile habang si Don Nervoz ay gumamit ng kaniyang jet feet at lumipad patungo sa lagusan nitong napiling pasukan.
Itutuloy. ಠ ͜ʖ ಠ