[Shannon]
Aalis na sana kaming tatlo nang dumating sa kinaroroonan namin si Sheina na halata sa mukha nito ang inis. Mukhang tinakasan siya nina Senju at South na kaniyang binantayan sa academy.
"Mary-Shannon." Ako agad ang napansin ng loka at tumakbo sa akin para sunggaban ako ng yakap. Umilag ako siyempre.
"Sheina, what are you doing here?" Tanong ko sa kaniya kahit na alam ko na kung ano ang pakay niya.
Umirap siya kina Senju at South na namutla. "These two idiots don't like to stay put in the academy!! I need to punish them." Lumabas ang nakakatakot na aura ni Sheina na naramdaman nina Senju at South na mas lalong natakot.
"Stop doing that." Saway ko kay Sheina.
Hinagis ko kay Sheina ang Green Oracle, na kaniya namang sinalo. "A-anong gagawin ko dito?"
"Ang crystal na iyan ang dahilan kung bakit napigilan ang mga magus na makagamit ng magic. Ngayong bumalik na ang magic, siguro naman hindi na mahihirapan ang lahat na kalabanin ang mga pipitsuging mga robot na nagkalat sa bayan." Paliwanag ko.
Napa 'oh' siya sa aking sinabi.
"Ito pala ang Green Oracle." Sabi niya kalaunan.
"Minaliit masyado ng Don na may pakana ng kalokohan na ito ang bayan ng Palkia. Duda akong hindi niya dinala ang buong pwersa ng kaniyang hukbo rito."
"Halatang iniiwasan niyang mapansin siya ng ibang mga Don sa hakbang na kaniyang ginawa."
"Siya mismo." Pag-sangayon ko sa sinabi ni Sheina.
"Anyways, Mary-Shannon, nasaan na ang Don na sinasabi mong may pakana ng lahat ng ito?"
"Sa kagubatan sa labas ng Palkia City. Hinahanap ang Sarimanok malamang."
"What? Seryoso ang isa sa mga Mutant Lords ay nasa area ng Palkia City?"
"Yeah." Simpleng sabi ko. "Senju, South. You guys are so quiet. We should go." Aya ko kina Senju at South na sobrang tahimik sa takot kay Sheina na kanilang naramdaman.
Akmang lalakad na ako nang biglang hawakan ni Sheina ang pulsuhan ko dahilan para tumigil ako.
"Sandali Shannon. Hindi kita hahayaan na isama mo sila sa pakikipaglaban sa isang Don. Huwag mo silang isama para lang mamamatay sa kamay ng kalaban na ubod ng lakas kumpara sa kanilang dalawa." Seryoso na sabi niya sa akin. Umirap ako sa kaniya at nagpakawala ng aking aura.
"Don't tell me what to do. Let go of my wrist. I'll kill you." Malamig kong sabi kay Sheina.
Bumitaw naman agad siya sa kaniyang pagkakahawak sa aking pulsuhan.
"Even I can't beat the Don we're about to face. If they will die by joining me in the battle, then together we will die proud giving our best shot."
"Alam mo ng hindi ka mananalo pero lalaban ka parin? Shannon. Please, pagtulungan natin nina Rodeo ang kalaban...mas magkakaroon pa tayo ng mataas na tyansang magtagumpay na tatlo keysa kasama mo silang dalawa na mga hilaw pa ang kapangyarihan." Pagpupumilit ni Sheina.
"No, you and Rodeo will only be in my way. I'm letting Senju and South to join me because the three of us are inseparable in life. If one of us dies, then the other two shall die too. It's an oath we did 3 years ago. Unlike us three, Sheina, Mikey will be sad if you will die. Rodeo has a family too that will despair if he dies." Natigilan siya sa kaniyang kinatatayuan. Nagpatuloy naman ako sa paglakad. Sumunod sina Senju at South sa akin.
"Boss, isn't that a bit cold?" Tanong sa akin ni South.
"We didn't made such oath." Sabi naman ni Senju. "Why did you lie to teacher Sheina like that boss? It's look to me that she's just worried."
"Masyado siyang nagaaalala kaya ako nag-sinulanging nang ganoon." Paliwanag ko sa kanilang dalawa. "She's not a member of Havoc Gang, it's worthless for her to die facing a Don because that is our job, we cannot involve outsiders in our business. If we die in this battle, then that's it. Our dream will never happen that's all there is to it."
The two became quiet after hearing what I have said. Lumabas kami sa Palkia City, patungo sa kagubatan, sa direksyon kung saan ko naramdaman ang aura ng lalaking aking nakalaban kanina.
*****
[Sheina]
Tears kept flowing from my eyes. I can't stop the loneliness flooding in my chest and mind. Mary is sacrificing herself again for the sake of this trash country.
Ang tingin sa kaniyang mata ay nagpapatunay na hindi niya hahayaan na mabuhay ang Don na kaniyang haharapin kahit na anong mangyari. Mamamatay man siya sa labanan na kaniyang pupuntahan, sisiguraduhin niyang isasama niya sa hukay ang Don.
Bumagsak ang katawan ko sa lupa. Napaluhod akong umiiyak. "Napaka-makasarile mo Mary!! Iiwan mo na ako, kaming mga nagmamahal sayo ng tuluyan sa pagkakataon na ito." Nahihirapan mang magsalita dahil sa aking pagiyak ay nagawa ko paring magsalita sa hangin.
(Xebec, why did you have to die. You're the only light that Mary follows. You're such an idiot, this time, she's going to follow you in the afterlife!!)
Ilang sandali ang lumipas, hindi ko parin nagawang tumahan. Inabutan na nga lang ako nina Rodeo kasama ang ilang mga kapwa ko teachers at mga studyante.
Pumunta sila sa hukay na kinaroroonan ko.
"What happened here?" Tanong agad ni Rodeo sa akin. Hindi ko magawang sumagot sa kaniya. "Sheina!!" Tinaasan niya ako ng boses pero hindi ko paring nagawang sagutin si Rodeo sa kaniyang tanong.
Bagkos ay natumba lang ako pahiga sa lupa. Hindi nakayanan ng aking katawan ang labis na pag-iyak kaya ako'y nawalan ng malay nang tuluyan.
*****
[Rialyn]
Nasa isang lugar kami ngayon sa bayan, naglalakad. Kasama ko sina Zayn, Rum, Devorah, Meryl at iba pa naming mga kaklase na hindi sumama kay Ruke kanina sa War Game.
Hindi kami gaanong nahirapan na labanan ang mga robot na aming nakasagupa dahil sa paglalaho ng barrier na bumalot sa bayan, kaya naman nakagamit na ulit kami ng aming magic.
Hindi ko alam kung saan nagpunta sina Senju at South. Pero hindi ako na magtataka kung hinanap nila kung nasaan si Shannon. Mas nauna silang naging malapit na dalawa kay Shannon kaysa sakin.
Nakatuon ang aking atensyon ngayon sa pakikipaglaban sa mga robot, hindi ko balak na humiwalay sa mga kaklase ko dahil pagod na kami sa pakikipaglaban sa War Game pa lang. Mahirap ng baka ambushin kami ng mas maraming bilang ng mga robot at magkanda-loko na.
Uminom ako saglit ng tubig sa tumbler na aking dala. Nakakauhaw kasi dahil mainit ang sikat ng araw.
Wala namang maarte sa aming magkakasama liban kay Moon Bay na nakapayong na lumaban sa mga robot na aming nakasagupa kanina.
Patuloy kami sa paglalakad para tugisin ang mga robot na halos sirain na ang buong Palkia City.
"Rialyn, mind sharing some water to me?" Kinausap ako ni Devorah na tagaktak ang pawis sa mukha.
"Sure." Hindi ko naman ipinagdamot sa kaniya ang tubig na aking iniinom. Inabot ko sa kaniya ang tumbler na may kalahati pa nitong laman na tubig.
"Salamat." Sabi niya sa akin saka uminom.
Lumapit naman sa akin si Zayn. "Rialyn, sa tingin mo nasa bayan pa kaya sina Senju at South?" Bigla ay tanong niya.
"Worried about your friends?" Sumali sa usapan namin si Meryl.
"Don't butt in the conversation you outsider!!" Asar na sabi naman ni Rum kay Meryl. Maka-saway nakisali lang din sa usapan.
"Ang high blood mo naman." Sabi ni Meryl kay Rum na napagitgit sa kaniyang ngipin.
"Sa totoo lang Zayn, hindi ko alam." Tugon ko kay Zayn.
"Ganon ba?" Nalungkot na sabi niya. Mukhang gusto ding alamin ni Zayn kung maaayos lang ang lagay ni Shannon.
"Anyways, Rialyn, after this mess. Fight me!!" Bigla akong hinamon ni Rum.
"Anong kalokohan na naman ang sinasabi mo?" Tanong ni Zayn sa kaniya.
"Huwag kang makialam." Inis na sabi naman ni Rum kay Zayn.
Kinalabit naman ako ni Meryl na mukhang may gustong ibulong sa akin kaya lumapit ako sa kaniya.
"Bakit Meryl?" Tanong ko sa kaniya.
"Ikaw ang Vice-president ng Havoc Gangsters 'diba?"
"Oo."
"Hindi na ako makapaghintay na matapos ang laban bago ko ito sabihin. Pero sasabihin ko na. You have the second highest authority in the gang right?"
"Oo."
"Can you let me join Havoc Gang, Rialyn?"
"Seryoso kaba sa sinasabi mo?" Pabulong na sabi ko kahit na na-shock ako sa kaniyang sinabi.
"I'm dead serious. I want to be a member of the gang. I'm going to be useful to Shannon Petrini, as I have a vast knowledge when it comes to medicine and potion brewing."
"Wow..." Mangha na sabi ko. "Kung ganiyan ka kagaling, aprubado kana sa akin." Pinayagan ko siyang sumali.
"Anong pinagbubulungan niyong dalawa diyan? Nakakairita kayo sa mata." Inis na sabi ni Moon sa amin na nasa likuran namin ni Meryl. "Nagagawa niyong magkwentuhan, ang lalakas ng apog niyo porket mga Stage 3 kayo."
Hindi namin siya pinansin ni Meryl.
"Girl, mas high blood kapa yata kay Rum?" Rinig kong pagkausap kay Moon ni Que. Narinig ko din kalaunan ang malakas na tunog ng pagsapak ni Moon kay Que. "Aray ko naman..." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Rum.
"Don't pair me with Rum you stupid gay!!" Angal ni Moon kay Que.
There's no need to hit him. Moon is so abusive to Que.
Naging alerto uli kaming lahat nang may nagpakita na mga robot sa aming harapan. May karamihan ang bilang ng mga ito.
"Arg! Here they are." Inis parin si Moon.
"Bakit hindi kayo maubos-ubos?!" Sigaw naman ni Tinzel na siyang naunang sumugod sa aming lahat papunta sa mga robot.
"Sandali lang, Tinzel!!" Sigaw sa kaniya ni Alena ngunit hindi siya pinakinggan ni Tinzel. Napaka-hangin talaga ng lalaking 'yon!
Itutuloy. Ꮚ˘ ꈊ ˘ Ꮚ