Chereads / Grace and Aces (Filipino) / Chapter 42 - (Labyrinth Incident Arc) Chapter 41 - Humanoid Plantiel, Lava Surfer

Chapter 42 - (Labyrinth Incident Arc) Chapter 41 - Humanoid Plantiel, Lava Surfer

South Avalo Point Of View

Nakalipat kami ni Isda sa ibang section ng labyrinth. Napunta kami sa isang napaka-init na lugar kung saan mayroong dagat ng lava. Kung ang pinanggalingan namin ni Isda kanina ay isang replication ng sky islands, ngayon naman ay lava ocean.

Ang tinatapakan naming lupa ni Isda ngayon ay sobrang init. Ginamit ni Isda ang kaniyang kaliskis bilang sapin sa kaniyang paa habang ako naman ay tinitiis ang init. Balewala na ang ganito sa akin kung ikukumpara sa sandamakmak na paghihirap na aking naranasan sa aking buhay bilang isang alipin.

"Ayos ka lang isda?" Tanong ko kay Isda na pawis na pawis at hinihingal sa sobrang init ng lugar.

"Papa, I need to rehydrate." Sabi niya sa akin saka pinampaypay ang kaniyang kaliwang kamay para bigyan ng hangin ang kaniyang mukha.

"You have Water Magic, why not use it then drink?"

"I can't drink my own magic!"

"What kind of logic is that?"

"It's how it is."

"Huh?"

"Papa, carry me..." Pabebe na sabi niya sa akin.

"Bakit ko gagawin 'yon? Kaya mong maglakad mag-isa."

"Hindi po! Pagod na ako sa sobrang init." Unti-unti siyang nagsalampak sa lupa. Gumawa siya ng maraming kaliskis na siyang pinangsapin niya.

It is probably cool to see such mutant animal using its magic ability if only it's not Isda. Kung hindi mahaba ang pasensya ko sa loka-loka na 'to, ewan ko na lang...hindi pa matagal na nakilala ko siya pero nakaka-stress na...

Nawiwirduhan ako masyado sa kaniyang katauhan.

Mukhang wala ng plano na tumayo si Isda kaya napilitan akong kargahin siya. I carried her bridal style.

TSK! My asexual character will be put into test in this very moment.

Mabilis akong nagpalipat-lipat ng mga lupang tatapakan para maka-alis sa lugar na ito.

Nakita ko na ang lagusan patungo sa ibang section ngunit hindi agad ako nakapasok doon. Malapit na kasi ako sa bukana nang biglang may lumutang mula sa napaka-init na lava na isang mutant animal or so I thought.

"What is that?" Takang sabi ko. Dahan-dahan kong binitawan si Isda sa isang lupa na aming pinuntahan. Hinarangan kasi ng nilalang na lumbas bigla ang lagusan.

"That's an 'Alien Plant'. To be precise, 'Alien Plant, Humanoid Plantiel. Isang uri ng 'Man Eating Plant Species' na mayroong anyo na pareho sa tao. Yun nga lang, wala silang paa, ang kanilang katawan ay nakatanim sa lupa na pinagtaniman nila. Gumagalaw ang mga ito pero hindi umaalis sa kanilang pwesto. Maraming ibat-ibang klase ng mga Humanoid Plantiel, ang nasa harapan natin ngayon ay tinatawag na Lava Surfer Humanoid Plantiel. Nakikita mo naman, nabubuhay ito sa lava at sa lava lang tutubo ang mga ito. May posibilad na hindi lang ang isang 'yan ang nabubuhay na halamang tulad niya sa lugar na ito, sigurado akong marami sila. Hindi lalawak at lalaki ang lugar na ito kung isa lang ang Lava Surfer na nandito. Conjurers ang mga Humanoid Plantiel, sa nakukuha na sustansya ng mga ito mula sa kanilang mga pagkain ay nagagawa nilang mag-conjure ng lava at gawin itong dagat gaya ng lugar na ito. Dahil din sa pagkain nila ng laman ng mga nilalang ay lumalaki sila. It's a ridiculous plant kaya tinawag itong Alien Plant." Paliwanag ni Isda sa akin patungkol sa humarang sa daan namin.

"It's like the Dino Plants but somehow different..." Reaksyon ko naman. "We need to destroy it right?" Pahayag ko. Tumango naman si Isda sa akin.

This Alien Plant Infront of us, if I'll estimate its height, siguro nasa 16 feet ang taas nito.

"Your magic is plant right? Then we have an advantage." Sabi ni Isda sa akin na siyang ikina-iling ko.

"No, we're at an disadvantage. Plant is weak to lava it's obvious." Madiin na sabi ko.

"You create and manipulate plants right? Even though that's an Alien Plant, that's still a plant!"

"This is the first time I encounter this plant specie. There's no way I can deal with it easily using my magic!!" Angal ko.

"Papa! That's uncool." Sabi niya na sumimangot nang husto ang mukha.

"Oi..." Medyo nainis ako sa narinig ko. Napakamot ako ng husto sa ulo ko. "Fine. Let's see what I can do. Ako na ang haharap sa Humanoid Plantiel na ito." Pagpresenta ko sa kaniya na lalabanan ko ang Humanoid Plantiel na nakaharang sa daan. "Bakit hindi pa kumilos ang Humanoid Plantiel na iyan? Kanina pa natin siya nakita."

"They won't attack you if you're not 5 meters near them. Once you get 5 meters near them and they noticed you, it won't stop attacking you until it kills you or it eats you. Mapanukso ang mga Humanoid Plantiel, kahit pa napansin kana ng mga ito kung lalayo ka sa kanila ng higit sa sampung metro, titigil ito sa pag-atake. Iyon ay dahil hindi ka nila makakain kung masyado kang malayo sa kanila." Paliwanag ni Isda sa akin.

Ang dami talagang alam. Nakaka-taas ng pagdududa ko lalo sa kaniya pero, napapakinabangan ang mga alam niya.

Wala din naman kaming ibang mapagpipilian  kundi ang patayin ang halaman na nakaharang sa daan.

I will finish this quick.

I channeled magic to my body.

"Plant Gear: Green Peas Cannon Plant ." I said to activate a spell.

Nabalutan ng balat ng isang halaman ang aking katawan. Unti-unting kong naramdaman ang pagbabago sa aking buhok, na hindi nagtagal ay naging maiiksi na pareho sa isang berdeng baging ang itsura nito. Ang bibig ko naman ay humaba ng pabilog na parang kanyon. Nagkaroon din ng tig-isang malaking dahon sa aking mga paa. May ilan ding maliliit na mga dahon ang tumubo sa katawan ko.

"Papa, ang cool mo!" Sigaw naman sa akin nang natuwa sa nakita niya na si Isda. Para pa ngang mayroong bituin na kumikinang sa kaniyang mga mata.

Sumama naman ang aking pakiramdam. "Isda, mas mainit ang nararamdaman ko ngayon dahil isa na akong halaman!" Reklamo ko kay Isda.

"Ang cute gumalaw ng parang isang tubo na bibig mo papa." Sabi naman sa akin ni Isda.

"That's not the point here!" Asar na sabi ko.

Kumindat naman siya at dumila.

Magrereklamo ulit sana ako kay Isda ngunit napansin ko ang suot ko na kwintas.

I'm such an idiot...I forgot I got something like this from boss. If I recall it correctly, this necklace is a Sacred Treasure that can give me extreme defense, meaning I can utilize my body endurance and toughness with it.

To think that, this lava ocean alike place can still give me this much heat even though I am wearing this necklace, it's bizarre...or I still don't get the hang of this Sacred Treasure I received from the person I respect and trust the most in this world.

"Isda."

"What? You paused so suddenly just to call my name?"

"Just to make sure. Kaya mo bang balutan ng tubig ang pares ng dahon na nakalagay sa dalawang paa ko? These leaves helps me fly same with birds." I asked her.

"Sige ba papa. Let me see how much cool that transformation is!!" Nahyper na sabi niya. "Let see, hmmm...w-water coat!" Sabi niya saka nagpalabas ng tubig mula sa kaniyang kamay. Nahati ito sa dalawang bola ng tubig at lumipad tungo sa mga dahon na nasa paa ko at bumalot dito.

"Ngayon mo lang inisip ang pangalan ng spell na 'yon 'no?" Tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya ng malapad.

Hayst...

"Anyways, salamat!" I gave her my thanks and finally took a serious battle face on the Humanoid Plantiel.

"Don't worry, I'm pretty much confident at my magic. The water coat won't evaporate unless it is directly touch by the lava. So rest assured." Pahabol na sabi naman ni Isda.

Hindi ako lumingon sa kaniya, bagkos ay tumango lang ako.

Huminga ako ng malalim at bumuga ng maraming peas. "Pea, mini cannon balls!" Bigkas ko sa atake na ginawa ko. Sumugod ang maraming green peas sa Humanoid Plantiel at sumabog. Nasabugan man ay hindi parin natumba ang Humanoid Plantiel. Sobrang tibay naman ng katawan mayroon ang Alien Plant na ito.

Pumagaspas ang mga dahon sa paa ko at nakalipad ako sa himpapawid. Sumugod ako palapit sa Humanoid Plantiel. Luckily, the water that is coating both the leaves is not separating from the movement the leaves are making.

I was at the Humanoid Plantiel's striking distance, it quickly use the lava around it.

Nagkaroon ng maraming mga lava poles na agad sumugod sa akin, umilag ako. Grabe, hindi talaga biro ang init na taglay ng isang lava. Inilagan ko lahat ng mga lava, habang ginagawa ito ay bumunot ako ng dalawang hibla ng buhok ko na naging tulad sa baging. Hinipan ko ang mga ito at naging grean peas ang mga ito. Dalawang green peas na hawak ko sa aking kamay na kasing laki ng aking palad. Hinagis ko ang mga ito sa Humanoid Plantiel.

Dahil sa ginawa ko kanina na pagbuga ng mga sumasabog na green peas ay natanggal sa katawan ng Humanoid Plantiel ang lava na lumiligo sa katawan nito. Kaya naman, tumubo ang dalawang green peas na tumama sa katawan nito at mabilis na gumapang at naging dumami ang bilang ng mga sanga na mayroon ang isang green peas plant.

"How do you like being a trellis for those plants? They bind your body you fucking Alien Plant!" Sigaw ko sa Humanoid Plantiel na binalutan ng napakabilis na lumaking at humabang dalawang green peas plant.

It's not surprising that the Humanoid Plantiel used the lave around it and blasted itself with lots of lave pillars. It's the way I wanted it.

With it being busy for burning the peas plant that engulfed it's body. I went quickly to it's left side, near it's face as soon as the lava flowed back downward the lave ocean.

"Get out of our way, you brainless weird plant!! Green Peas Fist!" Nagbago ang itsura ng kanang kamao ko. Naging isa itong bilog na green peas, na aking pinangsuntok sa mukha ng Humanoid Plantiel. "Ang init!" Napasigaw ako sa hindi biro na init ng katawan mayroon ang Humanoid Plantiel, Lava Surfer.

Nagdudulot ng pagsabog ang aking Green Peas Fist kapag dumidikit ito sa kahit anong bagay na nais kong patamaan. Nakadepende sa laki ng Green Peas Fist ko ang lakas ng pagsabog. Sa ginamit kong laki sa pagsuntok sa Humanoid Plantiel, pareho lang ang laki sa aking kamao.

Natumba ang Humanoid Plantiel sa ginawa ko. Damn it, ang dami ng lava na tumalsik dahil sa pagbagsak ng Humanoid Plantiel sa lava ocean. How careless of me na natalsikan ang dahon sa kaliwang paa ko. Nag-evaporate ang tubig at nasunog ang dahon kaya nawala ang balanse ko sa himpapawid at ang kakayahan kong makalipad. Nahulog ako, kapag wala akong ginawa, matutunaw ako sa lava na pagbabagsakan ko.

Damn it.

I am a goner.

"That was fifty-fifty papa." Nagtungo sa kinaroroonan ko si Isda na iniligtas ako.

Mukhang hybrid na anyong tao at isda ang anyo niya ngayon na taglay. Gumagamit siya ng water puddle sa ere at tinatapakan ito. Kalaunan ay naglalaho din agad ang puddle na tinapakan niya. Nagtungo kami sa bukana ng lagusan na ngayon ay amin nang madadaanan.

"Anong fifty-fifty ang sinasabi mo?" Tanong ko agad kay Isda sa kaniyang pagbitaw sa akin. Bumalik naman siya sa pagiging anyong tao niya. As usual, ang underwear na tanging saplot niya sa katawan ay gawa sa tubig.

"Fifty percent cool and fifty percent lame." She explained.

"TSK! Akala ko pa naman kung ano na." Napatawa ako sa aking narinig sa kaniya matapos kong magsalita.

"Ano pong nakakatawa?"

"Ahh, wala naman. Tara na, bibigyan pa natin ng leksyon yung nambastos sayo 'diba?" Sabi ko sa kaniya.

Tumango naman siya.

Nagsimula kaming lumakad, dinis-able ko naman ang aking Plant Gear Spell.

Itutuloy.