Chereads / Grace and Aces (Filipino) / Chapter 48 - (Labyrinth Incident Arc) Chapter 47 - Senju Fanah Versus Terminator 10

Chapter 48 - (Labyrinth Incident Arc) Chapter 47 - Senju Fanah Versus Terminator 10

Third-person Point Of View

Sa section ng labyrinth kung saan naroon sina Johnbhel isang Sarimanok Guardian, si Senju at ang kaniyang kalaban na haharapin na si Terminator 10 na isang Don's Commander.

Gigil ang mukha ni Senju matapos niyang masipa sa dibdib nito ang tumilapon na si Terminator 10.

"Tumayo ka putangina ka!" Sigaw ni Senju sa tumawa naman ng malakas na si Terminator 10 na agad namang tumayo.

"That was one weak kick you gave to me idiot." Pagmamaliit nito agad sa ginawa na pagsipa sa kaniya ni Senju. (This bastard. He's Stage 2 Ranked Magus and yet he gave that kick that was the same level as an Stage 1 Ranked Magus.) Pag-obserba naman na sabi nito sa kaniyang isipan.

"I'm not going to give you a simple death!" Sumugod muli si Senju kay Terminator.

"Oh really?" Sabi naman ni Terminator na hinanda ang kaniyang espada. Nag-channel ito ng magic at nagpadala ng mana sa kaniyang spear na sandatang hawak.

Nagkaroon ng kulay yellow na enerhiya na bumalot sa kaniyang spear. "Energy Manipulation, Yellow Slash!" Bigkas nito sa atake na kaniyang ginawa.

Winasiwas niya ang kaniyang spear sa direksyon nang papasugod na si Senju at kumawala ang yellow energy slash.

"Flare Armored Feet!" Gumamit ng spell si Senju na binabalutan ng matigas na apoy ang kaniyang mga paa. Sinipa niya ang nang mabilis ang energy slash na lumapit sa kaniya patungo sa kanang direksyon.

Tumama sa isang poste ang energy slash at doon sumabog. Mabilis namang dumiretso si Senju kay Terminator 10 na nag-ipon ulit ng enerhiya na papakawalan.

Sumipa si Senju ngunit ipinangsangga ni Terminator ang kaniyang spear at nakansela ang kaniyang pagiipon rito ng enerhiya. Ganon pamana, hindi ito nabahala sa nangyari.

Nagulat naman si Senju dahil ang mabigat niyang apoy na ibinalot sa kaniyang mga paa ay nasangga ng walang kahirap-hirap. Bigla ding mayroong lumabas na mga galamay na gawa sa bakal at mataas na teknolohiya. Nasaksak si Senju sa kanang bahagi ng tiyan nito ng isa sa mga galamay. Nagawa naman siyang hampasin ng malakas sa ulo ng isa pang galamay.

Tumilapon si Senju ngunit hindi parin tumigil ang mga galamay sa pag-atake. Humaba ang mga ito at sumugod kay Senju na ininda ang sugat na kaniyang natamo sa tiyan.

"Damn it!" Inis na sabi ni Senju sa hangin habang nakahawak sa kaniyang sugat.

Inilagan niya ang mga galamay na sumugod sa kaniya at dumistansya ng husto kay Terminator 10.

"Damn close to being a cyborg person!!" Muling nagsalita si Senju sa hangin at pinagmasdan ang mga gumagalaw-galaw na anim na robotic na galamay na mayroon si Terminator 10.

Pinakalma ni Senju ang kaniyang sarile.

(This guy is a lot more troublesome compared to that bumass Andrew Crimson...) Sa kaniyang sarile ay kinumpara niya si Terminator 10 at ang Top 1 student ng Asteromagus Academy.

Ilang saglit lang ang lumipas ay huminga siya ng malalim. Muli siyang lumapit ng mayroong 10 metro na pagitan kay Terminator 10.

"Brave enough...but nothing will change here. You will die and no one will give a shit about it." Kinausap siya ni Terminator 10 na minamaliit ang kakayahan ni Senju. "Magaling kang sumipa, oo. Kakaiba ang Fire Magic mo, oo. Pero walang kwenta lahat ng mga 'yan sa akin dahil modified human ako!!"

Nagtaas ng kilay si Senju sa kaniyang narinig. "Who gives a shit? That's exactly why I'm going to kill you even if I'll die also for doing that. I can't afford you to get to where your boss is and probably my boss was also there. You're going to give my boss pain in the head. I will not tolerate some hubris asshole to interfere with my boss." Anunsyo ni Senju na ikinakunot ng noo ni Terminator 10.

"Boss? Gangster ka nga kung ganon." Napatawa si Terminator 10 sa kaniyang narinig. "Interfere? Don't say such lame jokes, please. Do even have a idea how freaking of a monster the 5 Dons are?"

"Remember Shannon Petrini's name in hell...she will bring down the Don who is in this labyrinth. She'll definitely do it." Nakasigurado na sabi ni Senju.

Nagulat si Terminator sa biglaang pagpisil ni Senju sa kaniyang sugat. Kinuha din ni Senju ang suot niyang kwintas at pinatuluan ng dugo nito, na mas marami keysa sa kani-kaninang ginawa niya na pagsugat sa kaniyang palad.

Matapos nitong patuluan ng maraming dugo ang kwintas ay isinuot muli ito ni Senju.

Sa sobrang dami ng dugo na nahigop ng Blood Wings, malakas na pwersa ng apoy ang lumagablab sa buong katawan ni Senju.

Nakaramdam ng matinding sakit sa kaniyang katawan si Senju. Kaya naman napasigaw ng husto si Senju dahil mismong ang katawan niya sa loob-loob nito ay nakaramdam siya ng sobrang tindi na pagiinit.

⟨⟨ Awaken, Legendary Ace... ⟩⟩ Isang boses ang nagsalita sa isipan ni Senju.

"What the hell is that about?!" Sigaw ni Senju na napaluhod sa sahig.

Ang nanonood naman sa kalayuan na si Johnbhel, nabahala sa nangyayari kay Senju.

"Hindi maganda 'to, hindi kakayanin ng katawan niya ang ganoon kalakas na mana!!" Sabi ni Johnbhel na kahit siya mismo ay nahihirapan dahil sa mga sugat na nasa kaniyang katawan ay pinilit niyang lumakad.

Hindi pa siya nakakalayo sa kaniyang kinaroroonan nang bigla na lamang sumulpot sa kaniyang harapan sina Gemmalyn at Isda na kapwa niya Sarimanok Guardians.

"Dumating kapa, Malyn?" Tanong ni Johnbhel kay Gemmalyn. Tumakbo agad sa kaniya si Gemmalyn at inalalayan ito.

"What the hell is with that immense amount of mana?" Nagulat na sabi naman ni Isda na napansin agad ang nangyayari sa lugar sa kaniyang pagdating. "Stage 2 Ranked but the mana being emitted is Stage 1 Ranked Class with a Level Points of 5000. That's a max Stage 1 Rank status." Pag-obserba niya.

"Sinabi sa akin ng tao na nakasagupa ko bukod sa mga hangal na may planong masa sa Sarimanok sa isa sa mga section na binabantayan ko na may dalawa pa siyang kasamahan na pumasok sa labyrinth. Isa ba siya?" Tanong ni Gemmalyn kay Johnbhel patungkol kay Senju.

"Malamang. Hindi ko pa naman nakita yang sinasabi mo." Tugon ni Johnbhel.

"What to do? We need to hurry up and get back to where my papa is. I shouldn't have tag along." Nagaalala na sabi naman ni Isda.

"What the hell are you talking about, Isda?" Naguluhan naman na tanong ni Johnbhel kay Isda dahil sa sinabi nitong 'papa' na salita.

"We'll explain to you later." Sabi naman ni Gemmalyn. "Anong gagawin natin? Tutulong ba tayo?"

"Kapag ginawa mo iyan, magiging sagabal ka lang sa pakikipaglaban ni Senju Fanah. Tignan mo naman ang nangyari sa katawan ko, hindi ko kaya ang kalaban pero ang taong iyon, kinakaya niya. Hanggang sa umabot sa punto na ganito, kahit alam niyang matinding sakit at paghihirap ang makukuha niya ay ginamit niya ang ganito kalakas na kapangyarihan para lang talunin ang kalaban." Paliwanag naman ni Johnbhel.

Napakagat naman sa kaniyang ibabang labi si Gemmalyn. (Sino ba ang mga taong 'to. Maging si South Avalo ay mayroong pambihirang aura, patunay na malakas ang kaniyang kapangyarihan...) Sabi nito sa kaniyang sarile.

Samantala, sa kinaroroonan ni Senju, pinilit ni Senju na tumayo.

"You bastard. Activating this kind of mana. Sacred Treasures really are freaking annoying Magic Weapons as my boss's said." Reaksyon ni Terminator 10 sa nangyayari kay Senju. "Before you get the hang of that power, I'll kill you first!!" Pinasugod niya ang kaniyang mga humaba na mga galamay kay Senju. Mabilis din siyang nag-ipon ng enerhiya at binalutan ng Yellow Energy ang kaniyang mga galamay. "Mamatay kana, Tentacle Energy Strike!"

Sa paglapit ng mga galamay kay Senju, nagkaroon ng malakas na pagsabog. Yumanig pa dahil dito ang paligid mula sa kinaroroonan ni Senju na umabot ng ilang metro palayo na pagyanig.

Malakas na tumawa sa tuwa si Terminator 10. "Another trash remove. Now, time to get that shitty Sarimanok Guardian to find where the compass piece is located. Kapag nahanap ko ang compass piece, siguradong pararangalan ako ng boss ko at imo-modify pa ang katawan ko at bibigyan ng mas malakas pang mga robotic weapons gaya nitong robotic tentacles mayroon ako." Akmang lalakad na si Terminator 10 nang maglaho ang usok na dulot ng pagsabog, pababalikin na niya sana ang mga galamay niya papasok sa kaniyang likuran. Nanlaki ang mga mata nito ng magkaroon muli ng malakas na apoy.

Nakita niyang buhay paring nakatayo si Senju at nagliliyab. Tinupok at sinira ng apoy ni Senju ang bawat matutulis na dulo ng mga galamay ni Terminator 10.

"My high-class robotic tentacles... imposible..." Hindi makapaniwala na sabi nito.

Pinabalik na ng tuluyan ni Terminator 10 ang kaniyang mga galamay na nasira ang mga dulo sa kaniyang likuran, sa loob ng kaniyang katawan.

"Arg!!" Malakas na sumigaw si Senju. Kahit nahihirapan ay itinaas nito ang kaniyang kanang paa. Naging gawa sa apoy ang komposisyon ng kanang paa nito at humaba ng husto. Nang maka-abot na ito sa kisame ng kwarto, nagsimula na gumalaw ang paa at bumanda-banda sa paligid. Para bang isa itong goma na humahaba kapag hinihila at nagba-bounce ng malakas parang isang spring.

Napuno ang paligid malapit kay Terminator 10 ng mga apoy na sa kaniyang paningin ay parang ahas na mabilis na gumagapang kahit saan.

Hindi niya inasahan ang mabilis na pagsulpot ng mahabang bumabanda sa paligid na apoy na paa at nasipa siya sa kaniyang tagiliran. Nagkaroon ng crack sa bakal na katawan ni Terminator at nasaktan ng husto sa sipa na natanggap at nabalibag. Bumangga siya hindi lang sa isang poste na nasa kwarto kundi sa maraming bilang ng mga ito.

"Drop dead!!" Sigaw naman ni Senju na mas dinagdagan pa ang pwersa ng kaniyang paa na naging isang apoy na humahaba at bumabanda kaya lumaki ito ng kaunti. "Elastic Flame Kick!!" Bigkas ni Senju sa kaniyang atake na ginawa.

Rumagasa ang mga debris na dulot ng pagdaan ng paa ni Senju patungo sa direksyon ni Terminator 10 na katatayo pa lamang.

"Walang hiya ka!!" Ibinuhos ni Terminator 10 ang buong pwersa ng kaniyang magic ability sa kaniyang spear. "Hindi ko aatrasan ang atake mo!! Puputulin ko ang paa mo!!" Hinanda ni Terminator 10 ang kaniyang sarile. "Death Yellow Slash!" Winasiwas niya ang kaniyang spear na nabalutan ng malakas na pwersa ng Yellow Energy, sa paglapit ng paa ni Senju.

Sa pagsasabayan ng dalawa sa kanilang mga atake ay nagkaroon ng malakas na pagsabog. Nasira ang mga poste na malapit sa lugar ng sabayan ng atake.

"Puputulin ko ang paa mo!!" Sigaw ni Terminator 10 na pinupwersa ang sarile na higitan ang lakas ng pwersa na mayroon ang paa na nakikipag-gitgitan sa kaniyang spear na sandata.

Subalit, hindi nagtagal, nasira ang talim ng spear ni Terminator 10 at dumiretso sa kaniya ang paa ni Senju. Muli itong nasipa sa dibdib ngunit sa pagkakataon na ito, ang bakal niyang katawan ay nawasak.

Muling tumilapon si Terminator 10 at sa pagkakataon na ito ay bumangga sa pader ng section ng labyrinth na kanilang kinaroroonan at talagang bumaon rito ang katawan nito.

Napasuka ng dugo si Terminator 10 na agad nangisay at nawalan ng buhay dahil sa nawasak niyang katawan.

Sa pagbalik naman ng paa ni Senju sa normal na haba nito matapos ang paghaba nito ng husto ay natumba si Senju sa sahig at nawalan ng malay. Sumuka din ito ng dugo at umusok ng husto ang katawan.

Agad namang lumapit sa kaniya ang tatlong Sarimanok Guardians.

Itutuloy.