Chereads / Grace and Aces (Filipino) / Chapter 50 - (Labyrinth Incident Arc) Chapter 49 - South Avalo Versus Terminator 9

Chapter 50 - (Labyrinth Incident Arc) Chapter 49 - South Avalo Versus Terminator 9

Third Person Point Of View

Sa pagpatuloy ng laban nina South at Terminator 9...

Nahirapan na makalapit at makagawa ng opensa si South. Halos pag-ilag at depensa lamang ang kaniyang nagawa.

(I was planning to save my mana to be able to help out boss in defeating the Don but if I won't win against this bastard, it will be pointless to think of even facing a Don with this currently shitty level of myself. I'm Stage 2, the last time I fought Senju, I was still a Stage 4 on verge of ranking up to Stage 3. I think this spell will work out now...) Sabi ni South sa kaniyang sarile.

Sumugod si Terminator 9 kay South. Direktang natamaan ng malakas na buga ng apoy si South, na agad sinundan ni Terminator 9 ng malalakas na paghampas ng kaniyang mga lumulutang na mga bakal na ginawa. Tumilapon si South matapos niya itong atakihin

Nabali ang buto sa kanang balikat ni South, pati na rin ang kaniyang kaliwang tenga ay nasira ang pandinig sa paghampas ng bakal dito. Ang ilan din sa mga ribs sa kaliwang bahagi nito ay nabali.

Bumangga si South sa pader ng section na kanilang kinaroroonan. Ramdam ni South ang sakit sa pinsala na natamo niya ngunit hindi niya ito iniinda dahil nakatuon ang atensyon niya sa pag-activate sa kaniyang spell na nais niyang gamitin.

(Kaya ko itong gawin, hindi ba, Reanel?) Pagkausap ni South sa kaniyang sarile.

Sa isang iglap, ang ilang alaala ni South sa kaniyang nabalikang alalahanin...

*Flashback* Morl City

Sa mahabang kasaysayan ng mga Avalo Clan members, kilala bilang mga halimaw ang kanilang angkan. Kaya naman, simula pa lamang sa murang edad ni South, namulat sa mundo na kaniyang ginagalawa bilang isang taong kinamumuhian at ayaw na makasalamuha ng mga nakaka-alam ng kwento kuno ng kanilang pamilya. Palipat-lipat ng tirahan ang pamilya ni South sa Mavery Region, hanggang sa makarating sila sa Morl City, isang bayan na pinamamahalaan ng Madzua Clan na pinaniniwalaan din ng iba na mga halimaw.

Tinanggap ng mga Madzua ang pamilya ni South bilang mga katulong sa pamamahay ng mga ito kapalit ng kanilang paninirahan sa lugar. At dahil sa malalang sakit ng lolo ni South, kinailangan ng pamilya niyang humiram ng pera sa mga Madzua. Upang makabayad sa utang, dahil na rin sa murang edad ay namulat sa mundong ginagawalan, natutunan ni South na gamitin ang kaniyang magic. Kaya naman, siya ang naatasan na gawing personal na bodyguard ng dalawang prinsesa ng Morl City. Siya ang body guard nina Reanel Madzua at Rialyn Madzua.

Hindi maganda ang naging pakikitungo ni South kay Rialyn dahil pasaway ito, pero na ganon, hindi niya kinamumuhian si Rialyn at prino-protektahan ito lalo na kapag mayroong mga hangal na taga bayan ang nanunukso rito sa pagiging balat sibuyas nito. Samantalang si Reanel naman ay naging malapit na kaibigan para kay South. Dahil pareho silang namulat ng maaga sa magic, ay pareho silang nageeksperimento sa mga magic na taglay nila. Madalas silang tumambay sa library nagbabasa habang si Rialyn ay mahimbing natutulog at humihilik.

"Reanel, how about this plant. Do you think this is cool?" Inosente na tanong ni South kay Reanel na ngumite."

"Let's see, 'Bathala's Favorite Flower'. Yeah it is..." Pag-apruba ni Reanel sa sinabi ni South sa kaniya.

Labis na nasiyahan si South sa kaniyang narinig mula kay Reanel. "Pwede mo ba akong tulungan? Ano sa tingin mo, makakaya ko kayang gumawa ng sarile kong 'Bathala's Favorite Plant' gamit ang magic ko?"

"Anything is possible...as long as you're trying, South." Positibo na sabi naman ni Reanel kay South kahit na alam nito sa loob-loob nito mababa ang porsyento na makagawa si South ng 'Bathala's Favorite Flower' dahil ang libro na binasa ni South na naglalaman nito ay isang kahit isip na kwento lamang para sa mga bata. Ayaw ni Reanel na malungkot si South kaya naman sinuportahan niya na lamang ang gusto nito.

Ibinuhos ni South ang kaniyang parehong oras sa pagbabantay kina Reanel at Rialyn habang nagsasanay at sinusubukan niyang gumawa ng 'Bathala's Favorite Flower'.

Mas lalo pang napalapit si South sa magkapatid.

Dalawang taon ang lumipas, sa pagdating ng sumapit ang ika-labing-walong kaarawan ni Reanel. Hindi inaasahan na pangyayari ay naganap habang binabantayan ni South sa isang importante na event sa bayan si Rialyn, mga Magic Knights ang nagbantay kay Reanel at nangyari ang hindi inaasahan.

Walang eksaktong naka-alam kung ano ang nangyari, ang natukoy lang na kasiguraduhan ay naglaho si Reanel at ang mga Magic Knights na kasama nito.

Dahil sa nangyari, biglang nagbago ang pamilya Madzua...ibinenta ng hari si South sa halagang milyong Gilden sa isang Noble Family na kasosyo nito sa Weal Region. Isang Noble Family na maraming negosyo ngunit pinaka-patok na negosyo ng mga ito ay pagbebenta ng mga bakal. Si South ay ibinenta nang hindi man lang ito nakakapag-paalam kay Rialyn. Naging alipin si South. Alam ni South na may hindi magandang mangyayari sa kaniyang pamilya na nasa Morl City kapag siya ay nagrebelde o nagloko sa Noble Family na kaniyang pinagsisilbihan kaya nanatili siyang alipin na sunod-sunuran. Sa paninilbihan niya sa Nabac Noble Family, nakasama niya si Senju. Tuwing gabi, palihim na pinageensayuhan ni South ang paggawa ng 'Bathala's Favorite Flower' habang ang lahat ng tao na nasa bahay ng Nabac Noble Family ay mahimbing na natutulog.

Lumipas ang pitong buwan, na pagiging alipin ni South, dumating sa buhay nilang dalawa ni Senju si Shannon Petrini. Si Shannon Petrini na araw-araw silang kinukulit sumama sa kaniya sa pag-buo nito ng gang magmula ng makilala sila nito.

Inis na inis si South kay Shannon at tinataboy ito ngunit hindi parin sila nito tinigilan. Hanggang isang araw, dumating sa Nabac Noble Family house si Shannon na mayroong dalang mga Magic Knights at inaresto ang mga Nabac. Sa ginawa na ito ni Shannon Petrini ay naka-laya ang mga alipin ng Nabac Noble Family.

Dahil dito, labis na nagpasalamat si South kay Shannon. Sa ginawa na ito ni Shannon, ninais na makita ni South ang mga bagay pang magagawa pa ni Shannon Petrini. Kasama si Senju ay binuo nila ang Havoc Gang. Kung saan nagawa nilang wasakin ang kalahati ng Weal Region dahil narin kay Shannon na pinamalas ang kaniyang lakas.

Pinapasok sila ni Shannon sa Asteromagus Academy na nasa Palkia City. Sumabak sa Entrance Exam at nakapasa naman sila at mas lalo pang nadagdagan ang kaalaman ni South sa mga halaman.

*End Of Flashback*

(Watch this from the other side, Reanel. My 'Bathala's Favorite Flower' that I want to show off with you with a twist as I will turn my body like it.) Sabi ni South muli sa kaniyang sarile matapos ang saglit na pag-alala.

"Mamatay kana!" Pinasabugan si South ng malakas na pwersa ng laser beam ni Terminator 9 para tapusin na ang buhay ni South.

"H-hindi mo ako mapapatay nang hindi kita nasasama sa hukay gago!" Sigaw naman ni South na pinilit tumayo kahit na maraming baling buto at nagkaproblema nitong isang tenga. "Plant Gear: Bathala's Favorite Flower Man!" Inactivate ni South ang kaniyang spell na pambato.

Sa pagtama ng laser beam ay dito gumana ang plant gear spell ni South. Nagkaroon ng malakas na pagsabog na imbis na tumapos sa buhay ni South, naging magandang lighting effects lamang ito sa kaniyang transpormasyon na ginawa.

Sa ibabaw ng ulo ni South, nagkaroon ng isang bulaklak na nakasarado. Kulay red-orange itong bulaklak. Nagkaroon siya ng kulay yellow na katawan na mayroong mga marka o tattoo, disenyo na maihahalintulad sa apoy. Ang kaniyang kilay ay nawala. Naging kulay brown ang kaniyang mga mata na mayroong mga maraming maliliit na tuldok na iris nito. Ang kamay ni South ay tinubuan ng maraming bilang ng dahon na kulay brown na kumikinang. Ang kaniyang mga kamao naman ay lumaki ng kaunti at naging makapal na halaman ang balat nito. Ang kaniyang mga binti naman ay mayroong mga mga ugat pareho sa halaman. Ang paa naman nito ay naging isang bilog na mayroong mga tinik-tinik, kagaya sa isang maze na sandata.

"Putangina mo..." Galit na sabi ni Terminator 9 sa nakita niyang pagbabago ng anyo ni South. "Annoying brat!!" Sumugod siya kay South. Gumawa siya ng mga bakal na hulmang kamao ng tao, pinainit niya ang mga gamit ang kaniyang robotic na kamay, kaluanan ay nagliyab ang mga bakal na kamao.

Sumuntok ang mga ito kay South. Habang sumusuntok ang mga bakal na kamao ay nagpapatama si Terminator 9 ng beam sa isa pa nitong kamay. "Die and rot already!" Sigaw nito.

Inilagan naman ni South ang mga atake ni Terminator 9 sa kaniya.

"Razor Leaf Blades!" Bigkas ni South sa sub-spell na kaniyang ginamit. Ang mga dahon na nasa kaniyang dalawang kamay ay humiwalay at sumugod sa mga nagliliyab na bakal na kamao ni Terminator 9.

Hindi makapaniwala si Terminator 9 sa nakita nitong pagkahiwa at pagkasira ng mga bakal na kamao na dapat ay hindi kayang gawin ng isang dahon at dapat ay nasunog ang mga ito sa paglapit sa kaniyang mga bakal na kamao.

Sumugod ang mga matatalim na mga dahon kay Terminator 9. Umilag naman siya sa mga ito at ginawang normal ulit ang kamay niyang bumubuga ng apoy at nagpalabas ng kaniyang iron rod at pinaghahampas ang ilang mga dahon na sumugod parin sa kaniya.

Nagawa niyang salagin ang lahat ng mga ito.

Sa nakita ni South, napagtanto niyang kapag isang bakal lamang na spell ang ginagamit ni Terminator 9, matibay at mas malakas ito ngunit kapag maraming bakal na ginawa si Terminator, mabilis ang mga ito na napapakilos ngunit hindi gaanong matibay. At, mas mabagsik at mas matibay ang Iron Magic ni Terminator 9 kung ibi-balot niya lamang ito sa kaniyang katawan.

"Damn, I can't believe that this fantasy plant created by an awesome writer will be this powerful to counter an Iron Magus..." Mangha na sabi ni South sa kaniyang sarile.

Ilang saglit lang ang lumipas nakita ni Terminator 9 na dahan-dahan, ay tumutubo muli ang mga dahon sa mga kamay ni South.

"Like hell I will let you repeat the same attack!!" Sumugod si Terminator 9 kay South. Hinampas niya ang hawak niyang iron rod nang siya ay makalapit. Sinangga naman ito ni South gamit ang kaniyang kanang kamay. Ang isa naman na kamay ni Terminator 9 na aktibo parin ang robotic arm nito na tumitira ng laser beam ay kaniyang ginamit.

Tinamaan si South sa mukha at nabalibag. Ang kanang mukha nito ay nawasak ngunit kalaunan ay nag-regenerate ito dahil sa pag-buka ng nakasarado na bulaklak na nasa itaas ng ulo ni South.

"TSK! Your fucking Magic is annoying!!!" Pinaglaho ni Terminator 9 ang hawak niyang iron rod. Bumalik sa normal ang kamay nito na tumitira ng laser beam. At saka, binalutan ni Terminator 9 ng bakal ang kaniyang buong katawan. "Machinery Shift, Full Body Effect!" Nag-activate siya ng isang password na gumagana sa kaniyang dalawang mga robotic machinery na kamay. Imbis na nagpapalabas ng apoy, nagiinit ang mismong katawan ni Terminator 9. Ang kaniyang bibig naman, lumipat doon ang laser beam machinery nito.

Sa bilis ng pagkilos niyang ginawa, nagawa niyang madawa ang mata ni South. Sumuntok si Terminator 9, nahuli man sa pag-react ay nagawa ni South na ipangsangga ang kaniyang mga kamay subalit nasaktan siya sa sobrang init na kamao ni Terminator 9. Tumilapon si South at natumba sa sahig na nawasak ang bahagi na dinaan nito maging ang mga lanta na mga puno na nabangga ni South nasira.

Muling sumugod si Terminator 9 sa papatayo pa lamang na si South.

Si South naman ay pinahaba at pinalaki ang mga ugat na nasa kaniyang mga binti. "Root Apocalypse!" Nagkalat sa silid ang mga ugat dahilan para mahirapan na makalapit sa kaniya si Terminator 9.

Nakatayo si South at ininda ang sakit. Hindi niya nakakalimutan na mayroon siyang mga baling buto sa kaniyang katawan.

(Damn, if this Plant Gear didn't have regenerative ability, I could have died back there for having half of face blown...kailangan ko na siyang talunin, hindi na tatagal pa ang katawan ko. Bibigay na ito...) Nagaalala na sabi ni South sa kaniyang sarile.

Bumuga naman ng mga laser beam si Terminator 9 upang magkaroon siya ng daan papunta kay South.

"I finally reached you!" Anunsyo ni Terminator 9 kay South. Unti-unting naging kulay pula at umusok ang kaniyang katawan na nababalutan ng bakal, kalaunan ay nagbaga ito. "Melting Point."

Sumugod si Terminator 9 kay South. Hinanda naman ni South ang kaniyang sarile. Sa paglapit ni Terminator 9 ay sumuntok ito ng hook punch kay South na inilagan ni South. Agad na gumanti si South ng straight counter punch sa mukha ni Terminator 9. Tinamaan man sa mukha at nasaktan, pareho silang napinsala. Napa-atras si Terminator 9 habang si South naman ay napasok nang husto ang kamao.

Sa pag-atras ni Terminator 9 ay tumalon si South sa kaniya. Ang kaniyang bilog na paa na maraming mga tusok ay sabay niyang isinipa sa katawan ni Terminator 9. Nasaksak ng mga spikes sa dibdib si Terminator 9 at napasuka ng dugo ngunit napaso din ng husto si South at ang mga spike niyang ipinangsaksak ay natunaw. Hinawakan ni Terminator 9 ang dalawang paa ni South at hinampas niya mismo si South sa sahig.

Halos mamuti ang mata ni South sa malakas na paghampas ni Terminator 9 sa kaniyang katawan. Bumaon kasi at nasira ang malawak na bahagi ng paligid malapit sa kanila at gumawa ng hukay.

Agad na pinaulanan ng sandamakmak na suntok ni Terminator 9 sa katawan nito si South. Nagkabutas-butas ang kaniyang katawan dahil dito.

Ngunit sa kakayahan ng bulaklak sa itaas ng ulo ni South ay nagre-regenerate ang mga nabutas na bahagi ng katawan ni South ngunit hindi ibig sabihin nito wala parin pinsala na natamo si South at hindi din gagaling ang mga bali sa buto nito na natamo niya bago pa nito gamitin ang 'Plant Gear Bathala's Favorite Flower Man'.

Nabawi ni South ang kaniyang sarile mula sa akmang pagkawa ng malay nito. Sa pagtama ng mga kamao ni Terminator 9 na bumutas ulit sa kaniyang katawan, mayroon ng ilang mga dahon sa kamay ni South na tumubo na at pinasugod agad ang mga ito kay Terminator 9 na sa medyo karamihan na mga matutulis na dahon ay nahiwa ang mga kamay nito. Napasigaw si Terminator 9 sa sakit nang pagputol ng kaniyang mga kamay. Sumirit ang malapot na pulang dugo.

"Sun Ray Punch!!" Ang kanang kamao ni South ay kuminang at sinuntok agad sa dibdib nito si Terminator 9. Kumawala ang enerhiya na makinang na kulay dilaw mula sa kamao ni South. Nabutas ang katawan ni Terminator 9 at lumipad ito palayo. Dahil sa matinding init ng katawan na mayroon si Terminator 9, nawasak ang buong braso ni South na ginamit sa pagsuntok.

Bago pa man magawa na magregenerate ng braso ni South ay nawalan na ng bisa ang Plant Gear Bathala's Favorite Flower. Nawalan din si South ng malay at dumugo ang kaniyang naputalan na braso.

Matapos ang ilang saglit mula sa pagkapanalo na nakamit ni South, nagkaroon ng liwanag sa kisame ng silid na kanilang kinaroroonan. Hindi nagtagal, iniluwa ng liwanag ang isang lalaking mayroong makintab na makulay na buhok na sobrang haba, ito ang Sarimanok. Ang hari ng labyrinth na pinasok ng Havoc Gangsters para pigilan si Don Nervoz na makuha ang compass piece. Bumaba ito malapit kay South, saglit niya nitong pinagmamasdan, kalaunan ay dahan-dahan na kinarga at lumipad ito muli sa itaas.

"To think that two 'Legendary Aces have accompanied the current 'Guardian Grace' in my labyrinth...this is interesting." Natutuwa na sabi nito sa ere.

Itutuloy.