Chereads / Grace and Aces (Filipino) / Chapter 43 - (Labyrinth Incident Arc) Chapter 42 - Senju's Labyrinth Exploration

Chapter 43 - (Labyrinth Incident Arc) Chapter 42 - Senju's Labyrinth Exploration

Senju Fanah Point Of View

I didn't know how came into this situation I am in right now. Nakatali sa isang matibay na lubid ang buong katawan ko habang nakabitay ako nang patiwarik. Sa ibaba sa tapat ko, mayroong apoy na lumalagablab. I'm being a human letchon.

(All I remember is a giant squid suddenly popped up from the lake and attacked me.) Sabi ko sa aking sarile.

Sa paligid, mayroong mga mutant animals na nagsisisayawan, masaya ang mga ito na nahuli ako at kanilang pagsasaluhan kapag naihaw ako. They are all mutant monkeys, irritating and noisy.

I can't cast my fire magic to burn the rope tied to me. Sa binti ko kasi ay mayroon silang ilinagay na posas na gawa seal stone. I can also feel extreme pain from my right shoulder.

We're on a forest room of the labyrinth. Sa itaas namin, kopyang-kopya ng kisame ang kulay ng langit kapag gabi sa tunay na mundo.

(Mukhang hindi ko matutupad ang pangako ko. Mamamatay na ako dito, boss. Naging pabaya ako.) Malungkot na sabi ko sa aking sarile.

*****

Third Person Point Of View

*Flashback*

Sa pagtahak ni Senju sa lagusan na kaniyang napili, pinagsisihan niya agad ang kaniyang pagpili dito. Napakahaba ng tunnel na kaniyang nilakad at hindi mabilang na patibong ang sumalubong sa kaniya.

Gaya na lamang ng mga malalaking bola ng bato na gumulong sa kaniyang kinaroroonan. Sinira niya ang mga ito sa pamamagitan ng pagsipa dito nang balot ng apoy ang mga paa. Mayroon ding mga palaso na may mga lason ang lumipad sa kaniya, sinunog niya ang mga ito. Bigla ding gumalaw ang magkabilang pader kaya napa-takbo nang mabilis si Senju palayo. Hindi siya binigyan ng tunnel ng pagkakataon na makapag-pahinga.

Hindi sumuko si Senju at nalagpasan ang tunnel. Sa paglabas niya ay isang gubat na may kadiliman ang kaniyang nakita. Medyo madilim sa lugar ngunit mayroon paring liwanag na makikita salamat sa mga crystal na nasa itaas na siyang nagsilbing buwan.

Sa pagod na nararamdaman ni Senju, naghanap siya ng batis sa malawak na kagubatan upang uminom. Nagawa niya man na makahanap ng batis, akmang iinom na siya ng tubig dito nang bigla na lamang may lumabas na isang malaking pusit sa batis.

"What the hell is an squid doing in an lake?" Hindi makapaniwala na sigaw ni Senju sa kaniyang nakita.

Inatake siya ng pusit. Binugahan siya nito ng itim na tinta. Tinamaan si Senju at hinarangan nito ang kaniyang paningin.

Kinusot agad ni Senju ang kaniyang mata para makakita. Hindi niya nadepensahan ang kaniyang sarile sa muling pag-atake na ginawa ng pugita.

Gumamit ng Ice Magic lances ang pugita kay Senju. Tinamaan si Senju ng isang lance sa kaniyang kanang balikat. Tinanggal naman ito agad ni Senju at umalis sa batis.

"Attacking me by surprise. Not bad for a mutant animal." Sabi ni Senju sa pugita na muling naghanda na gumawa ng mga ice magic lances.

Nanakit ang sugat sa balikat ni Senju kaya nainis ito ng husto. "How dare you wound me like this! Unforgivable weakling!!" Gumawa ng napakalaking bola ng apoy si Senju, kalaunan ay sinipa niya ito patungo sa direksyon ng pugita na tinamaan at sumabog.

Sa sobrang pagod na nararamdaman, bumigay ang katawan ni Senju at napahiga sa lupa.

Habang wala siyang malay, maraming mga mutant animal monkeys ang nagtungo sa kinaroroonan niya.

Survival of the fittest ang patakaran sa labyrinth. Hindi kakainin ng parehong lahi ang isat-isa ngunit wala silang patawad sa mga hindi nila kauri. Gaya na lamang ni Senju na hindi kauri ng mga mutant animal monkeys kaya dinala siya ng mga ito sa kanilang teritoryo para ihawin at kainin.

*End Of Flashback*

Tanggap na ni Senju ang kaniyang kapalaran. Unti-unti nang lumalaki ang apoy na nasa ibaba, ang apoy na siyang susunog sa kaniyang katawan upang siya ay maihaw at makain ng mga mutant animal monkeys.

Labis na nagalak si Senju nang bigla na lamang may malakas na hangin ang umihip at umapula sa apoy. Ilang saglit lang din ang lumipas ay may lumapit sa kaniya at mabilis itong kumilos. Hiniwa nito ang tali na nakatali kay Senju. Matapos ay sinama nito si Senju para lumayo sa mga mutant animal monkeys na sobrang nagalit sa nangyari kaya naman hinabol ng mga ito sina Senju at ang misteryong nagligtas sa kaniyang buhay.

Nagawang makatakas nina Senju at ang lalaki na nagligtas sa kaniyang buhay. Nagtago sila sa isang kuweba na nasa pader ng silid na isang malawak na gubat na kanilang kinaroroonan.

Ang lugar na kanilang pinuntahan ay lungga ng nagligtas kay Senju. Agad itong nagsindi ng lampara na nagsilbing ilaw nila sa loob. Nagulat si Senju sa tumambad sa kaniyang itsura ng lalaki na nagligtas sa kaniyang buhay.

"Y-You're...the same with those monke-" Hindi natapos si Senju sa kaniyang sasabihin dahil binara siya agad ng lalaki.

"Don't put me with the same level as them. They are all idiots." Mariin na pagtanggi nito. "Isa pa, lalaki ka bakit ganiyang ang hubog ng katawan mo at ang mukha mo, parang isang babae?"

"You're harsh." Nasaktan sa narinig na sabi ni Senju.

Isang lalaki na mayroong buntot sa may pwetan. May makapal na balahibong sa kaniyang mga kamay at paa. Ngunit ang kaniyang mukha ay kagaya sa isang tao ngunit may marka ito na kulay itim na spiral na guhit sa kaniyang magkabilang pisnge.

"Sorry. Pasensya kana." Agad namang humingi ng tawad si Senju sa kaniya. "Salamat sa pagligtas mo sa akin."

"Don't sweat it. I didn't save you anyway out of free will."

"Kung ganon, bakit mo ako iniligtas?"

"You seem like a strong magus, I need to work with you."

"Tungkol saan?"

"Sa isang tulad mong tao na hangal na pumasok dito sa section na ito ng labyrinth. Sa pagpunta dito ng tao na iyon kanina, maraming mutant animals siyang pinaslang, kasama na doon ang mga magulang ko."

"Tao?" Napa-isip si Senju sa kaniyang narinig. (Could it be the Don?)

"Hindi ko pa nga pala naipakilala ang sarile ko. Ako nga pala si Sun. As you can see, I have this appearance close to being a human because I'm an evolved mutant animal monkey."

"Kaya pala." Sabi naman ni Senju na napagtanto kung bakit iba ang itsura ni Sun keysa mga mutant animal monkeys. "Nice to meet you Sun, I'm Senju Fanah."

"I need your help to kill that man. It's the least that I can do for my dead parents."

"Sun, have you ever thought about leaving the labyrinth?"

"Why ask that?" Napa-krus sa kaniyang mga kamay si Sun. "I thought about it many times. But I can't do it because I'll get killed by the ruler of this labyrinth, the Sarimanok."

"Sarimanok? Is that a mustant animal race or a name?"

"A name. Sarimanok is not a mutant animal but he's one of the 9 Mutant Animal Lords."

"You know a lot. We're you not born in here?"

"Nah. We were just captured by the Sarimanok 100 years ago and are trapped in his labyrinth. We're his guard for the labyrinth sections to kill any intruder, especially humans. Sarimanok is hiding something here that he cannot allow the humans to find out."

(That's definitely the compass piece.) Nakasigurado na sabi ni Senju sa kaniyang sarile.

"Alam mo ba kung saan matatagpuan ang Sarimanok?" Sa tanong na ito ni Senju ay napa-iling si Sun.

"Walang nakaka-alam dahil wala pang mutant animal na nandito sa labyrinth ang nagawang malibot ang kabuuan ng labyrinth na ito." Paliwanag ni Sun kay Senju.

"Ganon ba? Plano ko pa naman sana na makaharap ang Sarimanok."

Hindi makapaniwala sa kaniyang narinig kay Senju si Sun. "Mamatay ka kapag sinubukan mong gawin ang bagay na iyan."

"I need to ask it about many things. I'm not planning to do harm at all."

"Sarimanok won't listen to that kind of reason. Anyways, you entered this labyrinth, there's no escape for you now. It's either you accept your new fate here or kill yourself or be killed by other mutant animals. I'm not interested in killing you, because I can feel your innocent aura that tells me you're a good person."

"Hindi papayag na manatili na lamang sa labyrinth na ito habang buhay! Actually, I have other 2 friends who entered the labyrinth along with me. Naghiwalay lang kami ng landas na aming pinasukan para mahanap ang kalaban na may balak na masama sa Sarimanok. Mukhang ang kalaban na iyon ay sa landas na tinahak ko rin tumahak."

"Then you should give up on your 2 friends. They are probably dead by now. Anyways, you are wounded on your shoulder. Let me atleast treat it baka maka-abala pa sa pakikipaglaban na gagawin natin mamaya."

"You're really focused on killing the enemy huh? But don't underestimate the power of that person. Even if we combine forces, we might lose easily."

"Atleast, it's worth the try."

Habang ginagamot ni Sun ang sugat sa balikat ni Senju, mas ipinaliwanag pa nito ang mga bagay na kaniyang nalalaman patungkol sa labyrinth.

Katulad na lamang ng, hindi na maaaring makabalik sa dating pinanggalingan na section ng labyrinth kapag nakapunta na sa iba pang section.

Napagtanto ni Senju na habang buhay silang makukulong sa labyrinth nina Shannon at South kahit pa matalo nila ang Don na nasa labyrinth kaya naman nais niyang makita ang Sarimanok at kausapin ito.

Lingid sa kaalaman ni Senju, hindi si Don Nervoz ang kalaban niyang makakaharap, bagkos ay si Terminator 10 ito. Hindi naramdaman ni Shannon ang mga aura nina Terminator 9 at Terminator 10 dahil lagpas na sa kalahating porsyento ng mga katawan ng mga ito ay hindi na tao, gawa na sa robot.

Itutuloy. ƪ(˘⌣˘)ʃ