Chereads / Grace and Aces (Filipino) / Chapter 41 - (Labyrinth Incident Arc) Chapter 40 - South's Adventure In The Labyrinth

Chapter 41 - (Labyrinth Incident Arc) Chapter 40 - South's Adventure In The Labyrinth

South Avalo Point Of View

This labyrinth is breathtaking!

I can't believe I'm seeing such things right before my eyes. Matapos kong humiwalay kina boss at Senju at tinahak ang landas na napili ko, napadpad ako sa magandang lugar na ito. Sobrang lawak ng lugar na puno ng mga puting ulap at mga lumulutang na maliit na mga isla. Gayang-gaya ng lugar na ito ang mga ulap sa itaas ng langit sa tunay na mundo.

Nasa isang sky island ako ngayon, may nakita akong isang isda na nakapukaw ng aking atensyon.

There shouldn't be any fish at such place. Not only that, the fish I see is 2 meters long.

I was about to touch it to confirm if it's dead when suddenly it move and shines brightly, after a while, I saw a woman with no clothes only underwear made of water. Mukhang natutulog lang ito.

"A-A human. A molester. Don't touch me. Go to hell." Namula nang husto ang mukha nito at tumili. Kalaunan ay mag-channel siya ng mana sa kaniyang kamay at namulo ang malakas na pwersa ng tubig na umatake sa akin.

Umilag naman ako at nag-channel din ng mana sa aking katawan. Hinanda ko ang sarile ko sa pakikipaglaban.

"What's the matter with you. Suddenly attacking me!?" Galit na sabi ko. Nagpalabas ako ng halaman sa paligid. "I'm not gonna hold back, even if you're a woman." Paalala ko pa.

"Manyakis na tao!!" Muli siyang nagpakawala ng tubig na atake sa akin.

"Man-hoy! I'm asexual!!" Reaksyon ko sa paratang sa akin saka ko inilagan ang tubig.

"Sinungaling! Bakit mo ako binalak na hawakan kung ganon?"

"How am I supposed to know you're a woman? I don't know how to identify the gender of fish. Isa pa, you're a bizarre fish to have a 2 meter length and can breathe without water."

"How rude!! I'm an mutant fish animal!! Ang bastos mo para subukan na hawakan gamit ang mga madumi mong kamay ang kaisa-isang mutant animal na nilikha mismo ng dakilang Sarimanok!?"

"I can't follow what you're saying." I lowered my guard down. Umupo ako sa kinatatayuan ko. "I'm not interested in fighting a mutant animal... I'm amazed so much by this scenery, so I'm kinda not on the mood to fight."

"You're not going to fight me?" Ngumuso siya matapos magsalita.

"I won't." Matapos kong sumagot ay umiyak siya ng malakas.

What a drag...

"Akala ko masasaktan na naman ako ng husto sa pakikipaglaban. Kani-kanina lang kasi, may kumalaban sa akin. Ang bastos-bastos pa. Hinahawakan ako sa ibat-ibang bahagi ng katawan ko."

Nagulat ako sa narinig ko. Kulang na lang malaglag ang panga ko. Is the Don we're facing a pervert? Damn! I can't let him face boss!

"W-Where did that bastard go?" Tanong ko sa babaeng ito.

"Malamang lumipat na sa ibang section." Pinakalma niya ang kaniyang sarile mula sa pag-iyak.

"I have to find the exit in this place." Anunsyo ko. Tumayo ako at akmang tatalon na papunta sa ibang islang lumulutang para habulin ang kalaban nang bigla akong sunggaban ng babae na ito at hineadbutt ako sa aking sikmura. Halos maduwal ako sa ginawa niya.

"Sasama ako!!" Sigaw niya sa akin.

Napa-atras naman ako at napahawak sa sikmura ko. "I-Ikaw...you want to die bitch?" Galit na tanong ko na siyang ikina-talim ng kaniyang tingin.

"Hah?" Nagbago ang kaniyang ekspresyon.

Nagtitigan kami ng masama sa isat-isa, kalaunan ay umiyak na naman siya at nagsalampak sa lupa.

"Sasama ako!! Ayokong maiwan dito. Mag-isa lang ako dito...Hindi ko din alam ang daan paalis kaya ilang taon na akong nandito!! Isama mo ako!!" Angal niya sa akin.

Napatapik ako sa aking ulo. "Ano ka bata!?" Sigaw ko sa kaniya.

"Sasama ako." Humiga na siya sa lupa at nagpagulong ng kaliwa-kanan. "Isama ko ako!!"

"You're so suspicious!! There's no way I can let you accompany me! Diyan kana!!" Nagpalabas ako ng halaman na matigas ay ginapos ang kaniyang mga paa. Agad akong tumalon sa ibang isla at iniwan siya.

"Sasama ako huwag mo akong iwan dito!!" Rinig kong sigaw niya. Tumalon ako sa isa pang isla. Mas lalong lumakas ang sigaw niya at nakakarindi sa tenga.

"That weird girl!!" Sa sobrang irita ay binalikan ko siya at tinanggal ang halaman na itinali ko sa kaniyang paa.

"Sama mo'ko?" Pinilit niyang pakalmahin ang kaniyang sarile.

Sob. Sob. Sob.

"TSK! You're a weird mutant animal you know that?" Sabi ko sa kaniya. "Hindi ako nagpunta sa lugar na ito para pag-aksayahan ka ng oras. Isa pa, bakit kaba nag-iisa sa labyrinth na ito? Wala kabang mga kamag-anak na kasama? Siguro naligaw ka 'no? Ang tanga mo naman." Reklamo ko.

"Ang sakit mong magsalita..." Nagbabadya na naman siyang umiyak.

"Ah!! S-Sorry..." Agad akong humingi ng tawad sa kaniya. "Fine... kung gusto mong sumama sa akin, bahala ka. But there's no guarantee that I can protect you, I'm not strong enough to protect someone." Lumapad ang ngite niya sa sinabi ko.

"Papa!" Sabi niya saka ako sinunggaban ng yakap. Ramdam ko ang malaki niyang dibdib na dumikit sa katawan ko kaya agad ko siyang itinulak.

"Sira kaba? Anong papa ang pinagsasabi mo? Tignan mo nga itsura mo, gamitin mo yung tubig na kapangyarihan mo. You're a fine grown-up girl. And I'm still 18 years old. I can't be your father you idiot!!"

"But you're big. Hanggang sikmura mo lang ako!!"

What a childish girl!!

Napakamot ako sa aking ulo. "Hayst...Hindi na bale. Bahala ka sa trip mo."

"Yehey! Papa!" Muli niya akong niyakap. Kaya naman itinulak ko ulit siya.

"Don't hug me without your clothes on you...kung sasama ka sa akin, kapag naka-alis tayo sa labyrinth na ito, kailan mong magsuot ng maayos na damit!!" Madiin na sabi ko na siyang ikinapula ng mukha niya.

"Opo!!" Pasigaw naman na natutuwang tugon niya sa sinabi ko. "You're gonna get me out of this labyrinth papa?"

"Of course..."

"Don't underestimate the power of this labyrinth's ruler."

"Sarimanok huh? Unfortunately, I'm not underestimating the power of Sarimanok."

"Then why did you say that we can get out of this infinite prison?" Biglang sumeryoso ang kaniyang mukha na nagtanong sa akin.

Creepy!

"It's because my boss is also inside of this labyrinth. She's the strongest person in this Empire. She can defeat the Sarimanok for us!"

"You depend on that person that much?"

"Yup. I also trust her. So I'm not worried about our exit in this labyrinth. You'll see what she can do for the people who are important to her... your name is?"

"Isda."

"What a simple name is that." Reaksyon ko naman sa kaniyang pangalan.

"TSK." Angal niya saka nag-pout.

"Anyways, we need to hurry up and find the exit in this place...I need to catch up the enemy who you said did lewd touching to your body." Pag-aya ko sa kaniya saka ako tumalon papunta sa ibang isla.

"Oo." Pumayag siya sa sinabi ko at sumunod sa akin. "Papa...ano pong pangalan mo?"

"South Avalo. Miyembro ako ng Havoc Gang." Ipinakilala ko ang sarile ko sa kaniya.

"Papa South!! Simula po sa araw na ito, ikaw na ang magiging ama ko..."

"What the hell?" Reaksyon ko at mukhang dahil dito ay bigla ko na naman siyang napaiyak. Ang sakit sa tenga dahil mas lalo pang lumakas ang pag-iyak niya. "O-Ok I got it. You're my daughter from now on." Sabi ko upang mapakalma ko siya...

Nakakainis naman. Nagkaroon tuloy ako ng aalagaan na isang mutant animal...mukha pang hindi mapagkakatiwalaan ang nilalang na ito...

*****

Patuloy kami sa paghahanap sa lagusan paalis sa lugar na ito ni Isda. Tinahak namin ang landas na ayon kay Isda ay landas na tinahak nang kinalaban niya. Sabi sa akin ng babae na ito ay naiwan sa hangin ang amoy ng lalaki na iyon. Hindi ko alam kung bakit ko pinagkakatiwalaan ang kaniyang sinasabi na malakas niyang pang-amoy. Siguro dahil isa siyang mutant animal at malapit sila sa kalikasan.

Habang kami ay palipat-lipat ng mga isla, maraming bagay na ipinaliwanag sa akin si Isda patungkol sa labyrinth.

Hindi na maaaring balikan ang section na pinanggalingan kapag nakarating sa isang panibagong section ng labyrinth. Walang tao sa labyrinth ang nabubuhay nang matagal dahil kapag hindi sila napatay ng mga mutant animals na nasa labyrinth o kaya ng mga kakaibang kondisyong ng mga lugar gaya ng matinding init o lamig, ay ha-huntingin sila ng mga Sarimanok Guardians. Sila ay elite na mga taga-sunod ng Sarimanok. At, ang nakapukaw sa aking interes na mas lalong makita ang Sarimanok, tanging ang mga 'Legendary Aces' at ang 'Guardian Grace' lamang ang taong hindi gagalawin at hahayaan ng Sarimanok na makita siya ng mga ito.

Mukhang ang mga Legendary Aces at Guardian Grace ay kabilang sa mga importanteng angkan ng tao na konektado sa Sarimanok para payagan niya ang mga ito na makita siya.

Napaka-misteryoso, lalo na si Isda. Imposible na wala siyang koneksyon sa Sarimanok dahil marami siyang nalalaman na impormasyon patungkol dito.

Nahihiya akong magtanong ng mga marami pang bagay na nais kong itanong sa kaniya dahil mahirap na. Paano kung nagpapanggap lamang si Isda at bigla na lang akong atakihin sa oras na ibaba ko ang aking depensa?

"Ang lalim nang iniisip mo, papa?" Napansin niya akong tahimik.

"Ah, wala...naiisip ko lang ang mga kasama ko na nasa ibang mga section ng labyrinth." Palusot ko sa kaniya sabay iwas ng tingin sa kaniyang mga mata na inosente kung makatingin pero hindi matukoy kung ito ay totoo nga ba o hindi.

I can't let my guard down and get killed shamelessly...

Itutuloy.