[Senju]
Damn it.
Nakakainis.
Hindi pa kami nakakalayo ng mga kaibigan ko para hanapin ang boss nang abutan kami ni teacher Sheina at pinabalik sa Asteromagus Academy.
Eksaktong pagbalik namin sa campus ay siyang pagbagsak ng mga robot sa Palkia City at naghasik ng kaguluhan rito. Ang mga Imperial Knights na kasama ng emperor na nasa academy ay lumabas sa campus at nagkalat sa bayan para labanan ang mga robot.
Nakakagalak na ang mga mamamayan ay na-alarma agad sa nakita nilang barrier na bumalot sa buong bayan kaya naman ligtas na silang nasa Imperial Palace na siyang evacuation site na kanilang linikasan. Mayroong mga Imperial Knights na magtatanggol sa kanila sa lugar na iyon.
Ang aking pinaka-inaalala sa mga oras na ito, ay ang aming boss.
"Senju, we're escaping from here!!" Bulong sa akin ni South na naiirita sa sitwasyon na aming kinaroroonan.
Sino ba namang hindi? May mga hawak kaming mga magic weapons pero nasa campus lang kami. Lalaban lang kami kung may magpunta na mga robot sa kinaroroonan namin. Masyadong minamaliit ng Asteromagus Academy ang kakayahan naming mga studyante.
"We can't...hanggat marami tayong aalis, may makakapansin sa atin." Paliwanag ko naman sa kaniya.
Medyo malayo kami kina Zayn, Rum at Rialyn na kasama ang mga kaklase namin, nakikinig sila sa payo na sinasabi ng aming homeroom teacher. Keysa mabagot sila, nakinig nalang sila.
"Tayong dalawa na lang ang umalis. Hindi ako mapapanatag hanggat hindi ko nakikitang ayos ang lagay ng boss." Muling nagsalita si South. Tumango ako sa narinig ko sa kaniya.
Sinipat ko sa paligid si teacher Sheina. Abala siya sa pakikipag-usap sa headmaster.
"This is our chance, let's do it right away." Aya ko naman agad kay South.
Sabay kaming kumaripas ng takbo palabas sa campus. Nagsigawan agad ang mga teacher sa ginawa namin na sinubukan kaming huliin para pigilan ngunit hindi kami nagpahuli ni South. Ganoon kami ka-desidido na mahanap ang boss ng gang namin.
Hindi ko alam kung anong katangahan ang naisip ko at sinubukan kong mag-activate ng magic ko. Surprisingly, nagliyab ang aking mga paa.
Napatigil ako saglit sa pagtakbo.
"South!! Hindi ba't hindi dapat tayo nakakagamit ng magic? Ano 'to?" Takang sabi ko kay South na nagulat din sa nangyari.
"Weird. Let me try it too." Sabi naman ni South na sinubukan ding mag-activate ng kaniyang magic. May lumabas na mga halaman sa kaniyang paligid.
"Nakakagamit ka din ng magic!!" Natuwa naman na sabi ko.
"We got a lucky break?" Sabi naman ni South.
"With this, we can search boss easily!!" Anunsyo ko. Tumalon ako ng mataas patungo sa malayong bubungan ng isang bahay. "South! Try to catch up with me!!" Hamon ko agad kay South habang nasa ere ako.
"Hintayin mo ako!!" Nakita ko naman siyang gumawa ng tirador at ibinala ang kaniyang sarile upang lumipad din.
Nang narating ko ang bubungan ay muli akong tumalon ng malakas. "Saan kaya natin makikita ang boss?" Tanong ko sa humahabol sa akin na si South.
"Masyado ka namang kalmado! Hindi mo ba iniisip na kakaiba ang pangyayari na ito? Bakit nagagamit natin ang mga magic natin?" Nagtataka naman niyang sabi sa akin.
"Nah! We're in a crisis. No time to think about that." Simple na paliwanag ko naman sa kaniya.
Nakakita ako ng mga robot na kalaban kaya bumaba ako sa lupa. Hindi din nagtagal ay nakarating sa kinaroroonan ko si South.
"20." Sambit sa akin ni South na binilang ang mga robot na nasa harapan namin.
"I'll destroy 15 of them!!" Anunsyo ko sa kaniya. Sinapak niya ako sa ulo. "Aray! What the hell?" Angal ko.
"I will destroy 15. Baka kasi hindi mo makayanan ang bilang na iyon, babae!" Mayabang na sabi niya.
"Sinong tinatawag mong babae gago ka?" Inis na sabi ko.
"Alis. Akin na lang lahat." Inunahan niya akong sumugod. "Ang kapal ng mukha niyong pigilan kaming makagamit ng magic namin palpak naman!!" Sigaw niya sa mga robot.
Hindi ako nagpadaig sa kaniya. Sumugod din ako.
Ang dalawang robot na aking nalapitan ay aking sinipa. Sinipa ko sa binti ang isa dahilan para mawalan ito ng balanse at matumba. Ang isa naman ay sinipa ko sa sikmura dahilan para tumilapon ito. Ang robot na natumba ay tinapakan ko ang mula ng malakas. Kasabay sa pagtapak ko ay ang pagliyab ng apoy na nakabalot sa aking paa na ipinangtapak.
Ang ibang mga robot naman na malapit ay bumaril sa akin. "Steel Flame!" Pinatigas ko ang apoy na nakabalot sa aking mga paa at ginamit kong pansalag sa mga bala na sumalubong sa akin.
Matapos salagin ang mga bala, ang kanang paa ko ay nilagyan ko ng malakas na pwersa ng apoy. "Foot Fire Blast!" Nagpakawala ako ng malakas na ray ng apoy sa direksyon ng mga robot na nasunog.
"You damn maggots! How dare you destroy Palkia City!!" Inis na sabi ko.
Hindi nagtagal, natapos din kami ni South sa pagkalaban sa mga robot.
Sinira namin ang lahat ng mga robot. Nagulat ako na dumugo ang mga ito, kaya napagtanto ko na kalahating tao at kalahating robot ang mga ito.
"I destroyed 11." Pagyayabang naman agad sa akin ni South na aking ikinasama ng tingin. "That's what you get for not trying to use your hands in fighting!!"
"Anong pake mo kung ang gusto ko lang gamitin sa pakikipaglaban ay ang paa ko?" Angal ko.
Natahimik kami saglit ni South.
"Let's continue our search for the boss." Aya niya sa akin.
"We're continuing, but where exactly are we gonna look for her?" Tanong ko naman.
"Kahit saang lugar dito sa bayan na mayroong robot!!" Tugon niya. "I feel bad for our gang members that we left behind."
"No I don't feel bad for them. Para sa akin tama lang na manatili sila sa academy."
"Anong sinasabi mo?"
"They may not be showing it, but the three of them are exhausted. Mukhang matinding labanan ang kanilang naranasan, lalo na si Rum." Depensa ko sa sinabi ko.
"Ganon ba? Akala ko nagiging maka-sarile ka, babae."
"Sinabing huwag mo akong tawagin na babae!" I quickly fired a fire that separated from my foot to his direction.
Inilagan niya naman ito. "Siraulo ka!!"
"Susunugin kita ng buhay, South! Gusto mo?" Sabi ko. Nainis ako sa kaniya ng husto kaya pinili ko na lang tumalon papunta sa bubungan ng isang bahay at nagpalipat-lipat sa iba pa.
"Hintayin mo ako, pikon." Pag-pigil niya sa akin pero hindi ko siya pinakinggan at nagpatuloy lang ako.
*****
Sa aming patuloy na paghahanap sa boss, mas marami pa kaming nakasagupa na mga robot ni South na aming sinira.
Dahil sa mga robot na ito, halos lahat ng mga gusali sa Palkia City ay sira na. Ang mga puno at halaman ay hindi din nakaligtas. Kung sino man ang gumawa sa kanila, hindi ko siya mapapatawad. Sisiguraduhin ko na bibigyan ko siya ng isang malakas na tadyak pang-kalawakan ang lakas!
Napadpad kami ni South sa pinaka-gitna ng bayan. Ang medyo na kapaguran na aking nararamdaman ay nawala bigla dahil nakita ko si boss na nakikipag-laban sa maraming mga robot. Ang angas ni boss kung makipaglaban, hindi niya ginagamit ang magic na mayroon siya laban sa mga robot na nahihiwa ng espada na hawak ni boss.
Mukhang mayroong pino-protektahan ang mga robot sa lugar. "Boss!! Please step aside!!" Malakas na sigaw ko na siyang agad na napansin ni boss at lumingon sa aking kinaroroonan. Agad naman siyang tumalon patungo sa isang bubungan. "South!!" Tawag ko kay South.
Tumango siya sa akin, naintindihan niya ang ibig kong gawin kahit na wala pa akong sinasabi sa kaniya.
Nag-ipon ako ng magic energy sa aking kanang paa. "Fire Explosion Kick!" Bigkas ko sa aking spell na ginawa. Sumipa ako sa ere na nakaturo sa direksyon kung saan naroon ang mga robot. Humiwalay sa aking paa ang malakas na pwersa ng apoy.
"Daylight Flora!" Nagpalabas naman ng isang halaman si South na kakaiba. Hulmang bazooka ito. Bumuga ito ng malakas na pwersa ng enerhiya.
Sabay na tumama ang mga atake namin na ginawa ni South at nagkaroon ng malakas na pagsabog.
Sa lakas ng aming mga atake na ginawa, nabalot ng alikabok ang malawak na bahagi ng lugar. Sa pagkawala ng usok, tumambad sa amin ang malawak na hukay na nagawa ng aming atake.
"We overdid it!" Napakamot sa ulo na sabi ni South.
Grabe, naabos ang mga robot na tinamaan ng atake namin. Tinungo agad namin ni South si boss.
"Senju, South. Mabuti naman at ayos lang kayo." Sabi ni boss sa amin ni South.
"Ikaw din boss. Nag-alala kami ng sobra sa iyo." Sabi naman ni South kay boss.
"Paano niyo nagawang makagamit ng magic?" Tanong ni boss sa amin. "I can't use my magic because of this barrier. You guys are amazing."
"Hindi ka makagamit ng magic mo boss?" Hindi makapaniwala na sabi ko naman. "Hindi namin alam boss kung bakit kami nakakagamit ng magic."
"Di na bale. Huwag na muna nating alalahanin 'yan. Sumunod kayo sa akin." Bumaba si boss papunta sa hukay na ginawa namin ni South.
Sumunod kami agad sa kaniya.
Mayroong pinulot si boss na isang bolang crystal na kulay berde.
"That barrier was caused by this ball." Sabi ni boss sa amin. "Stop!!" Bigkas niya muli.
Surprisingly, kuminang ang bolang crystal na hawak ni boss.
Ilang sandali pa ang lumipas ay naglaho ang barrier na nakabalot sa buong Palkia City.
"What the-" Reaksyon ni South sa kaniyang nakita. Maging ako ay gulat sa nangyari.
"Ngayong wala na ang barrier, magagamit na ng mga magus ang magic nila. Lahat ng mga robot na nasa Palkia City ay kanilang mawawasak." Muling nagsalita ang boss.
"Boss what is that crystal?" Tanong ko kay boss bigla dahil sa curiosity.
"Ah, this is a Scared Treasure. Ginamit ito ng nakalaban ko kanina na lalaki para itrap tayo sa Palkia City." Tugon ni boss sa aking tanong.
"Yun pala ang dahilan kaya mo sinadya na magpatalo boss?" Sabi naman ni South.
Napansin ko naman bigla, "Come to think of it. Boss, what happened to your gangster uniform? Hindi ba't iyon ang suot mo kanina?" Tanong ko naman.
"Natalo ako sa aking kinalaban kanina. Nasira ang gangster uniform ko. Mabuti na lang at may nagmangandang loob na lola ang nag-ligtas sa aking buhay at binihisan ako."
Napabuntong hininga naman ako. "Good." Mahinang sabi ko.
"Ganon ba kalakas ang nakalaban mong siyang may pakana ng lahat ng ito boss?" South said with a worried look on his face.
Tumango si boss. "He's a Don after all. Hindi ko nga lang alam kung sino siya sa mga Don dahil hindi siya nagpakilala sa akin. Ikinulong niya ang mga tao dito sa Palkia para walang makahadlang sa kaniyang balak na pagkuha sa compass piece na nasa kagubatan sa labas ng Palkia City."
I was shocked from what I have learned. "May compass piece dito boss?" Tanong ko pa na sinisigurado ang aking narinig.
"Oo. Kaya kailangan na ko nang magmadali. Tutal makakagamit na uli ako ng magic, pupuntahan ko at lalabanan ulit ang hayop na Don na 'yon! This time I will win!" Anunsyo ni boss sa amin.
"Kung ganon, sasama rin kami." Sabay naming sabi himala ni South.
"It's dangerous...you better stay here in Palkia and help out with destroying the robots." Pagtanggi ni boss sa aming alok.
"Pero boss. Hindi kami makakapayag na sumugod ka mag-isa! Isa tayong gang!" Madiin na sabi ko naman.
Bumuntonghininga si boss. "Sige. Alam kong sasama kayo kahit na bawalan ko kayo." Pinayagan din siya na sumama kami. "Here." May kinuha siya sa kaniyang bulsa at hinagis ito sa amin ni South na aming sinalo.
Isang kwintas na may pendant na hulma sa isang shield na kulay violet ang sinalo ni South habang ang aking sinalo na kwintas ay mayroong bola na pendant na sa loob ay mayroong isang piraso ng pakpak na kumikinang.
"Isuot niyo ang mga iyan. Makakatulong sa inyo ang mga Sacred Treasures na mga iyan sa ating pupuntahan na labanan. Ang ibinigay kong mga kwintas sa inyo ay ang mga Scared Treasures 'Blood Wings at Necklace Of Durance'. Ang Blood Wings na aking ibinigay sa iyo Senju ay isang espesyal na magic weapon dahil sa tulad mong Fire Magus lang ito gagana. Pinapalakas niyan ang apoy depende sa dami ng dugo na ipapatak sa bolang pendant nito na hihigupin ng pakpak na nasa loob nito. Ang Necklace Of Durance naman na aking ibinigay sa iyo South ay bibigyan ka ng mataas na level ng pisikal na depensa hanggat suot mo ito at hindi kapa nauubusan ng magic mula sa pakikipaglaban. Hindi ka basta-basta mahihiwaan ng mga patalim sa kahit anong bahagi ng iyong katawan. Tutulungan ka din ng Necklace Of Durance na protektahan mula sa mga mental attacks gaya ng mind manipulation, possession at maraming iba pa. Gayon paman, hindi ka parin dapat maging dependent sa kakayahan ng Necklace Of Durance. Mayroon paring mga nilalang sa mundong ito na malakas keysa sa inaasahan ang mga atake na kayang gawin sa iyo." Pinaliwanag sa amin ni boss ang mga kwintas na kaniyang ibinigay sa amin.
Itutuloy. ʕ º ᴥ ºʔ