Chereads / Grace and Aces (Filipino) / Chapter 33 - (War Game Battles Of Havoc Gangsters) Chapter 32 - Zayn And Rum Battles

Chapter 33 - (War Game Battles Of Havoc Gangsters) Chapter 32 - Zayn And Rum Battles

Zayn Erwan Point Of View

Naglalakad kami ni Rum para maghanap ng section na aming kakalabanin. Marami na kaming nakasagupa sa aming dinaanan ngunit hindi buong section ang mga ito. Kung hindi dalawa, limang grupo ng mga kalaban ang nakakaharap namin ni Rum. Dahil dito, sirang-sira ang timpla ng mood ni Rum Costco.

"Zayn, sa tingin mo, ilan na kaya ang naitumba ng mga kasama natin?"

"Sa gang?"

"Oo. Sino paba? Alangan naman yung mga toxic nating mga kaklase na sumunod sa ugok na Ruke na 'yon?" Inis na sabi niya.

"Kalma..." Sabi ko naman. Nagbitiw ako ng buntong hininga. "Malamang, marami na ang naitumba nila, lalo na sina Senju at South."

"Eh si boss? Ano sa tingin mo?"

"Hindi ko alam. Hindi kopa nakita na lumaban ang boss."

"Hayst busit. Bakit napaka-misteryoso ng boss ng gang na sinalihan ko?" Sinipa niya ang isang bato na nadaanan niya.

"Nagsisisi kaba na sumali ka?" Tanong ko. Tumaas ang kaniyang kaliwang kilay.

"Hindi. Shannon Petrini is such a perfect woman, ano sa tingin mo Zayn? Ano kaya kung ligawan ko siya?" I was shocked for a while because of what he said to me.

Kalaunan ay napatawa ako. "It's impossible."

"Hah? Zayn, are you mocking me? I'll kill you." Dumoble ang inis na nararamdaman niya dahil sa sinabi ko.

"I'm serious..." Pinakalma ko ang aking sarile. "Mukhang ako lang ang nakapansin sa ating Havoc Gangsters, pero may nagmamayari na ng puso ni Shannon Petrini, Zayn." Paliwanag ko.

Bigla naman siyang nagsalampak sa lupa. "Paliwanag mo pa ng mas maigi." Sabi niya sa akin sabay tingala ng may nakakatakot na tingin mula sa kaniyang mga mata.

Napatapik ako sa aking noo."Okay, fine you angry bastard. Whenever boss is looking at this certain person, her eyes are like sparkling light, the eyes of someone head over heels to the other. Mukha nga lang na hindi din mismo aware sa kaniyang nararamdaman si Shannon, pero hindi ako maaaring magkamali na malalim pa sa lalim ng dagat ang pagtingin na mayroon si Shannon sa taong iyon."

"Someone? Bakit hindi mo pangalanan?"

"Ayoko nga."

"Gago!!"

"Don't tell anyone else about this Rum. I still find it weird how dumb boss is when it comes to her affectionate feelings. That woman is always full of fighting and reading of books." Paalala ko.

Tumango-tango naman si Rum sa aking sinabi. "I see. Mukhang wala na nga akong katiting na pag-asa para sa boss. It's frustrating but I will let it be." Surprisingly he said such words calmly.

"Mabuti naman at naintindihan mo." Nakaluwag sa paghinga na sabi ko.

Tumayo si Rum sa kaniyang kinauupuan at nagsimula nang lumakad. Humabol din naman agad ako sa kaniya.

Sa haba ng paglalakad namin, nakarinig kami kalaunan ng malalakas na mga pagsabog. Tumakbo kami ng mabilis para marating ang kinaroroonan ng pagsabog.

Natanaw namin ng kagubatan na nasusunog na aming pinasok. Nakakita kami ni Rum ng mga bangkay na kalaunan ay naglaho, bumalik na ang mga ito sa tunay na mundo.

"Grandmaster students." Sabi ni Rum sa akin na nagawang alamin ang section na kinabibilangan ng mga studyante na aming nakita sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa mga ito. Marami rin palang kilala ang loko na ito sa Asteromagus Academy.

"Sino naman kaya ang nakaharap ng mga ito?" Takang tanong ko.

"Edi alamin natin, Zayn." Nasasabik na sabi ni Rum sa akin. Tumakbo siya papasok sa mas malawak pang bahagi ng kagubatan.

"Sandali lang, Zayn!!" Sigaw ko sa kaniya pero hindi ko na siya napigilan. Sumunod na lang rin ako sa kaniya.

Sa aking paghabol kay Zayn, nang akin siyang maabutan ay dalawang lalaki ang nakita naming nasa tuktok ng bundok ng mga bangkay na pinaslang ng mga ito.

Nakilala ko naman ang mukha ng dalawang lalaki na bumagsak sa lupa matapos maglaho ng mga bangkay, na bumalik sa tunay na mundo.

Sila ang number 7 at number 6 students ng Asteromagus Academy. Si Lyndon Panao at Weinvein Martija.

"Sa wakas, a real challenge will happened to me. What a lucky break to find strong opponents to face." Malapad ang ngite na sabi ni Rum. Sa tuwing lalaban na ang taong ito, nawawala ang kaniyang mainitin ang ulong paguugali. Ang warfreak!!

"Don't underestimate them you idiot. They're top students for nothing." Payo ko naman.

"Alam ko 'yun, tanga." Reaksyon niya sa sinabi ko.

"What the hell are these guys? wearing gangster uniform at an event like this?" Reaksyon sa amin ng number 7 student na si Lyndon Panao.

"I don't know what section you guys are, but you need to die since you both came here digging your grave." Sabi naman sa amin ni Weinvein saka ngumite ng nakaka-insulto.

"Hah?" Reaksyon agad naman ni Rum sa kaniyang narinig. "Hoy Zayn. Akin ang kalbong 'yan." Galit niyang sabi sa akin. Nawala na naman ang ngite niya.

Si Lyndon Panao ay mayroong maiksi na itim na buhok. Itim ang kulay ng mga mata. May hikaw sa taenga at labi. May taas siyang 6'3 feet at medyo payat ang pangangatawan. Si Weinvein naman ay kalbo. Kulay dilaw ang mata. Medyo chubby ang pangangatawan ngunit ang height ay kinulang. May taas siyang 5'3 feet.

"Owws? Sige nga tignan natin kung hanggang saan ang iyong maibubuga?" Nanghahamon na sabi naman agad ni Weinvein kay Rum.

Hindi na nakatiis si Rum kaya sumugod na siya kay Weinvein. Bago paman makalapit si Rum ay nagpakawala ng malakas na pwersa ng apoy si Weinvein na siyang direktang tumama kay Rum. Nabalibag si Rum papunta sa malayong distansya na siyang agad na sinundan ni Weinvein.

"Rum!!" Sigaw ko at akmang sasaklolohan si Rum ngunit humarang si Lyndon sa aking daan. Nasipa pa ako nito sa aking pisnge.

"Saan ka pupunta? Ako ang kalaban mo." Malapad ang ngite na sabi nito sa akin.

"Okay. You asked for it." Seryoso na sabi ko naman. Hinawakan ko ang aking pisnge na nasipa niya. "Rum is not the guy who will go down without a fight. You probably sat luxurious on your expensive chairs you fucking Noble, confident that your level of power is untouchable by other students in the academy. That's where you are wrong. There is a group of six idiots that have formed their gang, who are preparing for a much greater and real battle than this. So, give me your best shot, Asteromagus Academy number 7 student, Lyndon Panao!!" Sa sinabi ko ay nainis siya ng husto sa akin.

"You insolent bastard." Umatake siya sa akin nang walang alinlangan. "Sword Magic." Nag-activate siya ng kaniyang magic. Lumitaw ang isang espada sa kaniyang kamay na agad niyang Iwinasiwas ng walang patid sa kaniyang paglapit sa akin na layunin ay hiwain ako.

Nailagan ko naman siya ng walang kahirap-hirap at dumistansya sa kaniya. "Wood Magic, Dancing Log." Nag-activate ako ng aking magic at gumawa ako ng isang kahoy na sumasayaw. Ang kahoy ay kasing taas ko lang at mayroon itong dalawang sanga sa magkabila nitong gilid.

Sumugod muli si Lyndon sa akin, hinampas niya ang espada niya sa kahoy na nasa harapan ko. Ang mga sanga ng kahoy ay pinagalaw ko na parang isang kamay ng tao at sinalo ang espada, kalaunan ay sumugod ako kay Lyndon at sinipa siya sa pisnge bilang ganti sa ginawa niyang pag-sipa sa akin kanina.

Nabalibag si Lyndon at nabitawan ang kaniyang espada. Kinuha ko ang espada niya at binali.

"Stop using weak spell to me. Gusto mo talagang mamatay ng walang kalaban-laban? Live up with your title as the number 7 student, Lyndon Panao!!" Sigaw ko sa tumayo ng si Lyndon.

"You bastard." Reaksyon nito sa ginawa ko sa kaniya. "You asked for it!! Sword Magic, Summoned Hundred Blades!" Sa isang iglap lamang, napakaraming espada ang biglang lumitaw at lumutang sa ere.

"That's it, seryosohin mo agad ang laban!!" Natuwa na sabi ko naman.

Sa pagkumpas ni Lyndon sa kaniyang mga kamay ay sumugod ang mga espada sa kinaroroonan ko.

"Dead Forest!!" Gumawa agad ako ng maraming mga punong lanta na ang mga dahon bilang pansalag sa mga espada. Hindi lahat nasalag ng aking mga puno na ginawa, ang mga naka-lusot ay inilagan ko na lamang. "You think this is convenient for you bastard?" Nainis ako dahil sa tawa mula kay Lyndon Panao na aking narinig.

Tumalon ako sa tuktok ng isa sa mga puno na aking ginawa. Naubos na ang mga espada na sumugod sa aking kinaroroonan. Nakita ko si Lyndon na muling nagpalabas ng maraming mga espada. Ngunit pansin ko ang biglaang pagluhod niya sa lupa.

"Levitate, Log Catapult!!" Nagpalutang ako ng mga puno na aking ginawa at inunahan sa pag-atake si Lyndon. Binato ko sa kaniyang direksyon ang mga puno na aking pinalipad. Nagbaon pa ako ng isang puno na aking binitbit sa aking pagsugod kay Lyndon na naging abala sa pag-ilag sa mga puno na aking ibinato sa kaniya. "Heto pang isa!!" Sigaw ko nang tuluyan akong nakalapit sa kaniya at hinampas ang bitbit kong puno. Nasangga man niya ito gamit ang espada na hawak, hindi niya nakayanan ang bigat ng aking puno na hinampas.

*****

Third Person Point Of View

Samantala, sa dako naman ng naglaban na sina Rum at Weinvein Martija...

"Ang sakit ng apoy na ibinuga mo sa aking hayop ka!!" Reklamo na pasigaw ni Rum at saka ito tumayo matapos siyang direktang matamaan ng apoy.

Sa kaniyang pagtayo ay malapit na sa kaniyang kinaroroonan ang sumugod sa kaniya na si Weinvein. Nabalot ng apoy ang kamao nito. Malapad din ang ngite nito na sumuntok nang nakalapit na ito ng tuluyan kay Rum. "Hanggang salita ka lang ba?" Tanong ni Weinvein kay Rum at sinapak ito sa ulo.

Napa-yuko si Rum sa ginawa ni Weinvein na pagsuntok sa kaniya pero hindi nawala ang balanse nito. Akma siyang susuntukin uli ni Weinvein subalit sa pagkakataon na ito ay gumanti ng suntok si Rum.

Binalutan niya ng kulay violet na medyo transparent na enerhiya ang kaniyang kamao. Inunahan niya sa pagsuntok si Weinvein na nasapol niya sa mukha.

Nasaktan si Weinvein sa kaniyang natanggap na suntok kaya naman napa-atras ito. Dumugo ang ilong, bibig at noo ni Weinvein habang ang kalahati naman ng mukha ni Rum ay napuno ng dugo nito dahil sa suntok. Hindi lang sa ulo may sugat si Rum. Nasugatan din siya sa pinsala na natamo nito sa apoy na direktang tumama sa kaniya kanina. Sugatan ang kaniyang buong katawan.

"Gago ka!!" Inis na sabi ni Weinvein na iniinda ang sakit na nakuha mula sa mabigat na kamao ni Rum. "What the hell is that magic?" Tanong niya kay Rum na seryoso ang mukhang nakatingin sa kaniya.

"Power Shockwave Punch..." Tugon ni Rum na napahawak sa ibabaw ng kaniyang ulo at iniling-iling din ang ito dahil sa pagkahilo na naramdaman. Napa-atras si Rum, kalaunan ay napa-upo sa lupa. "Malakas ka talaga... mayabang nga lang." Sabi ni Rum may Weinvein.

"Hindi ako tatawagin na Number 6 Student ng Asteromagus Academy kung mahina lang ako..." Sabi naman ni Weinvein na pinaninindigan ang kaniyang posisyon sa kanilang academy.

"Hindi na magtatagal, magiging kawawa ang Top 10 Students ng Asteromagus Academy." Sa sinabi na ito ni Rum ay muli itong tumayo. At sa pagkakataon na ito ay binalutan na niya ng mas malaking kulay violet na medyo transparent na enerhiya ang kaniyang dalawang kamao. "Siyempre, kabilang ka sa kanila, ngayon kita kakawawain!!" Anunsyo ni Rum kay Weinvein na napakagat sa ibabang labi nito sa inis.

"Ang lakas ng loob mong sabihin ang mga salitang iyan sa isang Royalty na katulad ko." Binalutan ni Weinvein ng apoy ang kaniyang buong katawan. "Para sabihin ko sayo, ako ang pangawalang pinaka-malakas na Fire Magus ng Asteromagus Academy!!"

"Idiot... I'm also a Royalty!!" Sumugod si Rum kay Weinvein.

Isang malakas na hook punch gamit ang kaniyang kanang kamay ang ginawa ni Rum sa kaniyang paglapit kay Weinvein. Dahil sa bilis ng pagkilos ni Rum ay nahuli ang reaksyon time ni Weinvein kaya nasapak siya ulit, sa kaniyang pisnge.

Hindi nagpadaig si Weinvein sa lakas ng pwersa ng suntok ni Rum sa kaniya at kinayanan ito, kaya naman hindi ito tumilapon palayo bagkos ay napahakbang lamang ng isang hakbang patalikod. "Propeller Flame!!" Nagpakawala si Weinvein ng apoy na nahulma sa isang elisi at umiikot na sumugod kay Rum. Natamaan si Rum nito at maging siya ay nagpaikot-ikot na nabalibag.

Mas matinding sunog pa ang natamo ni Rum sa kaniyang katawan. Napasuka na din ng dugo si Rum dahil sa pinsala niyang natamo, namuti na din ang mga mata nito. Bumangga sa isang tipak ng bato si Rum, sa pagbangga ni Rum, dito ay sumabog ang apoy na elisi at mas lalong nakapinsala kay Rum Costco.

"Masyado kang mahina para sa dilang matabil na mayroon ka!!" Sigaw naman agad ni Weinvein na namaga ng husto ang pisnge na nasapak.

Dumagan kay Rum ang ilang piraso ng tipak ng bato na naghiwalay. Natanggal din ang mga ito sa pagtayo ni Rum na purong puti na lamang ang mga mata.

"Tsk! Tough bastard!!" Nagrecharge ulit ng apoy sa kaniyang kamay si Weinvein. "Fire Cannon!!" Nagpakawala siya ng malakas na ray ng apoy na sumugod sa kinaroroonan ni Rum.

Sa paglapit ng pwersa ng apoy kay Rum, bumalik sa dati ang kulay ng mata nito. Ang kaniyang muntikan ng mawala na kamalayan ay kaniyang naibalik. "I-I don't do announcements I can't accomplished!!" Binalutan muli ni Rum ang kaniyang kamao ng kulay violet na medyo transparent na enerhiya at sinuntok ang apoy na tumama sa kaniya.

Nadala siya ng pwersa ng apoy, sumayad pa at gumuhit sa lupa ang dalawang paa ni Rum. Kahit na dinig na dinig na ni Rum ang kaniyang buto sa kamao na pinangsuntok na tumutunog at nababali sa sakit ay hindi siya sumuko. Nagawa niyang suntukin paitaas ang apoy at doon ito sumabog.

"Ahhh!!" Sumigaw si Rum matapos ang kaniyang ginawa at kumaripas ng takbo pasugod kay Weinvein.

"K-Kainis!!" Gumawa ng mga fire balls si Weinvein at ibinato ang mga ito kay Rum.

Hindi ininda ni Rum ang mga bola ng apoy na tumama sa kaniya. Hanggang sa nakalapit siya kay Weinvein at malakas itong sinuntok sa sikmura, habang aktibo parin sa kamao nito ang kaniyang 'Power Shockwave Punch Magic'.

Tuluyan na nabali ang kamay ni Rum sa kaniyang ginawa. Tumilapon sa malayong distansya ang napasuka ng dugo sa paglipad na si Weinvein. Nang masigurado nitong natalo si Weinvein, tuluyan ng nawalan ng malay si Rum dahil sa dami ng pinsala na natamo. Kalaunan ay namatay si Rum at bumalik sa tunay na mundo.

Sa dalawang laban na naganap, parehong nanaig sina Zayn Erwan at Rum Costco. Sa ginawa na ito ng dalawa, talo na sa War Game ang Mythical Glory Class Section 2 at 3 na kinabibilangan nina Weinvein at Lyndon. Nauna na kasing pinaslang ng Mythical Glory Class Section 1 ang kanilang mga kaklase kaya nag-kasundo ang mga itong magsanib pwersa para pataubin isa-isa ang top 5 students, subalit nabigo sila sa plano nila dahil kina Zayn at Rum.

Itutuloy.